Sa kasalukuyang
panahon ay higit ng naging maingat ang karamihan sa pangsarili nilang kapakanan. Una-una
ay sa kalusugan, kabuhayang pang materiyal at Ispirituwal, relasyong
pampamilya, pagmamalasakit sa kapuwa at
marami pang iba. Sa usaping ito ay tatalakayin natin ang ilang tanawin na may
kinalaman sa pagmamalasakit sa kapuwa. Dahil maituturing na kabutihan ang
gawaing, pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga tao, hindi nga lamang sa kanila na malalapit
sa ating puso at damdamin.
Tungkol sa usapin ng kapakanan at proteksiyon ay likas sa lahat na unahin ang kanikaniyang sarili sa mga
gawain na nabanggit sa itaas. Gayon man ay isa pa ring kalugodlugod na gawaing
pangkabanalan na paalalahanan ang ating kapuwa, kung sa tingin natin ay
nalilihis ang kanilang sarili sa umiiral na batas at palatuntunan tungo sa
matuwid na landas ng buhay.
Dahil dito ay
hindi naging tamad at makupad ang marami para bigyang katuparan ang kahalagahan ng bagay na ito. Sa mga pabalat
(label) ng pangunahing bilihin ay makikita ang mga paalala at babala na
nagsasabing makasasama ang mga produktong iyon sa kalusugan ng mga tao, at
nagdudulot ng pagkakasakit at sa dulo ay kamatayan.
Gaya halimbawa
ng sigarilyo na may nakasulat na babala sa mga pakete nito. Sa
gayo’y isang patas na pamamaraan, upang sa kamatayan o kapahamakan ng sinoman
ay walang ibang sisihin kundi ang may katawan na nagsawalang bahala sa babala
ng kapahamakan.
Gayon nga rin sa
larangan ng kabanalan ay may kautusan, palatuntunan, kahatulan at mahihigpit na
babala ng kapahamakan. Ang ganyang pamamaraan maging sa material man o sa espirituwal ay matuwid at patas, na nararapat ipagpasalamat ng lahat sa
kaisaisang Dios na nasa langit. Upang ang sinoma’y walang maidahilang
pagkukulang ang Dios, kung sakali na ang kanilang kaluluwa ay malugmok sa
malawak na langsangan ng kahangalan at kapahamakan.
Sa kabila ng
kautusan, palatuntunan, kahatulan, at mahihigpit na babala ay patuloy pa rin
ang marami na isinasabuhay ang mga gawain na makapagdudulot ng kapahamakan at
kamatayan ng sarili nilang kaluluwa.
Gaya rin naman
nito – alam ng lahat na ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak ay
nagdudulot ng mga grabeng karamdaman sa baga, at iba pang sangkap ng
katawan. Gayon ma’y higit pa rin ang bilang ng mga tao na lulong at sugapa sa
ganyang kasamang bisyo. Kaugnay nito ay kailangang din naman na lagyan ng
babala ang anomang label na may kinalaman sa ilang kabawalan na kinahumalingan
ng marami sa nakaraan at patuloy nilang kinababaliwang gawin hanggang sa kasalukuyang
panahon.
BATAY SA
KATURUANG BIBLIKAL (Messianic teaching) ay mahigpit na ibinabawal ng Dios ang
mga bagay at gawain na tumutukoy ng lubos sa mga sumusunod:
Talisman?
(anting-anting,
mutya, baluti, panggayuna, bawal na kaalaman).
Ang salitang “talisman” ay nagmula sa “teleo,”
pandiwang Griego (Greek verb) na ang pangunahing kahulugan ay tapusin (ganapin), o isakatuparan. Ito ay isang bagay na may
marka ng mga tanda ng mahiko (magical
signs) at pinaniniwalaang naghahatid sa humahawak nito ng kapangyarihang
supernatural at proteksiyon. Sa katotohanan, bawa’t relihiyon nitong kasaysayan
ng sangkatauhan ay kaakibat ang pag-aalok ng mga pangdekorasyong palamuti, na sinasabing may pakinabang sa maraming
bagay, at di umano ay sinasaklaw nito ang pagtatamo ng kagalingan (lunas), proteksiyon
at magandang kapalaran (suwerte). Ang
kaugalian sa ritual na pag-usal ng mga orasyon, o tunog (huni) ay
pinaniniwalaang nagtataglay ng epektong mahika (magical effect). May ilang
nagsasabi na walang ibang bumubuhay sa talisman, kundi ang mga orasyon bilang
pagkain, o ikabubuhay nito, na sa mga ito ay nagkakaloob di umano ng lakas at kapangyarihang.
Fortune-telling (panghuhula ng kapalaran, bawal na kaalaman)
Ito ay isang uri ng di-tiyak na pahayag sa hinaharap patungkol sa isang
tao, o sa kalipunan nito. Ang gawaing ito ay karaniwang tumatalakay sa maganda
at masamang kapalaran. Manghuhula
ang tawag sa sinoman na nagsasagawa ng kaukulang rituwal na may kinalaman dito. Forecaster; predictor; prognosticator;
soothsayer ang ibang katawagan nito.
Omen (pangitain,
babala, tanda, palatandaan, bawal na kaalaman)
Ang salitang
Omen ay ganap na tumutukoy sa isang pangintain, o isang di-pangkaraniwang bagay
o palatandaan ng mabuti o masamang kaganapan. Karaniwan ang gayong phenomenon,
o kababalaghan ay sinasabing nakikita sa mga panaginip. Tumutukoy din ang
salitang ito bilang propesiya sa napipintong kaganapan sa hinaharap.
Medium
(luklukan, o
sinasaniban ng espiritu, alipin ng espiritu, bawal na kaalaman)
Ito’y isang tao na di umano ay taglay ang kapangyarihan upang
makipag-ugnayan sa mga espiritu at kaluluwa ng mga patay, o may kakayanan na
maging kinatawan ng mga tao sa
dimensiyon ng Espiritu. Tinatawag na saykiko (psychic) ang tao na kinakikitaan
ng ganyang di-kapanipaniwalang katangian.
Sorcery (Pangungulam,
Paggamit ng Mahika, Bawal na kapangyarihang, bawal na kaalaman)
Itinuturing na
sining (art), o kaugalian (tradisyon), o orasyon ng mahika, lalo na sa itim na
mahika, na kung saa’y pinaniniwalaan na bumibigkis, o kumokontrol sa supernatural na lakas, o masamang espiritu
para magpakita ng likas na epekto (kapangyarihan) sa daigdig. Ayon pa, ito’y
paggamit ng supernatural na kapangyarihan patungkol sa ibang tao sa tulong ng
espiritu; pangkukulam (panggagaway) ang tanyag na kahulugan ng salitang iyan.
Necromancy
(orasyon,
pagtawag sa kaluluwa, itim na mahika, panghalina, pangkukulam, bawal na kaalaman)
Ito ay paniniwala sa magical spells (orasyon) na di umano ay may layuning bigkisin, o kontrolin ang supernatural na lakas, o masamang espiritu para magpakita ng likas na epekto (kapangyarihan) sa daigdig. Tumutukoy din ang salitang Necromancy sa pagtawag sa kaluluwa ng mga namatay, lalo na sa propesiya. Ayon pa, iyan ay sining (art) sa paghahayag ng pangyayari sa hinaharap, sa pamamagitan ng pagkukunwaring pakikipag-ugnayan sa mga patay; mahika; panawagan (conjuration); umakit (enchantment).
Divination (Propesiya,
interpretasyon ng panaginip, Bawal na kaalaman)
Ang salitang ito
ay pinaniniwalaang isang sining o kasanayan (kaugalian) na makita ang
hinaharap, o hulaan ang mga darating na kaganapan. Pagtuklas ng mga lihim na
karunungan gamit ang interpretasyon ng panaginip o pangitain, o kaya naman ay
mula sa tulong ng kapangyarihang supernatural. Hindi pangkaraniwang kaalaman,
pananaw na walang batayan (intuitive perception).
Magic (incantasyon, makapangyarihang orasyong mahika, bawal na kaalaman)
Pinaniniwalaang isang sining na nagpapalabas ng epekto ng pagnanais o resulta sa pamamagitan ng paggamit nitong incantasyon, seremonya, rituwal, pag-usal ng mga orasyon, o iba't ibang paraan na pinaniniwalaang tiyak na sasailalim sa kapamahalaan ng tao ang kapangyarihang supernatural at puwersang kalikasan.
Magic (incantasyon, makapangyarihang orasyong mahika, bawal na kaalaman)
Pinaniniwalaang isang sining na nagpapalabas ng epekto ng pagnanais o resulta sa pamamagitan ng paggamit nitong incantasyon, seremonya, rituwal, pag-usal ng mga orasyon, o iba't ibang paraan na pinaniniwalaang tiyak na sasailalim sa kapamahalaan ng tao ang kapangyarihang supernatural at puwersang kalikasan.
Sa pagkakalahad ng mga angkop na kahulugan nitong mga nabanggit na kasanayan at kaugalian ay lumalabas na tila yata kahikahikayat na isabuhay ang gayon. Subali't sa katotohanan ay hindi kakaunti ang mga kabawalan na nasusulat hinggil sa mga gawaing iyan, gaya ng mga katunayang biblikal (Tanakh) na mababasa sa ibaba.
PANSININ:
(Inilagay
namin sa orihinal na kaanyuan ang mga talata sa ibaba, alinsunod sa kaayusang
inilalahad ng masoretic texts. Imbis na LORD ay pangalang YEHOVAH na
transliterasyon ng YHVH ang siyang pangalang mababasa sa mga sumusunod na
talata. Sa orihinal na kaayusang iyan ay higit na mauunawaan ng sinomang babasa ang wastong
nilalaman ng ating teksto)
Deuteronomy 18:10-14 ESV
There shall not be found among you anyone who burns his son or his
daughter as an offering, anyone who practices divination or tells fortunes or interprets omens, or
a sorcerer
or a charmer
or a medium
or a necromancer
or one who inquires
of the dead, for whoever does
these things is an abomination to YEHOVAH. And because of these abominations YEHOVAH your God is driving them out before you. You shall be blameless before YEHOVAH your God. For these nations, which you are about to dispossess, listen to fortune-tellers and to diviners. But as for you, YEHOVAH your God has not allowed you to do this.
2 Chronicles 33:6 ESV
And he burned his sons as an offering in the Valley of the Son of Hinnom,
and used fortune-telling and omens and sorcery, and
dealt with mediums
and with necromancers. He did much evil
in the sight of YEHOVAH, provoking him to anger.
2 Kings 21:6 ESV
And he burned his son as an offering and used fortune-telling and omens and dealt with mediums and with necromancers. He did much evil in the sight of YEHOVAH, provoking him to anger.
Leviticus 19:31 ESV
“Do not turn to mediums or necromancers; do not seek them out, and so make yourselves
unclean by them: I am YEHOVAH your God.
Jeremiah 14:14 ESV
And YEHOVAH said to me: “The
prophets are prophesying lies in my name. I did not send them, nor did I
command them or speak to them. They are prophesying
to you a lying vision, worthless divination, and
the deceit of their own minds.
Leviticus 20:6 ESV
If a person turns to mediums and necromancers, whoring after them, I will set my face against
that person and will cut him off from among his people.
Revelation 21:8 ESV
But as for the cowardly, the faithless, the detestable, as for
murderers, the sexually immoral, sorcerers, idolaters, and all liars, their portion will be in the lake that burns with
fire and sulfur, which is the second death.
Revelation 22:15 ESV
Outside are the dogs and sorcerers and the sexually immoral and
murderers and idolaters, and everyone who loves and practices falsehood.
Exodus 22:18 ESV
You shall not permit a sorceress to live.
Micah 5:12 ESV
And I will cut off sorceries from your hand, and you shall have
no more tellers
of fortunes;
Zechariah 10:2 ESV
For the household gods utter nonsense, and the diviners see lies; they tell
false dreams and give empty consolation. Therefore the people wander like
sheep; they are afflicted for lack of a shepherd.
Isaiah 47:12 ESV
Stand fast in your enchantments and your many sorceries, with which you have
labored from your youth; perhaps you may be able to succeed; perhaps you may
inspire terror.
Isaiah 47:9 ESV
These two things shall come to you in a moment, in one day; the loss of
children and widowhood shall come upon you in full measure, in spite of your
many sorceries
and the great power of your enchantments.
Isaiah 44:25 ESV
Who frustrates the signs of liars and makes fools of diviners, who turns wise men back and makes their knowledge
FOOLISH,
Isaiah 8:19 ESV
And when they say to you, “Inquire of the mediums and the necromancers
who chirp and mutter,” should not a people inquire of their God? Should they inquire of the
dead on behalf of the living?
Karagdagang reperensiya:
Number 23:23; 2 Kings 17:17; 1Sam 15:23; Jeremia 14:14; Ezekiel 13:6, 23; Ezekiel 21:21-22.
Ang mga iyan ay hindi maikakaila na iba’t ibang sangay ng Occultism, na kung bibigyang kahulugan ay gaya nito. Ayon sa masusi at kapakipakinabang na pananaliksik ng WikipediA (The free encyclopedia) sa kasaysayang mundial,
“Ang Occultismo ay isang pag-aaral ng kasanayang occult, kabilang dito ang (nguni’t hindi limitado sa) magic, extra-sensory perception, astrology, spiritualism, at ang divination. Ang interpretasyon ng okultismo at ng pananaw nito ay masusumpungan sa istraktura ng paniniwalang relihiyon, gaya ng Gnosticism, Hermiticism, Theosophy, Wicca, Thelema, Satanism, at ng Neopaganism.”
Bagay na may kahigpitang tinututulan ng Masoretic text (mapapagkatiwalaang [authoritative] lubhang matandang
manuskrito), na siyang ginamit na mapapanghawakang sagradong batayan (Jewish canon) ng mga
Israelita sa pagbabalangkas nila ng Bibliyang Hebreo.
Noon at hanggang sa ngayon ay ang mga gawaing inilahad namin sa itaas
ang malabis na kinahuhumalingan ng marami. Kahi man, mahigpit ang kabawalan sa
mga iyan na masusumpungan sa Tanakh (Masoretic texts [five books of Moses]) ng kaisaisang Dios na si YEHOVAH. Ang nagtutumibay na katotohanan hinggil sa usaping ito ay may utos na, "HUWAG GAWIN." Walang anomang winika ang Dios, na kung ang Kaniyang "kabawalan" na nagpapatigil sa masamang gawa ay gagamitin sa mabuting layunin ay maaari na itong ituring na "kaayunan" upang ipagpatuloy na gawin ng mga tao.
Dahil dito ay nararapat maunawaan ng lahat, na ang utos alinsunod sa pagkakawika ng Dios, ay sa paraan ding iyon matuwid na sundin ng mga tao. Hindi dahilan ang mabuting layunin ninoman, upang ang kautusan ay pawalang kabuluhan at huwag niyang sundin. Paghihimagsik sa kalooban ng kaisaisang Dios ang kahulugan ng gayong karumaldumal at kasuklamsuklam na gawain.
Dahil dito ay nararapat maunawaan ng lahat, na ang utos alinsunod sa pagkakawika ng Dios, ay sa paraan ding iyon matuwid na sundin ng mga tao. Hindi dahilan ang mabuting layunin ninoman, upang ang kautusan ay pawalang kabuluhan at huwag niyang sundin. Paghihimagsik sa kalooban ng kaisaisang Dios ang kahulugan ng gayong karumaldumal at kasuklamsuklam na gawain.
Karapatan ng lahat na mapag-unawa ng lubos ang mga kabawalan at kaayunan
ng Dios sa lahat ng mga bagay na pinagkaka-abalahan nila sa kalupaan.
Kaya nga sa inyo ay masigla naming nilapatan ng kaukulang biblikal na babala ang pagsasabuhay ng gayong mga paglabag sa
particular na kautusan ng Dios na
iyan. Kahi man magbulag-bulagan sa
ngayon ang marami sa babalang nabanggit ng bibliya – ang mahalaga ay maluwalhati
naming naipa-abot sa mga ganap na kinauukulan ang kahalagahan ng pagtalima sa
kaloobang iyan ng kaisaisang Dios na nasa langit.
Sa pagtatapos ng usapin ay hindi kailan man naging layunin ng artikulong ito, ni ng Rayos ng Liwanag man, na gibain o lansagin ang matibay na paninindigan ng marami sa masalimuot at mapanganib na larangan ng okultismo. Ang sa amin ay ipa-alaala at ipa-unawa sa lahat, na ang peligrosong gawaing iyan ay mahigpit na ibinabawal ng kaisaisang Dios (YHVH) ng Tanakh. Dahil dito ay wala kaming anomang kadahilanang natatanaw, upang ang ilan diyan ay paratangan kami ng panghuhusga, paninirang puri, o pag-atake man sa doktrinang pangrelihiyon na sinasampalatayanan ninoman. Ang sa amin ay ang katiwatiwalang paglalahad lamang ng kung ano ang napakaliwanag na natatala sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Masoretic Texts), na walang labis at walang kulang.
Suma atin nawa ang lubos na pagpapala ni YEHOVAH, na siyang Ama at kaisaisang Dios ng lahat ng kaluluwa, ngayon, ngayon, at
magpakailan man.
Hanggang sa muli, paalam.
Hanggang sa muli, paalam.
Maliwanag na maliwanag yan mga bro at sis. Sangkatutak ang bible verses na ginawang evidence dito. Walang sisihan sa huli.
TumugonBurahin