Ang katagang "Notzrim" ay makabagong salitang Hebreo na siyang tawag sa mga tagasunod ng Cristo, nguni't ito'y hindi tumutukoy sa mga Mashiyach (pinahiran) ng Torah, kundi sa Mashiyach lamang na si Jesus ng Bagong Tipan. Ang Cristianismo na ipinakilala ni Pablo sa aklat na iyan ay naging bias, o may malabis na pagkiling sa iisang Cristo lamang na si Jesus.
Alam nyo ba na noon pa mang unang panahon - libong taon pa bago isilang ang panginoong Jesucristo ay masigla ng umiiral ang kalipunan ng mga Cristiano sa kalakhang Israel at sa mga karatig na bansa nito?
Hindi nga lamang sa eksaktong katawagang gaya niyan, gayon ma’y nakalakip sa puso at isipan nila ang masiglang pagsasabuhay ng katuruang Cristo (messianic teaching). Ito’y dahil sa ang bibig ng sinomang naging Cristong Hari, at Propetang Cristo ay dinadaluyan ng mga salita ng Dios (evangelio ng kaharian). Ang sinomang sa katuwiran ng kanilang mga salita ay tumalima at magsabuhay – ang tao ngang iyon ay walang alinlangan na nabibilang sa banal na kalipunan ng mga tunay at lehitimong Masyano ng Dios (Cristiano ng Dios).
Sa balumbon ng mga banal na kasulatan ay Bagong Tipan ng Bibliya lamang ang paulit-ulit na bumanggit ng salitang Griego na “Cristo.” Ang kahulugan nito ay “pinahiran,” na kung lilinawin ay isang
tao na kinilalang lubos ng Dios sa
larangan ng tunay na kabanalan. Sa aklat ding iyan, sa kalakhang bahagi ng Lumang Tipan ay nauna ng tinawag na “pinahiran” ang marami na lumapat sa
ganyang kasagradong kalagayan. Gayon ngang hindi maikakaila, na sa kabuoan ng
aklat ay hindi kakaunti ang nagkaroon ng mabuting palad na mapahiran nitong langis ng kabanalan.
Sa lahat ng mga panahong pinagdaanan ng mga Hebreo sa sarili nilang kasaysayan ay
tinawag nilang Mashiyach (מָשִׁיחַ)
ang mga piling tao na hinirang ng Dios, na dumaan sa gayong kahalagang rituwal
pangkabanalan. Gaya ng ilan na
sinasabi,
1SA 10 :
1 Nang
magkagayo'y KINUHA NI SAMUEL ANG
SISIDLAN NG LANGIS, AT IBINUHOS SA ULO NIYA, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid
sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana?
1SA 16 :
13 Nang
magkagayo'y KINUHA NI SAMUEL ANG SUNGAY
NG LANGIS, at PINAHIRAN siya sa
gitna ng kaniyang mga kapatid: at ANG ESPIRITU NG PANGINOON AY MAKAPANGYARIHANG
SUMA KAY DAVID MULA SA ARAW NA YAON HANGGANG SA HAHARAPIN. Gayon bumangon si
Samuel at napasa Rama.
1KI 1 :
34 At PAHIRAN siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta
na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi,
Mabuhay ang haring si Salomon.
ROBOAM na anak ni Solomon ay naghari sa Juda
(Jerusalem). (propeta Ahias)
1KI 11 :
43 At
natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni
David na kaniyang ama: at si Roboam, na kaniyang anak ay NAGHARI na kahalili niya,
JEROBOAM na naghari sa sampung (10) lipi bilang
hari ng Israel. (propeta Ahias)
1KI 11 :
37 At kukunin
kita, at ikaw ay MAGHAHARI ayon sa
buong ninanasa ng iyong kaluluwa, at magiging hari ka sa Israel.
(Naghari si Roboam na anak ni Solomon sa lipi
lamang ng Juda, Samantalang si Jeroboam na lingkod ni Solomon ay naghari sa
sampung (10) lipi ng Israel. Ang dalawang hari ay magkasabay na naghari sa
iisang yugto ng panahon.)
Sila Abijah, Asa, Jehoshaphat, Jehoram, Ahaziah,
Athaliah, Joash, Amaziah, Azariah, Jotham, Ahaz, at Hezekiah ang sa kasaysayan ay mga nangagsisunod na mga hari ng
Israel.
Kahi man
ang mga sumunod na hari ng Juda at Israel ay hindi na binanggit pa, na bago
maging hari ay pinahiran ng langis.
Gayon ma’y binibigyang diin ng kasaysayan, na sa iba’t ibang panahon - ang Dios ay nagsalita at gumawa sa
pamamagitan ng mga hinirang niyang propeta.
Ang pagpapahid ng langis na rituwal
pangkabanalan ng Dios, kung gayo’y
walang alinlangang tinamo rin ng mga hari na nangagsisunod kay Saul, David, at Solomon.
Silang
lahat ay hinirang ng Dios bilang Mashiyach (מָשִׁיחַ), na ang kahulugan
ay Mesias, at kung lilinawin pa ay Cristo sa makabagong katawagan. Sa makatuwid - ang lahat ng mga
naging hari ng Juda at Israel ay kinilala ng labingdalawang (12) lipi nito sa gayong
kabanal na kalagayan.
ISA 45 :
1
Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang PINAHIRAN NG LANGIS, kay CIRO,
na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap
niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga
pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
Ito ngang si Ciro (Cyrus)
- ang hari na kahi man hindi kabilang sa labingdalawang
(12) lipi ng Israel ay naging tagapagligtas
ng mga Judio. Siya sa kapanahunang
iyon ang “pinahiran,” - Mesias, o Cristo ng Dios na kinasangkapan ng Ama
sa layunin ng pagliligtas at pagpapalaya sa buong sangbahayan ni Israel mula sa pagka-alipin ng Babilonia. Ito ngang si Ciro ay ang Cristo (Mesias) na nagligtas ng buong sangbahayan ni Israel sa kapanahunan niyang iyon.
Ang Mesias, Cristo ng Dios na hari, kung lalapatan
ng pinakatugmang katawagan ay hindi na nga lalayo pa sa “CRISTONG HARI.” Maliwanag nga kung gayon, na ang lahat
ng mga naging hari ng Juda at ng Israel, sa nakaraan lubhang malayong
kapanahunan ay tinatawag ng gayon.
Sa kabilang dako, ang mga lalake ng Dios (propeta ng Dios) ay pinatotohanan din ng
kasaysayan na “pinahiran.” Sila din
naman ay mga hinirang na kasangkapan ng Ama,
sa layunin nitong paratingin sa mga anak
ng pagsunod (tupa) ang Kaniyang
mga salita (evangelio ng kaharian) at
ang makapangyarihan Niyang mga gawa – sa hangaring sila’y ganap na
mangakaiwas at makatakas sa karumaldumal ng sanglibutan.
Ang ilan sa kanila ay gaya ng nasusulat, na sinasabi,
Si propeta Isaias ay pinahiran ng Dios,
Si propeta Isaias ay pinahiran ng Dios,
ISA 61 :
1 ANG ESPIRITU NG
PANGINOONG DIOS AY SUMASA AKIN; SAPAGKA'T PINAHIRAN AKO NG PANGINOON upang
ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang
magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at
magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
Kay Moses ay sinabi ng Panginoong
Dios,
EXO 4 :
12 Ngayon nga’y yumaon ka,
at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO
ANG IYONG SASALITAIN.
Kay propeta Jeremias, ay sinalita ng Panginoong
Dios,
JER 1 :
9 Nang magkagayo’y iniunat ng
Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng
Panginoon, Narito, INILALAGAY KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.
Gayon din kay propeta Ezekiel ay sinabi,
EZE 2 :
1 At sinabi niya sa
akin, ANAK NG TAO, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako’y
makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ANG ESPIRITU AY SUMA AKIN nang
siya’y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
Ang mga propeta
din naman ay natatayo sa kalagayan ng isang Mashiyach
(מָשִׁיחַ) - Mesias na ang ibig sabihin sa tuwiran ay Cristo. Sila nga ay mga Mesias
ng Dios, o Cristo ng Dios, na
sila ay hindi na rin lalayo pa sa katawagang “Cristong Propeta, Propetang
Cristo, o Propetang Masyak ”
Iyan ang napakaliwanag na katotohanang binibigyang diin
ng mga sina-unang balumbon (Masoretic
Texts) ng mga banal na kasulatan, na sa ngayo’y mababasa sa ilang
katiwatiwalang salin ng Pentateuch, o
Tanakh – mga kasulatan na sa ngayo’y
tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya. Ang isang tanyag at
katiwatiwalang salin nito ay ang Hebrew
concordance ng King Jame’s Version
(KJV).
Ang panginoon nating si Jesucristo ay nahahanay sa kalipunan ng mga propetang Cristo, at ang titulong iyan ay lubos na pinatototohanan
ng mga matatandang kasulatan (MasoreticTexts). Dahil dito, ang pagkakilala sa kaniya ng marami bilang isang Cristong Hari ay napakaliwanag na hindi
kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na inihahayag ng kasaysayang nasusulat.
Sapagka’t dito ay walang anomang binanggit na ang taong ito ay naghari sa alin
mang lipi ng Israel. Nguni’t sa pagiging isang propeta ay malugod nila siyang
kinilala, na sinasabi,
MATEO 13 :
54 At pagdating sa kaniyang
sariling lupain (Nazaret), ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang
sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang TAONG ITO ng ganitong karunungan, at ng
ganitong mga makapangyarihang gawa?
57 At
SIYA’Y KINATISURAN NILA. Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Jesus, Walang
PROPETA na di may kapurihan, liban,
sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.
Mateo 21 :
11 At
sinabi ng mga karamihan, Ito’y
ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng
Galilea.
Mateo 21 :
46
At nang sila’y nagsisihanap ng paraang siya’y mahuli, ay nangatakot sila
sa karamihan, sapagka’t ipinalalagay nito na siya’y
propeta.
Juan 6 :
14 Kaya nang makita ng mga tao
ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong ito nga ang propeta
na paririto sa sanglibutan.
Juan 7 :
40 Ang ilan nga sa karamihan,
nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito ang propeta.
Maliwanag ngang binibigyang diin ng kasulatan, na
itong si Jesus ay hindi lamang sa kalagayan ng isang Cristo (Mesias o Masyak)
nararapat kilalanin, kundi sa pagiging isang propeta din naman. Siya ay
tanyag sa matuwid na pangangaral ng mga salita (evangelio ng kaharian) ng
Dios. Kaya naman sa kaurian ng natatangi niyang layunin ay matuwid na
tawagin siyang “propetang Cristo.”
Na kung liliwanagin ng husto ay “propetang pinahiran,” o kaya nama’y
“pinahirang propeta, mesias na propeta”
Katotohanan din na matuwid mapag-unawa ng lahat na
ang tinatawag na “katuruang Cristo” (mesianic teaching) ay mga
siniping aral pangkabanalan na sinalita at isinatitik ng mga propeta ng lumang
tipan ng bibliya. Sa aklat na ito ay Masyanismo (Cristianismo) sa makatuwid ang
kaisaisang aral pangkabanalan na masusumpungan ng lahat.
Kaugnay nito ay nalalaman natin na ang mga propeta
ay “pinahiran” ng langis ng kabanalan at kasunod nito’y suma kanilang
kalooban at kabuoan ang Espiritu ng Dios. Nang magkagayo’y hindi na nga
sila ang nagsasalita at gumagawa, kundi ang nabanggit na Espiritu na nga
lamang. Sa makatuwid ay pawang mga salita ng Dios ang nangagsisilabas na
mga pangungusap sa kanilang bibig, at mga gawa din ng Dios ang
nasaksihan sa kanilang himala at makapangyarihang mga gawa.
Ganiyan din ang eksaktong nakita ng mga tao mula
kay Jesus, dahil sa siya rin naman ay gaya ng mga propeta na “pinahiran.” Silang lahat ay napakaliwanag na mga Cristo ng Dios (Masyak ng Dios) sa layunin ng
pagiging propeta.
Ang sinomang magsabuhay ng mga katuruang
pangkabanalan (messianic teaching) na isinatitik at isinatinig nila propeta Isaias, propeta
Jeremias, propeta Ezekiel, propeta Jesus at ang marami pang iba na kagaya
nila – siya nga’y isang tunay at lihitimong Cristiano (Masyano). Bakit? Sapagka’t
ang sinusunod niyang aral pangkabanalan ay turo mismo ng bibig ng Cristo.
Iyan ang sa katotohanan ay dalisay na Cristianismo (Masyanismo) sa orihinal nitong
anyo. Gayon man, sa paglipas ng mga panahon ay pinangahasan ng mga Romano
(Gentil) na ito’y iwangis sa mga kasuklamsuklam na kaugalian ng mga
karumaldumal na pagano. Nakakalungkot lang isipin, na sa ngayo’y lulong at may pagkahumaling ang lubhang malaking bilang ng mga tao sa huwad na Cristianismo (Masyanismo) ng mga paganong
Romano.
Ang mga naging Cristo (Masyak) ay totoong marami - kabilang sa
kanila itong si Jesus at iyan ang katotohanan na nararapat maunawaan at matuwid na tanggapin ng lahat. Ang dalisay na Cristianismo (Masyanismo) (evangelio ng kaharian)
ng mga tunay na propeta ng Dios ay hindi kailan man naka-anyo, ni naging
nakawangis man nitong sariling likhang Cristianismo ng taong si Pablo
(evangelio ng di pagtutuli). Iyan ay mga paganong aral na may lakip na
pamumusong sa Dios, at hayagang pagpapawalang kabuluhan at may deretsahang
paghihimagisik sa katuruang Cristo (messianic teaching). Kaya sa
tanggapin nyo man o hindi – ang sinomang tumatangkilik at nagsasabuhay ng katuruang pangrelihiyon na nilalaman ng Cristianismo
ni Pablo (Paulinian Christianity) ay katotohanan at walang alinlangan na
lumalapat sa karumaldumal na kalagayan ng mga huwad na Cristiano ng Dios.
Ang sinomang may masigla at may lugod sa puso na pagsasabuhay ng mga katuruang Cristo (katuruang Mesias [Masyak]) ay totoong lumalapat sa banal na kalagayan ng isang "Cristiano ng Dios (Masyano ng Dios)."
Kahi man hindi katuruang Cristo ang tinatangkilik ng maraming mangangaral sa ngayon ay nangagpapakilala pa rin sila na mga Cristiano. Ang mga taong iyan ay totoong magdaraya at sa katotohana'y sila ang mga huwad na Cristiano. Matatamis at mabubulaklak ang mga salita na nangagsisilabas mula sa kanilang bibig. Ang masusing pag-iingat sa pag-iwas sa kanila ay nasa inyo.
Hanggang sa muli, paalam.
Continue reading: CRISTIANO NG DIOS (Click hee)
Ang sinomang may masigla at may lugod sa puso na pagsasabuhay ng mga katuruang Cristo (katuruang Mesias [Masyak]) ay totoong lumalapat sa banal na kalagayan ng isang "Cristiano ng Dios (Masyano ng Dios)."
Kahi man hindi katuruang Cristo ang tinatangkilik ng maraming mangangaral sa ngayon ay nangagpapakilala pa rin sila na mga Cristiano. Ang mga taong iyan ay totoong magdaraya at sa katotohana'y sila ang mga huwad na Cristiano. Matatamis at mabubulaklak ang mga salita na nangagsisilabas mula sa kanilang bibig. Ang masusing pag-iingat sa pag-iwas sa kanila ay nasa inyo.
Hanggang sa muli, paalam.
Continue reading: CRISTIANO NG DIOS (Click hee)
Jhe,
TumugonBurahinPaumanhin kung hindi namin paunlakang ilathala ang iyong comment. Dahil sa ito'y hindi tumutugon sa mayor na paksa ng artikulo. Gayon ma'y iminumungkahi namin na basahin mo ang content ng mga sumusunod na link :
http://www.kamalayangyohvshva.blogspot.com/2012/07/jesucristo-dios-ba-o-tao-part-1-of-2.html
http://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2012/07/jesucristo-dios-ba-o-tao-part-2-of-2.html
Diyan ka mag-comment kung ito nga bang si Jesus ayon sa katunayang biblikal na hawak mo ay tao o Dios.
Lubos na gumagalang,
Yohvshva bar Yusuf
Patunugot
Rayos ng liwanag
Sa lahat ng mga nagpadala ng anonymous comment. Ang ipina-publish lamang po namin sa ngayon ay yung naglalahad ng kanilang NAME/URL, gayon ma'y pinadadaan pa rin po namin ang lahat ng comment sa moderation process. Paumanhin po.
TumugonBurahinYohvshva bar Yusuf
Patnugot
Rayos ng Liwanag