The Scrolls of Tanakh |
Ang Tanakh ay katawagan na ginagamit ng
Judaismo ukol sa batas kanonico (canon)
ng Bibliyang Hebreo (Hebrew Bible).
Kilala din ito sa taguring Masoretic Text, o Miqra.
May tatlong (3) pinagkaugaliang dibisyon ang kasulatang nabanggit. Ang Torah
(“Kautusan,” na kilala din sa tawag na Limang Aklat ni Moses),
ang Nevi’im
(“Mga Propeta”), at ang Ketuvim (“Katuruan”). Sa balumbon ng
mga kasulatang iyan ay ipinakilala ang kaisaisang
Dios at ang natatangi Niyang mga Kautusan, Palatuntunan, at Kahatulan. Diyan ay masigla at malugod
na ipinahayag ng mga hari at ng mga propeta ang katuruang Cristo (Messianic Teachings).
Sa kasulatan ding iyan ay mababasa na nilikha ng nagpakilalang Kaisaisang Dios
(Yohvah) ang dimensiyon ng Materiya at Dimensiyon ng Espiritu, at ang lahat ng mga nangaroon (Gen 1:1). Gayon din naman Niyang binigyang diin, na siya ang nagmamay-ari sa lahat ng kaluluwa ng sangkatauhan (Eze 18:4). Dahil sa
matibay na kadahilanang iyan - ang lahat ng tao sa buong kalupaan, o sa apat
(4) na direksiyon ng ating mundo ay may tungkulin na tumupad ng kaniyang
kalooban.
Ang natatanging katuruang pangkabanalan
na nilalaman ng Tanakh sa makatuwid
ay ganap na tinutukoy ang sangkatauhan. Ang lahat kung gayo’y nararapat mamuhay
sa kalupaan lakip sa kaniyang kalooban at kabuoan ang takot sa Dios. Ang ganap na
kaalaman at pagka-unawa sa mga kaayunan at kabawalan na nilalaman
nito ang tumatayong matibay na gabay ng mga tao. Sukat upang ang sinoman sa
kalupaan ay matutong harapin ang uri ng buhay na may ganap na pakikibahagi sa
nag-iisang larangan ng tunay na kabanalan.
Maituturing na ang pagganap sa bagay na
iyan ay sinasang-ayunan ng katotohanan, at maipasisiya na sinoman ang masiglang
nagpapahalaga at may galak sa puso na tumutupad sa mandato ng nabanggit na
kasulatan ay natitindig ng matibay sa tunay
na paniniwala. Dahil sa Dios na
mismo sa kaniyang sarili ang Siyang
nagpapatotoo sa kaniyang mga salita.
Ano mang doktrina, o kasanayang
pangrelihiyon sa makatuwid na kasusumpungan ng pagsalungat sa uri ng kabanalan
na binibigyang diin ng mga banal na nakasulatan (Tanakh) ay dumadako sa kategoriya ng hidwang paniniwala (heresy). Iyon ay tinatawag na likhang taong tradisyon (human tradition), o kaya nama’y doktrina na gawa
lamang ng mga tao (doctrines
of men).
Kung
palawakin man namin sa artikulong ito ang tungkol sa hindi kakaunting hidwang paniniwala,
o hidwang pananampalataya ng mga tao sa kasalukuyan – ito’y hindi
nangangahulugan na ang layunin namin ay atakihin, sirain, o gibain man ang
matibay na paniniwalang pangrelihiyon ng sinoman. Hindi rin namin ninais kailan
man na iluklok sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus, ang pagnanais namin ay ilahad lamang ang ilang mahahalagang bagay ng kasaysayan (history) na
sinadyang ikubli ng mga taong ang layunin ay kaladkarin sa kalawakan ng
kamangmangan at kahangalan ang sangkatauhan. Sa saliw ng mga katiwatiwalang
katunayang biblikal, at ng pandaigdigang kasaysayan ay ilalahad namin ang ilan sa hindi
kakauting hidwang
paniniwala ng ilang kalipunan na
nagpapakilalang Cristiano.
Ang
katotohanan ay mahalagang mapag-unawa ng lahat, sapagka’t iyan lamang ang sa
sinoman ay makapagpapalaya mula sa bigkis ng tanikala nitong pagka-alipin ng masama.
Gaya ng maliwanag na nasusulat,
JUAN 8 :
32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang
katotohana'y magpapalaya sa inyo. (And you shall
know the truth, and the truth shall make you free.)
Ang
katuruan na nagpapahayag ng katotohanan ay makikitang sinasang-ayunang lubos ng
mga katuwiran na nilalaman nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh). Ang wika ni propeta Isaias ay ayon sa mga sumusunod,
Isa
8 :
20 Sa KAUTUSAN at sa PATOTOO! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang
liwanag sa kanila.
(To the LAW and to the TESTIMONY! If they do not speak according to this Word, it is because no light is in them.)
(To the LAW and to the TESTIMONY! If they do not speak according to this Word, it is because no light is in them.)
A modern, printed Tanakh |
Narito, at kung sinoman ang maglalahad ng mga aral na hindi sasang-ayunan
ng kautusan at ng mga patotoo ng Dios – ang tao ngang iyon ay
sinasaklaw ng lubhang maitim na kadiliman. Siya’y isang bulaan
na totoo sa paningin ng Ama nating
nasa langit. Wala nga sa kaniya ang ilaw na naglalahad ng mga nakukubling bagay sa madidilim na dako ng kaalaman.
Napatunayan ng mga dalubhasa sa
kasulatan na ang mga sumusunod na hidwang
paniniwala (heresies) ay madiing itinatatuwa at pinawawalang kabuluhan ng
mga sagradong aral na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh/NT). Dahil sa ang lahat ng iyan ay
malabis ang pagsalungat at paghihimagsik sa katuwiran
ng Dios.
Ang talaan sa ibaba ay resulta ng maingat na pagsisiyasat sa kasaysayang mundial ng mga masisipag na mananaliksik ng nakaraan at ng kasalukuyang panahon. Marami sa mga sumusunod na hidwang pananampalataya ang umiiral na, bago pa matala ang petsa na makikita sa ibaba. Ang mga iyon ay opisyal na pinagtibay nitong konseho ng simbahan at inihayag ng Papa bilang aral, o katuruan ng pananampalataya (dogma of faith). Iyan ay itinanghal na mga doktrinang pangrelihiyon na di umano ay pinaka-epektibong paraan sa pagbubuklod ng mga Katoliko.
Ang talaan sa ibaba ay resulta ng maingat na pagsisiyasat sa kasaysayang mundial ng mga masisipag na mananaliksik ng nakaraan at ng kasalukuyang panahon. Marami sa mga sumusunod na hidwang pananampalataya ang umiiral na, bago pa matala ang petsa na makikita sa ibaba. Ang mga iyon ay opisyal na pinagtibay nitong konseho ng simbahan at inihayag ng Papa bilang aral, o katuruan ng pananampalataya (dogma of faith). Iyan ay itinanghal na mga doktrinang pangrelihiyon na di umano ay pinaka-epektibong paraan sa pagbubuklod ng mga Katoliko.
PETSA HIDWANG
PANINIWALA (Heresies)
310 Ang panalangin ukol sa mga patay (prayers for the
dead) at pag-aantanda (sign of the Cross). Iyan ang
maituturing na pinakamatanda sa lahat ng hidwang
paniniwala na itinuro ng kaparian nitong simbahang Katoliko.
320 Ang paggamit ng kandila (wax candles).
375 Ang pagsamba
sa mga anghel at sa mga namatay na
santo ng simbahang Katoliko
(Veneraton of angels and dead saints).
394 Ang Misa (Mass), bilang pang-araw-araw na
pagdiriwang.
431 Ang pagsamba kay Maria, bilang Ina ni Jesus at ang paggamit sa mga
katagang, “Ina ng Dios.” Ang konseho
ng Ephesus ang siyang umimbento nito at nagpatibay.
500 Ang pagbabago sa pananamit ng mga pari, na
sa ngayon ay makikita sa kanilang bihis.
593 Ang doktrina ng Purgatoryo ay pinagtibay ni Gregory the Great. Ang tungkol dito
ay hindi sinasang-ayunan ng Tanakh,
palibhasa’y wala anomang aral, ni pahiwatig man doon na tumatalakay o tumutukoy
sa salitang, “Purgatoryo.”
600 Ang wikang Latin ay ideneklara ni Pope Gregory I, bilang lenguwahe ng panalangin at pagsamba ng mga Katoliko sa buong mundo.
600 Sa taon ding iyan ay itinataya na ang direktang panalangin kay Maria, o sa mga
patay na santo ng simbahang katoliko
ay nagsimula. Ang turo ng biblia ay sa Ama lamang ang lahat ay tatawag at
mananalangin.
610 Ang Papa ng simbahang Katoliko ay nag-ugat
sa paganong kaugalian. Sa Tanakh ay walang anomang katuruan, ni pahiwatig man
tungkol sa awtoridad at kapangyarihan ng isang tao na maging pangulo ng isang
kalipunan ng mga banal. Sa katotohanan ay ang kaisaisang Dios (Yehovah) ang siyang ulo, o pangulo ng simbahan, na
siyang katawan nitong komunidad (bayan)
ng Dios. Siya rin ang kaisaisang pastol ng mga tupa (anak ng pagsunod).
709 Ang paghalik
sa paa ng Emperador ng Roma ay isang paganong kaugalian. Sa gayo’y
isang karumaldumal na gawain sa paningin ng Dios na humalik ang sinomang tao sa
paa ng Papa bilang pagpapahayag ng pagsamba. (Rev 19:10, 22:9). Sa Tanakh ay hindi kaugaliang maka-Dios ang
paghalik sa paa ng kanino mang tao bilang pagsamba.
750 Ang
Papa ay lumilikha ng digmaan. Ang Papa na si Stephen II ay inutusan si
Pepin (isang mangangamkam nitong Trono ng Francia) na makidigma sa puwersa ng
mga dominanteng Italyano. Natalo ng kaniyang sandatahang lakas ang mga kalaban,
at ipinagkaloob niya sa Papa (Stephen II)
ang siyudad ng Roma at ang mga nakapalibot na teritoryo dito. Laban si Jesus sa anomang uri ng karahasan, at sa
katunayan ay makikita ng maliwanag sa kasaysayang bilikal ang kaamuan niyang
taglay, bilang isang masigla at masugid na lingkod
ng Dios. Saan man at kailan man ay hindi niya inambisyon ang makamundong
paghahari at hindi niya kailan man din sinang-ayunan ang ano mang uri ng pakikidigma
(Mat 4:8-9, 20:25-26, Juan 18:38). Natatala sa kasaysayan na ang Papa ng
Simbahang Katoliko ay hindi kakaunting ulit na lumikha ng digmaan sa kalakhang
Yuropa, Africa, Asia at sa iba pang kontinente ng ating mundo.
788 Pagsamba
sa krus, sa larawan
(imahen), at sa banal na alaala (relikiya). Iyan ay sa utos ni Empres
Irene ng Constantinopol na ina nitong si Constantine VI. Kaya naman ang Papa sa
panahong iyon na si Hadrian I ay itinalaga ang Konseho ng simbahan sa
pagpapatibay ng doktrinang iyon. Idolatriya
ang maliwanag na katawagan sa gawaing nabanggit, at iyan ay mahigpit na
ipinagbabawal ng Dios ng Tanakh (Exo20:4, Deut 27:15, Awit 115).
850 Ang Agua
Bendita (Holy Water) na
binudburan ng asin kalakip ang basbas ng pari ay pinahintulutan nitong pamunuan
ng simbahan gamitin alinsunod sa itinalagang layunin.
890 Ang simula ng pagsamba (veneration) kay Jose na asawa ni Maria bilang Santo
ng simbahang Katoliko.
965 Ang pagbabautismo
sa mga kampana (baptism of bells)
ay sinimulan ni Pope John XIV at ipinagpatuloy ng mga obispo at mga pari ng
Simbahang Katoliko ang gayong gawain hanggang sa kasalukuyan.
995 Ang Kanonisasyon
ng mga Patay na Santo ng Simbahang Katoliko
ay sinimulan ni John XIV na siyang Papa sa panahong iyan.
998 Ang pag-aayuno
tuwing araw ng Biernes at tuwing Mahal na Araw ay mahigpit na pinatupad ng
pamunuan ng Simbahan.
1079 Ang
hindi pag-aasawa (celibacy)
ng kaparian ay kautusan ni Pope Hildebrand Boniface VII. Sa buong nilalaman ng Tanakh ay hindi kailan man iniutos na
huwag mag-asawa ang sinoman sa mga lingkod ng Dios.
1090 Ang “Rosaryo
(Rosary)”, o ang
tinatawag na, “Kuwintas ng Panalangin (Prayer Beads)” ay ipinakilala ni
Peter the Hermit. Kinopya niya lamang iyon sa mga Hindu at Moslem. Ang
paulit-ulit na dasal ay hindi sinasang-ayunan ng sagradong aral na ipinangaral
ng sariling bibig ni Jesus (Mat 6:5:13).
1148 Ang madugong
inkwisisyon (inquisition) sa
mga itinuturing ng Simbahan na mga heretiko (heretics) ay mahigpit na iniutos
ng Council of Verona. Hindi kailan man sinangayunan at itinuro ni Jesus ang
sapilitan at madugong paraan sa pagpapalaganap ng mga salita ng Dios (evangelio
ng kaharian).
1190 Ang
pagbebenta ng mga indulhensiya
(sale of indulgences), karaniwang ipinalalagay na pagbili ng kapatawaran
(purchase of forgiveness), o kaya nama’y kapahintulutan ng pagpapasasa sa kasalanan (permit to indulge in sins). Saan man at kailan man ay walang natatalang
aral sa Tanakh na may kinalaman sa pagbili ng kapatawaran at kapahintulutan sa
pagpapasasa ng mga kasalanan.
1215 Mula sa kapasiyahan ni Pope Innocent III,
ang Transubstantiation ay
iniutos niya na maging dogma ng Catholic Faith. Ang kaparian ay nagkukunwari na
gumagawa ng mirakulo tuwing nagmimisa. Ang vino at ostiya
sa pagkukunwari ay ginagawa ng kaparian na literal na dugo at laman ni Jesus.
Kasunod nito, sa harap ng mga parokyano ay kinakain ng mga pari ang buhay na
laman ni Jesus at iniinom ang kaniyang dugo.
Ang nasusulat sa banal na kalsulatan ay ang huling hapunan, hindi ang misa ng Simbahang Katoliko. Ang
sinasang-ayunan ng kasulatan na siyang katotohanan ay ang taunang pagdiriwang
ng Paskua (Passover). Sa gabi ng Paskua ay katotohanang naganap ang huling hapunan, at dahil diyan ay
nararapat ang lahat na ipagdiwang ang taunang
paskua, at yao’y bilang paggunita (pag-aala-ala) na rin sa huling hapunan ni Jesus kapiling ang labingdalawang (12) apostol.
Ang misa ng Simbahang Katoliko sa makatuwid ay likha o
imbentong doktrina lamang ng mga paganong Romano. Kailan man at saan man, ang imbentong rituwal nilang iyan ay hindi maituturing na katotohanan.
1215 Ang pangungumpisal
ng kasalanan sa pari ay iniutos ni Pope Innocent III sa Lateral
Council.
Mahigpit na iniuutos ng Tanakh na ang lahat ay sa kaisaisang
Dios lamang mangungumpisal ng mga kasalanan na nangagawa. (Awit 51:1-10).
Gayon nga rin sa bibig ni Jesus ay
lumabas ang turo na direktang manalangin sa Ama
ang lahat. (Mat 6:9-13).
1229 Ipinagbawal
na basahin ng mga karaniwang tao ang bibliya. Ang kabawalang iyan ay
itinala ng Council of Vanlencia sa talatuntunan (index) ng mga ipinagbabawal na
aklat. Samantalang itong si Jesus ay ipinamanhikan sa lahat na ang mga banal na
kasulatan ay nararapat saliksikin. (Juan 5:39).
1287 Ang Scapular
ay naimbento ng santo ng Simbahang Katoliko na si Simon Stock na isang mongheng
Ingles. Ito ay binubuo ng dalawang rectangular na piraso ng tela, o wool na may
larawan ni Maria at ni Jesus. Ang dalawang kanto nito ay may nakabuhol na tali
at naka-konekta sa dalawang kanto ng isa pang piraso ng tela. |Sa pamamagitan
ng dalawang tali, ang isang tela ay nakasabit sa dibdib, at ang isang tela ay
nakabitin naman sa likod ng may suot nito.
Hanggang sa ngayon ay pinaniniwalaan pa ng mga
Carmelites at ng mga deboto ni Maria at Jesus na iyan ay nagtataglay ng
supernatural na lakas, upang makapagligtas ng sinoman sa kapahamakan.
Anting-anting (talisman) sa madaling salita ang layunin ng Scapular.
Kabilang ang bagay na iyan sa mahigpit na ipinagbabawal
ng kaisaisang Dios (Deut 18:10-13).
1414 Ang Simbahang Katoliko (Council of
Constance) ay nagsagawa ng komunyon sa
mga karaniwang tao, na hindi pinaiinom ng katas ng ubas (vino). Ostiya
lamang ang tinatanggap ng karaniwang tao, at ang vino ay hindi ipinaiinom sa
mga karaniwang tao hanggang sa kasalukuyang panahon.
Iniuutos sa atin ng Bibliya na gunitain at
ipagdiwang ang huling hapunan na may tinapay na walang halong lebadura at katas
ng ubas (Mat 26:27). Maliwanag na ang pamunuan ng simbahang Katoliko ay hindi pinakinggan at ibinasura lamang ang kautusang iyan ng Bibliya.
1439 Ang Simbahang Kanoliko (Council of Florence)
ay nagproklama na ang Doktrina ng Purgatoryo ay isa na sa
dogma of faith ng mga Katoliko.
Ulit-ulitin nyo mang basahin ang
Tanakh sa simula hanggang sa huli ay walang anomang turo, ni pahiwatig man sa
eksistensiya ng Purgatoryo. Iyan ay isang doktrina na saan man at kailan man ay
hindi sinang-ayunan ng Bibliya bilang isang katotohanan.
1439 Ang doktrina ng 7 Sakramento ay pinagtibay
ng Simbahang Katoliko.
Napakaliwanag sa Bibliya na ang
Cristo ay itinaguyod lamang ang dalawang sakramento, at iyan ay ang Bautismo
at ang Huling Hapunan. Maliban diyan ay wala ng iba pang maaaring
idagdag na sakramento. Ang limang (5) sakramento ng simbahang Katoliko sa makatuwid ay mula lamang sa mapangahas na imahinasyon ng mga Romanong pagano.
1508 Ang dasal na Ave Maria, o Hail Mary ay nakumpleto makalipas ang 50
taon at sa wakas ay inaprubahan ni Pope Sixtus V, sa pagtatapos ng ika-16 na
siglo.
1545 Ang Simbahang
Katoliko (Council of Trent), ay ideneklara na ang Tradisyon (likhang taong
Ang likhang katuruang iyan ng
Simbahan ay mahigpit na tinututulan ng Tanakh
(Isa 29:13), gayon din nitong si Jesus
(Mat 15:2-9). Hangal at mga tinakasan ng hustong katinuan sa sarili lamang ang sasang-ayon sa pilipit na doktrinang pangrelihiyon na iyan ng mga kasuklamsuklam na pagano. Hindi nakapagtataka kung bakit ang tradisyong idolatriya ng mga paganong Romano ay mahigpit na ipinatutupad sa kanilang simbahan.
1546 Idinagdag ng Simbahang Katoliko (Council of
Trent) ang mga apocryphal books sa Biblia. Gayon ma’y hindi kailan man kinilala
ng Simbahang Hebreo (Jewish Church) bilang kanonico (canonical) ang mga
nabanggit na aklat (Apoc 22:8-9).
1560 Ang Creed of Pope Pius IV ay sapilitang
ipininag-utos bilang opisyal na kredo ng Simbahang Katoliko. Samantala, ang mga tunay na
Cristiano ay tinitindigang matibay ang pagtanggap sa banal na kasulatan
(Bibliya) bilang kredo, na 1500 taon ang tanda sa kredong iyan ng mga Katoliko.
1834
Ang kawalang bahid dungis (Immaculate conception) ni Birheng Maria ay ipinroklama ni Pope
Pius IX.
Sinasabi ng Bibliya na lahat ng tao
ay naging makasalanan. Kaya nga maging si Jesus,
bilang tao ay nagpabautismo kay Juan
ng Bautismo sa Pagsisisi ng Kasalanan.
Gayon nga rin itong si Maria na tao, kaya lubhang napakalayo sa katotohanan na
siya ay hindi nabahiran man lang ng anomang dungis, o kasalanan sa buong buhay
niya. (Awit 51:5).
1870 Idineklara ni Pope Pius IX ang dogma
of Papal Infallibility. Na ang ibig sabihin ay hindi maaaring
magkamali, ni magkasala man sa Dios ang sinomang maihahalal ng Simbahan bilang
Papa.
Ang doktrinang iyan ni Pope Pius IX ay isang napakaliwanag na kasinungalingan, kahambugan, at kapalalauan, sapagka’t
bilang Papa, ang pagpapatupad ng mga hidwang
paniniwala (heresies) na mga nabanggit sa itaas at ng mga babanggitin pa sa akdang
ito ay napakaliwanag na paglabag sa katuwiran ng Dios. Iyan ay pagpapakita ng
isang uri ng karumaldumal at kasuklamsuklam na paghihimagsik sa kalooban ng
sarili nating Ama na nasa langit. Paano sa gayon masasabi ng sinoman na siya ay
walang bahid munti man ng kasalanan, kung isinasabuhay niya bilang Katoliko ang
mga hidwang paniniwala (heresies) na nilalaman ng artikulong ito? (Apoc 17:1-9, 13:5-8, 18). Ang mga iyan ay napakaliwanag na pagkakamali sa paningin ng kaisaisang Dios na nasa langit.
1907 Kinondena ni Pope Pius X ang lahat ng mga
natuklasan ng modernong siyensiya (Modernsim) na walang pahintulot ng Simbahang
Katoliko. Gayon din ang eksaktong ginawa ni Pope Pius IX sa Syllabus of 1864.
1930 Kinondena ni Pope Pius XI ang lahat ng publikong
paaralan.
1931 Pinagtibay ni Pope Pius XI ang doktrina na
si Maria ay “the Mother of God.”
Ang doktrinang
iyan ay nauna ng naimbento ng mga obispo na kabilang sa Council of Ephesus
taong 431. Iyan ay napakaliwanag na isang hidwang
paniniwala (heresy), kasi nama’y ganap na sumasalungat iyan sa salita na
mismo ay lumabas sa sariling bibig ni Maria (Luc 1:46-49, Juan 2:1-5).
1950 Ang huling
dogma (Assumption of the Virgin Mary)
ay ipinroklama ni Pope Pius XII. Iyan ang paniniwala ng mga katoliko, na ang
kaluluwa ni Maria ay humantong sa kaharian ng langit, matapos ang buhay niya sa
kalupaan.
Kung itinuturing ng mga katoliko na
isang totoong banal itong si Maria, ay dapat nilang tanggapin na ang kaluluwa
lamang niya ang nasa langit. Sa gayo’y may turo ba ang bibliya na manalangin
tayo sa kaluluwa ng sinomang taong banal na namatay na? (Deut 18:10-13). Ang
sinomang banal ng Dios na nabubuhay pa ay katotohanan na maaaring ipanalangin
ang mga hinaing ng mga nabubuhay pa niyang kapuwa, o ng kaniyang bayan na
dumaranas ng pighati sa buhay. Gayon ma’y walang anomang turo sa Bibliya na ang
kaluluwa ng sinoman ay pinahihintulutan na maging tagapamagitan ng tao at sa
Dios.
Ang mga nabanggit na hidwang
paniniwala (heresies) ay mga
kongkretong katunayan na hindi kailan man maitatanggi, ni mapapasinungalingan
man ng kahit sino. Dahil sa ang lahat ng iyan ay katotohanan na naging bahagi
ng kasaysayang mundial (world history) ng malayong kapanahunan. Ang isa pang nagtutumibay na bunga ng masusing
pananaliksik ay hindi nalingid sa kabatiran ng mga iskolar ng Bibliya, na 75 %
sa mga seremonyang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko ay hango sa karumaldumal
na paganong tradisyon. (Temples, incense, oil lamps, votive offerings, holy
water, holidays and season of devotions, processions, blessing of fields,
sacerdotal vestments, the tonsure [of priests, monks, and nuns], images).
Sa
pahina 359 ng aklat (The development of the Christian Religion) ni Cardinal
Newman ay inamin niya na ang mga nabanggit na tradisyong pangrelihiyon ng
Simbahang Katoliko ay nag-ugat at nagmula sa mga paganong kaugalian. Ang Roma sa makatuwid ay karapatdapat na kilalanin sa panahon nating ito
bilang isang bagong Babilonia (Apoc 17:5, 18:1-24).
Hanggang sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento