Huwebes, Enero 2, 2014

MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO.


Sa isang artikulo nitong "Rayos ng Liwanag" hinggil sa simbulo ng mga tupa at kambing ay pinatotohanan ng mga salita na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus ang ilang pangungusap na sumusunod, 

"Sa kalupaan ay mayroong mga tao na dumadako sa larangan ng totoong kabanalan. Masigla at masayang isinasabuhay nila ang mga kautusan, na siyang kalooban ng kaisaisang Dios na ninanais Niyang sundin ng lahat. Anak ng pagsunod (son of obedience) ang matuwid na tawag, o taguri sa sinomang lumalapat sa banal na kalagayang iyan. Ang simbolismo na iniangkop ng Dios sa sinoman na gaya ng katayuang nabanggit ay “Tupa,” na kung lilinawin ay ang sinoman na tagasunod, tagapagtaguyod, at tagapagtanggol ng mga salita ng Dios (kautusan).

Hinggil nga sa simbolismo na tumutukoy sa mga tupa ng pastulan ay maliwanag na sinabi ng Ama nating nasa langit,


EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.
(And ye my flock, the flock of my pasture, are men, and I am your God, saith the Lord God.)


Gayon din naman sa kalupaan ay marami ang nasasadlak sa kasuklamsuklam na kapangahasan at katampalasanan. Ikinatutuwa nila ang pagpilipit sa mga salita ng Dios. Ang utos Niya’y hindi nila kinikilala at sinasadya nilang gawin ang kabaligtaran ng mga iyon. Hindi nila ginagawa ang kaisaisang paraan (kautusan) ng pagpapakabanal na ibinaba ng Dios sa lupa upang sundin at isabuhay ng lahat. Bagkus ay ang sariling likhang daan ng kahangalan ang binibigyan nila ang higit na timbang. Dahil diyan ay nalalabag ang mga utos ng Dios at nagiging makasalanan ang marami sa paningin ng Ama nating nasa langit.


Kung gayo’y hindi sila maaaring sakupin ng unang kategoriya (anak ng pagsunod), kundi nangalaglag ang marami sa kalagayan ng pangalawa, na noon at hanggang sa kasalukuyang panahon ay tanyag sa tawag na, “anak ng pagsuway (son of disobedience). Ang biblikal na simbulo sa ganyang kasuklamsuklam na kalagayan ng sinoman ay “kambing,” at gaya nga ng nasusulat ay madiing winika ni Mateo ang mga sumusunod na katuwirang sumasa-Dios,


MATEO 25:
33  At ilalagay niya ang mga TUPA sa kaniyang KANAN, datapuwa’t sa KALIWA ang mga KAMBING.
(And he shall set the sheep on his right hand, but the goats on the left.)

34 Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang KANAN (tupa), Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.
(Then shall the King say unto them on his right hand, Come, ye blessed of my Father, inherit the kingdom prepared for you from the houndation of the world:)


MAT 25 :
41 Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa KALIWA (kambing) Magsilayo kayo sa akin, kayong mga SINUMPA, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:
(Then shall he say also unto them on the left hand, Depart from me, ye cursed, into everlasting fire, prepared for the devil and his angels.)


Mula sa katiwatiwalang katunayan na nabanggit sa itaas ay gaya sa sikat ng araw ang linaw ng pagkakalahad, na sinasabing ang tupa (anak ng pagsunod) ay mga pinagpala. Iyan ay sa kadahilanang sinunod nila ang natatanging kalooban ng kaisaisang Dios. Iyan ay sapat upang sila’y idako ng ating Ama sa gawi niyang kanan (kahariang ng langit). 

Kaugnay niyan ay nahahanda na pala ang dakong iyan sa mga tupa (anak ng pagsunod) bago pa itatag, o lalangin ng Dios ang sanglibutan (dimensiyon ng materiya). Sa gayo’y nauna na palang maitatag ang sisidlan kay sa bagay na isisilid.

Binibigyan din ng diin ng mga salita na lumabas mula sa bibig ni Jesus, na ang dumadako sa kaliwa (kambing) ng kaisaisang Dios ay pawang mga isinumpa. Sila ay inilaan na mapasa apoy na walang hanggan, na sadyang inihanda ng Dios na sunugan ng Diablo at ng kaniyang mga anghel (anak ng pagsuway).

Ano pa’t ang kaibahan ng tupa sa mga kambing ay binigyang ganap na linaw nitong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo), na isinatinig naman ng sariling bibig ng mga tunay na banal, na sinasabi,


EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.
(And ye my flock, the flock of my pasture, are men, and I am your God, saith the Lord God.)

AWIT 23:

1  Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. 
(The LORD is my shepherd, I shall not want.)

(Napakaliwanag na sinasabi ng talata sa itaas (Awit 23:1), na ang mga pinagpala (tupa) ay kinikilala ang kaisaisang Dios (YHVH) bilang pastor ng kaniyang mga tupa [tao].)

JUAN 10 :
27 DINIDINIG ng aking mga tupa ang aking TINIG, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.
(My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me:)

28  At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinomang sa aking kamay. (Juan 12:50)
(And I give unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand.)

Ang sinoman nga upang mapagkalooban ng buhay na walang hanggan ay walang ibang gagawin, kundi ang sumunod lamang sa mga kautusan ng Ama nating nasa langit, na sinasabi,

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
(And I know that his commandment is life everlasting: whatsoever I speak therefore, even as the Father said unto me, so I speak.)

Ang mga tupa (anak ng pagsunod) sa gayo’y dumadako sa pastulan ng Dios (bayan ng Dios). Sapagka’t sila ay dumidinig ng Kaniyang tinig, at may kaluguran nilang sinusunod ang Kaniyang mga kautusan. Nakikilala Niya sila sa gayong kabanal na kalagayan. Ang naghihintay na mabuting ganting pala sa gayong kasagradong estado ng sinoman sa kalupaan ay ang walang hanggang buhay ng kaniyang kaluluwa. Diyan nga ganap na naiiba ang mga pinagpala (anak ng pagsunod/tupa) sa mga isinumpa (anak ng pagsuway/kambing.)"


Narito, at mula sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na aming inilahad sa itaas ay naging maliwanag ang usapin na may kinalaman sa simbolismo ng tupa at kambing. Gayon may kailangan pa ring tanglawan ng kaukulang liwanag ang ilang bagay na may tuwirang pagkaka-ugnay diyan, gaya ng nasusulat, na sinasabi,

EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.
(And ye my flock, the flock of my pasture, are men, and I am your God, saith the Lord God.)

Mga tao sa makatuwid ang ganap na nilalapatan nitong simbolismo ng tupa. Gayon man, sa mga tao ay tanging anak ng pagsunod lamang ang kaisaisang kinauuwian ng sagisag na iyan. Ang Dios at Pastor ng mga tupa ay walang iba, kundi si YHVH (Yehovah).

Hinggil sa usapin na may tuwirang kinalaman sa "pastulan" ay masusing nilinaw ni haring David, na ang wika ay ayon sa mga sumusunod na pangungusap,

PSA 95 :
7  Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang PASTULAN, at mga TUPA ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!
(For he is our God; and we are the people of his pasture, and the sheep of his hand. Today if ye will hear his voice.)

Ang konteksto ng awit ni haring David sa kabanata 95 ay hindi mahirap mapag-unawa. Ang tinutukoy niyang pastulan ay ang buong sangbahayan ni Israel lamang. Samantalang ang tumutukoy sa pastor ay walang iba, kundi ang kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa. Dito ay maliwanag na ang Haring si David ay nangangaral sa kabuoang mamamayan ng pinaghaharian niyang lupain ng Israel. Mga tupa nga lamang ang nakikinig at nagsasabuhay ng tinig ng kaisaisang Dios na nasa langit.

Gayon din naman ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni propeta Ezekiel hinggil sa usaping iyan ay madiing nagwika, na sinasabi,

EZE 34 :
14  Aking pakakanin sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel.
(I will feed them in a good PASTURE, and upon the HIGH MOUNTAINS OF ISRAEL shall their FOLD be: there shall they lie in a good FOLD, and in a fat PASTURE shall they feed upon the MOUNTAINS OF ISRAEL.)

Narito, at sa mga salita ng bibig ni propeta Ezekiel ay napakaliwanag na sinasabing mga matataas na kabundukan (zion) ng Israel ang tinitukoy na "kulungan." Mula sa matabang pastulan (Israel) ay magsisikain ang mga tupa sa kabundukan ng Israel na siya nilang kulungan. Ano pa't ang pastulan at kulungan na tinutukoy sa mga nasusulat na talata ay tuwirang tumutukoy sa lupain ng Israel.

Kaugnay niyan ay may winika ang Espiritu ng Dios na na kay Jesus, na sinasabi,


JUAN 10 :
16  At mayroon akong ibang mga TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang KAWAN, at magkakaroon ng isang PASTOR.
(And other sheep I have, which are not of this fold: them also I must bring, and they shall hear my voice; and there shall be one fold, and other shepherd.)

Sa talatang iyan ay sinasabi nitong Espiritu ng Dios na makapangharihang namamahay at naghahari sa kabuoan ni Jesus, na may iba pang mga anak ng pagsunod (tupa) na nasa labas ng bansang Israel. Sila ay paroroonan at dadalhin ng nabanggit na Espiritu, sapagka't dinidinig nila ang Kaniyang tinig. Dahil diyan ay totoo na sila ay magiging kawan din naman ng mga tupa. Gaya ng kawan sa ibang kulungan ay ang Dios na ating Ama ang kaisaisang tumatayong pastor nila.

Saan man at kailan man ay hindi lumapat sa kalagayan ng mga anak ng pagsunod ang buong kalahian ng mga Gentil, kahi man ang mga mamamayan ng Samaria. Kaya maituturing na isang napakalaking pagkakamali, kung igigiit ninoman na mga Gentil ang tinutukoy na tupa sa ibang kulungan. Sapagka't "kambing" ang simbolismo na nagtutumibay sa kanilang kalagayan. Karumaldumal nga sila sa paningin ng Ama nating nasa langit.

Ang pastor na tinutukoy sa Juan 10:16 ay walang iba, kundi ang kaisaisang Dios (YHVH), at sa katunayan ng pahayag na iyan ay madiing binanggit sa Awit ni haring David ang sumusunod ng pangungusap.

PSA 23 :
1  Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. 

2  Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa sipi ng mga tubig na pahingahan,
([A Psalm of David] The LORD is my shepherd; I shall not want. He maketh me to lie down in green pastures: he leadeth me beside the still waters.)

Maliwanag na nasasaad sa Psa 23:1-2 na ang tinutukoy na pastor ni haring Davis ay ang kaisaisang Dios (YHVH). Gayon ma'y mababasa din naman sa kasulatan (Eze 34:23), na ang ating Ama ay maglalagay ng isang pastor sa sangbahayan ni Israel. Siya sa makatuwid ay si haring David na ang kalooban at kabuoan ay pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios.

Ang Espiritu ng Ama nating nasa langit ay masiglang pinamamahayan ang kalooban at kabuoan ng kaniyang mga banal. Ito'y sa layunin Niyang tumayong isang pastor ng mga tupa (anak ng pagsunod). Kaya naman ang sinomang banal na kinakasihan ng Kaniyang Espiritu ay ipinakikilala din naman Niya bilang isang pastor, gaya ng nasusulat,
Eze 34 :
23  At ako'y maglalagay ng isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor, 
(And I will set up one shepherd over them, and he shall feed them, even my servant David; he shall feed them, and he shall be their shepherd.)

ISA 44 :
28  Na nagsasabi tungkol kay Ciro, SIYA'Y AKING PASTOR, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.
(That saith of Cyrus, He is my shepherd, and shall perform all my pleasure: even saying to Jerusalem, Thou shalt be built; and to the temple, Thy foundation shall be laid.)

Sa partikular na panahong iyon ay winika ng Dios na itong si haring David ang hinirang niyang maging pastor ng Israel. Sa panahon ni haring Cyrus ay ipinahayag din naman Niyang siya'y kaniyang pastor. Gayon ma'y Espiritu pa rin ng Dios ang sa kalooban at kabuoan nila ang masiglang umiiral. Sa madaling salita ay kinasangkapan lamang sila ng nabanggit na Espiritu, na siyang nag-iisang pastor ng mga tupa sa ibabaw ng lupa. 

Ang salitang "pastor" ay isang sagradong layunin na ang kumakatawan ay mga tunay na banal. Iyan ay hindi titulo, o kalagayan na maaaring ariin ng sinoman. Gayon ma'y titulo, o katawagan na inaangkin ng mga hangal at hibang sa paningin ng Ama nating nasa langit.  Iyan ay ginagamit na bitag nilang mga tampalasan, upang iligaw ang kaluluwa ng marami sa kalupaan. Mahiya nga sa kaisaisang Dios ang sinoman na nagpapatawag na pastor sa kaniyang sarili.

Kaugnay niyan ay winika ng sariling bibig ni Jesus ang mga sumusunod na katuwiran,

JUAN 10 :
11  AKO ANG MABUTING PASTOR: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.
(I am the good shepherd: the good shepherd giveth his life for the sheep.)


JUAN 10 :
14  AKO ANG MABUTING PASTOR; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako,
(I am the good shepherd, and know my sheep, and am known of mine.)


Kung literal na uunawain ang isinasaad ng Juan 10:11 sa itaas ay maaaring tiyakin na ito ngang si Jesus ang tinutukoy na mabuting pastor. Datapuwa't kapag ang sinasabi sa Eze 34:23 ang kinunan ng matuwid ay makikita ng maliwanag na si Jesus ang kinatuparan nito sa panahon niyang iyon. Siya'y inihalal ng Dios na maging pastor ng mga ligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel. Gayon ma'y ang Espiritu ng Dios pa rin na nasa kalooban niya ang gumagawa ng sarili niyang mga gawa at nagsasalita ng kaniyang mga salita. gaya ng nasusulat,

 JUAN 8 :
28  Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala      na ako  ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).

JUAN 8 :
26  Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglubitan. (Juan 15:15, Juan 17:8)

Gayon ngang walang duda, ni pag-aalinlangan man na si Jesus ay kasangkapan lamang nitong Espiritu ng Dios na masigla at makapangyarihang naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan. Sa tuwirang wika ay isinasatinig lamang nitong si Jesus ang salita (evangelio ng kaharian) nitong Espiritu ng Dios na nasa kaniyang kalooban. Kaya nang banggitin niya ang tungkol sa mabuting pastor ay hindi nga tumutukoy sa kaniya ang kalagayang iyon, kundi sa Espiritu na nagsaad ng mga salitang iyon sa pamamagitan lamang ng sarili niyang bibig. (Juan 8:28Juan 14:10)

Ano pa't ang katuwiran na binibigyang diin sa Juan 10:14 ay lubos na lumalapat sa katotohanang lumalarawan sa Awit 23:1-2. Sa kadahilanang nabanggit sa itaas ay ang kaisaisang Dios ang tinutukoy at kinikilala ni Jesus na pastor ng mga tupa.

Ang katotohanan na matuwid tindigang matibay ng lahat ay iisa lamang ang pastor ng mga tupa, at Siya ay walang iba kundi ang kaisaisang Dios na siyang Ama ng lahat ng kaluluwa sa kalupaan at kalangitan.

At mayroon akong ibang mga TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang KAWAN, at magkakaroon ng isang PASTOR.

May mga tupa (anak ng pagsunod) na nagsipangalat sa mga bansa. Sila ay kailangan din naman na paroonan at likumin ng mga tunay na banal, at diringgin ng mga tupa ang salita ng Dios (evangelio ng kaharian) na isinasatinig ng Kaniyang mga banal. Ang kalipunan ng nabanggit na mga tupa ay gagawing isang kawan at sila'y papatnubayan ng kanilang pasor (kaisaisang Dios). Iyan ang matuwid na kahulugan ng talata (Juan 10:16).

Patuloy nawang kamtin ng bawa't isa ang masaganang daloy ng mga biyaya na nagmumula sa kaisaisang Dios na nasa langit, ngayon, ngayon at magpakailan man.

Hanggang sa muli, paalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento