LORD God Jesus? |
Hindi nga niya tinatanggap na siya ay tawagin ng sinoman bilang "Panginoon," sapagka't nalalaman niya ng lubos na ang katawagang iyon ay walang ibang tinututukoy, kundi ang kaisaisang Dios, o kaya naman ay ang dakilang Espiritu (Espiritu Santo) nito na isinugo sa buong kalupaan.
Narito, at sa Mateo 7:21 ay sinabi,
“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin. Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit: kundi ang gumaganap ng kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.”
Sa gayo’y sino ang nagsalita, ito bagang si Jesus sa kaniyang sarili, o yaong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban sa kapanahunang iyon? Tungkol nga sa usaping ito’y binigyang diin ng sariling tinig ni Jesus ang mga sumusunod na katuwiran hinggil sa likas niyang kalagayan.
JUAN 5 :
30 HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.

31 Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang CRISTO, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.

JUAN 12 :
49 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.

JUAN 14 :
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).

24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ANG MGA SALITANG INYONG NARINIG AY HINDI AKIN, KUNDI SA AMANG NAGSUGO SA AKIN.
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ANG MGA SALITANG INYONG NARINIG AY HINDI AKIN, KUNDI SA AMANG NAGSUGO SA AKIN.
Ang nakakakilala nga sa likas na kalagayan ni Jesus bilang isang tao na totoo ay tinatawag na Panginoon ang Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kaniyang kalooban. Natatalos niya sa kaniyang kalooban ang katotohanan at ginaganap ang kautusan ng kaisaisang Dios na nasa langit. Siya kung gayo’y walang pagsalang malalagay sa dakong kanan ng Dios (buhay na walang hanggan) pagpasok niya sa kaharian ng langit.
Sa talata Mateo 7:22 ay sinabi,
“Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?”

Napakaliwanag ayon sa talata, na marami ang tatawag kay Jesus na “Panginoon,” at sasabihing sila’y nagsipanghula at nagpalayas ng mga demonio sa kaniyang pangalan, at sa pangalan niya (Jesus) ay nagsigawa sila umano ng maraming gawang makapangyarihan.
Hinggil dito ay nalalaman natin, na itong si Jesus ay hindi nagsasalita, ni gumagawa man ng mga bagay na ayon sa kaniyang sarili. Sa makatuwid ay kagagawan lahat nitong Espiritu ng Dios na nasa kaniyang kalooban at kabuoan ang lahat ng salitang narinig sa kaniyang bibig ng marami. Gayon din ang nabanggit na Espiritu ang siyang may kinalaman sa lahat ng makapangharihang gawa, na sinaksihan ng hindi kakaunting tao sa kaniyang kapanahunan.
Holy grail |
Dahil dito ay matuwid na ang pag-ukulan ng pagkilala sa pagpawi ng uhaw ay ang tubig, at hindi ang kopa. Sapagka’t yao’y kasangkapan lamang na ginagamit ng sinomang nais na ibsan ang uhaw na nararamdaman ng kaniyang lalamunan. Ang tubig nga’y ibubuhos sa kopa at dadamputin upang ihatid ng kamay ang tubig sa bibig ng sinoman.
Hangal ka nga, kung sa kabila ng katuwirang iyan ay ang kopa pa rin ang ihahayag mong pumatid ng iyong uhaw. Datapuwa’t pagkaganda, o pagkamahal man ang halaga nito’y walang anomang kabuluhan sa layunin ng pagpatid sa uhaw ng sinoman, kung hindi sasalinan ng tubig.
Kaya nga, nang tawagin ng marami si Jesus na Panginoon, at sa pangalan niya’y anila’y nagsigawa sila ng hindi kakaunting makapangyarihang mga gawa. Sa gayo’y gaya nila ang mga hangal at hibang, na nagsabing kopa ang pumapatid ng kanilang uhaw at hindi ang tubig na isinasalin doon. Paano nga sila kung gayon kikilalanin ng Espiritu ng Dios, na kailan ma’y hindi nila pinagkalooban ng kaukulang pagkilala?
Dahil dito, sa Mateo 7:23 ay nagsaad ng matuwid ang Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kalooban ni Jesus sa kapanahunang yaon. Na sinasabi,
“At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nakikilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”
“At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nakikilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”
Sa kabilang dako ay hindi lingid sa lahat ang kinahuhumalingang karumaldumal at kasuklamsuklam na gawain nitong si Satanas. Nais niyang dayain at iligaw sa katotohanan ang sangkatauhan. Dahil diyan ay gumagawa siya ng mga paraan, upang maialis sa matuwid na daan ng tunay na kabanalan ang mga tao. Ang isa diyan ay ang evangelio ng di pagtutuli na nagtuturo na si Jesus ay Dios din na gaya ng Ama nating nasa langit. Ano pa't kung ang kaisaisang Dios ay lumilikha ng makapangyarihang mga gawa ay gayon din naman itong si Satanas na kinakikitaan ng makapangyarihang mga gawa.
Ang sabi nga ng mga nadaya ni Satanas ay Jesus ang pangalan ng kanilang Panginoong Dios, na sa pangalan niya anila’y gumawa sila ng hindi kakaunting banal na kababalaghan at makapangyarihang mga gawa. Ang hindi nila nalalaman ay katotohanan na ang lahat ng iyon ay hindi galing sa Dios, kundi kay Satanas lamang. Sa gayo’y nagkamali sila ng pangalang tinawag, sapagka’t ang Espiritu ng Dios na na kay Jesus ay may pangalan sa kaniyang sarili, na siyang karapatdapat sa tawag na Panginoon. Sa gayo’y sa pangalan niyang iyon nararapat tumawag, upang ang sinoman ay makatiyak na ang tinatahak niyang daan ay ang matuwid na landas ng tunay na kabanalan sa kalupaan.
Kung katotohanan ang tinitindigan nilang dako ay hindi sana itinatuwa ng nabanggit na Espiritu ang mga tao na kumilala kay Jesus bilang Dios at nagsitawag sa kaniya na Panginoon. Katunayan lamang na ang mga taong iyan ay naging makasalanan sa unang utos ng kaisaisang Dios (Ama nating nasa langit), na nagsasabing, "Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko."
Ano pa't tungkol sa pangalan ng Dios ay madiing sinalita ng bibig ni Jesus ang mga sumusunod,
JUAN 17 :
26 At IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.

Gayon ngang napakaliwanag na ang pangalan ng Espiritu ng Ama nating nasa langit ay ipinahayag niya sa mga apostol at sa mga alagad (mga anak ng pagsunod [tup]). Sa kabila noon ay nangyari na ang binabanggit na mga tao sa Mateo 7:23 ay itinatuwa ng Espiritu ng Dios na nasa kalooban at kabuoan ni Jesus. Ito'y dahil sa "Jesus" ang pangalan na kanilang kinilalang Panginoong Dios. Maliwanag sa makatuwid na ang mga taong iyon ay hindi tunay na mga alagad ng Dios, sapagka't hindi nila nalalaman sa panahon nilang iyon ang pangalan ng Dios na ipinagkaloob ni Jesus sa mga tunay na apostol at alagad.
Dagdag nitong Espiritu ng Dios na na kay Jesus sa talata 24,
“Kaya’t ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:”
A house built on a rock |
Na ang ibig sabihin ay dinggin ang naihayag ng bibig ni Jesus na katotohanan (evangelio ng kaharian) hinggil sa usaping ito. Nang sa gayo’y matulad ang sinoman sa isang taong matalino na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato. Ano pa’t yao’y hindi kayang tinagin ng anomang malalakas at nagngangalit na bayo ng kalikasan.
A house built on sand |
MAT 7 :
26 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:
27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.
Ang kahulugan nito kung gayo’y mga mangmang (iglesia ni Pablo) sa paningin ng kaisaisang Dios ang sinomang kumikilala kay Jesus bilang "tagapagligtas ng kaluluwa" at "manunubos ng sala." Nang magkagayo’y ibinilang sila ng ating Ama (YHVH) sa malaking kalipunan ng mga hangal, na ang kinilala ay yaong kopa (sisidlan ng Espiritu ng Dios), at hindi ang Espiritu ng Dios na nasisilid sa kopa ng kabanalan (Jesus) na nabanggit.
Ano pa’t ang tangi at kaisaisang tumatayo sa layunin ng pagtubos ng sala, sa pagiging moog na bato, at sa pagliligtas ng kaluluwa ay ang kaisaisang Dios lamang, at maliban sa Kaniya ay katotohanang katotohanan na wala ng iba pa. Gaya ng nagtutumibay na nasusulat ay madiing sinabi.
Ang kaisaisang tagapagligtas, manunubos, at bato.
ISA 44 :
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
ISA 48:17 Ganito ang sabi ng Panginoon (YHVH), ng iyong MANUNUBOS, ng Banal ng Israel, AKO ang Panginoon mong DIOS, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.
18 O kung dininig mo ang aking mga UTOS! Ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat.
4 Siya ang BATO, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang DIOS na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.
AWIT 18 :
2 Ang Panginoon ay aking MALAKING BATO, at aking KUTA, at aking TAGAPAGLIGTAS; Aking DIOS, aking MALAKING BATO na sa kaniya’y MANGANGANLONG AKO; Aking KALASAG, at siyang SUNGAY ng aking KALIGTASAN, aking MATAYOG NA MOOG.

DEUT 32 :
4 Siya ang BATO, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang DIOS na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal.
4 Siya ang BATO, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang DIOS na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal.
15 Nang magkagayon ay kaniyang pinabayaan ang DIOS NA LUMALANG SA KANIYA. At niwalang kabuluhan ang BATO na kaniyang KALIGTASAN.
18 Sa BATONG NANGANAK SA IYO, ay nagwalang bahala ka, at iyong kinalimutan ang DIOS na lumalang sa iyo.
Ayon sa katuwiran ng katotohanan ay iisa lamang ang tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala. Siya rin ang kaisaisang bato na sa lahat ay nagluwal sa maliwanag, at siya ang kaisaisang Dios (YHVH) na sa lahat lahat ay lumalang at umanyo.
Sa Mateo 7:28 at 29 ay nangamangha ang lahat niyang mga alagad sa kaniyang ipinangaral na mga salita (evangelio ng kaharian) sa kanila. Sapagka’t sila’y kaniyang tinuruan na gaya ng isang may kapamahalaan, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.
Yao’y nang dahil sa ang kabuoan nitong si Jesus sa kapanahunang iyon ay masiglang pinamamahayan at makapangyarihang pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios, na sa kaniya’y sumanib matapos na siya’y gawaran ni Juan ng "bautismo sa pagsisisi ng kasalanan" sa pamamagitan nitong tubig ng Jordan.
Na sinasabi,
MATEO 3 :
16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumapag sa kaniya.

Temptaion in the wilderness |
MAT 4 :
10 Humayo ka Satanas, sapagkat nasusulat, Sa panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
Ang mga salitang yao’y naging sapat upang ang diyablo ay iwan siya at yumao sa sarili niyang lakad. Ang panunukso ng diyablo ay ukol lamang sa tao at kailan ma'y hindi nangyari sa totoong Dios ang gayon. Saan man at kailan man ay katotohanang katotohanan na hindi tinukso ng diyablo ang Dios.
Dahil diyan ay isang napakaliwanag na tanawing inyong nasaksihan ang kalagayan ni Jesus bilang isang tao na totoo. Sapagka't nasusulat na siya'y walang anomang tinukso ng diyablo, matapos na siya ay makapag-ayuno ng apat na pung (40) araw at apat na pung (40) gabi. Dagdag pa'y tao lamang ang nag-aayuno at kailan ma'y hindi ang Dios. Ang pag-aayuno ay kautusan ng Dios na nararapat tuparin at isabuhay ng sinomang tao sa kalupaan.
Siya nama’y nagtuloy sa Nazaret at naparoon sa Capernaum, at,
MATEO 4 :
17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.
17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.
MATEO 4 :
23 At nilibot ni Jesus ang boong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.

Upang maganap ang nasusulat sa Isa 9:1-2, sa pagparoon niya sa Nazaret ay hindi siya nangaral sa bayang yaon. Upang sa Capernaum na pangisdaang bayan sa baybayin ng dagat Galilea nga’y simulan nitong Espiritu ng Dios na mangaral ng mga salita (evangelio ng kaharian) sa pamamagitan ng bibig ni Jesus. Dahil doo'y nahalinhan ng totoong liwanag na mula sa kaluwalhatian ng Dios ang kadiliman na lumambong sa kanila ng mahabang panahon.
Espiritu ng Dios lamang na masiglang namamahay, at makapangyarihang naghahari sa kalooban ng mga banal ang kaisaisang nangangaral ng mga salita (evanghelio ng kaharian), at gumagawa ng makapangyarihang mga gawa.
Ang kopa (saro) ay nilikha sa layunin ng isang sisidlan ng inumin. Ang pumapatid sa uhaw ninoman ay ang tubig na nasisilid sa kopa. Sa gayo'y hinirang ng Dios si Jesus bilang sisidlan, o saro ng kabanalan. Hindi nga siya ang nagpapabanal sa sinoman, kundi ang salita (evangelio ng kaharian) nitong Espiritu ng Dios na nasisilid sa kaniyang kalooban at kabuoan. Ang pagsamba sa makatuwid ay sa Espiritu ng Dios, samantalang ang kay Jesus ay pagkilala bilang isang tunay na banal ng Dios lamang. Kung lalabis pa sa roon ay hindi na nga sasang-ayunan pa ng katotohanan. Ang napakaliwanag na tatawaging Panginoon sa makatuwid ay ang nabanggit na Espiritu ng kaisaisang Dios, at hindi kailan man itong si Jesus.

Sa pagwawakas ng kabanatang ito’y nalalaman namin, na ang mga madidilim na dako sa ilang usapin na ating pinagdaanan ay nagtamo ng kaukulang tanglaw ng liwanag. Sa gayo’y naging malinaw sa inyo ang ilang mga bagay na kay laon ng ikinukubli ng mga tampalasan (iglesia ni Pablo) sa dako ng pusikit na kadiliman.
Ang papasok nga lamang sa kaharian ng langit ay silang masunurin sa kautusan ng Dios. Sila yaong nakakikilala at nagsisitawag ng "Panginoon" sa Espiritu ng Dios, na masiglang namahay at makapangyarihang naghari sa kabuoan ni Jesus at ng mga tunay na banal.

Suma inyo kung gayon ang patuloy na pagpapala ng ating Ama na nasa langit, ngayon, ngayon, at magpakailan man.
Hanggang sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento