Si Juan ay
nangaral ng mga katuwiran ng Dios sa
ilang. Ang marami sa nangakarinig ng salita
ay napagkilala ang mga nagawa nilang paghihimagsik sa kalooban ng kaisaisang Dios. Sapat upang sila’y taos
pusong magsipagsisi ng kanilang mga kasalanan. Dahil dito ay iginawad ni Juan sa kanila ang simbulo ng pagsisising
iyon, na dili iba kundi ang saglit na paglulubog ng kanilang buong katawan at
ulo sa tubig ng ilog Jordan.
Tubig ang elemento na naglilinis sa dungis ng mga nilalang
sa mumunting bahaging ito ng demensiyong materiya. Ano pa’t ang masigla at may
galak sa pusong pagtalima sa natatanging kalooban
ng Dios (kautusan) ang siyang naglilinis ng mga kasalanan. Ang tubig
pagdating sa kasalanan ay isang simbulo lamang at katotohanan na hindi ito ang
lumilinis sa dungis ninoman, kundi ang pakikipag-isa sa mga salita (kautusan) ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.
Tinawag ni Juan
na bautismo sa pagsisisi ng kasalanan
ang gawaing nabanggit sa kapanahunan niyang iyon. Bagaman ang buong katawan at
ulo ang inilubog sa tubig ay hindi nito nilinis ang kasalanan, bagkus ay ang
labas ng katawan lamang. Gayon man, ito’y nagpakita ng isang napakatibay na
tanda, na ang kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi ay nahugasan at nalinis ng
mga salita ng Dios na tumimo sa puso
at tumatak sa kaisipan ninoman. Bakit? Sapagka’t pinatatawad ng ating Ama ang sinoman na taos sa puso ang
pagsisisi sa kaniyang kasalanan.
EZE 14 :
6
Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Dios na
si YEHOVAH, MANGAGBALIK-LOOB kayo, at kayo'y magsitalikod sa inyong mga
DIOSDIOSAN; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam.
EZE 18 :
21 Nguni’t kung ang MASAMA ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na
kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga PALATUNTUNAN, at
gumawa ng TAPAT at MATUWID, siya’y hindi mamamatay.
22
WALA SA KANIYANG MGA
PAGSALANGSANG NA NAGAWA NIYA NA AALALAHANIN LABAN SA KANIYA: sa kaniyang KATUWIRAN
na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
Ang katawan ay
nililinis ng tubig, datapuwa’t ang kaluluwa
ay nililinis ng mga salita ng Dios.
Kung ang sinoman nga’y tinamo sa kaniyang sarili ang pagsisisi, dahil sa
pagbibigay niya ng kabuluhan at pagpapahalaga sa mga salita ng Dios – siya nga ay hindi lumalayo sa dako ng kabanalan.
Sa gayo’y ano nga ba ang mga salita ng Dios, na kung ipapangaral ng mga tunay na banal upang
sundin ay siyang nagsisilbing mitsa sa pagiging banal ng sinoman? Hinggil dito
ay mariing winika ng Ama nating nasa
langit ang ilang bagay pangkabanalan
(katotohanan) na kailan ma’y hindi maikakaila ninoman, na sinasabi,
DEU 6 :
5
AT IYONG IIBIGIN ANG PANGINOON
MONG DIOS NG IYONG BUONG PUSO, AT NG IYONG BUONG KALULUWA, AT NG IYONG BUONG
LAKAS. (Mat 22:36-38)
LEV 19 :
18
Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong
bayan, kungdi IIBIGIN NINYO ANG INYONG
KAPUWA NA GAYA NG SA INYONG SARILI: AKO
ANG PANGINOON. (Mat 22:39-40)
Gayon nga ring mula sa sariling bibig ng panginoon
nating si Jesucristo ay nangagsilabas
ang mga pangungusap na inyong nabasa sa itaas, na ang wika ay gaya ng
nasusulat,
36 Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN?
37 At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG
BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38 Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.
39 At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG
IYONG SARILI. (Lev 19:18 ,
Mat19:19)
40 SA DALAWANG UTOS NA
ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA
PROPETA.
MAT 19 :
19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI.
Napakaliwanag kung gayon, na ang katuruan nitong
tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya
– pagdating sa usapin ng kautusan ay
masiglang itinataguyod at ipinagtatanggol nitong si Jesus. Ito’y maipasisiyang isang nagtutumibay na katotohanan,
palibhasa ang mga iyon ay maigting na sinalita ng sarili niyang bibig. Ayon pa
rin sa mga salita (evangelio ng kaharian)
na masaganang dumaloy mula sa kaniyang bibig – ang pagtalima sa kautusan ay katumbas ng buhay na walang hanggan, gaya ng nasusulat,
MATEO 5 :
17 HUWAG NINYONG ISIPING AKO’Y NAPARITO UPANG SIRAIN ANG KAUTUSAN O ANG
MGA PROPETA: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
MATEO 19 :
17
At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti?
May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t KUNG
IBIG MONG PUMASOK SA BUHAY, ingatan
mo ang mga UTOS.
JUAN 12 :
50
At nalalaman ko na ANG KANIYANG
UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay
ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
JUAN 14 :
31 Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama,
at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA.
Magsitindig kayo, magsialis tayo rito.
Ang kautusan,
kapag napag-unawa ng sinomang kinauukulan ang tunay na kahalagahan sa kaniyang kaluluwa – siya’y makadarama ng mataimtim
na kababaang loob, at taos pusong muling pagpapasakop sa natatanging kalooban
ng Ama niyang nasa langit. Kasunod
nito’y ang masigla at malugod sa puso niyang tutuparin at isasabuhay ang kautusan. Ito’y sapat upang siya’y
kusang mapabilang sa natatanging sambayanan na tumatahan sa dako ng tunay na kabanalan.
Katotohanan na salita
ng Dios ang lumilinis sa duming nakabahid sa kabuoan ng sinoman sa
kalupaan. Ano pa’t ang nagpapaging banal sa kaniya ay ang pagtalima sa kautusan, na sinasalita ng Dios sa iba’t ibang kapanahunan sa
pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.
Inyo ngang pakatandaan, ayon sa katotohanang
binibigyang diin ng kasulatan. Ito ngang si Jesus
na Cristong ating panginoon ay hindi kailan man naging laban sa kautusan. Bagkus, gaya ng mga nanga-una
sa kaniyang mga tunay na propeta ng Dios
– siya’y maliwanag na tagatangkilik, tagapagtaguyod, tagapagtanggol, at tagapangaral nitong mga kautusan ng kaisaisang Dios (Yehovah), na siyang Ama ng lahat ng kaluluwa sa kalupaan at sa kalangitan.
Ang lahat nga’y lulunsad sa sukdulan at kawakasan ng
mga bagay – sa ayaw o sa ibig man natin ay kailangan nating suklian ang pag-ibig ng Dios na iniukol niya sa atin
ng pag-ibig din. Iyan ang paglilinis
sa pamamagitan ng pagtalima sa kaniyang mga kautusan.
EXO 20 :
6 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN
ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.
May awa ang Ama
at Dios nating nasa langit sa
sinomang nagpapakalinis sa pamamagitan ng pagsisisi mula sa mga nangagawang
kasalanan, at binibihisan ang kaniyang sarili nitong matibay na pananampalataya
sa Ama, na may malugod at masiglang
gawa ng Kaniyang mga kautusan.
Saan man at kailan man, ang kasalanan ng sanglibutan ay
hindi maaaring matubos, o mabura man ng pagkapako sa krus ng isang matapat na
lingkod ng Dios. Ang paglilinis ay
katotohanang gawain at tungkulin ng bawa’t isa sa kaniyang sarili. Walang
sinomang maaaring gumawa nito para sa iyo, kundi ang sarili mo lamang.
Ang tao ang gumagawa ng kaniyang ikabubuti at ikasasama. Ginagawa niya sa kaniyang kabuoan ang paglilinis at sariling kaligtasan - sa pamamagitan ng lubusang pagpapasakop at pagtalima sa natatanging kalooban (kautusan) ng kaisaisa niyang Dios at Ama (YEHOVAH) na nasa langit.

Tila nga laban sa kaliwanagang ito ay may madiing
ipinahayag si Jesus, na sinasabi,
MATEO 26 :
28 Sapagka’t ito (katas ng ubas) ang aking dugo ng tipan, na NABUBUHOS DAHIL SA
MARAMI (tupa), SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN (Mat 15:24 , Juan 10:15 ).
Nariyan nga at maliwanag na sinasabi ni Jesus na ang katas ng ubas ay ibinigay niyang isang simbulo, na dugo ng kaniyang
tipan sa labingdalawang (12) apostol. Kung liliwanagin ay ang mga salita ng Dios na masagana at
makapangyarihang dumaloy mula sa kaniyang bibig na nahahayag sa marami (hindi
ang sanglibutan) sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Sapagka’t ukol dito ay
winika ng sarili niyang bibig,
JUAN 17 :
6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga TAO (tupa) na ibinigay mo sa akin mula
sa sanglibutan: (Mat 18:20 )
sila’y iyo, at sila’y ibinigay mo sa akin; at TINUPAD NILA ANG IYONG SALITA. (Mat 15:24 )
JUAN 17 :
9 Idinadalangin ko
sila: HINDI ANG SANGLIBUTAN ANG
IDINADALANGIN KO, kundi yaong mga SA AKIN AY IBINIGAY MO ;
sapagka’t sila’y iyo; (Mat 15:24 )
Sino nga ba ang sinasabi niyang “marami,” na ayon
pa ay ibinigay ng ating Ama sa kaniya? Ang napakaliwanag na sagot
hinggil dito ay gaya nga ng sumusunod na pahayag,
MATEO 15 :
24 Datapuwa’t siya’y
sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO
KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.
Katotohanan na hindi kailan man maaaring hindian o
pasinungalingan man ng sinoman – na itong si Jesus
ay ganap na kinikilala ng Ama at ng
marami sa larangan ng tunay na kabanalan. Siya’y isang totoong banal na
nanalangin sa Dios sa mabuting
kapakanan ng mga tupa (mga anak ng
pagsunod) na tanging kadahilanan ng pagkasugo sa kaniya sa buong sangbahayan ni Israel. Ano pa’t tungkol
sa panalangin ng mga banal ay madiing sinalita ng Dios, na sinasabi,
AWIT 35:
15 Ang mga mata ng Panginoon (YHVH) ay nakatitig
sa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
Gayon ngang ang panalangin ng isang totoong banal na
kagaya ng panginoon nating si Jesucristo
ay tunay na dininig ng kaisaisang Dios
na Ama nating nasa langit. Datapuwa’t
ang panalangin niyang iyon ay hindi maikakaila na nauukol lamang sa mga tupa (mga anak ng pagsunod) sa buong sangbahayan ng Israel at hindi para sa
lahat ng tao ng sanglibutan. Lalo na ngang ito (panalangin ni Jesus) ay hindi kailan man tumukoy sa mga kambing (mga anak ng pagsuway), na kung
lilinawin ay mga Gentil na ang
kaaliwan ay ang walang kapagurang paghihimagsik sa mga kautusan ng kaisaisang Dios at
Ama nating nasa langit.
Ang napakaliwanag dito ay ang banal na katuruan (Messianic Teachings [Katuruang Cristo]) na nilalaman nitong Evangelio ng kaharian ang nag-iisang paraan na tiyakang maaaring
maging dahilan sa kaligtasan ng kaluluwa
at kapatawaran (katubusan) ng kasalanan.
Sinoman sa makatuwid sa kapanahunan nating ito, na masigla at may di-matatawarang lugod sa puso na pagtalima sa kautusan ay katotohanang nililinis ang kabuoan ng kaniyang kaluluwa. Ano pa’t ang taong iyan ay maliwanag na maaaring ibilang sa munting kalipunan (kawan ng mga tupa) na tinutukoy ng banal na si Jesus sa kaniyang panalangin.

Sa pagtatapos ay maituturing na isang kahangalan at
kahibangan, na sabihing nilinis sa pamamagitan ng pagkapako ni Jesus sa krus ang sala ng sanglibutan. Taliwas
dito ay katotohanan na kani-kaniya ang paglilinis ng bawa’t isa sa kaniyang
sarili. Datapuwa’t ang paglilinis ay maaaring matutunan mula sa mga tunay na banal ng Dios, at ang nag-iisang paraan
ay ang pagtalima lamang sa mga kautusan
ng Ama nating nasa langit.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko
na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay
NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN
MO ANG KANIYANG MGA UTOS;
sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
Ang mabuting Anak
ay malugod na tumatalima sa kalooban ng sarili niyang Ama. Kaisa ng Ama ang
sinisintang Niyang Anak sa katuwiran at kabanalan. Gaya
niya ang malinis na kaluluwa. Tularan nga natin ang mga totoong banal sa paraan
nilang iyan, na masiglang naglunsad sa busilak na kalinisan ng kanilang kaluluwa.
Kung paano nga ang pagkawika ng Cristo ay gayon nga rin tayo itinalagang maging malinis ng kaisaiang Dios ng langit, na sinasabi,
JUAN 15 :
3 Kayo'y MALILINIS na sa pamamagitan ng SALITA (katuruang Cristo) na sa inyo'y aking SINALITA.
KONKLUSYON:
Isang katotohanan na siyang binigyang diin ng Cristo, na ang likhang doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di-pagtutuli ni Pablo) hinggil sa umano'y pagtubos ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagkapako ni Jesus sa krus ay walang anomang katotohanan.
Napakaliwanag ayon sa Juan 15:3 na isang napakatibay na patotoong biblikal mula sa sariling bibig ng Cristo, na ang paglilinis, o kapatawaran ng kasalanan ay hindi sa pamamagitan ng pagkapako niya sa krus, kundi sa pamamagitan ng mga salita (katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral at itinuro ng sarili niyang bibig.
Ang sinomang tumangkilik, nagtaguyod, nangaral, nagtanggol, at sumunod o nagsabuhay nitong Katuruang Cristo ay walang pagsalang kakamtin ang kapatawaran ng kasalanan, at ang buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng kaisaisang Dios ng langit.
Gayon din na ang turo na nagsasabing lakip sa pagsilang ng sinoman sa kalupaan ang manang kasalanan (original sin) ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na sumasa Dios ng langit.
Sapagka't hinggil sa usaping iyan ay madiing winika mismo ng banal na kasulatan (Tanakh), na:
Eze 18 :
20 Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ANG ANAK AY HINDI MAGDADANAS NG KASAMAAN NG AMA, O MAGDADANAS MAN ANG AMA NG KASAMAAN NG ANAK; ANG KATUWIRAN NG MATUWID AY SASA KANIYA, at ang KASAMAAN NG MASAMA AY SASA KANIYA.
Gayon ngang mahigpit na pinasisinungalingan ng kaisaisang Dios ng langit, ang turo ni Pablo (evangelio ng di-pagtutuli), na may kinalaman sa manang kasalanan ng sangkatauhan mula kay Adan at Eva. Isa nga lamang ito sa hindi kakaunting koleksiyon nitong evangelio ng di-pagtutuli ng mga aral na mula sa mga pinaglubidlubid na kasinungalingan ng taong iyan.
Katotohanan na matuwid panghawakaang matibay ng sinoman sa kalupaan, na saan man at kailan man ay hindi pinahintulutan ng kaisaisang Dios ng langit, na ang sinoman ay magmana ng kasalanan ng kaniyang mga magulang.
BABALA:
Huwag nga tayong padaya sa mga tao na ang tanging layunin ay dayain lamang ang kaniyang kapuwa. Gayon din sa kanila na ang nalalaman ay mangopya lamang ng mga aral na hindi nila nauunawaan, upang ikalat sa social media na nagdudulot ng pagkaligaw at kapahamakan ng marami. Kabilang ang mga iyan sa tinatawag sa panahon nating ito, na FAKE NEWS.
Katuruang Cristo nga lamang ang tanging katuruang pangkabanalan na kasusumpungan ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay. Sa sinoma'y hatid nito ang kapatawaran ng mga kasalanan at ang kabuhayang walang hanggan ng kaluluwa ninoman.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Kamtin ng bawa't isa ang walang humpay na biyaya ng kaisaisang Dios ng langit.
Hanggang sa muli, paalam.
SUPPORT:
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here

Simple lang pala ito. Susunod ka lang sa mga utos ng Diyos at nafulfill mo na ang tungkulin mo sa lupa bilang tao.
TumugonBurahin