Mahalagang Paalala:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang tunay na banal ng Dios
Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.
Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.
Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal
Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.
Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.
Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.

Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan.
Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."
Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang tumpak at batay sa katibayan biblikal na pag-aaral ng bibliya (precise and evidence-based bible study).
Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan.
Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya.
Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa.

Paano nga kung gayon makakamit ng sinoman ang kaligtasan ng laman (katawan) at ng kaluluwa, kung ang aral na kaniyang tinitindigan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na sumasa Dios.
Ang sinoma'y dumadako sa larangan ng tunay na kabanalan, kapag ang tema ng araling nabanggit sa itaas ang inuna niyang pagtuunan ng masusing pag-aaral.
Sapagka't sa pagka-alam ng tama (katotohanan ng Dios), ay maliwanag na makikita ang mali (daya ng kasinungalingan), at ito'y sukat upang ang pagtalima sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisang Dios ay maluwalhating maisabuhay ng sinoman sa kalupaan.
Sa pag-aaral ng Bibliya ay matuwid na isaalang-alang ninoman ang katuwiran nitong evangelio ng kaharian, na mismo ay sinalita ng
sariling bibig ng panginoong Jesucristo.
Bago nga natin paniwalaan ang pangsariling opinyon ng ilang karakter ng bagong tipan ay tiyakin nga muna natin na iyon ay may pagsang-ayon sa sagradong turo na iniaral ng kaniyang bibig.
Maituturing ngang huwad na katuruang pangkabanalan ang anomang aral na masusumpungang may pagsalungat o paghihimagsik sa evangelio ng kaharian.

Ano nga ba ang evangelio ng kaharian?
Ang evangelio ng kaharian ay kalipunan ng mga katuruang
pangkabanalan na mismo ay sinalita ng sariling bibig ng Cristo. Ito ay lumalayong ihatid ang sinoman sa kaligtasan ng kaluluwa tungo sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng langit.
Matatawag na tunay na Cristiano (Masyano) ang sinomang may kasiglahan at may galak sa puso na nagsasabuhay ng mga katuwiran ng Dios, na iniaral ng sarili niyang bibig.
Datapuwa’t ang sinomang hindi ginaganap ang nabanggit na evangelio ng kaharian, gayon ma’y nagsasabing siya’y Cristiano – ang tao ngang iyon ay hindi nagsasaad ng katotohanan. Sinoman ngang nabibilang sa gayong kasuklamsuklam na kalagayan ay dumadako sa malaking kalipunan ng mga huwad na Cristiano.

Sa pagpapatuloy
ay anu-ano nga kaya ang mga sagradong aral na masusumpungan sa evangelio ng kaharian, upang kung maisabuhay ng sinoman ay makilala siyang isang tunay at lehitimong Cristiano?
Gaya nga ng nasusulat ay matuwid na ariing katotohanan ng sinoman bilang isang Cristiano ng Dios ang mga sumusunod na katuruang pangkabanalan, na itinuro at binigyang diin ng sariling bibig ng Cristo.

Ano nga ba ang
itinuro ni Jesus tungkol sa kautusan ng Dios?
Narito, at sa sumusunod na talata ay mababasa ng napakaliwanag ang katotohanang aral hinggil sa kautusan.
Narito, at sa sumusunod na talata ay mababasa ng napakaliwanag ang katotohanang aral hinggil sa kautusan.
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang
sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi
upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo,
Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT,
sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat
ng mga bagay.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo
itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti:
datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO
ANG MGA UTOS.
MATEO 22 :
36 Guro, alin baga
ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN?
37 At sinabi sa
kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG
BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38 Ito ang DAKILA AT
PANGUNANG UTOS.
39 At ang PANGALAWANG
KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI.
(Lev 19:18 , Mat19:19)
40 SA DALAWANG UTOS
NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA
PROPETA.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY
NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa
akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Gayon nga, at sinasabi mismo ni Jesus na siya’y naparoon sa sangbahayan
ni Israel hindi upang sirain, ni pawalang
kabuluhan, ni alisan man ng bisa ang kautusan
ng Ama. Bagkus ay maging isang buhay na halimbawa ng maluwalhating pagsunod sa Dios. Ito’y sa pamamagitan
ng pagganap sa natatanging kalooban
(kautusan) ng Ama nating nasa langit.
Ayon na rin sa kaniya’y hindi mawawala sa kautusan ang isang tuldok, ni isang kudlit man hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Ang kaganapan nga ng lahat ng mga bagay ay ang makita ng Ama, na sa bawa’t mukha ng tao sa kalupaan ay lumarawan ang natatanging anyo ng Kaniyang katuwiran at kabanalan. Na kung lilinawin ay ang anyo at wangis ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay na walang hanggan.

Dito ay maliwanag na ipina-uunawa ng Cristo sa lahat, na ang gawang inaari ng
mabuti ay ang pagtalima at pag-iingat ng kautusan. Ano pa’t ang una
ay ang kautusan ng pag-ibig sa Dios
(1-5), at ang pangalawa ay ang kautusan
ng pag-ibig sa kapuwa (6-10).
Sa simula nga’y dalawa (Mat 22:36:40) lamang, datapuwa’t nang lumaon ay lalong pinalinaw ng Ama sa ikagagaan ng pagsunod ng kaniyang mga anak. Kaya ang dalawa (2) ay hinimay at pinadami sa sampu (10), na siyang sa ngayon ay mga mayor na kautusan ng Dios sa sangkatauhan.

Ano man ngang katuruan na lilihis, o lalabag sa
katuwiran ng mga salitang iniluwal ng sariling bibig ni Jesus, na tinalakay natin sa itaas ay hindi na nga sinasakop ng katuruang Cristo (Messianic teaching). Hindi na nga lalapat pa sa kamalayang Cristianismo (Masyanismo) ang aral
pangrelihiyon (Evangelio ng di-pagtutuli) na nagpapawalang kabuluhan sa mga
kautusan ng kaisa-isang Dios na nasa langit.
Matapos ang usapin ng kautusan ay ano naman kaya ang
itinuturo ng bibig ni Jesuctisto tungkol sa pananampalataya? Hinggil nga sa usaping ito ay sinalita ng sarili niyang
bibig ang mga sumusunod,
Ang Pananampalataya
MATEO 23 :
23 At inyong pinababayaang di ginagawa ang
LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t ang Katarungan, at ang Pagkahabag,
at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t
dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong
iba.
JUAN 5 :
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
inyo, Ang DUMIRINIG NG AKING SALITA, at SUMASAMPALATAYA SA KANIYA NA NAGSUGO
SA AKIN, ay may buhay na walang hanggan, at HINDI PAPASOK SA PAGHATOL,
KUNDI LUMIPAT NA SA KABUHAYAN MULA SA KAMATAYAN.
Ang pananampalataya sa makatuwid ay isa
lamang sa lalong mahahalagang bagay ng kautusan.
Na ang ibig pang ipakahulugan ng mga talata sa itaas ay isa itong kabuoan, at
ang pananampalataya,
katarungan,
at pagkahabag
ay mga mahahalagang bagay lamang na pumapaloob dito.
Dahil diyan ay walang anomang matuwid, o balidong kadahilanan, upang ang isa man sa kabuoang iyan ay ihiwalay ninoman sa Kautusan. Sapagka’t, kung magkukulang sa kaniyang kahustuhan ang kabuoang iyan ay tiyak na mawawalan ng lakas na ganapin ang natatangi nitong layunin.

Maliwanag namang
binibigyang diin sa Juan 5:24, na ang
pananampalataya (lubos na tiwala) ay sa kaisaisang Dios lamang nararapat na
iukol ng sinoman sa kalupaan. Ang mga salita
(evangelio ng kaharian) lamang na nangagsilabas mula sa bibig ng Cristo ang nararapat na panghawakang
matibay ng lahat. Dahil diyan ay matuwid lamang na dinggin at isabuhay natin
ang mga aral pangkabanalan na itinuro ng sarili niyang bibig.
Bukod pa sa roon ay hindi na papasok pa sa anomang masaklap na kahatulan ng Dios ang sinoman. Ayon pa, mula sa dako ng kamatayan - siya’y ililipat ng ating Ama sa kabuhayan na walang hangganan. Ang pananampalataya sa makatuwid ay tanging sa ating Ama na kaisaisang Dios lamang matuwid na iukol ng lahat.
Kailangan din namang sampalatayanan, na ang Espiritu ng Dios ay namahay at naghari sa kalooban ni Jesus na Cristo at mga apostol. Gayon din sa mga propeta ng Torah na kinilala at itinanghal ng ating Ama sa larangan ng tunay na kabanalan.
Na sinasabi,

JUAN 14 :
10 HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA
AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi
ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa
ng kaniyang mga gawa.
11 MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA
AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN
DAHIL SA MGA GAWA RIN.
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG MGA
GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG
GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.
JUAN 12 :
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi ANG
SUMASAMPALATAYA SA AKIN, AY HINDI SA AKIN SUMASAMPALATAYA, KUNDI DOON SA NAGSUGO
SA AKIN.
DEUT 18 :
18 Aking
palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng
kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA
SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA
KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos
3:7)
Maliwanag ngang
mababasa sa itaas, na itong si Jesus
ay nararapat sampalatayanan sa kalagayang siya’y sumasa Ama at ang Ama ay sumasa
kaniya. Dapat nga ring sampalatayanan na gumagawa ng Kaniyang mga gawa ang Espiritu
ng Dios na namamahay at naghahari sa kalooban at kabuoan ng Cristo sa panahon niyang iyon Sa madaling salita ay naisasagawa
ng nabanggit na Espiritu ang mga
dakila niyang adhikain sa pamamagitan ng kinikilala at itinatanghal niyang mga
banal (propeta at hari).
Hindi nga matuwid
sa paningin ng kaisaisang Dios na
itong si Jesucristo ay kilalanin at
sampalatayanan sa kalagayan ng isang Dios.
Sapagka’t siya ay nagsaad ng natatanging katotohanan hinggil sa likas niyang
kalagayan bilang isang tao na totoo.
Bago nga simulan
ang usaping iyan ay atin munang tanglawan ang isang katuwiran, na may kinalaman
sa mga salita ng bibig nitong si Jesus, na sinasabi,
JUAN 5 :
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
inyo, Ang DUMIRINIG NG AKING SALITA, at SUMASAMPALATAYA SA KANIYA NA NAGSUGO
SA AKIN, ay may buhay na walang hanggan, at HINDI PAPASOK SA PAGHATOL,
KUNDI LUMIPAT NA SA KABUHAYAN MULA SA KAMATAYAN.
JUAN 18 :
37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y
hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak
dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, UPANG BIGYANG PATOTOO ANG
KATOTOHANAN. (Mat 15:24 ) ANG BAWA’T ISANG AYON SA KATOTOHANAN AY NAKIKINIG NG AKING
TINIG.
MATEO 24 :
35 Ang langit at ang lupa ay lilipas,
datapuwa’t ANG AKING MGA SALITA AY HINDI
LILIPAS.
Kung
uunawaing mabuti ang mga nasasaad na katotohanan sa mga talata sa itaas ay
hindi mahirap maunawaan, na kailangang dinggin at isabuhay ng lahat ang mga salita (evangelio ng kaharian, na
ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus.
Dito’y sinasabi na tanging ang mga tao na umaayon lamang sa katotohanan ang nangakikinig at nagsasabuhay nitong evangelio ng kaharian. Ano pa’t ang sinomang nagsasabi na siya’y dumadako sa larangan ng tunay na kabanalan, at hindi tumitiwala o nananahan man sa aral ng bibig ng Cristo ay hindi kinalulugdan ng ating Ama. Sa gayo’y hindi kailan man maaaring pamahayan at pagharian ng Espiritu ng Dios ang kalooban at kabuoan ng taong iyon.

Hindi
nga maaaring mapaso, ni paglipasan man ng mga kapanahunan ang katuruan (evangelio ng kaharian) na
nangagsilabas mula sa sariling bibig ng Cristo,
kahi man mawala pa ang langit at ang lupa.
Dahil diyan ay magiging isang lubhang malaking kahangalan at kahibangan na ideklara ng sinomang tao, na,
Dahil diyan ay magiging isang lubhang malaking kahangalan at kahibangan na ideklara ng sinomang tao, na,
HEB
7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa
kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG
PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling
(pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
ROMA
3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan
ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng
KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
1
COR 15 :
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang
kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.
ROMA
4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit;
datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA
5 :
13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang
sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG
WALANG KAUTUSAN.
ROMA
7 :
21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang KAUTUSAN
na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang MASAMA ay nasa akin.
ROMA
3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang
tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG
KAUTUSAN.
Kung
paano nga tinatangkilik at ipinagtatanggol ni Jesucristo ang kahalagahan ng kautusan
sa bawa’t kaluluwa ng tao sa kalupaan, ay gayon namang itinatakuwil, niwawalang kabuluhan, at niyuyurakan ni Pablo ang kautusan ng Dios, na gaya lamang ng basahan na pamunasan ng mga
paa.
Hanggang kailan pa baga nating pagmamatigasin ang ating mga puso, na paniwalaan ang imbentong turo ng mga tao, kay sa mga turo na mismo ay ipinagaral ng sariling bibig ng Cristo.
Ganyan na nga ba kapilipit ang pag-iisip ng marami, na imbis pagyamanin ang mga SALITA NG DIOS ay minabuti pa nilang magtampisaw sa kasuklamsuklam na LIKHANG TURO NG TAO.

nga mahirap makita, na ang Cristo ay
masiglang tagaganap, tagapagtaguyod, tagatangkilik, at tagapagtanggol
ng kautusan. Samantalang itong si Pablo
ay maliwanag na nasumpungang nagtuturo ng pagsuway
at pagtatakuwil sa kautusan.
Gaya ng nasusulat,
Hindi lamang iyan, kundi pati na ang aral pangkabanalan (evangelio ng kaharian) na sinalita ng bibig ni Jesus ay iniutos niyang tigilan na ng mga tao ang pagsasabuhay.
Na sinasabi,
Gaya ng nasusulat,
Gawa 21
20
At sila, nang kanilang marinig yaon, ay niluwalhati ang Dios: at sa
kaniya’y sinabi nila, Nakikita mo na, kapatid, kung ilang LIBO-LIBO ANG MGA JUDIO NA NAGSISISAMPALATAYA; at silang lahat ay pawang MASISIKAP SA KAUTUSAN.
21 At nabalitaan nila tungkol
sa iyo, na ITINUTURO MO SA LAHAT NG MGA JUDIO na nangasa mga Gentil, na MAGSIHIWALAY
KAY MOISES, na sinasabi mo sa kanila HUWAG TULIIN ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga kaugalian
(kautusan).
Hindi lamang iyan, kundi pati na ang aral pangkabanalan (evangelio ng kaharian) na sinalita ng bibig ni Jesus ay iniutos niyang tigilan na ng mga tao ang pagsasabuhay.
Na sinasabi,
HEB 6 :
1 Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA (kautusan), at ng pananampalataya sa Dios.
Ang una ay gayon ngang nasumpungan ang taong iyan sa pagtuturo ng paghihimagsik sa kautusan ng Dios (Gawa 21:20-21). Ano pa't ang kasukdulan ng pamumusong na iyon ay nang ipag-utos niya na tigilan na ang pagsasabuhay ng mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay masiglang ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus (Heb 6:1).
Sa dalawang talatang iyan ay higit sa sapat upang mahayag sa maliwanag at mapag-unawa ng lubos ang matibay na paninidigan ng taong nabanggit. Siya kung gayon ay isang tao na ang layunin ay pawalang kabuluhan ang kautusan at ipatigil sa mga tao ang pagsasabuhay nitong evangelio ng kaharian.
Kaugnay niyan, ang katuruan na nilalaman nitong Heb 6:1 ay maliwanag na makikitang ganap na pinasisinungalingan nitong si Juan, na ang sinasabi ay gaya ng mga sumusunod,
2 JUAN 1 :
9 ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
Diyan nga sa patotoo mismo nitong si Juan sa 2 Juan 1:9 ay binibigyan niya ng diin ang pagpapatuloy sa aral na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Sapagka't hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ang mga gumagawa ng gayon ay kinaroroonan ng Dios.
Sa madaling salita ay kinaluluguran at pinagpapala ng Ama nating nasa langit ang sinomang patuloy na isinasabuhay ang mga salita (evangelio ng kaharian) na masigla at may katapangangang ipinangaral ng Cristo.
Narito, at pag-agapayanin nga natin ang dalawang (2) talata na iyan, upang makita ng husto ang napakaliwanag pagsalungat ng pangalawa sa unang talata na mababasa sa ibaba.
Dumako naman tayo sa larangan ng maluwalhating pananampalataya. Ano naman kaya ang aral na itinuturo nitong si Pablo hinggil sa usaping ito?

Katuruang Cristo
|
Katuruang Pablo
|
9 ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
|
HEB 6 :
1 Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA (kautusan), at ng pananampalataya sa Dios.
|
Sa dakong itaas, ang Heb 6:1 ay maliwanag na niwawalang kabuluhan ang laman na katuruan ng 2 Juan 1:9. Gaya rin naman ng evangelio ng di pagtutuli nitong si Pablo na hayagang niwawalang kabuluhan at niyuyurakan na gaya ng isang maruming basahan ang evangelio ng kaharian na ipinangaral ng Cristo.
Dumako naman tayo sa larangan ng maluwalhating pananampalataya. Ano naman kaya ang aral na itinuturo nitong si Pablo hinggil sa usaping ito?
GAL
3 :
23
Nguni’t bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo
tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya
ay ipahahayag pagkatapos.
24 Ano
pa’t ang KAUTUSAN ay siyang naging TAGAPAGTURO natin upang ihatid tayo kay
CRISTO, upang tayo’y ARIING-GANAP SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA.
25 Datapuwa’t
ngayong dumating na ang pananampalataya ay, WALA NA TAYO SA ILALIM NG
TAGAPAGTURO.
GAWA 13
:
39 At sa pamamagitan niya ang bawa’t
nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP SA PAMAMAGITAN
NG KAUTUSAN NI MOISES. (1 Hari 2:3-4)
GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman
na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Jesucristo,
tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo,
at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon
sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMANG LAMAN.
Kung
babalikan ang pangalawang bahagi ng akdang ito ay maliwanag na ipinauunawa sa lahat nitong si Jesus, na ang kautusan ay binubuo ng tatlong (3)
napakahalagang mga bagay – ang katarungan, ang pagkahabag, at ang pananampalataya.
Sa madaling salita ay isang kabuoan ang kautusan na taglay ang tatlong (3) nabanggit na mga bahagi. Nguni’t kung pag-uukulan ng masusing pag-aanalisa ang mga likhang aral ni Pablo na nalalahad sa itaas ay hindi mahirap makita, na ihinihiwalay niya ang pananampalataya sa kabuoan ng kautusan. Bagay na nagpapakita ng hayagang pagsalungat sa katuwiran ng mga salita ng bibig ni Jesus hinggil sa usaping ito.
Sa gayo’y hindi siya maituturing na kapanalig ng matuwid, kundi maliwanag na kalaban ng katuruang Cristo (Messianic teaching) na kinakatawan nitong evangelio ng kaharian.
Gayon ma'y hindi pinayagan ng kapatid nating si Santiago ang kabulaanang iyan ni Pablo, sapagka't tungkol sa usapin ng pananamapalataya ay gaya naman ng nasusulat sa ibaba ang banal na katuruang ipinanupil niya sa kapangahasang iyan ng taong iyan.
Na sinasabi,
SANT 2 :
17 Gayon din naman ANG PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA, AY PATAY SA KANIYANG SARILI.
18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at AKO SA PAMAMAGITAN NG AKING MGA GAWA AY IPAKITA SA IYO ANG AKING PANANAMPALATAYA.
19 Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig.
20 Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ANG PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY BAOG?
21 Hindi baga ang ating amang SI ABRAHAM AY INARING GANAP SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWA, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana?
22 Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWA AY NAGING SAKDAL ANG PANANAMPALATAYA.
23 At natupad ang kasulatan na nagsasabi, At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na kaibigan ng Dios.
24 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
25 At gayon din naman hindi rin baga si RAHAB na patutot ay INARING GANAP SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWA. dahil sa tinanggap niya ang mga sugo, at kaniyang pinapagdaan sila sa ibang daan?
26 Sapagka't KUNG PAANONG ANG KATAWAN NA WALANG ESPIRITU AY PATAY, AY GAYON DIN ANG PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY PATAY.

Sa kaliwanagang iyan ng mga pahayag mismo ng kagalanggalang nating kapatid na si Santiago, ay makikita ng lubos ang bawa't detalye nitong usapin ng pananampalataya. Na kailan ma'y hindi maaaring ihiwalay ang pananampalataya sa kautusan, ayon sa napakalinaw na pagkakahayag sa katotohanan ng sariling bibig ni Jesucristo (Mat 23:23).
Ilan
nga lamang iyan sa hindi kakaunting anomalya
ng bagong tipan, na nararapat
mapag-unawa ng lahat sa pamamagitan ng masusing pag-aaral nito.
Nariyan ang dagdag/bawas ng mga salita na pinitas sa lumangtipan (Tanakh), upang gawing patibayang aral sa bagong tipan ng bibliya. Ang salita ng Dios (evangelio ng kaharian) ay nilahukan ng di makatotohanang likhang turo ng tao, na tumutukoy ng ganap sa evangelio ng di pagtutuli. At kung titindigan at isasabuhay ninoman ay lakas na walang awang kakaladkad sa kaniyang kaluluwa sa tiyak na kapahamakan nito.

Unti-unti
mula sa banayad na paglalahad ng mga bagay na iyan sa mga susunod na artikulo
nitong Rayos ng Liwanag, ay mahahayag ng husto ang mga likhang taong kasiraan (likhang taong
doktrinang pangrelihiyon) na inilakip ng mga tampalasan sa Bibliya.
Layunin
ng kalipunang ito, na hanguin ang marami sa lambak ng kasinungalingan at
kapalaluan ng mga tao. Ito’y sa pamamagitan ng may katapangang paghahayag ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal, na naglalahad ng hindi kukulangin at hindi lalabis na katotohanang ganap na sinasang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit.
Kung
ang sinoma’y kinikilala si Jesus
bilang Cristo ng Dios ay matuwid
lamang na ang aral na nagmula mismo sa sarili niyang bibig ang tindigang
matibay at isabuhay niya. Taliwas diyan ay maituturing na kalaban ni Jesus (anticristo) siyang minabuti pang paniwalaan ang
mga pinaglubidlubid na kasinungalingan ng taong si Pablo.
Ito ang Katuruang Cristo.
Hanggang
sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento