Lunes, Hulyo 14, 2014

Elohiym (God, gods, god)



Katotohanan na noon pa mang una, hanggang sa panahon nating ito ay lubhang marami ang may malaking kakulangan ng kaalaman hinggil sa orihinal na salita ng teksto (Tanakh). Mula sa kadahilanang iyan ay hindi sinasadyang silay makalikha ng mga hidwang katuruang pangrelihiyon. Ang mga iyon sa makatuwid ay malabis ang paghihimagsik sa katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga nabanggit na kasulatan (Tanakh). Mayroon din namang ilan, na kahi man nalalaman ang matuwid hinggil sa usaping may kinalaman sa nabanggit na balumbon ng mga banal na kasulatan, sila'y nagpatuloy pa rin sa pagpapairal ng mga likha nilang pilipit na katuruang pangrelihiyon.

Halimbawa niyan ay ang tungkol sa aral ng Trinidad, na ang salitang Hebreo na tumutukoy sa אלהים ('ĕlôhîym) di umano ang isa sa pinakamatibay na katunayang biblikal, na nagpapatoo sa maraming persona ng Dios. Iyan nga ang itinuturing ng marami na kongkreto nilang patotoo, na nagbibigay diin sa tatlong (3) persona, na ayon sa kanila ay kalagayang nilalapatan ng Dios.

Giit ng ilan, ang salitang אֱלוֹהַּ ('ĕlôahh) ay ang anyong pang-isahan (singular form) ng Dios, at kung may gayon Siyang anyo ay matuwid lamang na wikaing mayroon ding anyong pangmaramihan (plural form) ang Dios. Iyan ay wala ngang iba, kundi ang salitang אלהים ('ĕlôhîym). Sa kanila ay naging sapat na nga ang katibayang iyan, upang mapatunayan mula sa salita mismo ng Dios, na ang Kaniyang persona ay higit sa bilang na isa.

Gayon ma’y hindi nagpabaya ang mga tunay na tagapagtaguyod at tagapagtanggol nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh). Sapagka’t sa aritkulong ito ay gaya ng kadiliman na sinikatan ng liwanag ng araw ang usaping ganap na may kanalaman sa salitang  אלהים ('ĕlôhîym). Ang gabi sa makatuwid ay hinalinhan ng araw, upang ang ultimo kailiit-liitan bahagi ng mga bagay at kasuluksulukan ng mga dako ay hindi makubli sa paningin at pang-unawa ng mga kinauukulan.

Hinggil sa napakahalagang usapin na may ganap na kinalaman sa salitang iyan ay gaya nga ng mga sumusunod na paliwanag.

God

H430
אלהים
'ĕlôhîym
el-o-heem'
Plural of H433 ['ĕlôahh]; gods in the ordinary sense; but specifically used (in the plural thus, especially with the article) of the supreme God; occasionally applied by way of deference to magistrates; and sometimes as a superlative: - angels, X exceeding, God (gods) (-dess, -ly), X (very) great, judges, X mighty.
(Pangmaramihan ng H433 ['ĕlôahh]; mga dios sa karaniwang kamalayan; nguni’t tiyakang ginagamit (sa pangmaramihan kaya, lalo na sa panukoy) sa kataastaasang Dios. Paminsanminsan ay binibigkas bilang paggalang sa mga hukom. Minsan din naman ay bilang panukdulan: -)

Gayon ngang sa Bibliyang salin sa Ingles batay sa mga balumbon ng Tanakh ay God430 ang maliwanag na mababasa, gayon may אלהים ('ĕlôhîym) ang orihinal na nasusulat sa teksto (Tanakh). Ito ay isinalin bilang God430 (Pang-isahan [singular], na palagian na nasa upper case “G”) 2,346 times sa KJV, at gods (pangmaramihan [plural] na nasa lower case “g”) 240 times, goddess 2 times, judges 5 times, great 2 times, mighty 2 times. http://home.pacific.net.au/~amaxwell1/moses/hm094.htm


MGA HALIMBAWA NG PANG-ISAHAN NA GAMIT (SINGULAR USE)
(Mababasa sa upper case “G”)

Tungkol sa Dios

Deu 6:4  Hear,8085 O Israel:3478 The LORD3068 our God430 is one259 LORD:3068
(Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:)

Ang ibig sabihin – The LORD (YHVH) is ONE (echad). Our God (elohiym) is ONE (echad) LORD (YHVH). Si YHVH ay iisa lamang, ang ating Dios (elohiym) ay ang nag-iisang si YHVH.

[Paalala – ang echad ay salitang Hebreo para sa bilang na ISA. Ang eksaktong pakahulugan nito ay ISA. Iyan ang tanging kadahilanan kung bakit hinding hindi maaaring maging kahulugan nito na ang Dios ay 1+1+1=1]


Isa 45:21  ... and there is no369 God430 else5750 beside4480, 1107 me; a just6662 God410 and a Savior;3467 there is none369 beside2108 me.
(...at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.)

Gaya ng nasusulat sa itaas (Isa 45:21), ang katawagang elohiym ay nakasalin sa salitang “God”  (upper case “G”). Sa talata, kung uunawaing mabuti ang nilalaman ay ipinakikita ng napakaliwanag, na ang tinutukoy na God (elohiym) ay nagpapahayag ng ganap na kaisahan.  Nangangahulugan, na kung ang salitang iyan ay ipatutungkol kayYHVH na ating Dios (God), ang anyong pangmaramihan (plural form) ng salitang elohiym ay nagiging isang ganap na anyong pang-isahan (singular form).  Yan ay gramatikong alituntunin na kung tawagin ay “plural intensive.”

Tungkol sa tao

Mababasa sa Exo 4:16 at 7:1, na gaya ng Dios ay ipararating ni Moses ang kaniyang salita sa Faraon sa pamamagitan ng kahusayan ni Aaron sa pagsasalita. Naibulalas ni YHVH, na si Moises ay ginawa niyang dios sa paningin ng Faraon.

Exo 4:16  And he1931 shall be thy spokesman1696 unto413 the people:5971 and he shall be,1961 even he1931 shall be1961 to thee instead of a mouth,6310 and thou859 shalt be1961 to him instead of God.430 (elohiym)
(At siya ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan: at mangyayari na siya'y magiging sa iyo'y bibig, at ikaw ay magiging sa kaniya'y parang Dios [elohiym])

Exo 7:1  And the LORD3068 said559 unto413 Moses,4872 See,7200 I have made5414 thee a god430 to Pharaoh:6547 and Aaron175 thy brother251 shall be1961 thy prophet.5030
(At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios [elohiym] kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.)

Tungkol sa mga idolo – dios, diosa

Ang 1Kings 11:33 na mababasa sa ibaba ay tumutukoy kay Ashtoreth na diosa (אלהים elohiym-singular) ng mga taga Sidonio, kay Chemos na dios (אלהים elohiym-singular) ng Moab, at si Milcom na dios (אלהים elohiym-singular) ng mga anak ni Ammon.

1Ki 11 :
33  Because3282 that834 they have forsaken5800 me, and have worshiped7812 Ashtoreth6253 the goddess430 of the Zidonians,6721 Chemosh3645 the god430 of the Moabites,4124 and Milcom4445 the god430 of the children1121 of Ammon,5983 and have not3808 walked1980 in my ways,1870 to do6213 that which is right3477 in mine eyes,5869 and to keep my statutes2708 and my judgments,4941 as did David1732 his father.1
(Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at sinamba si Astaroth na diosa ng mga Sidonio, si Chemos na dios ng Moab, at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon; at sila'y hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin, at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.)

Ayon sa Shema Chapter 37, ang Elohiym ay maaaring maging singular o plural. Sa Old Testament ng Bibliyang Hebreo, iyan ay palagiang ginagamit sa singular verbs at/o kaya ay sa pronouns. Tinatawag iyan ng mga Scholars na “plural intensive.”  Nguni’t huwag kayong palinlang sa salitang nabanggit. Ang plural intensive ay hindi kailan man naging plural. Sa gramar ng Hebreo, isa yan sa mga “scholar’s big words” na ginagawa ang mga bagay na tila tunog komplikado, pero hindi naman. Sa simpleng Layman’s language, sinasabi na ang אלהים Elohiym ay mukhang plural, gayon ma’y ginagamit sa paraang sa aktuwalidad ay pang-isahang (singular) kahulugan.
Nguni’t ang אלהים Elohiym, minsan ay ginagamit din sa plural verbs at pronous. Sa ganyang kaso, karaniwan itong nangangahulugang plural, at ang konteksto ay napakaliwanag na tumutukoy sa bagay na IBA sa totoong Dios. (Deut 6:4-5).

(Gayon pa man ay dapat din nating tandaan na may mga ilang dako na kung saan ang pinakamalapit na konteksto ay nagsasabi, na kahi man plural verbs at pronouns, ang aktuwalidad ng Elohim ay ganap na tumudukoy sa KAISAISANG Dios ni Moses. Hindi dapat nating payagan ang ilang kaso na ilihis ang ating pansin mula sa karamihan ng iba pang gamit ng Elohiym, kung saan ito ay isahan (singular) sa kahulugan. Mula sa ilang kaganapang nabanggit ay pinapayagan ng mga tagapagsalin na ma-control ang konteksto – HINDI ang plural verbs at pronouns. Yan ay kinikilala bilang di-pangkaraniwang kaso ng “Plural Intensive”, at sa gayo’y isinasalin bilang pang-isahan (singular).

Ayon pa, kahi man walang direktang katumbas ng “plural intensive” sa Ingles, maaari nating gamitin ang “sheep” na singular at “sheep” na  plural, para ipakita ang mahalagang punto diyan sa mga salitang Ingles na maaaring magkatulad na spelling, nguni’t maaaring kahulugang singular o plural. Iyan ay hindi natin malalaman hanggang hindi binabasa ang verb/or pronoun na umaagapay sa salita. Pagkatapos ay maaari nating sabihin sa isang sulyap.

Kung sasabihin natin, “the sheep IS in the field”, ang SINGULAR verb ay nagsasabi sa atin na mayroon lamang ISA.
Nguni’t kung ating sasabihin, “the sheep ARE in the field”, ang PLURAL verb ay nagsasabi sa atin na HIGIT pa sa isa.
http://home.pacific.net.au/~amaxwell1/moses/hm094.htm


HALIMBAWA NG PANGMARAMIHANG GAMIT (PLURAL USE
(Mababasa sa lower case “g”)

Tungkol sa mga tao –

Sa Psalm 82:6 ay mababasa ang salitang gods;430, na sa teksto (Tanakh) ay אלהים elohiym ang orihinal na nasusulat. Ipinakikita diyan na sa mga tao ay lumalapat ang אלהים elohiym sa anyong pangmaramihan (plural form).  

Psa 82 :
6  I589 have said,559 Ye are gods;430 and all3605 of you859 are children1121 of the most High.5945
(Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.)

Psa 135 :
5  For3588 I589 know3045 that3588 the LORD3068 is great,1419 and that our Lord113 is above all4480, 3605 gods.430
(Sapagka't nalalaman ko na ang Panginoon ay dakila, at ang ating Panginoon ay higit sa lahat na mga dios.)

Tungkol sa mga Anghel

Mula sa Psalm 8:5 – sa anyong pangmaramihan (plural form) ay tinatawag ng saling Griego ang elohiym H430 na “angel.” Gayon man ay sa anyong pang-isahan (plural intensive form) iyan binigyang kahulugan ng mga Hebreo, sa panawag na “God." Dahil diyan ay “angel.” ang salin ng mga bumatay sa Greek translation ng Tanakh na Septuagint (LXX). Samantalang “God" ang salin ng mga bumatay ng direkta sa mga balumbon ng orihinal na kasulatan na kung tawagin ay Tanakh

Psa 8 :
5  For thou hast made him a little lower2637, 4592 than the angels,4480, 430 and hast crowned5849 him with glory3519 and honor.1926
(Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa mga anghel, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.)

Note: Ang panawag na "angels" sa Psa 8:5 ay mula sa saling Griego, Nguni't higit na katiwatiwala at makatotohanan ang orihinal na kahulugan nito sa Hebreo na, "God." Iyan ang natatanging dahilan, kung bakit sa maraming salin ng Tanakh (OT) sa partikular na talatang ito ay may gumagamit ng "angel" at may gumagamit ng "God." Ayon sa napakaliwanag na konteksto ng Psa 8:5, ang panawag na, אלהים ('ĕlôhîym) ay ganap ng lumalapat sa "God (singular form [plural intense])." 

Tungkol sa mga hukom na tao

Sa Exo 22:8,9 – Ang mga hukom sa anyong pangmaramihan (plural form) ay tinatawag na elohiym. Sila ay tumutukoy sa mga itinalaga bilang mga kinatawan ng Dios upang pangasiwaan ang matuwid na kahatulan sa pagpapairal ng Kaniyang mga batas.

Exo 22 :
8  If518 the thief1590 be not3808 found,4672 then the master1167 of the house1004 shall be brought7126 unto413 the judges,430 to see whether518, 3808 he have put7971 his hand3027 unto his neighbor's7453 goods.4399
(Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa mga hukom, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa.)

Exo 22 :
9  For5921 all3605 manner1697 of trespass,6588 whether it be for5921 ox,7794 for5921 ass,2543 for5921 sheep,7716 for5921 raiment,8008 or for5921 any manner3605 of lost thing,9 which834 another challengeth559 to be his,3588, 1931, 2088 the cause1697 of both parties8147 shall come935 before5704 the judges;430 and whom834 the judges430 shall condemn,7561 he shall pay7999 double8147 unto his neighbor.7453
(Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng mga hukom ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng mga hukom ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.)

Tungkol sa mga idolo

Narito, at sa Exo 34:15, Deut 12:30; 1King 11:2 – ay ipinakikita ng napakaliwanag na ang mga idolo ng mga diosdiosan, sa pangmaramihang anyo (plural form) ay inilalapat din ng kasulatan (Tanakh) sa tawag na elohiym.

Exo 34:15  Lest6435 thou make3772 a covenant1285 with the inhabitants3427 of the land,776 and they go a whoring2181 after310 their gods,430 and do sacrifice2076 unto their gods,430 and one call7121 thee, and thou eat398 of his sacrifice;4480, 2077
(Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain;)

Exo 34:16  And thou take3947 of their daughters4480, 1323 unto thy sons,1121 and their daughters1323 go a whoring2181 after310 their gods,430 and make (853) thy sons1121 go a whoring2181 after310 their gods.430
(At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios.)


Deu 12:30  Take heed8104 to thyself that6435 thou be not snared5367 by following310 them, after that310 they be destroyed8045 from before4480, 6440 thee; and that6435 thou inquire1875 not after their gods,430 saying,559 How349 did these428 nations1471 serve5647 (853) their gods?430 even so3651 will I589 do6213 likewise.1571
(Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y malipol sa harap mo; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios, na magsabi, Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios? na gayon din ang gagawin ko.)

1Ki 11:2  Of4480 the nations1471 concerning which834 the LORD3068 said559 unto413 the children1121 of Israel,3478 Ye shall not3808 go in935 to them, neither3808 shall they1992 come in935 unto you: for surely403 they will turn away5186 (853) your heart3824 after310 their gods:430 Solomon8010 cleaved1692 unto these in love.157
(Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel: Kayo'y huwag makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo: sapagka't walang pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios: nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta.)

Sa pagtatapos ng akdang ito ay napatunayang pinal ang saligan ng katotohanan na nagsasabing ang salitang אלהים ('ĕlôhîym) ay tumukoy sa anyong pang-isahan (singular form), kung iyan ay gagamitin at ipatutungkol sa kaisaisang Dios na ang ngalan ay  יהוה (Yehôvâh). Maaari lamang itong tumukoy sa anyong pangmaramihan (plural form), kung ang ganap na pinatutungkulan ay mga tao (hukom), mga anghel, at mga idolo (diosdiosan).

Hanggang sa muli, paalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento