Jesus of Nazaret |
Dahil diyan ay nakakalungkot na isiping marami sa ngayon
ang matibay na tinitindigan ang ilang aral pangrelihiyon na sumasalungat at
hayagang naghihimagsik sa natatanging kalooban ng kaisaisang Dios, na may katapangang ipinangral ng mga propeta ng Tanakh. Gayon man, sa udyok
ng katuwiran na inaaring lubos ng katotohanan ay tatanglawan namin ng hustong
liwanag sa artikulong ito ang mga tanawing pangkabanalan, na kay laon ng
ikinukubli ng mga tampalasan sa pusikit na kadiliman.
Sa
artikulo nitong Rayos ng Liwanag, na pinamagatang “MASYAK” – hinggil sa usaping
ito ay gaya ng mga sumusunod ang sinasabi,
“Ang salitang
Hebreo na tumtukoy sa “מָשִׁיחַ (mashiyach)” ay “anointed (pinahiran)” ang pinakamalapit at maituturing na
pinakahustong kahulugan sa wikang Ingles. Kung lilinawin ay isang rituwal
pangkabanalan ng Dios na
kumikilala sa sinoman, o sa anomang bagay bilang isang tunay na banal. Sa
paglipas ng mga kapanahunan ay naisalin ang salitang iyan sa wikang Griego, na
kapag binasa ay, “Μεσσίας, (Messias)” at ang kahulugan
naman ng titulong “Mashiyach (pinahiran)” sa
wika nila ay, “Χριστός (Khristós).”
(Paalala: Ang letrang “s” sa hulihan ng
Messia[s] at Kristo[s] ay pagsasalarawan ng mga Griego sa maskulinidad
(masculinity) ng salita, titulo, o pangalan.)
King Nobuchadrezzar of Babylon |
Ang salitang “messiah” ay
titulong hinango ng mga Ingles sa wikang “Μεσσίας, (Messias)” ng
mga Griego. Gayon din ang titulong “Christ” ay mula
naman sa “Χριστός (Khristós)” sa wika ding iyan. Gayon man sa tagalog ay “pinahiran” lamang ang
nag-iisang kahulugan ng mga salitang salin na nabanggit sa itaas.”
Kung sasaliksikin ang balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay may ilang
personalidad na tinamo mula sa kaisaisang
Dios ang titulo na tumutukoy sa Cristo (Pinahiran). Sila sa madaling salita ang mga saserdote, hari, at propeta na mga taong naging
mapalad na nagtamo ng ganyang kabanalbanalang kalagayan.
SAUL, DAVID, AT SOLOMON
Gaya nga ng sa katunayang Tanakh ay maliwanag na sinipi sa ibaba ang ilang
pangalan na nagkamit mula sa Dios ng
nabanggit na titulo.
Na sinasabi,
Na sinasabi,
Si Saul ay
pinahiran ng langis ni Propeta Samuel upang maging isang ganap na Hari ng
Israel.
1SA 10 :
1
Nang magkagayo'y KINUHA NI SAMUEL ANG SISIDLAN NG LANGIS, AT IBINUHOS
SA ULO NIYA, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba
ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis.
(Then Samuel took a vial of oil, and poured [it] upon his head, and kissed him, and said, [Is it] no because the LORD hath anointed thee [to be] captain over his inheritance?)
(Then Samuel took a vial of oil, and poured [it] upon his head, and kissed him, and said, [Is it] no because the LORD hath anointed thee [to be] captain over his inheritance?)
Si David ay
pinahiran ng langis ni Propeta Samuel upang maging isang ganap na Hari ng
Israel.
1SA 16 :
13
Nang magkagayo'y KINUHA NI SAMUEL
ANG SUNGAY NG LANGIS, at PINAHIRAN siya sa gitna ng
kaniyang mga kapatid: at ANG
ESPIRITU NG PANGINOON AY MAKAPANGYARIHANG SUMA KAY DAVID MULA SA ARAW NA YAON
HANGGANG SA HAHARAPIN. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
(Then Samuel took the horn of oil, and anointed him in the midst of his brethren: and the Spirit of the LORD came upon David from that day forward. So Samuel rose up, and went to Ramah.)
(Then Samuel took the horn of oil, and anointed him in the midst of his brethren: and the Spirit of the LORD came upon David from that day forward. So Samuel rose up, and went to Ramah.)
Si Solomon ay
pinahiran ng langis ng saserdoteng si Sadoc at ng propetang si Nathan, upang
maging isang ganap na Hari ng Israel.
1KI 1 :
34
At PAHIRAN siya ng langis doon ni Sadoc na
saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y
magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
(And let Zadok the priest and Nathan the prophet anoint him there king over Israel: and blow ye with the trumpet, and say, God save king Solomon.)
(And let Zadok the priest and Nathan the prophet anoint him there king over Israel: and blow ye with the trumpet, and say, God save king Solomon.)
Narito, at sila Saul, David, at Solomon
ay pinahiran ng langis, upang sila ay kilalanin sa kalagayang Mashiach, Messias, o Cristo. Ang tatlong (3) tao na nabanggit ay pawang naluklok bilang mga Cristong Hari ng Israel sa kanikaniyang kapanahunan.
CIRO (CYRUS)
Bukod pa diyan, gaya ng maliwanag na nasusulat ay may isa
pang hari sa gitnang silangan na mula sa Dios ay tinamo ang gayong kabanal na
kalagayan. Na sinasabi,
King Cyrus of Persia |
ISA 45 :
1 Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang PINAHIRAN NG LANGIS, kay CIRO (Cyrus), na ang kanang kamay ay aking
hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang
mga balakang ng mga hari; upang magbukas
ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
(Thus saith the LORD to his anointed, to Cyrus, whose right hand I have holded, to subdue nations before him; and I will loose the loins of kings, to open before him the two leaved gates; and the gates shall not be shut;)

Ito ngang si Ciro (Cyrus) - ang hari na kahi man hindi kabilang
sa labingdalawang (12) lipi ng
Israel ay naging tagapagligtas ng mga Judio. Siya sa kapanahunang
iyon ang “pinahiran (Mashiach),” – Messias, o ang Cristo ng Dios (Cristong hari) na kinasangkapan ng Ama sa layunin ng pagliligtas at
pagpapalaya sa buong sangbahayan ni Israel mula sa pagka-alipin ng Babilonia. Ito ngang si Ciro (Cyrus) ay ang Cristo (Mesias) na
nagligtas ng buong sangbahayan
ni Israel sa natatanging
kapanahunan niyang iyon.
Ang Mesias, o Cristo ng Dios na hari, kung lalapatan ng pinakatugmang
katawagan ay hindi na nga lalayo pa sa “CRISTONG
HARI.” Maliwanag
nga na ang lahat ng mga naging hari
ng Juda at ng Israel na dumaan sa rituwal ng pagpapahid ng langis, kabilang si Ciro (Cyrus the Great) ng Persia sa nakaraan lubhang malayong
kapanahunan ay tinatawag na gayon.
Tinatawag na “panginoon (lord)” sa
maliit na letrang “p” ang sinomang ganap na lumalapat sa gayong kabanal na
kalagayan. Samantalang “Panginoon (Lord, LORD)” sa malaking
letrang “P” ang tawag sa kaisaisang
Dios (YHVH) na nasa langit. Ang “panginoon” sa maliit na letrang “p”
sa makatuwid ay ganap na tumutukoy sa saserdote, hari, at Cristo.
Samantalang ang “Panginoon” sa malaking letrang “P” ay tumutukoy lamang
sa kaisaisangDios.
Itong si Jesus na dumaan sa rituwal ng
bautismo nitong si Juan ay kaagad na
nilukuban ng Espiritu ng Dios. Gaya
din naman ng mga pinahiran (anointed)
sa Tanakh ay pinamahayan kapagdaka nitong Espiritu ng Dios. Dahil diyan ay matuwid sabihin, na sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa ilog ng Jordan ay
natamo ni Jesus ang titulong Cristo.
PROPETA NG DIOS
Magkagayon ma’y malinaw sa kasaysayan
na si Jesucristo ay hindi kailan man natamo mula sa Dios ang tungkulin ng isang hari ng Israel. Bagkus ay tunay na propeta lamang ang ganap na nilapatan ng
kaniyang banal na kalagayan. Gaya ng nasusulat,
MATEO
13 :
54 At pagdating sa
kaniyang sariling lupain (Nazaret), ay kaniyang tinuruan sila sa
kanilang sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang
taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?
(And when he was come into his own country, he taught them in their synagogue, insomuch that they were astonished, and said, Whence hath this [man] this wisdom, and [these] mighty works?)
(And when he was come into his own country, he taught them in their synagogue, insomuch that they were astonished, and said, Whence hath this [man] this wisdom, and [these] mighty works?)
57 At SIYA’Y KINATISURAN NILA. Datapuwa’t
sinabi sa kanila ni Jesus, Walang PROPETA
na di may kapurihan, liban, sa kaniyang sariling lupain, at sa
kaniyang sariling bahay.
(And they were offended in him. But Jesus said unto them, A prophet is not without honour, save in his own country, and in his own house.)
(And they were offended in him. But Jesus said unto them, A prophet is not without honour, save in his own country, and in his own house.)
Mateo 21 :
11 At sinabi ng mga karamihan, Ito’y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng
Galilea.
(And the multitude said, This is Jesus the prophet of Nazareth of Galilee.)
(And the multitude said, This is Jesus the prophet of Nazareth of Galilee.)
Mateo 21 :
46 At nang
sila’y nagsisihanap ng paraang siya’y mahuli, ay nangatakot sila sa karamihan, sapagka’t ipinalalagay nito na siya’y propeta.
(But when they sought to lay hands on him, they feared the multitude, because they took him for a prophet.)
(But when they sought to lay hands on him, they feared the multitude, because they took him for a prophet.)
JUAN 7 :
40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, TUNAY NA ITO ANG PROPETA.(Many of the people therefore, when they heard this saying, said, Of a truth this is the Prophet.)
JUAN 6 :
14 Kaya nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang
sinabi, Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan.
(Then those men, when they had seen the miracle that Jesus did, said, This is of a truth that prophet that should come into the world.)
(Then those men, when they had seen the miracle that Jesus did, said, This is of a truth that prophet that should come into the world.)
Dahil diyan ay maliwanag pa sa sikat
ng araw na siya ay hindi kailan man natamo ang kalagayan bilang CRISTONG
HARI, kundi ang napakaliwanag niyang tinanggap mula sa kaisaisang Dios ay ang pagiging “PROPETANG
CRISTO, o CRISTONG PROPETA.” Kaya naman tiyak na isang malaking kamalian
na tawagin siyang “CRISTONG HARI.”
HARI NG MGA HARI
Katotohanan nga na maraming Hari at sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay may ilan
sa kalupaan na ipinahayag ng mga tunay na lingkod ng Dios na Hari ng mga Hari sa kalupaan.
Gaya ng nasusulat,
Gaya ng nasusulat,
EZR 7
:
12 Si Artajerjes, na HARI NG MGA HARI, kay Ezra na
saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, na sakdal at iba pa.
(Artaxerxes, king of kings, unto Ezra the priest, a scribe of the law of the God of heaven, perfect [peace], and at such time.)
(Artaxerxes, king of kings, unto Ezra the priest, a scribe of the law of the God of heaven, perfect [peace], and at such time.)
EZE
26 :
7
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa
Tiro si Nabucodonosor na hari sa
Babilonia, na HARI NG MGA HARI, mula
sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at
isang pulutong, at maraming tao.
(For thus saith the Lord GOD; Behold, I will bring upon tyrus Nebuchadrezzor king of Babylon, a king of kings, from the north, with horses, and with chariots, and with horsemen, and companies, and much people.)

DAN 2
:
37 Ikaw,
Oh hari (Nabucodonosor), ay HARI NG MGA HARI, na
pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan,
at ng kaluwalhatian;
(Thou, O king, [art] a king of kings:
for the God of heaven hath given thee a kingdom, power, and
strength, and glory.)
DAN 2
:
47 Ang
hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang
ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.
(The king answered Daniel and said, It is true that
your God is a GOD OF GODS, and a LORD OF KINGS, and a revealer of secrets, since you could reveal
this secret.)
Gayon ngang napakaliwanag na sa lupa
ay may itinanyag ang kaisaisang Dios,
na Hari ng mga hari, at sila ay
walang iba, kundi si Haring Artjerjes (Artaxerxes) at si Haring Nobucodnosor (Nebuchadrezzar). Ang Ama nating nasa langit gaya ng
sasusulat sa itaas (Dan 2:37) ay ang kaisaisang Dios, at Siya din naman
ang kaisaisang Dios ng mga Hari sa kalupaan. Dahil diyan ay matuwid din namang
sabihin, na ang Dios ay kaisaisang Hari sa kaluwalhatian ng langit,
at Siya ang Dios na Hari ng lahat ng mga hari sa
kalupaan.
Katotohanan kung gayon, na itong si Jesus ay hindi kailan man nakamit mula sa Dios ang pamimitagang panawag na nakamit ng dalawang nabanggit na hari.
ANG CORDERO (PITONG ESPIRITU NG DIOS)
Katotohanan kung gayon, na itong si Jesus ay hindi kailan man nakamit mula sa Dios ang pamimitagang panawag na nakamit ng dalawang nabanggit na hari.
ANG CORDERO (PITONG ESPIRITU NG DIOS)
REV 5 :
6 At nakita ko sa gitna ng
luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang CORDERO na nakatayo, na wari ay
pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang PITONG ESPIRITU NG DIOS, na sinugo sa
buong lupa.
(And
I beheld, and, lo, in the midst of the throne and of the four beasts, and in
the midst of the elders, stood a LAMB
as it had been slain, having seven horns
and seven eyes, which are the SEVEN SPIRITS OF GOD sent forth into
all the earth.)
Sa talata sa
itaas (Rev 5:6) ay walang alinlangan
na ang kumakatawan sa Cordero ay
walang iba, kundi ang pitong Espiritu ng
Dios na isinugo sa buong lupa. Dahil diyan ay isang paglilinaw sa Juan 1:29, na ang tinutukoy pala ni Juan na “Cordero ng Dios nag-aalis sa sala ng sanglibutan” ay totoong hindi
si Jesus, kundi ang pitong Espiritu ng Dios na nabanggit. Na
sa kapanahunang iyon ay masigla at makapangyarihang namamahay at naghahari sa
kalooban nitong si Jesus. Gayon din sa nilalaman ng Juan 1:29, na ang tinutukoy ni Juan na Cordero ay hindi si Jesus, kundi ang pitong (7) Espiritu ng Dios na isinugo sa buoang kalupaan.
Hinggil naman sa
iba pang katawagan sa Cordero ng Dios
ay gaya ng nasusulat sa ibaba, na sinasabi,
REV 5 :
8 At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na
buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa't isa'y may alpa,
at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga
banal.
(And when he had taken the book, the four beasts and
four [and] twenty elders fell down before the LAMB, having every one of them harps, and golden vials full of
odours, which are the prayers of saints.)
REV 17 :
14 Makikipagbaka ang mga ito laban
sa CORDERO, at sila'y dadaigin ng CORDERO, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama
niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.
(These shall make war with the LAMB, and the LAMB shall overcome them: for he is Lord of lords, and King of
kings: and they that are with him [are] called, and chosen, and faithful.)
REV 19 :
16 At siya'y mayroong isang
pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT
PANGINOON NG MGA PANGINOON.
(And
he hath on [his] vesture and on his thigh a name written, KING OF KINGS, AND
LORD OF LORDS.)
Nariyan, at ang
apat na nilalang na buhay at ang dalawampu’t apat na matatanda ng langit ay
nangagpatirapa sa harapan ng Cordero
na siyang pitong Espiritu ng Dios. Ano
pa’t dinaig ng Cordero ang hayop,
sapagka’t ang kabuoan nito ay tinatawag na Panginoon ng mga panginoon, at Hari
ng mga hari na pangalang nasusulat sa kaniyang damit at hita. Dahil nga
sa pinatototohanan ng Apocalipsis ni Juan,
na ang Cordero ay walang iba, kundi
ang pitong (7) Espiritu ng Dios, at dahil diyan ay
kailangang tanggapin ng lahat na kailan man ay hindi naging si Jesus ang Cordero na tinutukoy doon. Ang Cordero (pitong Espiritu ng Dios) ay namahay at naghari lamang sa kaniyang
kalooban matapos na siya ay gawaran ni Juan
ng bautismo
sa pagsisisi ng kasalanan. Mula sa katotohanang iyan ay magiging isang napakalaking pagkakamali ng sinoman, kung si Jesus ay kikilalanin pa niyang Dios.
Gaya ng
nasusulat.
MATEO 3 :
16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y
umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang ESPIRITU NG DIOS na
bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;
(And Jesus, when he was baptized, went up straightway out of the water: and, lo, the heavens were opened unto him, and he saw the Spirit of God descending like a dove, and lighting upon him:)
(And Jesus, when he was baptized, went up straightway out of the water: and, lo, the heavens were opened unto him, and he saw the Spirit of God descending like a dove, and lighting upon him:)
Mula sa kaluwalhatian ng langit ay
isinugo sa kalupaan ang pitong Espiritu
ng Dios, at ang kabuoang iyan ang siyang napakaliwanag na Espiritu Santo na namahay at naghari sa
kalooban at kabuoan nitong si Jesus. Ang nabanggit na pitong Espiritu sa makatuwid ang mga bahagi ng Dios na makapangyarihang umiiral sa dimensiyon ng materiya, at masiglang pinamamahayan at pinaghaharian ang kabuoan ng sinomang lubos ang kasipagan sa larangan ng tunay na kabanalan.
KONKLUSYON
Sa pagtatapos ng usaping ito ay
katotohanang nagtutumibay, na ang Cristong si Jesus ay hindi kailan man lumapat sa kalagayan ng isang Hari ng Israel, kundi bilang isang propeta ng Dios lamang. Ang Cordero ng Bagong Tipan ng Bibliya ay walang iba kundi ang pitong Espiritu ng Dios na isinugo sa
buong kalupaan. Gayon man ay “TUPA” ang inaaring simbulo ng mga anak
ng pagsunod sa kalooban ng kaisaisang Dios.
Ang sinoman sa makatuwid na masigla at may galak sa puso na tumatalima sa mga kautusan ni Moses ay ganap na nabibilang sa Kaniyang kawan ng mga tupa (anak ng pagsunod). Iyan nga lamang ang sa paningin ng Ama nating nasa langit ang kaisaisang larangan sa kalupaan na nagpapahayag ng tunay na kabanalan.
Alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na katatapos lamang naming ilahad sa maliwanag ay isa ngang napakalaking pagkakamali, na si Jesus ay tawaging, "CRISTONG HARI, HARI NG MGA HARI at bilang CORDERO NG DIOS NA NAG-AALIS SA SALA NG SANGLIBUTAN." Saan man at kailan man ay hindi lumapat, ni umayon man sa kalagayan ni Jesus ang tatlong (3) titulo na nabanggit sa istansang ito. Iyan lamang ang napakaliwanag na binibigyang diin at inaaring katotohanan ng Tanakh.
Dagdag pa diyan, ang titulong Cristo (Mesias) ay kalagayang inilalapat lamang ng Dios sa tao. Si Jesucristo kung gayo'y isang tao na totoo, at ang kalagayang Dios na inilalapat sa kaniya ng mga kapariang Katoliko ay hindi kailan man inari, ni sinang-ayunan man ng katotohanang nilalaman ng mga lihitimong banal na kasulatan (Tanakh).
Ang katawagang Cristo ay katotohanan na hindi lamang lumalapat sa kalagayan ni Jesus, kundi iyan ay tinamo na ng mga hinirang ng Dios sa bawa't henerasyon ng mga tao bago pa siya isilang. Sa makatuwid ay marami ang Cristo na masusumpungan sa mga balumbon ng banal na Tanakh ng kaisaisang Dios ng langit.
Patuloy nawang kamtin ng bawa't isa sa atin ang masaganang pagpapala ng Ama nating nasa langit.
Hanggang sa muli, paalam.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento