Miyerkules, Oktubre 2, 2013

KAUTUSAN LABAN SA PAGANISMO (Idolatriya at iba pa)


Mga paunang salita:
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga tunay na banal. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal (Tanakh) lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais na atakihin, ni husgahan man ang mga doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng marami. 

Anomang pahayag mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at kongkretong batayang biblikal. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na ipinangaral ng mga banal ng Dios ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa ng marami sa salitang “ matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan man hingangad na ilagay sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga salita ng Dios na nauukol ng lubos sa sangkatauhan.


Mula sa 613 na Kautusan ni Moses na nasusulat sa kabuoan ng Torah (five books of Moses) ay mababasa sa ibaba ang mga piling kautusan na may ganap na kinalaman sa karumaldumal na Paganismo (idolatriya at iba pa). Diyan nga ay napakaliwanag ang mga salita ng Dios na iniuutos niya sa lahat ng tao sa kalupaan, gaya ng nasusulat sa sumusunod na talata,
DEU 6 :
1  Ito nga ang UTOS, ang mga PALATUNTUNAN, at ang mga KAHATULAN, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin:

Ang mga utos, mga palatuntunan, at mga kahatulan, na itinuro ng Dios sa lahat noon pa mang una ay gayon pa nga rin sa kasalukuyang kapanahunan ay mahigpit na ipinag-uutos na sundin at isabuhay natin. Dahil diyan ay itinatanghal namin ang ilan sa lubhang mahahalagang kautusan na siyang kalooban ng ating Ama na nararapat ariing katotohanan ng lahat. Ano pa't ang katotohanan ay ang kaisaisang daang matuwid tungo sa pagpapakabanal ng sinoman sa kalupaan.

Narito, at ayon sa pagkaka-sunudsunod ng mga kautusan ay makikita ng malinaw ang katuwiran ng Dios na siyang sandigan, gabay, at daang matuwid ng lahat, tungo sa uri ng kabanalan na sinasang-ayunang lubos ng Ama nating nasa langit.

Gaya ng nasusulat, 

24  HUWAG BUMALING SA IDOLATRIYA
LEV 19 :
4  Huwag ninyong babalikan ang mga diosdiosan, ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga dios na binubo: ako ang Panginoon ninyong Dios.
(Turn ye not unto idols, nor make to yourselves molten gods: I [am] the LORD your God.)

27 HUWAG SAMBAHIN ANG MGA IDOLO SA PARAAN NG PAGSAMBA SA KANILA.
EXO 20 :
5  Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
(Thou shalt not bow down thyself to them, nor serve them: for I the LORD thy God [am] a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth [generation] of them that hate me;)

28 HUWAG SAMBAHIN ANG MGA IDOLO MULA SA APAT NA PARAAN NG PAGSAMBA SA DIOS.
EXO 20 :
5  Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
(Thou shalt not bow down thyself to them, nor serve them: for I the LORD thy God [am] a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth [generation] of them that hate me;)

1)      Rituwal ng sakripisyo sa mga hayop (ritually slaying a sacrifice) 
2)      Pagsusunog ng insenso at kamangyan (burning a ritual substance on an altar)
3)      Ang pagbubuhos ng langis, o alak (pouring a libation [of wine])
4)      Ang pagpapatirapa bilang pagsamba sa Dios (prostrating oneself)

Ang idolatriya alinsunod sa katuwiran ng mga nabanggit na talata sa itaas ay isang kasuklamsuklam na gawa sa paningin ng Dios. Kung liliwanagin ay isa itong karumaldumal na kaugalian ng mga Gentil (pagano), na kung saan ay kumikilala at sumasamba sa rebulto at larawan ng maraming diosdiosan. Ang utos ay huwag nga raw sasamba sa kanila alinsunod sa pagsamba sa kanila ng mga Gentil. Gayon nga ring sila'y huwag sasambahin gaya ng apat (4) na paraan ng pagsamba sa tunay na Dios ng langit na nabanggit sa itaas. Anomang uri ng paglilingkod sa mga diosdiosan ay hindi Niya pinahihintulutan. 

Lalo ng ngang mahigpit na ipinagbabawal ng Dios ang mga masamang kaugalian na gaya ng mga sumusunod,

Graven images
29  HUWAG GAGAWA NG MGA IDOLO SA IYONG SARILI
EXO 20 :
4  HUWAG KAYONG GAGAWA para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
(Thou shalt not make unto thee any graven image, or any likeness [of any thing] that [is] in heaven above, or that [is] in the earth beneath, or that [is] in the water under the earth:)

30 HUWAG GAGAWA NG IDOLO NA UKOL SA KAPUWA
LEV 19 :
4  Huwag ninyong babalikan ang mga diosdiosan, ni HUWAG KAYONG GAGAWA  para sa inyo ng mga dios na binubo: ako ang Panginoon ninyong Dios.
(Turn ye not unto idols, nor make to yourselves molten gods: I [am] the LORD your God.)

Graven images
31 HUWAG GAGAWA NG ANYONG TAO KAHI MAN IYON AY PANGPALAMUTI LAMANG.
EXO 20 :
23  HUWAG KAYONG GAGAWA ng ibang mga dios na iaagapay sa akin; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo.
(Ye shall not make with me gods of silver, neither shall ye make unto you gods of gold.)

Ang kautusan ng kaisaisang Dios ay huwag gagawa ng mga idolo (rebulto, larawan at iba pa). Gayon ma'y hindi sinunod ng mga Romanong pagano, at dahil diyan ay gayong mga karumaldumal na mga bagay ang bubulaga sa iyo pumapasok ka pa lamang sa alin mang Romanong simbahan sa ating kapuluan. Saan man at kailan pa man - ang ganyang kahangalan ay hindi sinang-ayunan ng ating Ama, bagkus ay itinuturing niyang kasuklamsuklam na kaugalian ng mga mahihigpit Niyang kaaway.

46 HUWAG SUSUMPA SA NGALAN NG IDOLO.
EXO 23 :
13  At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig.
(And in all [things] that I have said unto you be circumspect: and make no mention of the name of other gods, neither let it be heard out of thy mouth.

47 HUWAG MAGSAGAWA NG OV (PAGLANGKAP NG ESPIRITU SA TAO).

Tarot reader
48 HUWAG MAGSAGAWA NG YIDONI (PANGHUHULA SA HINAHARAP)
LEV 19 :
31  Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan ng masasamang espiritu ni ang mga mangkukulam: huwag ninyong hanapin na magpakahawa sa kanila: ako ang Panginoon ninyong Dios.
(Regard not them that have familiar spirits, neither seek after wizards, to be defiled by them: I [am] the LORD your God.)



50  HUWAG MAGTATAYO NG HALIGI SA PAMPUBLIKONG DAKO NG PAGSAMBA.
DEU 16 :
21  Huwag kang magtatanim sa iyo ng Asera ng anomang kahoy sa siping ng dambana ng Panginoon mong Dios, na gagawin mo para sa iyo.
22 Ni magtatayo ka para sa iyo ng pinakaalaalang haligi; na kinapopootan ng Panginoon mong Dios.
(Thou shalt not plant thee a grove of any trees near unto the altar of the LORD thy God, which thou shalt make thee. Neither shalt thou set thee up [any] image; which the LORD thy God hateth.)

Maliwanag na binibigyang diin ng kasulatan, na bawal magtanim ng anomang mga punong kahoy malapit sa altar ng Dios. Ni maglagay ng alin mang imahe (idolo) doon na Kaniyang kinasusuklaman. Sa kabila ng mahigpit na kautusang iyan ay tila bulag at bingi ang pamunuan ng simbahang katoliko, sapagka't ang nangakatayo sa tinatawag nilang altar ng Dios ay mga naglalakihang rebulto ng mga diosdiosan na sinasamba at pinaglilingkuran nila ng buong puso at kaluluwa.

53 WASAKIN ANG MGA IDOLO AT GIBAIN ANG KANILANG MGA AKSESORIYA.
DEU 12 :
2  Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako, na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa:
(Ye shall utterly destroy all the places, wherein the nations which ye shall possess served their gods, upon the high mountains, and upon the hills, and under every green tree:)

Mahigpit ang kautusan na wasakin ang mga idolo at ang kanilang mga aksesoriya (damit, palamuti at iba pa). Ang utos ay huwag gagawa niyaon, at kung makasumpong nito ay katuwiran sa Ama na ang mga yaon ay sirain at sunugin. Laban sa utos na iyan ay gumagawa at nag-iingat ng mga gayong karumaldumal na bagay ang mga tao sa panahong ito.

54  HUWAG KUKUHA NG ANOMANG PAKINABANG SA MGA IDOLO AT SA KANILANG MGA AKSESORIYA.
DEU 7 :
26  At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, sapagka't itinalagang bagay.
(Neither shalt thou bring an abomination into thine house, lest thou be a cursed thing like it: [but] thou shalt utterly detest it, and thou shalt utterly abhor it; for it [is] a cursed thing.)

55 HUWAG KUKUHA NG ANOMANG PAKINABANG MULA SA MGA PALAMUTI NG MGA IDOLO.
DEU 7 :
25  Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.
(The graven images of their gods shall ye burn with fire: thou shalt not desire the silver or gold [that is] on them, nor take [it] unto thee, lest thou be snared therein: for it [is] an abomination to the LORD thy God.)

60  HUWAG MAGING MAPAMAHIIN.
LEV 19 :
26  Huwag kayong kakain ng anomang may dugo: ni huwag kayong mag-eenkanto ni magpapamahiin.
(Ye shall not eat [any thing] with the blood: neither shall ye use enchantment, nor observe times.)

The Oracle at Delphi
was famous for her
divinatory trances
throughout the ancient
Mediterranean world.
61 HUWAG ILAGAY ANG SARILI SA TILA NANGANGARAP (Trance) SA LAYUNING HULAAN ANG KAGANAPAN NA DARATING.
DEU 18 :
10  Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,
(There shall not be found among you [any one] that maketh his son or his daughter to pass through the fire, [or] that useth divination, [or] an observer of times, or an enchanter, or a witch,

Astrology articles
62  HUWAG GAGAWIN ANG ASTROLOGIO (Astrology)
LEV 19 :
26  Huwag kayong kakain ng anomang may dugo: ni huwag kayong mag-eenkanto ni magpapamahiin.
(Ye shall not eat [any thing] with the blood: neither shall ye use enchantment, nor observe times.)

63  HUWAG UUSAL NG MGA ORASYON (Incantation/conjuration of spell).
64  HUWAG TATANGKAING MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA PATAY.
65  HUWAG SASANGGUNI SA OV ((NILALANGKAPAN NG ESPIRITU).
66  HUWAG SASANGGUNI SA YIDONI (MANGHUHULA).
67  HUWAG MAGTATANGHAL NG MGA GAWANG MAHIKA.
DEU 18 :
10  Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,
11  O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay.
(There shall not be found among you [any one] that maketh his son or his daughter to pass through the fire, [or] that useth divination, [or] an observer of times, or an enchanter, or a witch, Or a charmer, or a consulter with familiar spirits, or a wizard, or a necromancer.)

Ang tanong nga lamang tungkol dito ay ito.

Sa kasalukuyan ba nating panahon ay mayroong masusumpungan sa paligid na gaya ng mga sumusunod na indibiduwal?

      • Astrologer
      • Nakikipag-ugnayan sa mga patay, 
      • Medium in trance
      • Manghuhula,
      • Mangkukulam, mambabarang at iba pa
      • Magikero (blanca y negro) 
      • Gumagawa ng mga rebulto (larawan) ng mga santo at diosdiosan
      • Sumasamba sa mga rebulto (larawan) ng mga santo at diosdiosan
      • Nagiingat ng mga rebulto (larawan) ng mga santo at diosdiosan.
      • Mapaniwalain sa mga pamahiin
      • Nagsisisampalataya sa mga banyaga at lokal na orasyong pang-okultismo
      • Nag-iingat ng mga galing (anting-anting at iba pang kawangis niyan).

Tayo nama'y lalabas na mga bulaan at sinungaling, kung ang isasagot natin sa tanong na iyan ay WALA. Kung sasabihin namang MAYROON - dapat naman nating tanggapin, na ang lahat ng nabanggit na personalidad sa itaas ay mga kasuklamsuklam sa paningin ng Dios kung mga kautusan ng Bibliya (Tanakh) ang pag-uusapan. Silang lahat sa makatuwid ay lumalabas na hindi nakapanig sa ating Ama na nasa langit, bagkus ay pawang mga kaalyado ng masama na pinamamahalaan ng diyablo. Bakit? Sapagka't hindi nila inaring katotohanan ang inilahad namin sa itaas ng mga kautusan ng Ama nating nasa langit. Dahil sa niwalan nila ng kabuluhan at hindi sinunod ang mga iyon. Sa halip ay patuloy na isinabuhay ng marami ang mga nakagisnan nilang likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga paganong Romano, na mga katuruang kinasusuklamang lubos ng Ama nating nasa langit.

Hanggang sa muli, paalam.


Ralated topics: 
1. Paano Nalalabag ang Pangalawang Utos?
2. Paano Nauuwi sa Idolatriya ang Pagsamba sa Dios? 
3. Bagong Anyo ng Pagsamba kay Jesus.






1 komento:

  1. tunay na sa kasalukuyang panahon nating ito ay dumami na ang kaparaanan ng pagsamba ng tao tila nawaglit na sa alaala ang kautusan napapaloob sa TANAKH.

    TumugonBurahin