Ang salitang Hebreo na tumtukoy sa “מָשִׁיחַ
(mashiyach)” ay “anointed (pinahiran)” ang pinakamalapit at maituturing na
pinakahustong kahulugan sa wikang Ingles. Kung lilinawin ay isang rituwal pangkabanalan ng
Dios na kumikilala sa sinoman, o sa anomang bagay bilang isang tunay na banal. Sa
paglipas ng mga kapanahunan ay naisalin ang salitang iyan sa wikang Griego, na
kapag binasa ay, “Μεσσίας, (Messias)” at ang kahulugan naman ng titulong “Mashiyach
(pinahiran)” sa wika nila ay, “Χριστός (Khristós).”
(Paalala: Ang letrang “s” sa hulihan ng
Messia[s] at Kristo[s] ay pagsasalarawan sa maskulinidad (masculinity) ng
salita, titulo, o pangalan.)
Ang salitang “messiah” ay titulong
hinango ng mga Ingles sa wikang “Μεσσίας, (Messias)” ng mga Griego. Gayon din ang titulong “Christ” ay mula
naman sa “Χριστός (Khristós)”sa wika ding ito. Gayon man sa tagalog ay “pinahiran”
lamang ang nag-iisang kahulugan ng mga salitang salin na nabanggit sa itaas.
(Sa Septuagint ng mga Griego na bersiyon
nila ng Lumang Tipan (OT) ay tatlongpu’t siyam (39) na ulit binanggit ang
salitang “pinahiran” bilang Χριστός (Khristós). Sa Bagong Tipan (NT) sa saling
Griego ay dalawang (2) ulit na binanggit ang salitang Messias [Juan 1:41 at
Juan 4:25.])
Sa ating salita ay iniwasan ang
pagkaka-ugnay nito sa tradisyong Griego. Kaya ang salitang Mashiyach
(pinahiran) ayon sa talatinigang Hebreo ay “Masyak,” ang kinalabasang salin sa
Filipino. “Masyano” ang maaaring itawag sa sinoman na isinasabuhay ang banal na katuruan (Messianic Teaching) ng mga pinahiran ng Dios (Masyak).
Samantala, ang uri ng pamumuhay na may
pagkilala sa kaisaisang persona ng nag-iisang Dios, at masiglang pagtalima sa
banal na katuruan (Messianic Teaching) ng mga pinahiran ng Dios (Masyak) ay
tinatawag na “Masyanismo.”(Christianismo, [Christianity])
Sa paglilinaw ng usaping ito ay mababasa
sa ibaba ang iba’t ibang salita na tumutugma at ganap na umuugnay sa titulong Masyak.
1. Masyak, Mashiyach, Messias, Khristos, Christus,
Cristo, Christ.
2. Masyano, Messianic, Khristianos, Christianus,
Cristiano, Christian
3. Masyanismo, Christianity
4. Katuruang Masyak, Katuruang Cristo,
Messianic Teaching
5. Pinahiran, Pinahiran ng Langis, Masyak, Mashiyach,
Khristos, Christus, Cristo, Christ
Sa hustong paliwanag ay gaya nga ng mga
sumusunod:
“MASYANO”(Cristiano) ang karampatang tawag sa sinoman
na isinasabuhay ang katuruang Masyak (Messianic Teaching). Sinusunod niya ang mga salita na mismo ay ipinangaral at isinatitik ng mga pinahiran ng Dios. Nasa kaniyang mga gawa ang ganap na pagkakakilanlan sa isang tunay na Cristiano ng Dios.
“MASYANISMO” ang URI NG PAMUMUHAY na may pagkilala sa kaisaisang persona ng nag-iisang Dios, at masiglang pagtalima sa banal na katuruan (Messianic Teaching) ng mga "pinahiran ng Dios (Masyak)." Itinataguyod nito ang mga salita ng Dios (Katuruang Masyak [Messianic teaching]) na may kinalaman sa mga kautusan, upang gawing matibay na batayan sa kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala ninoman. Ang mga rayos nito ang liwanag na tumatanglaw sa madidilim at malalabong bahagi ng kaisipan ninoman. Ito ang dako na kung saa'y pinagkakatipunan ng mga tao na may kasiglahan at kasipagan sa larangan ng tunay na kabanalan.
“MASYANISMO” ang URI NG PAMUMUHAY na may pagkilala sa kaisaisang persona ng nag-iisang Dios, at masiglang pagtalima sa banal na katuruan (Messianic Teaching) ng mga "pinahiran ng Dios (Masyak)." Itinataguyod nito ang mga salita ng Dios (Katuruang Masyak [Messianic teaching]) na may kinalaman sa mga kautusan, upang gawing matibay na batayan sa kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala ninoman. Ang mga rayos nito ang liwanag na tumatanglaw sa madidilim at malalabong bahagi ng kaisipan ninoman. Ito ang dako na kung saa'y pinagkakatipunan ng mga tao na may kasiglahan at kasipagan sa larangan ng tunay na kabanalan.
Mga kahulugan:
1. Masyak
- ang sinomang pinahiran ng Dios.
2. Masyano – ang sinoman na isinasabuhay
ang banal na katuruan (Messianic Teaching) ng mga pinahiran ng Dios (Masyak).
3. Masyanismo - Ang pagkilala sa kaisaisang persona ng nag-iisang
Dios, at masiglang pagtalima sa banal na katuruan (Messianic Teaching) ng mga
pinahiran ng Dios.
Ang mga salita gaya ng Masyak, Masyano, at
Masyanismo na mababasa sa artikulong ito ay mga karagdagang bagong salita sa wikang
Filipino. Ang salitang ugat nito (מָשִׁיחַ mashiyach) ay totoong mula sa
talatinigan ng mga sinaunang Hebreo. Sa ating wika ay tinumbasan ng kaukulang salin at kahulugan. Kasunod nito ay masigla at malugod naming ipinakikilala sa mga mamamayan ng buong kapuluan ang mga salitang iyan.
Ito ang kauna-unahang paglalathala bilang pagpapakilala sa mga salitang MASYAK, MASYANO, at MASYANISMO. Ang mga salitang nabanggit sa kasalukuyan ay hindi pa nabibilang sa alin mang Talatinigan at Diksiyonaryong Filipino.
Ito ang kauna-unahang paglalathala bilang pagpapakilala sa mga salitang MASYAK, MASYANO, at MASYANISMO. Ang mga salitang nabanggit sa kasalukuyan ay hindi pa nabibilang sa alin mang Talatinigan at Diksiyonaryong Filipino.
Sa paglalathala ng artikulong ito sa http://www.kamalayangyohvshva.blogspot.com/ ay magkakaroon ng kamalayan ang marami sa mga bagong salitang nabanggit. Matapos na ito ay mabasa ng ilan ay saka pa lamang mag-uumpisa na pag-usapan, angkinin, tuligsain at siyasatin ang pag-iral ng mga salitang iyan sa wikang Filipino.
Sa kabuoan ng Masoretic Texts ay Katuruang Cristo (Messianic Teaching, [Masyanismo]) lamang ang nag-iisang banal na katuruan, na siyang kinikilala ng buong sangbahayan ng mga Hebreo. Ang mga aral ding iyon sa kasalukuyang panahon ang lubos na itinataguyod at isinasabuhay ng marami (Masyano) na lubos ang pagkaunawa sa nabanggit na katuruang pangkabanalan.
ANG CRISTIANISMO (MASYANISMO) NG DIOS AY HINDI SUMASANG-AYON SA CRISTIANISMO NI PABLO
May malaking kaibahan ang Masyanismo ng
Dios o Cristianismo ng Dios, kay sa Cristianismo ni Pablo (Paulinian Christianity). Ang una ay tumutukoy
sa mga Masyak (Cristo) ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan ng biblia. Samantalang ang kay Pablo ay
pilipit na pagkilala lamang sa Masyak (Cristo) ng Bagong Tipan na si Jesus. Wala
siyang sinomang kinilala na kalagayang Cristo (Mesias) sa mga naging
mahahalagang tauhan ng Lumang Tipan ng Bibliya.
Ang mga eksistidong aral ng likhang
Cristianismo ni Pablo ay malabis ang paghihimagsik sa katuruang Cristo (Messianic
teachings) na kinabibilangan ng mga salita (evangelio ng kaharian) na
nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo. Kaya nga, isang napakaliwanag na tanawin
ang dakong ito, upang matiyak na ang likhang katuruang pangkabanalan ng taong
iyan ay huwad na Cristianismo. Ang tunay na Cristiano (Masyano) sa makatuwid ay
siya, na masigla at may galak sa puso na tumatalima sa mga katuruang
pangkabanalan na iniluwal ng sariling bibig ng Cristo (Masyak). Ang titulong nabanggit (Cristo o Masyak) ayon sa balumbon ng mga banal na kasulatan ay napakaliwanag na salitang pangmarahihan at kailan ma’y hindi naging
katawagang pang-isahan (1) lamang.
Ang Messianic Teaching (Katuruang Masyano) kung ilalapat ang pinakahustong kahulugan ay, "Kalipunan ng mga dalisay na aral pangkabanalan na nangagsilabas mula sa bibig ng mga "Pinahiran, (Mashiyach, Masyak, Messias, Khristos, Christus, Cristo, Christ) "
Ang Messianic Teaching (Katuruang Masyano) kung ilalapat ang pinakahustong kahulugan ay, "Kalipunan ng mga dalisay na aral pangkabanalan na nangagsilabas mula sa bibig ng mga "Pinahiran, (Mashiyach, Masyak, Messias, Khristos, Christus, Cristo, Christ) "
Hanggang sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento