Huwebes, Agosto 15, 2013

ANG PANGANAY AY HALAL NG DIOS SA KABANALAN


Mula sa banal na Tanakh (Jewish Bible) ay may mahigpit na habilin ang kaisaisang Dios tungkol sa mga lalaki na nagsisipagbukas ng bahay bata, o ng sinapupunan. Sila ang tinatawag na mga unang anak, o panganay. Kung lilinawin pa ay ang unang supling (lalaki) na kinikilalang pinakamatanda sa magkakapatid.

Sa mga sagradong katuruan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay may kakaibang pagtingin, at pagkilala sa mga panganay (elect) ang kaisaisa nating Panginoon Dios na nasa langit. Sila ay Kaniyang hinirang sa kalagayang ganap na lumalapat sa tunay na kabanalan. Sa mga hayop man ay gayon din Niyang sinasabi, na ang mga unang lalaking supling nila, bilang panganay ay lubos Niyang inaari at lubhang pinabanal ng kaniyang pagkahirang.

Gaya nga ng aral na natatala sa kasulatan ng mga totoong banal ay winika,
EXO 13 :
2  PAKABANALIN MO SA AKIN ANG LAHAT NG MGA PANGANAY, anomang nagbubukas ng bahay bata sa mga anak ni Israel: maging sa tao at maging sa hayop ay akin.
( Sanctify unto me all the firstborn, whatsoever openeth the womb among the children, both of man and of beast: it is mine.)

EXO 34 :
19  Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at tupa.
(All that openeth the matric is mine; and every firstling among thy cattle, whether ox or sheep, that is male.)

BIL 8:
16  Sapagka’t sila’y boong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.
(For they are wholly given unto me from among the childredn of Israel; instead of such as open every womb, even instead of tghe firstborn of all the children of Israel, have I taken them unto me.)

17  Sapagka’t lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapaging banal para sa akin.
(For all the firstborn of the children of Israel are mine, both man and beast: on the day that I smote every firstborn in the land of Egypt I sanctified them for myself.)

EXO 13 :
13  At bawa’t panganay na asno ay tutubusin mo ng isang kordero; at kung hindi mo tutubusin, ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg: at lahat ng mga PANGANAY NA LALAKE SA IYONG MGA ANAK AY IYONG TUTUBUSIN.
(And every firstling of an ass thou shalt redeem with a lamb; and if thou wilt not redeem it, then thou shalt break his neck: and all the firstborn of man among thy children shalt thou redeem.)

Ang mga panganay sa madaling salita ay likas ang pagiging banal sa paningin ng kaisaisang Dios na Siyang Ama ng lahat ng kaluluwa sa kalupaan. Siya ay isang halal (elect) ng Dios sa layuning magsagawa ng mga payak na bagay ng ating Ama, na may ganap na kinalaman sa larangan ng tunay na kabanalan.

Gayon ma’y isang limot na ala-ala na lamang ang ganyang kabanal na anunsiyo ng lumikha na nasa langit, palibhasa’y tila mga ligaw na halaman sa kakahuyan, na nagsulputan sa sanglibutan ang sari-saring likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga tao. Bagay na naging sanhi ng kawalang malay ng lubhang marami hinggil sa napakahalagang usaping ito. Sapagka’t ang masigasig na itinuro ng iba’t ibang relihiyon sa sangkatauhan ay ang mga aral na taliwas at may malabis na pagpilipit sa katotohanan ng Dios na masusumpungan sa mga banal na kasulatan (Tanakh).

Isang katotohanan na nararapat maunawaan at kailangang maluwalhating tanggapin ng lahat, na sadyang ginawa ng ating Ama ang pagkakaroon ng panganay – sa kadahilanang ibig Niyang pagkalooban ng isang banal ng Dios ang bawa’t sangbahayan sa daigdig na ito. Dahil sa nalalaman niyang iyan lamang ang nag-iisang paraan, kung papaano niya maipararating sa bawa’t mag-anak ang dalisay Niyang kabanalan.

Sa bawa’t pamilya kung gayon ay may isang hinirang ng Dios na siyang tagapaghatid sa sangbahayan ng kabanalan. Siya bilang pinakamatanda sa magkakapatid ay may likas na kapangyarihan sa tinig at sa gawa, na pasunurin ang mga nakababata niyang kapatid. Alinsunod sa bilin ng kaniyang mga magulang ay tinuturuan niya sila, at sa pamamagitan ng awtoridad niyang taglay - sila ay karaniwan ng nangatututo at nangagsisisunod sa kaniya.

Sa gayon, kung ang ama at ang ina niya ay may ganap na kabatiran sa anunsiyong iyan ay maihahanda nila ang kanilang panganay sa itinalaga sa kaniyang layunin ng Dios. Sa pamamagitan nga niyan nagkakaroon ng matibay na bigkis ng kabanalan ang isang sangbahayan sa kalupaan. Kung ang layunin nga ng panganay ng pamilya ay gaya niyan - matuwid sa kaniyang magulang na siya ay sanayin at ihanda nila sa gayong kabanal na gawain. Ang panganay sa makatuwid ay ang inihalal ng Dios (elect) na saserdote sa kabuoan ng pamilya na kinabibilangan niya.

Nakakalungkot nga lamang sa panahon nating ito, na sa kawalan ng kaalaman ng mga magulang hinggil sa usaping iyan, ay lubhang marami sa mga panganay ang hindi nagampanan munti man ang natatangi nilang layunin bilang isang halal na banal ng Dios.

Gaya ni Jesus bilang isang panganay ay tinamo mula sa Dios ang kabanalan mula pa ng siya ay nasa sinapupunan ng kaniyang ina na si Maria. Ano pa’t hayag sa kasaysayan, na itong si Jose at si Maria na kaniyang mga magulang ay may likas na kasipagan pagdating sa tanghalan ng totoong kabanalan. Kaya naman siya ay maluwalhati nilang naihanda na maging representante ng Dios sa sangbahayan ni Jose (Mat 13:55-56). Hindi nagtagal – siya nama’y inihalal (elect) na muli ng Dios bilang isang panganay na itinalagang maging isang propeta sa sangbahayan ni Israel.

Na sinasabi,

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.
(But he answered and said, I am not sent but unto the lost sheep of the house of Israel.)

MATEO 13 :
54  At pagdating sa kaniyang sariling lupain (Nazaret), ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?
(And when he was come into his own country, he taught them in their synagogue, insomuch that they were astonished, and said, Whence hat this man this wisdom, and these mighty works?)

57  At SIYA’Y KINATISURAN NILA. Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Jesus, Walang PROPETA na di may kapurihan, liban, sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.
(And they were offended in him. But Jesus said unto them, A prophet is not without honour, save in his own country, and in his own house.)

MATEO 21 :
11  At sinabi ng mga karamihan, Ito’y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea.
(And the multitude said, This is Jesus the prophet of Nazareth of Galilee.)

Gayon ngang ipinakikita ng Dios ang kaliitan at kapayakan ng gawain ng mga panganay na inihahalal niya bilang saserdote ng tunay na kabanalan ng isang sangbahayan. Kaya naman sa gawaing ginampanan nitong si Jesus ay sinimulan din niya sa gayong kaliit na tungkulin ang paglilingkod sa Espiritu ng Dios. Nang dumating ang itinakdang kapanahunan ay inakay siya ng Espiritu Santo, upang paroonan si Juan na noo’y bumabautismo sa ilog Jordan. Doon nga, sa likas na kalagayang tao ay kinailangan siyang gawaran ni Juan ng bautismo sa pagsisisi ng mga kasalanan. Matapos ang sagradong rituwal na nabanggit ay bumaba kapagdaka ang Espiritu ng Dios (Espiritu Santo), at mula sa sandaling iyon ay makapangyarihan na ngang pinamahayan at pinagharian nito (Espiritu ng Dios) ang kaniyang kalooban at kabuoan.

Sa usaping ito ay maliwanag na ipinakikita sa dako ng katotohanan, na mayroong mga lalaki na sadyang taglay na ang kabanalan sa kanilang kabuoan hindi pa man isinisilang, sa kadahilanang sila ay mga panganay ng sangbahayan. Mayroon din naman na mula sa masigla at masigasig na tumatahak sa tuwid na landas ng kabanalan ay kinilala ng kaisaisang Dios sa gayong kasagradong kalagayan. Ano pa’t matapos sumailalim sa banal na rituwal ng “pagpapahid (anointing)” – ang isa’t isa sa kanikanilang kalooban at kabuoan ay magkakatulad na pamamahayan at paghaharian nitong Espiritu ng Dios.

Dahil sa kaliwanagan ng paunawang iyan ay maaari ng ngang maintindihan ng sapat ang kaibahan ng mga salitang, “sisidlang hirang ng kabanalan,” sa wikang, “sisidlan ng kabanalan.” Ang una sa makatuwid ay isang panganay na masigla at may tuwa sa puso na tumatahak sa matuwid na landas ng tunay na kabanalan, samantalang ang pangalawa ay kumakatawan sa karaniwang tao na naging maibigin sa pagsunod sa kalooban ng Dios.

Sa ibang dako naman ng tunay na kabanalan ay may sinasabi ang ating Ama tungkol sa Israel, gaya ng mga sumusunod.

EXO 4 :
22  At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay:
(And thou shalt say unto Pharaoh, Thus saith the Lord, Israel is my son, even my firstborn:)

Narito, at binigyang diin ng Panginoong Dios, na ang Israel (labingdalawang angkan) ay kaniyang anak na panganay. Ito’y sa kadahilanang nasa sinapupunan (reporductive system) pa nga lamang sila ni Isaac at nitong si Jacob ay winika na ng ating Ama ang ganito,

 GEN 26 :
At aking pararamihin ang iyong (Isaac) binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito; at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; (Mat 7:17-19)
(And I will make thy seed to multiply as the stars of heaven, and will give unto thy seed all these countries; and in thy seed shall all the nations of the earth be blessed;)

Itong si Isaac ay naging panganay si Esau at pumangalawa lamang si Jacob. Gayon ma’y ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay (birthright) kay Jacob, at dahil diyan ay siya ang kinilala at itinanghal ng Dios na panganay ni Isaac. Siya sa makatuwid ang naging kinatawan ng totoong kabanalan sa sangbahayan ni Isaac, at ng kalaunan ay tinawag siya ng Dios na “Israel.” Isinilang mula sa kaniyang binhi ang labingdalawang anak, na sa ngayon ay kilala sa labingdalawang angkan ng bansang Israel.

Iyan ang sinasabing mula pa sa sinapupunan, bago pa man isilang ay kinikilala na ng Dios bilang isang tunay na banal. Isa pa’y mula kay Abraham, Isaac, at Jacob ang dugtong-dugtong na hanay ng mga panganay ng Dios. Kaya Niya itinuring na panganay ang Israel ay ito ang lahi ng mga tao na kinagiliwan Niya, mula sa kanilang pagiging matatakutin, mapaglingkod, at maibigin sa Panginoong Dios.

Kung ang Israel ang kinikilalang panganay ng Dios ay tama lamang sabihin na mayroon itong mga kapatid na bansa, na umaasa sa kaniya ng sagradong katuruan na magpapaging banal din naman sa kanila sa paningin ng Ama na nasa langit. Iyan ay ang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng Dios (kautusan ni Moses) na inihabilin at ipinagkatiwala Niya sa buong sangbahayan ni Israel na Kaniyang panganay. Iyan din ang tangi at kaisaisang pag-asa ng sinoman sa ikababanal ng kaniyang kabuoan.

Kaya hindi na nga nakapagtataka, kung bakit mula sa bibig ni Jesus ay lumabas ang mga sumusunod na pahayag. Na sinasabi,

JUAN 4 :
22  Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka't ANG KALIGTASAN AY NANGGAGALING SA MGA JUDIO.
(Ye worship ye know not what: we know what we worship: for salvation is of the Jews.)

Ang Israel ay katotohanang panganay ng Dios, at ang mga kautusan ni Moses ay iniingatang mabuti ng mga anak ni Israel. Dahil diyan ay mahirap pa kayang maunawaan at tanggapin na ang kaligtasan ng sinoman ay nakasalalay sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tankah) na itinataguyod, tinatangkilik, sinusunod, at ipinagtatanggol ng panganay na anak ng Dios? Tama nga si Jesus, at siya’y nagsasaad ng katotohanan, nang madiin niyang wikain, na “ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.” Ito’y dahil sa katotohanang nasa masinop na pag-iingat ng Israel ang banal na Tanakh, na siyang kumakatawan sa mga makapangyarihang aklat ng kaligtasan.

Mula sa kapamahalaan ng panganay ay karaniwan ng isinasalalay ng mga magulang ang mabuting kapakanan ng kaniyang mga kapatid. Sa kaniya ibinigay ng sarili niyang Ama ang mga kautusan na nararapat tupdin ng buong sangbahayan.  Dahil diyan ay siya (Israel) sa kalagayang panganay ang higit na nakatatalos sa ikabubuti ng mga minamahal niyang kapatid (bansa). Dahil diyan ay katotohanan na nasasalalay sa balumbon ng mga banal na katuruan ng Tanakh ang kaligtasan ng kaluluwa ninoman sa kalupaan. Kabilang diyan ang kaliwanagan na may kinalaman sa usapin ng mga panganay ng Dios.

Hanggang sa muli, paalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento