Hayag sa balumbon ng mga banal na
kasulatan ang likas na kalagayan ng Dios, at doo’y mapapag-unawa ang lubos na
pagkakakilanlan sa kaniya bilang Ama ng lahat ng kaluluwa. Kabilang diyan ang
mga kautusan na ayon sa Kaniya ay
umiiral na magpasa walang hanggan. Gayon din ang Kaniyang pangalan na higit sa anim na libong (6,000) ulit binanggit
ng mga banal ng Dios (Mashiyach) na nabibilang sa buong sangbahayan ng mga anak
ni Israel.
Masoretic Texts ang mapapagkatiwalaang
(authoritative) matandang manuskrito na siyang ginamit na mapapanghawakang
batayan ng mga Israelita sa paggawa nila ng Bibliyang Hebreo. Gayon ma’y hindi
nailahad sa nabanggit na aklat, kahi man dalawa o isang ulit ang tama at
hustong pangalan ng Dios na natatala sa orihinal na teksto. Ang dahilan ay ang
pangamba ng mga nagsipagsalin na malabag ang pangatlong (3) utos ng Dios, na
sinasabi,
DEU 5 :
11 HUWAG
MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NG PANGINOON MONG DIOS SA WALANG KABULUHAN; sapagka't
hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa
walang kabuluhan.
Katuwiran nila’y mabuti ng malihim sa
kaalaman ng marami ang pangalan ng Dios, kaysa naman ito’y magamit lamang ng
mga hangal sa walang kabuluhang bagay. Sa gayong kalakaran, ito nga'y totoong nalingid sa kaalaman ng marami, subali’t nagbunga naman ng kaawa-awang kalagayan sa
kaluluwa ng mga tao. Dahil sa hindi naging malinaw ang tama at
wastong pangalan ng Dios na nararapat bigkasin, kapag ang sinoma’y idinadalangin
sa Kaniya ang mga hinaing ng kanilang
kaisipan at damdamin.
Sa kautusan ay maliwanag na ibinabawal
na banggitin ang pangalan ng Dios sa walang kabuluhan. Ito ay pinahihintulutan
lamang na bigkasin sa mga pangyayari na may kabuluhan sa Kaniya. Halimbawa’y sa mataimtim na panalangin, at sa mga gawa na
sinasang-ayunan ng tunay na kabanalan sa kalupaan. Lubhang mahalaga para sa
ating lahat na malaman ang Kaniyang
pangalan, sapagka’t ito ang nag-iisang tanda na nakikilala ng Anak ang kaniyang
Ama.
Bagay na nararapat ariing matuwid ng
lahat, na ang pagkukubli sa maliwanag ng katotohanan ay malabis na
kinasusuklaman ng Dios, sapagka’t ang gawain iyan ay karumaldumal sa Kaniyang paningin. Dahil dito, ang
nangyari na pagkukubli at pagtatakip sa pangalan ng Ama nating nasa langit ay
hindi kailan man naging gawain ng Kaniyang
mga lingkod, kundi ng mga kampon ng kasamaan. Hangarin nila na iligaw ang lahat,
kaya naman pansamantala ay napagtagumpayan ng masama na ikubli sa dako ng
nilubidlubid na mga kasinungalingan ang pangalan ng Dios.
Kaugnay nito ay nalalaman natin na ang
kasinungalingan ay lalang ng masama, kaya naman ito ay gaya lamang ng mga bagay
na naluluma, tumatanda, nasisira at nauuwi sa wala. Sa gayo’y hindi rin naman
maikakaila, na ang katotohanan ay lalang ng Dios, na gaya niya’y nananatili sa
kaluwalhatian na magpasawalang hanggan. Kung gayon, ang katotohanan takpan man
ng libong kasinungalingan – hindi magtatagal, ito’y maluluma at masisira, upang
muli ang katotohanan ay masumpungan ng sinomang may kasipagan sa larangan ng
tunay na kabanalan.
Ang pangalan ng Dios na יְהֹוָה (Yehovah),
ay 6,519 na ulit mababasa sa 5,521 talata sa Hebrew concordance ng King James
Version (KJV) ng Biblia. Ang bilang na iyan ay mga pagtawag, o pagbanggit sa pangalan ng Dios na may katuturan. Dahil diyan ay madali ng malaman, kung ano ang mga bagay na walang kapararakan. Sa mga iyan ay ibinabawal ng Dios na gamitin, o banggitin man ang Kaniyang panglan.
Sa simula pa lamang, ang pangalang nabanggit ay malugod ng inihayag ng Dios sa kanikaniyang panahon ng mga patriarka, at gayon din sa buong sangbahayan ni Israel at ni Juda. Palibhasa’y kinikilala Niya ang mga mamamayan nito na kaniyang mga anak na nagsisitupad ng kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Dahil diyan ay inilakip niya sa kaniyang mga kautusan, na ingatang matibay ang kaniyang pangalan at ito’y huwag pabayaang banggitin ng sinomang sa walang kabuluhan.
Sa simula pa lamang, ang pangalang nabanggit ay malugod ng inihayag ng Dios sa kanikaniyang panahon ng mga patriarka, at gayon din sa buong sangbahayan ni Israel at ni Juda. Palibhasa’y kinikilala Niya ang mga mamamayan nito na kaniyang mga anak na nagsisitupad ng kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Dahil diyan ay inilakip niya sa kaniyang mga kautusan, na ingatang matibay ang kaniyang pangalan at ito’y huwag pabayaang banggitin ng sinomang sa walang kabuluhan.
Narito, at maliwanag pa sa sikat ng araw
na ang pangalang nabanggit ay lubhang napakahalaga sa kapakanan ng lahat sa
kalupaan. Sapagka’t kung ito’y walang kabuluhan sa kanino man – ang Dios ay
hindi na aaksayahin pa ang Kaniyang
panahon na ilahad at ipabatid ang pangalang iyan sa lahat Niyang mga anak.
Pinatototohanan ng mga banal na
kasulatan, na ang Pangalang יְהֹוָה (Yohvah) ay kumakatawan sa
walang hanggang pangalan ng Dios, at gaya ng nasusulat ay alinsunod sa mga
sumusunod na katuwiran ang mababasa,
GEN 21 :
33 At nagtanim si
Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at sinambitla doon ang
pangalan ni YEHOVAH na Dios na walang hanggan.
(Gen 21:33 And Abraham
planted5193 a grove815 in Beer-sheba,884 and
called7121 there8033 on the name8034 of the YEHOVAH,3068
the everlasting5769 God.410)
DAN 2 :
20 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang
pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay Kaniya.
(Dan 2:20 Daniel1841 answered6032
and said,560 Blessed1289 be1934 the name8036
of1768 God426 forever and ever:4481, 5957, 5705,
5957 for1768 wisdom2452 and might1370
are his:)
“YEHOVAH” kung gayon ang kaisaisang pangalan
ng Dios na kumakatawan sa walang hanggan Niyang
pangalan. Ito’y dahil sa lahat ng henerasyon ng mga tao na natatala sa balumbon
ng mga banal na kasulatan ay hindi kailan man nalimutan na bigkasin ang
pangalang nabanggit. Maliwanag ngang ito’y ipinakilala ng lahat ng mga
kinilalang banal ng Dios (Mashiyach)
sa simula pa lamang, at matuwid na hindi malingid sa kaalaman ng lahat sa
kasalukuyan, at sa mga hinaharap na kapanahunan.
Narito, at sa sumusunod na ilustrasyon ay
maliwanag na makikita at mapapag-unawa ang ISA sa katiwatiwalang transliterasyon ng
Tetragramaton (YHVH).
ה ו ה י
= Yohvah
HEBREW TETRAGRA- HEBREW GREEK ENGLISH
Character MATON SOUND TRANSLIT. TRANSLIT.
( Prophets
) ( 280-130
BC.) (15 AD)
י = Yod - Y - Yo
- (Ιη) Ie - Je - Ya
ה = he - H - h - omitted - ho - h
ו = vav - V -
va - (ύ) u - va - we
ה = he - H - h
- omitted - h - h
(ς) s
Ang
ngalang IEUS ay ang transliterasyon ng tetragramaton
(YHVH) mula Hebreo sa wikang Griego, at
pinaniniwalaang pangalang ugat ng I-HU at YEHU na kilala bilang Dios ng Propeta
Mohammed at Propeta Mica mula sa kanikanilang henerasyon. Ang ngalang ZEUS na siyang supremong bathala (Dios), sa alamat ng mga
Griego (Greek mythology) ay pinaniniwalaan din na mula sa salit-saling
pagbigkas ng pangalang IEUS.
Samantala
ay hindi nalingid sa mga banyagang mananaliksik, na ang letrang “S” bilang
kaugaliang Griego ay idinagdag lamang sa hulihan ng pangalan sa pagsasalin
(transliterasyon) ng mga tekstong Hebreo sa wikang Griego. Kaya walang anoman
nilang inalis ang letrang “S” at sa gayo’y idinagdag naman ang letrang “H” sa
pagitan ng mga letra ng pangalan, gaya ng I-HU o kaya nama’y YEHU.
Sa
ilustrasyon, ay hindi maikakaila na ang mga pangalang JEHOVAH at YAHWEH ay ang
tanging transliterasyon ng tetragramaton (YHVH). Ang orihinal na tunog nito sa
wikang Hebreo ay YOH-VAH, na taglay ang dalawang (2) pantig (syllable) lamang.
Ang pangalang YAHWEH mula sa
transliterasyong Ingles ng ika-15 siglo ay gayon din naman na mayroong dalawang
pantig (syllables). Nguni’t ang tunog ng una (YO) at pangatlong (VA) letra ng
tetragramaton ay inilaglag at hinalinhan ng YA ang YO, at ng WE ang VA. Ayon
dito, ang orihinal na tunog ng pangalan (YOHVAH) sa wikang Hebreo ay nakurap
(corrupted) ng husto at tuluyang naglaho.
Samantala,
ang letrang “J” sa umuunlad (evolving) na wikang Ingles bago pa ang ika-12
siglo ay hindi eksistido. Na kung lilinawin ay hindi ito kilala at hindi
kabilang sa alpabetong Ingles, ni sa wikang Latin man. Sa panahong ding yaon,
ang kombinasyon ng letrang I at Y ay nagsasalarawan ng maskulinong tunog at
nag-umpisang lumitaw sa hindi kakaunting dayalekto ng lenguwaheng Ingles. Ano
pa’t sa loob ng sumunod na limang (500) daang taon, ang letrang “J” ay
unti-unting sinapawan ang pinagsanib na letrang I at Y.
Sa
wakas, ang letrang “J” noong ika-17 siglo ay opisyal na ngang naging bahagi ng
alpabetong Ingles. Ang katotohanang ito’y malinaw na nagpapahayag na ang mga
pangalang JESUS, ni ang JEHOVAH sa aktuwalidad nito ay hindi kilala sa mga
bansang gumagamit ng wikang Ingles, hanggang noong 1526, nang si William
Tyndale ay isinalin (translated) ang Latino Vulgata (Latin Vulgate) sa wikang
Ingles. Siya sa makatuwid ang kauna-unahang gumamit ng letrang “J” sa
pagbabaybay (spelling) ng pangalang JESUS. Siya rin sa makatuwid ang kauna-unahang tao sa mundo na naglimbag ng aklat na kabilang ang letrang "J" sa mga nilalamang teksto nito.
Bukod
pa sa roon, noong ika-15 siglo AD, ang JEHOVA ay mayroong tatlong syllables na
kung babaybayin ay JE-HO-VAH. Sa tetragramaton (YOHVAH), ang unang tunog na
“YO” ay inilaglag ng mga Ingles at hinalinhan ng “J” Sa kakulangang ito, ang
pagdaragdag ng vowel na “E” at “O” sa tabi ng consonant na “J” at “H” ay lalong
kinurap ang orihinal na tunog ng una at pangalawang letra ng tetragramaton. Si William Tyndale sa makatuwid ang pinaka-unang tao sa mundo na naglimbag ng Bibliya sa wikang Ingles na lakip ang letrang "J" sa nilalamang mga teksto nito.
Kung
aanalisahin ang dalawang pantig (syllables) nitong YOH-VAH sa orihinal na anyo
ng tetragramaton, maaari nitong mapukaw ang pansin ng nagmamay-ari ng pangalang
iyan. Nguni’t sa tunog na nilikha mula sa mga sinadyang pagkakamali ay gaya
lamang ng isang tao na nakatayo sa labas ng iyong bahay at ang tinatawag ay
pangalan na hindi kailan man naging iyo.
Kaugnay
nito, ang lahat ay nalalaman ang tunog ng sarili niyang pangalan, at ang
sinoman ay tumutugon alinsunod sa eksaktong bigkas niyaon. Katulad din naman
nito, ang pagbigkas sa pangalan ng Dios na kakaiba sa orihinal na tunog nito ay
gaya lamang ng ekspresyong “barking on
the wrong tree.”
Sinoman
sa makatuwid na maninindigan sa transliterasyon ng tetragramaton (YHVH) sa
wikang Griego (Ieus) at sa wikang Ingles (Yahweh/Jehovah), ay inililigaw ang
sarili niyang kaluluwa Sapagka't ang mga
yao'y pangalan na pinanday lamang ng mga tampalasan at ang gayo'y maipasisiyang
PAGLAPASTANGAN SA BANAL NA PANGALAN.
Kaugnay
niyan, kung ang eksaktong tunog ng pangalan ay lubhang napakahalaga sa ating
mundo, ay gaano pa kaya ito kahalaga sa kaharian ng langit?
Ang
pangalang Jehovah ay pangalan umano
ng Dios, na sa katotohanan ay pangalang inimbento lamang ng mga Ingles. Isa rin
sa masidhing dahilan kung bakit binibigyang diin ng mga historian, na ang
pangalang Jesus ay palsipikadong
(fake) pangalan ng panganay na lalaking anak (Yohvshva) ni Maria. Gayon ding hindi hihigit sa nabanggit na
bilang ng mga taon (350 years) ang edad nitong pinakamatandang aklat ng mga lihim
na karunungan (gnostic) ng mga paganong Romano sa wikang Latin - na sa mga ito'y kalakip
ang letrang "J" sa mga nilalamang salita, partikular sa mga pangalan
at orasyon.
Inyo
ngang pansinin sa mga naghahawak at nag-iingat ng mga aklat ng umano’y lihim na
karunungan. Mayroon bang letrang "J" sa alin mang pangalan o salita na nasusulat sa mga pahina niyan? May katiyakan na kabilang sa mga aklat na iyan ang letrang “J,” at dahil
diyan ay paano nga nangyari, na nang hindi pa nalalalang ang mundo ay gumamit
na ang Dios ng letrang nabanggit. Gayong mula sa pagkaka-imbento niyan ay nagsimula lang na iyan ay makilala ng mga
tao sa kalakhang Yuropa at Inglatiera nito lamang ika-17 siglo? Ang napakaliwanag na ibig sabihin nito - Maliban sa mga Hebreo, mula pa noong ika-17 siglo, o mas maaga pa diyan - ang marami sa kalakhang Yuropa at karatig na kontinente ay nagsisigamit na ng mga huwad (peke) na pangalan ng Dios
(Jehovah/Yahweh).
Ano pa’t sa banal na kasulatan ay mariing
ipinakilala ang magpasawalang hanggang pangalan ng Dios na siyang Ama ng lahat
nating kaluluwa. Na sinasabi,
ISA 63 :
16 Sapagka't ikaw ay
aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng
Israel: ikaw, O YOHVAH, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang
pasimula ay siya mong pangalan.
(Isa
63:16 Doubtless3588 thou859
art our father,1
though3588 Abraham85 be ignorant3808, 3045 of
us, and Israel3478 acknowledge5234 us not:3808
thou,859 O YEHOVAH,3068 art our father,1 our redeemer;1350 thy
name8034 is from
everlasting.4480, 5769)
EXO 3:
15 At sabi ng Dios kay Moises, ganito ang sabihin mo sa mga anak ni Israel, sinugo ako sa inyo ni YOHVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, ng Dios ni Jacob ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILAN MAN, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
EXO 3:
15 At sabi ng Dios kay Moises, ganito ang sabihin mo sa mga anak ni Israel, sinugo ako sa inyo ni YOHVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, ng Dios ni Jacob ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILAN MAN, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
(Exo
3:15 And God430 said559
moreover5750 unto413 Moses,4872 Thus3541
shalt thou say559 unto413 the children1121 of
Israel,3478 YOHVAH3068 God430 of your
fathers,1 the God430 of Abraham,85 the God430
of Isaac,3327 and the God430 of Jacob,3290
hath sent7971 me unto413 you: this2088 is my name8034 forever,5769
and this2088 is my
memorial2143 unto all generations.1755, 1755)
Sa pagwawakas ng artikulo ay katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat, na ang pangalang nabanggit (Yohvah) ay siya ngang pangalang magpasawalang hanggan ng Dios. Sapagka’t sa libo-libong taon na nilakaran ng kasaysayang biblikal – ang pangalang יְהֹוָה H3068 (YHVH) ay 6,519 na ulit binanggit at ipinakilala ng mga banal ng Dios (Mashiyach) sa 5,521 talata sa Hebrew concordance ng King James Version (KJV) ng Biblia. Katunayan lamang na sa lahat ng nakaraan, sa kasalukuyan, at sa mga hinaharap na henerasyon ng sangkatauhan ay mananatili ang makapangyarihang pangalan Niyang iyan, at patuloy na ipa-aabot ng Dios sa kaalaman ng lahat ang walang hanggan niyang pangalan.
Ano pa't may isang kaibig-ibig at napakagandang balita na ihahatid kami sa inyo ngayon, at gaya nga ng nasusulat ay masigla at may diin na winika ng ating Ama na nasa langit ang mga sumusunod,
JOEL 2:32 At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ni YOHVAH, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
(And it shall come to pass,1961 that whosoever3605, 834 shall call7121 on the name8034 of Y'HOVAH3068 shall be delivered:4422 for3588 in mount2022 Zion6726 and in Jerusalem3389 shall be1961 deliverance,6413 as834 YOHVAH3068 hath said,559 and in the remnant8300 whom834 YOHVAH3068 shall call.7121)
Sa ginawang paglilihim sa pangalan ng kaisaisang Dios noong una ay paano nga sa panahong ito masasabi na mayroong maliligtas, gayong ang Kaniyang pangalan ay lihim pa sa kaalaman ng marami.
ZEC 13:9 At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan (YOHVAH), at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si YOHVAH ay aking Dios.
(And I will bring935 (853) the third part7992 through the fire,784 and will refine6884 them as (853) silver3701 is refined,6884 and will try974 them as (853) gold2091 is tried:974 they1931 shall call7121 on my name,8034 and I589 will hear6030 them: I will say,559 It1931 is my people:5971 and they1931 shall say,559 Y'OHVAH3068 is my God.430)
PANSININ:
- Sa Hebrew, Greek, English, at Latin alphabet ay hindi eksistido ang letrang "J." Pinapatotohanan ng kasaysayan (historically), na nagsimulang mapasama ang nabanggit na letra (J) sa alpabeto ng English at Latin nito lamang ika-17 siglo. Kaya anomang pangalan (Jehovah, Jesus etc.) na nagsisimula sa letrang ito na pinakamatanda ay hindi na hihigit pa ang gulang (edad) sa tatlong daan at limangpung taon (350) taon.
- Ang Yohvah at Yehovah, mula sa kani-kaniyang padron ay magkatulad na transliterasyon ng Tetragramaton (YHVH). Gayon man ay nagkakaisa ng tunog sa pagbigkas. Sa usaping ito ay lubhang mahalaga na malaman ang tama at hustong pagbigkas ng nabanggit na pangalan.
- Sa alpabeto ng Hebreo ay walang letrang "W" at "J," kaya ang pangalang Yahweh at Jehovah ay maliwanag na kinurap na salin ng tetragramaton (YHVH). Na kung lilinawin ay mga huwad (palsipikado) na pangalan ng Dios.
Paano ka nga sasagot sa tawag ng sinoman, kung ibang pangalan na hindi mo kilala ang pangalang itinatawag sa iyo? Gayon din naman sa Dios na Ama nating lahat, paano nga rin matatawag ng sinoman ang kaniyang pansin, kung pulos huwad (palsipikado) na pangalan ang itatawag sa kaniya ng marami?
Suma atin nawa ang lubos na pagpapala ng kaisaisang Dios na siyang Ama ng lahat ng kaluluwa, ngayon, ngayon, at magpakailan man, Amin.
Hanggang sa muli, paalam.
Hanggang sa muli, paalam.
Sa lahat ng mga nagpadala ng anonymous comment. Ang ipina-publish lamang po namin sa ngayon ay yung naglalahad ng kanilang NAME/URL, gayon ma'y pinadadaan pa rin po namin ang lahat ng comment sa moderation process. Paumanhin po.
TumugonBurahin