Martes, Nobyembre 13, 2012

Adonai (LORD, GOD)


Sa mga balumbon ng Tanakh, ang YHVH (Yod, Hey, Vav, at Hey) ay ang walang hanggang pangalan (Exo 3:15) ng kaisaisang Dios na Ama nating nasa langit. Nang Kaniyang atasan si Moises bilang sugo ng pagpapalaya sa sangbahayan ni Israel mula sa pagka-alipin nitong Paraon ng Egipto – niliwanag at tiniyak ni YEHOVAH (YHVH) na siya na nga at wala ng iba pa ang sa kaniya (Moises) ay nakikipag-usap. Ito ay sa pamamagitan ng mga katagang, “ehyeh-asher-ehyeh” (I am who I am). Ang kahulugan nito sa atin ay “Ako yaong Ako nga,” na tuwirang nagsasabing Siya, na kausap ni Moises ay walang iba, kundi si YEHOVAH (YHVH).

Ang salitang “ehyeh-asher-ehye” ay napakaliwanag na hindi kailan man tumukoy sa pangalan ng Dios at katotohanan na iyan ay hindi pangalan, kundi mga salita na mariing nagsasabing si YEHOVAH ang kausap ni Moises sa mga sandaling iyon sa taluktok ng bundok Sinai. Ito’y para na rin niyang sinabi “Moises, Ako yaong Ako nga, Ako nga si YEHOVAH na ngayo’y nakikipag-usap sa iyo, na Dios ng iyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob.” Sa makatuwid ay lubos niyang ipina-uunawa na, "Ang pangalan ko (YEHOVAH) ay katunayan na ako ay umiiral (My name [YEHOVAH] is the fact that I exist.)"
Libo-libong taon pa bago isilang sa maliwanag itong si Moises – hayag na nga sa mga patriarka at sa buong sangbahayan ni Israel ang nabanggit na walang hanggang pangalan ng Dios. Ito’y  hindi kakaunting ulit na binanggit, o sinambitla ng mga tao na kinagiliwan ng ating Ama noon pa mang una, gaya ng nasusulat, na sinasabi,

PANSININ:
(Inilagay namin sa orihinal na kaanyuan ang mga talata sa ibaba, alinsunod sa kaayusang inilalahad ng masoretic texts. Imbis na LORD ay pangalang YEHOVAH na isa sa ilang transliterasyon ng YHVH ang siyang pangalang mababasa sa mga sumusunod na talata. Sa hustong kaayusang iyan ay higit na mauunawaan ang wastong nilalaman ng ating teksto)

GEN 13 :
4  Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ni YEHOVAH.
(Unto413 the place4725 of the altar,4196 which834 he had made6213 there8033 at the first:7223 and there8033 Abram87 called7121 on the name8034 of YEHOVAH.3068)

GEN 19 :
14  At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ni YEHOVAH ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya.
(And Lot3876 went out,3318 and spoke1696 unto413 his sons-in-law,2860 which married3947 his daughters,1323 and said,559 Up,6965 get you out3318 of4480 this2088 place;4725 for3588 YEHOVAH3068 will destroy7843 (853) this city.5892 But he seemed1961 as one that mocked6711 unto5869 his sons-in-law.2860)

GEN 26 :
24  At napakita sa kaniya si YEHOVAH ng gabi ring yaon, at nagsabi, Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.
(And YEHOVAH3068 appeared7200 unto413 him the same1931 night,3915 and said,559 I595 am the God430 of Abraham85 thy father:1 fear3372 not,408 for3588 I595 am with854 thee, and will bless1288 thee, and multiply7235 (853) thy seed2233 for5668 my servant5650 Abraham's85 sake.)

GEN 28 :
13  At, narito, si YEHOVAH ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, Ako si YEHOVAH, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;
(And, behold,2009 YEHOVAH3068 stood5324 above5921 it, and said,559 I589 am YEHOVAH3068 God430 of Abraham85 thy father,1 and the God430 of Isaac:3327 the land776 whereon834, 5921 thou859 liest,7901 to thee will I give5414 it, and to thy seed;2233)

GEN 29 :
32  At naglihi si Lea, at nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben; sapagka't kaniyang sinabi, Sapagka't nilingap ni YEHOVAH ang aking kapighatian; dahil sa ngayo'y mamahalin ako ng aking asawa.
(And Leah3812 conceived,2029 and bore3205 a son,1121 and she called7121 his name8034 Reuben:7205 for3588 she said,559 Surely3588 YEHOVAH3068 hath looked7200 upon my affliction;6040 now6258 therefore3588 my husband376 will love157 me.)

EXO 3 :
15  At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni YEHOVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
(And God430 said559 moreover5750 unto413 Moses,4872 Thus3541 shalt thou say559 unto413 the children1121 of Israel,3478 YEHOVAH3068 God430 of your fathers,1 the God430 of Abraham,85 the God430 of Isaac,3327 and the God430 of Jacob,3290 hath sent7971 me unto413 you: this2088 is my name8034 forever,5769 and this2088 is my memorial2143 unto all generations.1755, 1755)

Ang YEHOVAH, na siyang walang hanggang pangalan ng Dios ayon sa tradisyong Hebreo ay hinalinhan ng katawagan, o titulong “Adonai (אדונאיי),” na tumutukoy sa katagang “PANGINOON,” o “LORD” sa wikang Ingles. Ito’y sa sinaunang paniniwala na ang pangalang nabanggit (Tetragram) ay lubhang napaka-sagrado upang sambitin. Kaya minabuti ng mga matatanda na iyon ay halinhan na lamang ng ibang salita (Adonai), o pamimitagang panawag na kakatawan sa pangalang iyan bilang PANGINOONG DIOS ng lahat ng kaluluwa. אדונאיי

Ang יְהֹוָה (YHVH) sa gayong alituntunin ay אדונאיי (Adonai) ang ginagawang pagbasa ng mga Hebreo sa pangalang iyan. Gayon ma’y maliwanag na ang salitang Adonai ay hindi pangalan ng Dios, kundi sa anyong pangmaramihan (plural form) ng titulong Adonai, gaya rin ng anyong maramihan (plural form) ng titulong Elohim ay karaniwang ginagamit na mga pang-isahang pandiwa (singular verb) at panuring (modifier). Ito ay may iba’t ibang gamit na tumutukoy sa mga tao, anghel, at sa tunay na Dios ng Israel, na kahulugang “panginoon, o ama (lord or father),” ”maestro (master),” at “may-ari (owner).

Ang Adon, at Adonai palibhasa’y titulong inihalili sa tetragram ay tila lumalabas na mga pangalan ng Dios sa kabuoan ng Jewish canon. Gayon ma’y kailangang maunawaang maigi na sa pagpapakilala ng Dios, karaniwan ay kaakibat sa pangalan ang kaniyang katangian at pag-aangkin. Gaya halimbawa ng mga sumusunod,

ADON ADONAI TSEVA’OT (The LORD of hosts, or The LORD of Armies [Tsava]) = Si YHVH ng mga hukbo.
Ang nagpakilalang Dios sa balumbon ng mga banal na kasulatan (masoretic texts) ay nagsabing siya ay si YEHOVAH na Dios ng mga hukbong pangdigma. (The Lord YHVH of hosts, or The Lord GOD of armies), na ang katumbas na mga salita sa wikang Hebreo ay “Adon Adonai Tseva’ot.”  Nguni’t kung susundin ang tunay na nasusulat ay “Adon YHVH Tseva’ot” ang maliwanag na mababasa sa orihinal na teksto. Sa gayon, imbis na Adonai ay matuwid na YHVH ang pangalan na nasa pagitan ng Adon at Tseva’ot. Ito’y sa kadahilanan na katatapos lamang naming lapatan ng kaukulang paglilinaw sa itaas.
Reperensiya: Isa 1:24, 3:1, 10:16, 33, 19:4, Mal 3:1.

Mula sa kadahilanan din naman na nabigyang linaw sa una ay makikita na ang salita na nasa gawing kaliwang ibaba ay ADONAI, imbis na YHVH. Datapuwa’t kung susundin ang totoong nasusulat sa Masoretic texts (Tanakh, Micra) ay gaya nga ng mababasa sa gawing kanang ibaba ng pahina, 

ADONAI ELOHIM (The LORD God) <<<<<<<< YHVH ELOHIM (YHVH God) = Si YHVH na Dios.
Reperensiya: Gen 2:4,7,15,18,21; 3:1,8,13,21; Exod 9:30; 2Sam 7:25; 2Kgs 19:19; 1Chr 17:16; 28:20; 2Chr 1:9; 6:41; Psa 72:18; 84:11; Jonah 4:6

ADONAI ELOHAI  (The LORD my God) <<<<< YHVH ELOHAI (YHVH my God) = Si YHVH na aking Dios.
Reperensiya: Psa 13:3

ADONAI AVINU   (The LORD our father) <<<< YHVH AVINU (YHVH our father) = Si YHVH na ating Ama.
Reperensiya: Isa 64:8

ADONAI EL SHADDAI (The LORD God Almighty) <<< YHVH EL SHADDAI (YHVH God Almighty) = Si YHVH ay Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Reperensiya: Gen 17:1, 28:3, 35:11, 43:14, 48:3, Exo 6:3, 

ADONAI EL ELYON (The LORD most High God) <<<< YHVH EL ELYON (YHVH most High God) = Si YHVH na kataas-taasang Dios.
Reperensiya: Gen 14:22, Psa 7:17, Psa 47:2

ADONAI ELOHEI YISRAEL (The LORD God of Israel) <<< YHVH ELOHEI YSRAEL (YHVH God of Israel) = Si YHVH ay Dios ng Israel.
Reperensiya: Isa 17:6

ADONAI YIR’EH  (The LORD who sees) <<<<< YHVH YIR’EH (YHVH who sees) = Si YHVH na nakakakita.
Reperensiya: Gen 22:14 (Jehovahjireh, Jehovah Jirah or Jehovah Jireh sa tradisyong Ingles [KJV])

ADONAI MEKADDISHKHEM (The LORD your Sanctifier) <<<YHVH MEKADDISHKHEM (YHVH your Sanctifier) = Si YHVH na nagpapabanal.
Reperensiya: Exo 31:13

ADONAI NISSI  (The LORD my Miracle) <<< YHVH NISSI (YHVH my Miracle) = Si YHVH na aking himala.
Reperensiya: Exo 17:15 (Jehovahnissi sa tradisyong Ingles [KJV])

ADONAI OSENU (The LORD our Maker) <<< YHVH OSENU (YHVH or Maker) = Si YHVH na manlalalang.
Reperensiya: Psa 95:6

ADONAI TZIDKENU or TSIDKEINU (The LORD our Righteousness) <<< YHVH TZIDKENU (YHVH our Righteousness) = Si YHVH ay ang ating Katuwiran.
Reperensiya: Jer 23:6, 33:16

ADONAI RO’I   (The LORD my Shepherd) <<< YHVH RO’I (YHVH my Shepherd) = Si YHVH ay aking Pastor.
Reperensiya: Psa 23:1, Eze 34:2

ADONAI ROPH’EKHA (The LORD who heals you) <<< YHVH ROPH’EKHA (YHVH who heals you) = Si YHVH ang nagpapagaling sa inyo.
Reperensiya: Exo 15:26

ADONAI SHALOM (The LORD of peace) <<< YHVH SHALOM (YHVH of peace) = Si YHVH ay kapayapaan.
Reperensiya: Jdg 6:24

ADONAI ELOHEIKHEM (The LORD your God) <<< YHVH ELOHEIKHEM (YHVH your God) = Si YHVH na inyong Dios.
Reperensiya: Lev 19:3

ADONAI TSURI V’GOALI (The LORD my Rock and Redeemer) YHVH TSURI V’GOALI (YHVH my Rock and Redeemer) = Si YHVH na aking Bato at Manunubos.
Reperensiya: Psa 19:14

ADONAI EL YASHA AYYIN ZULAH (The LORD God and a savior none beside)    <<<  YHVH EL YASHA AYYIN ZULAH (YHVH LORD God and savior none beside) = Si YHVH na Dios at tagapagligtas, walang iba sa piling (walang iba liban sa akin).
Reperensiya: Isa 45:21, Ose 13:4, Isa 43:11

ADONAI ELOHEI DAVID (The LORD God of David) <<< YHVH ELOHEI DAVID (YHVH God of David) = Si YHVH ay Dios ni David.
Reperensiya: Isa 38:5

ADONAI SAL’I  (The LORD my Rock) <<< YHVH SAL’I (YHVH my Rock) = Si YHVH na aking Bato.
Reperensiya: Psa 18:2

MALAKH ADONAI  (The Angel of the LORD) <<< MALAKH YHVH (The Angel of YHVH) = Ang Anghel ni YHVH.
Reperensiya:  Gen 16:7,9,11

ADON KOL-HA’ARETS (The Lord of all the earth) <<< ADON KOL-HA’ARETS (Adon of all the earth.) = Panginoon ng sandaigdigan. Dito ay si YHVH (YEHOVAH) ang nag-iisang tinutukoy na Adon, sapagka’t katotohanan na Siya ang Panginoon, kaisaisang DIOS ng sangkatauhan, at nagmamay-ari ng sandaigdigan (dimensiyon ng materiya). 
Reperensiya: Jos 3:11,13; Psa 97:5; Zec 4:14; 6:5

Kapansinpansin na sa mga katangian ng Dios na nalalahad sa itaas ay iisang pangalan lamang ang nakakabit sa mga iyon, na walang iba, kundi ang "YHVH," at Siya ay tinutukoy ng ganap sa pamamagitan ng pagbanggit sa kataastaasang pamimitagang panawag na, "ADONAI"  

Ang pangalan ay iba sa katangain, at lalo ng iba sa pagpapahayag ng pag-aangkin. Gaya ng mga nalalahad na katunayan sa itaas ay maituturing na isang malaking kamalian, na kilalaning pangalan ang mga katangian at pagpapahayag ng pag-aangkin, maging ang pamimitagang panawag man. Ang kakapusan ng pagkaunawa sa usaping iyan ang madilim na bahagi na kinatisuran at pinagkamalian ng lubhang marami sa apat na direksiyon ng ating daigdig. Magkagayon ma’y dumating na ang ilaw at sa tanglaw nito ay maliwanag na nasaksihan, na ang walang hanggang pangalan ng Dios ay iisa lamang pala, at ayon sa Jewish canon ay YHVH lang at wala ng iba pa.

Ang pangalang YAH sa makatuwid ay mula sa unang dalawang letra (YH) ng tetragram. Na kung lilinawin ay palayaw lamang na ibinansag ng ilan noong una sa kaisaisang Dios (YHVH) na nasa langit. Ang YAH ay pinahikling transliterasyon ng YHVH.  Ang YAH ay makikita sa unang tatlong letra ng YAHWEH. Sa Etymologio, ito ay may kinalaman sa salitang "maging (to be)," o kaya nama'y "paglikha (to create)." Kaya kung uugatin ang mga sina-unang salita ay hindi malayo na ang YAHWEH ay mabibilang lamang sa katangian ng Dios. Gayon ma'y higit na kinatigan nitong Jewish canon ang katangiang ADONAI. Kaya sa pagbasa ng punong saserdote ng mga Judio nitong Torah, imbis na YAHWEH ang sambiting salita patungkol sa pangalang YHVH ay ADONAI ang sinasambit.

Gaya ng sumusunod na halimbawa,

Ang "YHVH ELOHAI" na ang ibig sabihin ay "Si YHVH na aking Dios (YHVH my God)." Hindi nga binabasa ang mga salitang iyan bilang "YAHWEH ELOHAI," kundi "ADONAI ELOHAI." Palibhasa ang Panginoon (Master, or Owner) ay lalong nakahihigit sa manggagawa (worker).

Narito, at sa masoretic texts (book of the Jewish canon) ay lubhang napakaliwanag na iisang Dios lamang ang mapapatunayang umiiral sa lahat ng kapanahunan at siya ay walang iba, kundi ang Dios na kumakatawan sa Tetragam (apat na letra). Maaaring basahin at bigkasin ang transliterasyon nito (YHVH) bilang Yehovah.

Ang Adonai ay hindi pangalan ng Dios, kundi salita na naglalahad ng pag-aangkin ni YHVH (Yohvah) sa buong nilalaman nitong Dimensiyon ng Materiya at Espiritu. Kaya nga ito’y inihalili sa pangalan Niya na magpasawalang hanggan (Exo 3:15), ay isa itong kataas-taasang katangian na ang kaisaisang Dios lamang ang nagtatagalay. Ang salitang Adonai sa makatuwid ay ang kataastaasang pamimitagang panawag sa kaisaisang Dios ng langit. Gayon ma’y hindi masama na ilahad, o ibunyag ang tunay na pangalan ng Dios, dahil sa kaakibat naman nito ang kautusan hinggil sa pag-iingat ng Kaniyang pangalan.

Gayon ma'y inihahalili sa Adonai ang isa pang pamimitagang panawag na HaShem, kung iniiwasang banggitin ang kataastaasang pamimitagang panawag na Adonai. Iyan ay ayon sa nakasanayang sagradong kaugalian ng mga anak ni Israel, at ng buong sambahayang sinasakop nito, na wala iba kundi ang bansang Israel. Ang salitang HaShem sa makatuwid ay isang pamimitagang panawag lamang sa kaisaisang Dios ng langit, at hindi kabilang sa Kaniyang age group name, ni ito ay hindi pangalang tumukoy sa walang hanggan Niyang pangalan.   

Ang sampung (10) utos ng Dios na kinabibilangan ng utos (nr.3) hinggil sa pangalan ay hindi maikakaila na nauukol sa buong sangkatauhan. Dahil dito ay karapatan ng lahat na malaman ang tunay na pangalan ng Dios. Lamang ay nararapat maluwalhating sundin ng lahat ang mga kaayunan at kabawalan hinggil sa bagay na ito.

Kaya naman sukol sa langit ang katotohanang mababasa sa mga sumusunod na talata, na sinasabi,

PANSININ:
(Inilagay namin sa orihinal na kaanyuan ang mga talata sa ibaba, alinsunod sa kaayusang inilalahad ng masoretic texts. Imbis na PANGINOON ay pangalang YEHOVAH na transliterasyon ng YHVH ang siyang pangalang mababasa sa mga sumusunod na talata. Sa orihinal na kaayusang iyan ay higit na mauunawaan ang wastong nilalaman ng ating teksto)

OSEA 13 :
4 Gayon ma’y AKO si YEHOVAH NA IYONG DIOS, mula sa lupain ng Egipto; at WALA KANG MAKIKILALANG DIOS KUNDI AKO, at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
(Yet I595 am YEHOVAH3068 thy God430 from the land4480, 776 of Egypt,4714 and thou shalt know3045 no3808 god430 but2108 me: for there is no369 savior3467 beside1115 me.)

ISA 43 :
11  Ako, sa makatuwid baga’y ako, SI YEHOVAH; at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
(I,595 even I,595 am YEHOVAH;3068 and beside4480, 1107 me there is no369 savior.3467)


ISA 44 :
Ganito ang sabi ni YEHOVAH, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, si YEHOVAH ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
(Thus3541 saith559 YEHOVAH3068 the King4428 of Israel,3478 and his redeemer1350 the YEHOVAH3068 of hosts;6635 I589 am the first,7223 and I589 am the last;314 and beside4480, 1107 me there is no369 God.430)

ISA 45 :
21 .... hindi ba ako na si YEHOVAH?  WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
(..... have not3808 I589 YEHOVAH?3068 and there is no369 God430 else5750 beside4480, 1107 me; a just6662 God410 and a Savior;3467 there is none369 beside2108 me.

22  Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
(Look6437 unto413 me, and be ye saved,3467 all3605 the ends657 of the earth:776 for3588 I589 am God,410 and there is none369 else.5750)

Deut 32
12 Si YEHOVAH na magisa ang pumapatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.
(So the YEHOVAH3068 alone910 did lead5148 him, and there was no369 strange5236 god410 with5973 him.)

JOEL 2 :
27  At inyong malalaman na ako’y nasa gitna ng Israel, at ako ay si YEHOVAH na inyong Dios, at wala nang iba: at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.
(And ye shall know3045 that3588 I589 am in the midst7130 of Israel,3478 and that I589 am YOHVAH3068 your God,430 and none369 else:5750 and my people5971 shall never3808, 5769 be ashamed.954)

AWIT 18 :
31  Sapagka’t sino ang Dios, liban kay YEHOVAH? At sino ang MALAKING BATO maliban sa ating Dios?
(For3588 who4310 is God433 save4480, 1107 YEHOVAH?3068 or who4310 is a rock6697 save2108 our God?430)

Ang kabanalbanalang entidad na pinatutungkulan ng salitang “ADONAI” ay wala ngang iba, kundi ang walang "hanggang pangalan (Exo 3:15)" ng kaisaisang Dios na si YHVH (YEHOVAH). Sapat ang kaalaman na katatapos lamang ilatag nitong Rayos ng Liwanag, upang mapag-unawa na ang sinasabing iba’t-ibang pangalan ng Dios na masusumpungan sa aklat ng Jewish canon (masoretic texts) ay hindi kailan man lumapat, ni tumukoy man sa pangalan - kundi ang mga iyon ay sari-saring katangian ng kaisaisang Dios at masiglang pahayag ng kaniyang pag-aangkin.

Ang katotohanan ay mayroong kaisaisang walang hanggang pangalan ang Ama nating nasa langit, at ang pangalang iyan ay "YEHOVAH." Sa gayo'y walang ibang pangalan na sukat ikaligtas ng sinoman sa silong ng langit, kundi ang pangalang iyan. Maging sa tinatawag na bagong tipan (NT) ng bibliya ay ang pangalang pa ring iyan ang nagtutumibay na pangalan ng kaisaisang Dios. Hanggang sa ating panahon at sa mga susunod pang mga henerasyon ng mga tao sa malapit at malayong kapanahunan ay ang pangalan pa ring iyan ang iiral, palibhasa'y madiin niyang sinabi, na iyan ang walang hanggan Niyang pangalan.

Patuloy nawa na suma atin ang masaganang biyaya ng katotohahan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay. 

Hanggang sa muli, paalam.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento