Huwebes, Pebrero 27, 2014

KAILAN PA NABAGO ANG MGA KAUTUSAN?

Torah (Five books of Moses)
Sa Tanakh na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ay mababasa ang mga kautusan ni Moises, na sa kapanahunan niyang iyon at hanggang sa kasalukuyang panahon ay masigla at may galak sa puso na tinatalima, itinataguyod, tinatangkilik, at ipinagtatanggol ng mga tunay na banal. Iyan ay dahil sa napakaliwanag na katotohanang naglalahad ng mga pangako ng Dios, na sa katuparan ay maluwalhating nakapaghatid ng hindi kakaunting kaluluwa sa buhay na walang hanggan.

Scrolls of Tanakh
Ang salitang TaNaKh ay isang acronym, na kumakatawan sa tatlong unang letrang katinig (consonant) nito – na tumutukoy sa  Torah (Kautusan, na kilala din bilang limang [5] aklat ni Moses), Nevi’im (Mga Propeta), at Ketuvin (Kasulatan). Ang mga iyan ay ang tatlong dibisyon ng Masoretic text, at iyan ay kilala din sa katawagang Miqra.Tanakh, o Miqra ang siyang canon ng bibliyang Hebreo. 

Sa King James na bersiyon ng Tanakh – ang Torah ay isinalin sa tawag na “kautusan (instructions/law),” samantalang ang Nevi’im ay mababasa sa salin na “Propeta (Prophet),” at ang Ketuvin ay tumutukoy ng ganap sa “Kasulatan (scripture).”

Ang tinutukoy sa itaas ay ang pamagat ng mga aklat ng Tanakh na mababasa sa ibaba,

     TANAKH                                                   BOOKS
Torah (Kautusan)          -    Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy.

Nevi’im (Propeta)         -     Major: Isiah, Jeremiah, Ezekeil.
Minor: Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah,   Nahum, Habakuk, Zephaniah, Haggai, Zachariah, Malachi
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Ketuvim(Kasulatan)      -   Wisdom : Psalm, Proverbs, Job.
Scrolls : Song of Songs, Ruth, Lamentations, Ecclesiastes, Esther 
Histories: Daniel, Ezra, Nehemiah, Chronicles.

Sa mga bumalangkas at nagsigawa nitong tinatawag na Bagong Tipan (New Testament) ay naging isang kalihiman ang tungkol sa usaping ito, na may kinalaman sa Torah, Nevi’im at Ketuvim. Sapagka’t iyan ay isinalin nila sa katawagang Kautusan, Propeta, at Kasulatan. Dahil diyan ay hindi naging malinaw sa bumabasa ng nabanggit na aklat ang mga mahahalagang usapin na may ganap na kilaman sa mga iyon.

Ano pa’t sa mga mangangaral ng larangang tumutukoy sa kabanalan ay naging isang kaugalian na sabihing,

“Niwalang kabuluhan na ng bagong tipan ng bibliya ang kaagapay nitong kasulatan, na kung tawagin ay Lumang tipan.

Kung liliwanagin ay isinara na ang luma, upang ito’y huwag ng pag-ukulan pa ng anomang pansin. At dahil diyan ay binuksan ang bago, upang pagsimulan ng iba at panibagong pag-asa sa kaligtasaan ng kaluluwa. Sa pamamagitan nga niyan ayon pa ay nagsisilapit ang mga tao sa Dios.

Kung katotohanan ang nabanggit na pahayag ay tunay ngang hindi nararapat paniwalaan at sundin ang mga kautusan(Torah) ni Moses. Datapuwa’t kung ito naman ay inaari ng katotohanan na sinasang-ayunan ng Dios ay nararapat ngang ito'y pag-ukulan ng ganap na pansin at pagtalima. 

Scroll of Torah
Sukat na ang mga panimulang salitang iyan, at alamin nga natin, kung sila baga’y nagsasabi ng katotohanan, o nagsisipagsaad ng mga pilipit na aral pangkabanalan lamang.  

Una nga nating bigyang pansin ang sinasabing "kautusan ni Moses." Iyan, ayon sa mga sina-una at kasalukuyan na walang unawang mangangaral, ay mga literal lamang na kautusan na nagmula sa sariling bibig ni Moses. Sa madaling salita, iyan ay itinuturing nila na utos lamang ng tao.

"Torah ni Moses" kung gayon ang ibig sabihin nito. Mga kautusan ni Moses, na binubuo ng limang  (5) aklat, na kung iisa-isahing banggitin ay gaya ng mga sumusunod.

1.     Genesis
2.     Exodo
3.     Levitico
4.     Mga Bilang
5.     Deuteronomio

Sa ikalilinaw ng usaping may kinalaman dito ay madiing sinabi ng Dios.

Gaya ng nasusulat,

1HARI 2 :
3  At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan, ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga patotoo, ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises. upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit:
(1Ki 2:3  And keep8104 (853) the charge4931 of the LORD3068 thy God,430 to walk1980 in his ways,1870 to keep8104 his statutes,2708 and his commandments,4687 and his judgments,4941 and his testimonies,5715 as it is written3789 in (853) the law8451 of Moses,4872 that4616 thou mayest prosper7919 in all3605 that834 thou doest,6213 and whithersoever3605, 834, 8033 thou turnest6437 thyself:)

At sinabi pa,

MAL 4 :
4  Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.
(Mal 4:4  Remember2142 ye the law8451 of Moses4872 my servant,5650 which834 I commanded unto6680 him in Horeb2722 for5921 all3605 Israel,3478 with the statutes2706 and judgments.4941)

Sa dalawang talata mula sa aklat ng unang Hari, at kay propeta Malakias ay madiing pinatototohanan, na ang kautusan ng lingkod ng Dios na si Moses ay naglalaman ng mga palatuntunan, mga utos, mga kahatulan, at mga patotoo, na kung saan ay ibinigay ng Dios sa kaniya mula sa Horeb para sa mga anak ng pagsunod (Israel) sa buong kalupaan.

Diyan nga ay napakaliwanag na ang Torah ni Moses, o kautusan ni Moses ay hindi sarili niyang utos lamang, kundi mga palatuntunan, mga utos, mga kahatulan, at mga patotoo ng Dios, na siyang Ama nating nasa langit. Gayon nga rin, na kapag sinabing kautusan o Torah ni Moses ay hindi lamang, o partikular na tumutukoy sa sampung (10) kautusan, kundi sa buong limang (5) aklat ni Moses na nabanggit sa itaas.

Sa natatanging kapanahunan nitong si Jesus ay may isang nagtanong sa kaniya, na ang sinasabi ay gaya nito,

Mateo 22 :
36  Guro, ALIN BAGA ANG DAKILANG UTOS SA KAUTUSAN?
(Mat 22:36  Master,1320 which4169 is the great3173 commandment1785 in1722 the3588 law?3551)

Sa talata ngang iyan sa itaas ay may isang nagtanong kay Jesus, tungkol sa dakilang utos na mababasa sa limang (5) aklat ni Moses (Torah). Sa gayo’y sumagot siya na gaya ng mababasa sa ibaba, na sinasabi,

Mateo 22:
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BUONG PUSO MO, AT NG BUONG KALULUWA MO, AT NG BUONG PAGIISIP MO.
(Mat 22:37  (1161) Jesus2424 said2036 unto him,846 Thou shalt love25 the Lord2962 thy4675 God2316 with1722 all3650 thy4675 heart,2588 and2532 with1722 all3650 thy4675 soul,5590 and2532 with1722 all3650 thy4675 mind.1271)

Mateo 22 :
38  Ito ang dakila at pangunang utos.
(Mat 22:38  This3778 is2076 the first4413 and2532 great3173 commandment.1785)

Ang unang utos ay nasa aklat ng Deuteronomio (5th book of Moses), na kung saan ay masiglang binibigkas ang gaya ng mababasa sa ibaba.

DEU 6 :
5  At IYONG IIBIGIN ANG PANGINOON MONG DIOS NG IYONG BUONG PUSO, AT NG IYONG BUONG KALULUWA, AT NG IYONG BUONG LAKAS.
(Deu 6:5  And thou shalt love157 (853) the LORD3068 thy God430 with all3605 thine heart,3824 and with all3605 thy soul,5315 and with all3605 thy might.3966 )

Diyan nga ay napakaliwanag na ang unang utos ay mababasa sa aklat ng Deuteronomio (Deut 6:5), na siyang pang limang (5th) aklat ni Moses. Ito'y tinukoy ni Jesus na, “dakila at unang utos.” Kasunod niyan ay inilahad niya ang dakila at pangalawang utos, na sinasabi,

Mateo 22 :
39  At ang pangalawang katulad ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI.
(Mat 22:39  And1161 the second1208 is like unto3664 it,846 Thou shalt love25 thy4675 neighbor4139 as5613 thyself.4572)

Ang pangalawa (2nd) ngang utos ay kinuha ni Jesus sa aklat ng Levitico (3rd book of Moses sa Lev 19:18) na ang madiing sinasabi ay ito,

LEV 19 :
18  Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi IIBIGIN NINYO ANG INYONG KAPUWA NA GAYA NG SA INYONG SARILI: ako ang Panginoon.
(Lev 19:18  Thou shalt not3808 avenge,5358 nor3808 bear any grudge5201 against (853) the children1121 of thy people,5971 but thou shalt love157 thy neighbor7453 as thyself:3644 I589 am the LORD.3068)

Mateo 22 :
40  Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
(Mat 22:40  On1722 these5025 two1417 commandments1785 hang2910 all3650 the3588 law3551 and2532 the3588 prophets.4396)

Sa kahayagan ng mga katiwatiwalang patotoong biblikal sa itaas ay gaya nga lamang ng isang napakaliwanag na tanawin. Ang tinutukoy na kautusan sa Mateo 22:36 ay hindi partikular na tumutukoy sa sampung (10) utos ng Dios, kundi iyon ay ganap at direktang tumutuon sa limang (5) aklat ni Moses.

Ang dalawang nabanggit na dakilang utos ay tunay ngang kinauuwian ng buong kautusan (Torah) at ng mga propeta (Nevi’im). Maliwanag kung gayon, na ang dalawang utos na iyan ay sumasakop ng ganap sa buong Torah (5books of Moses) at sa buong Nevi’im (lahat ng mga propeta).

Kaugnay niyan ay isang maling pahayag na sabihing,

“Binago na ni Jesus ang sampung (10) utos ng Dios, at ang mga iyon ay ginawa na lamang niyang dalawa.”

Ang katotohanan diyan ay sinagot lamang niya ang tanong, na kung,

“Ano ba ang mga dakilang utos na mababasa mula sa limang (5) aklat ni Moses.”

Kaya naman, batay sa Torah (limang [5] aklatni Moses) ay inilahad lamang ni Jesus ang matuwid niyang sagot mula sa taong nagtanong na mababasa sa Mat 22:36. Katuwirang sumasa Dios kung gayon, na sabihing walang binagong anuman si Jesus sa Torah ni Moses. Saan man at kailan man sa makatuwid ay hindi nabago ang sampung (10) utos na tinanggap niya sa taluktok ng bundok Sinai. Katotohanang ito ay nananatili hanggang sa ngayon, at patuloy na iiral sa mga hinaharap na kapanahunan.

Sa pagpapatuloy ay tinanong naman ni Jesus ang mga tao sa kaniyang paligid, na sinasabi,

Juan 7 :
19  Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayon ma'y wala sa inyong gumaganap ng kautusan? Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin?
(Joh 7:19  Did not3756 Moses3475 give1325 you5213 the3588 law,3551 and2532 yet none3762 of1537 you5216 keepeth4160 the3588 law?3551 Why5101 go ye about2212 to kill615 me?3165)

Wika niya ay ibinigay nga ni Moses sa kanila ang lima [5] niyang aklat (Torah), gayon man ay wala sa kanila na gumanap sa banal na katuruan na nilalaman ng mga nabanggit na aklat (Torah).

Sa isang banda ay nasumpungan ni Felipe si Nataniel, at sa kaniya ay sinabi,

Juan 1 :
45  Nasumpungan ni Felipe si Natanael, at sinabi sa kaniya, Nasumpungan namin yaong isinulat ni Moses sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na taga Nazaret, ang anak ni Jose.
(Joh 1:45  Philip5376 findeth2147 Nathanael,3482 and2532 saith3004 unto him,846 We have found2147 him, of whom3739 Moses3475 in1722 the3588 law,3551 and2532 the3588 prophets,4396 did write,1125 Jesus2424 of575 Nazareth,3478 the3588 son5207 of Joseph.2501)

Diyan ay sinabi ni Felipe kay Nataniel, na nasumpungan niya at ng kaniyang mga kasama ang taong isinulat ni Moses sa lima (5) niyang aklat (Torah) at sa mga aklat ng mga propeta (Nevi’im). Siya aniya ay ang taong si Jesus na naninirahan sa Nazaret, ang lalaking anak ni Jose (Juan 5:46).

Madiin nga ding sinasabi ng Mateo 11:13 na ang mga propeta ng Nevi’im at mula sa limang (5)aklat ni Moses (Torah) ay nagsipanghula hanggang sa kapanahunan nitong si Juan Bautista. Na sinasabi,

Nevi'im (Books of Prophets)
Mateo 11 :
13  Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula.
(Mat 11:13  For1063 all3956 the3588 prophets4396 and2532 the3588 law3551 prophesied4395 until2193 John.2491)

Sa patotoo nitong si Jesus na tumutukoy sa kakaibang gawain sa araw ng Sabbath ay sinabi,

Mateo 12 :
5  O hindi baga ninyo nabasa sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala?
(Mat 12:5  Or2228 have ye not3756 read314 in1722 the3588 law,3551 how3754 that on the3588 sabbath days4521 the3588 priests2409 in1722 the3588 temple2411 profane953 the3588 sabbath,4521 and2532 are1526 blameless338)

Wika niya’y tila hindi yata nabasa ng mga Judio mula sa limang (5) aklat ni Moses (Torah), kung paaano ang mga Saserdote ng templo ay gumagawa ng tila paglabag, gayon ma’y hindi sila nangagkakasala. Gaya nga din ng ginawa ni Jesus na itinuring nilang isang kasalanan ang gumawa sa araw ng Sabbath, gayon ma’y hindi iyon isang kasalanan, kundi tanglaw sa mga bagay na maaaring gawin sa banal na araw na iyon, na hindi ikapagkakasala ninoman.

Dahil diyan ay nilinaw ni Jesus sa mga Judio ang ilang bagay, hinggil sa layunin niya sa sangbahayan ni Israel. Na sinasabi,

Mateo 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
(Mat 5:17  Think3543 not3361 that3754 I am come2064 to destroy2647 the3588 law,3551 or2228 the3588 prophets:4396 I am not3756 come2064 to destroy,2647 but235 to fulfill.4137)

18  Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
(Mat 5:18  For1063 verily281 I say3004 unto you,5213 Till2193 heaven3772 and2532 earth1093 pass,3928 one1520 jot2503 or2228 one3391 tittle2762 shall in no wise3364 pass3928 from575 the3588 law,3551 till2193 all3956 be fulfilled.1096)

Diyan ay madiin niyang winika, na hindi siya naparoon sa sangbahayan ni Israel upang sirain ang nilalaman ng limang (5) aklatni Moses (Torah), ni ang mga propeta man ng Nevi’im. Siya aniya ay naparoon, upang ang buong Torah at ang buong Nevi’im ay kaniyang ganapin.

Dahil diyan ay pinatotohanan niya na isa man sa tuldok, ni kudlit man ay hindi makukulangan ang Torah (limang [5] aklat ni Moses), hanggang sa magkaroon ng lubos na kaganapan ang lahat ng mga bagay sa kalupaan.

Tungkol sa kasulatan (ketuvim) ay maliwanag na iyan ay hindi kailan man niwalang kabuluhan nitong si Jesus bilang isang anak ng Dios.

Gaya ng nasusulat,

Ketuvim (Books of Writings)
Juan 2 :
22  Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa KASULATAN, at sa salitang sinabi ni Jesus.
(Joh 2:22  When3753 therefore3767 he was risen1453 from1537 the dead,3498 his846 disciples3101 remembered3415 that3754 he had said3004 this5124 unto them;846 and2532 they believed4100 the3588 SCRIPTURE,1124 and2532 the3588 word3056 which3739 Jesus2424 had said.2036)

Juan 7 :
38  Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng KASULATAN, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.
(Joh 7:38  He that believeth4100 on1519 me,1691 as2531 the3588 Scripture1124 hath said,2036 out of1537 his846 belly2836 shall flow4482 rivers4215 of living2198 water.5204)

Gayon ngang sinasabi ng kasulatan (ketuvim) na magbabangon na mag-uli ang mga patay, at ang sasampalataya sa Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus ay aagos mula sa loob niya ang ilog ng tubig ng buhay.

Ang Torah, Nevi’im at ang Ketuvim ay ang kabuoan ng Masoretic text (Tanakh) na siyang tinatangkilik, itinataguyod, ipinagtatanggol, at sinunod ni Jesus na Cristo sa kasagsagan ng natatangi niyang kapanahunan sa buong sangbahayan ni Israel. Mula sa katotohanang iyan ay maituturing na isang napakalaking kasinungalingan, na sabihing,

·        Ang Tanakh (lumang tipan ng bibliya) ay nagkaroon na ng pagwawakas.
·        Ang bagong tipan na ng bibliya ang bagong kahalili ng lumang tipan.
·        Pagsasayang ng oras ang pagbibigay pansin sa lumang tipan.
·        Pinaglipasan na ng panahon ang nilalaman ng lumang tipan.
·        Inutil sa natatanging layunin ang lumang tipan.
·        Wala ng kabuluhan pa ang lumang tipan.

Hindi nga ang gayon, sapagka’t ang Cristong si Jesus, biblically, ay maliwanag pa sa sikat ng araw, na sumasang-ayon at nagpapasa-ilalim sa mga aral pangkabanalan na pumapaloob sa Torah (Kautusan), Nevi’im (Propeta) at Ketuvim (Kasulatan) na siyang bumubuo ng Lumang Tipan (Tanakh) ng bibliya. Siya nga ay isang tunay na Hebreo, at Judio na sa natatangi niyang kapanahunan ay walang ibang aral pangkabanalan na pinakinggan at isinabuhay, kundi ang sagradong katuruan na masusumpungan lamang sa balumbon ng Tanakh, o ng Miqra.

Sa pagtatapos ng artikulong ito ay narito ang isang napakaliwanag na katotohanan na kailangang-kailangang lubos na mapag-unawa ng sinoman sa atin. Gaya nga ng nasusulat ay ganito ang mababasa,


JUAN 5 :
46  Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't TUNGKOL SA AKIN SIYA'Y SUMULAT.
(Joh 5:46  For1063 had ye(1487) believed4100 Moses,3475 ye would have believed4100, 302 me:1698 for1063 he1565 wrote1125 of4012 me.1700)

47  Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat (Torah), ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita? (evangelio ng kaharian/katuruang Cristo)

(Joh 5:47  But1161 if1487 ye believe4100 not3756 his1565 writings,1121 how4459 shall ye believe4100 my1699 words?4487)

Sa talata ay malinaw ngang ang sinoman ay nararapat na sumampalataya sa mga sinulat, o Torah ni Moses, at iyan ay sa pamamagitan ng pagkilala, pagpapahalaga, pagtalima, at pagtatanggol sa Torah (limang aklat ni Moses). Sa gayon ay saka pa lamang sasampalatayanan ang gawa na nasaksihan ng marami sa pamamagitan ng panginoong Jesus. Ito'y dahil sa katotohanan na sa limang (5) aklat (Torah) na nabanggit, doon ay isinulat ni Moses ang maraming mga bagay tungkol sa Espiritu ng Dios na nasa kalooban ng Cristo.

Nguni't kung tayo nga ay hindi nagsisipaniwala sa nilalaman ng limang (5) aklat ni Moses (Torah), ay paano ngang tayo ay makakapagsabi na nagsisisampalataya sa mga salita (evangelo ng kaharian/katuruang Cristo) na iniluwal ng sariling bibig ng Cristo? Iyan ay katotohanang nangyari sa nakaraan, at sa panahon nating ito ay patuloy na niwawalang halaga ang mga salita (evangelio ng kaharian [Katuruang Cristo]) na mismo ay ipinangaral ng sarili niyang bibig. 

Ngayon nga ay higit na kinikilala at isinasabuhay ng marami ang evengelio ng di pagtutuli nitong si Pablo, kay sa evangelio ng kaharian na masigla at may katapangang ipinangaral ng sariling bibig ng panginoong Jesus mula sa natatangi niyang kapanahunan. Sa madaling salita ay nakakalungkot isipin, na imbis na turo ng Cristo ang pakinggan, ay likhang aral ni Pablo ang malugod na tinangkilik, at isinabuhay ng marami sa atin. 

Ang aral niyang iyan ang nagbigay diin, na ang kautusan ni Moses (Torah) ay gaya ng mababasa sa ibaba,


GAWA 13 :
39  At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSAN NI MOISES. (1 Hari 2:3)
(Act 13:39  And2532 by1722 him5129 all3956 that believe4100 are justified1344 from575 all things,3956 from which3739 ye could1410 not3756 be justified1344 by1722 the3588 law3551 of Moses.3475)

Sa gayo'y hindi mahirap makita na ang isinasaad na aral ng Gawa 13:39 ay mahigpit na tinututulan ng katotohanang itinatanglaw sa bawa't kaisipan ng 1Hari 2:3. Na gaya ng napakaliwanag na mababasa ibaba. 

1HARI 2 :
3  At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan, ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga patotoo, ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises. upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit:
(1Ki 2:3  And keep8104 (853) the charge4931 of the LORD3068 thy God,430 to walk1980 in his ways,1870 to keep8104 his statutes,2708 and his commandments,4687 and his judgments,4941 and his testimonies,5715 as it is written3789 in (853) the law8451 of Moses,4872 that4616 thou mayest prosper7919 in all3605 that834 thou doest,6213 and whithersoever3605, 834, 8033 thou turnest6437 thyself:)


Kaugnay niyan, kung patuloy na ituturo ang pagpapawalang halaga sa tinatawag na lumang tipan ng bibliya ay gayon ngang patuloy ding niwawalang kabuluhan ang mismo ay utos ng bibig ng panginoong Jesus hinggil sa bagay na ito. Na sinasabi,

 MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan (Torah) o ang mga propeta: (Nevi'im) ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
(Mat 5:17  Think3543 not3361 that3754 I am come2064 to destroy2647 the3588 law,3551 or2228 the3588 prophets:4396 I am not3756 come2064 to destroy,2647 but235 to fulfill.4137)

Madiin nga rin niyang sinabi,


JUAN 14 :
12  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.

Maliwanag nga niyang sinabi, na ang sinomang sa kaniya'y nananampalataya ay gagawin din naman niya ang kaniyang ginawa. Kung tayo nga'y nagsasabing nananampalataya sa Cristo ay hindi nga rin tayo sisira sa kautusan (Torah) at sa mga sinalitang aral pangkabanalan ng mga propeta (Nevi'im). Ang mga iyon bilang pagtulad sa mga gawa ni Jesus, imbis na pawalang kabuluhan na gaya ng turo ni Pablo, ay tangkilikin, itaguyod, ipagtanggol, at higit sa lahat ay maluwalhating sundin.

Ang gawa na tinutukoy ng lubos sa usaping ito ay hindi ang mga makapangyarihang mga gawa, kundi ang gawang may ganap na kinalaman sa ginawa ni Jesus, na masigla at may  galak sa kaniyang puso na pagtalima at pagsasabuhay ng mga dakilang aral pangkabanalan na masusumpungan sa Tanakh (Torah, Nevi'im, at Ketuvim).

Tayo nga ay mga Cristiano ng Dios at hindi mga Pauliniano ng mga Gentil, kaya kailan man ay hindi natin tatalikuran ang awtoridad ng Tanakh (Torah, Nevi'im, at Ketuvim), pagdating sa larangan ng tunay na kabanalan sa kalupaan. Iyan ang katotohanan na madiing ipihahahayag ng katuruang Cristo. 

Patuloy nawang kamtin ng bawa’t isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay, ngayon, ngayon at magpakailan man.

Hanggang sa muli, paalam. 

1 komento:

  1. Sa nagpahayag nito sa isang fb group>>>"(Sapagka't ang kautusan (10 utos) ay walang anomang pinasasakdal ), at may pagpapasok ng isang pag asang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsilapit tayo sa Dios. [Hebreo 7: 19]
    Sapagka't kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.
    <<<Kaninong sulat mo ito kinuha? Bakit ang may akda nito (Pablo) ang iyong pinagtitibay na ipangaral at muli't muling inaaral sa inyong samahan? Mas higit na ba na may timbang sa iyo ang taong si Pablo kaysa sa salita ng kaisaisang Dios ng langit? Isip-isip lang sa makakabasa ng kumentong ito.

    TumugonBurahin