Huwebes, Agosto 16, 2012

Sabi ng "Panginoon" sa aking "panginoon"

King David

Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway (Awit 110:1).

A
ng Lumang Tipan ng Biblia ay hindi maikakaila na kinikilala sa apat (4) na direksiyon ng mundo bilang isang kongretong patibayang aral sa larangan ng totoong kabanalan. Isang balumbon ng mga sagradong kasulatan, na nagpapahayag ng mga katuruang sinalita nitong Espiritu ng Dios, sa pamamagitan ng mga nangabuhay na banal (propeta) sa iba’t ibang lubhang malayong kapanahunan. Gayon ma’y isang katotohanan din naman na nararapat tanggapin ng lahat, na iilan lamang sa dinamidami ng tao sa ating daigdig ang lubos na nakatatanaw sa tunay na anyo ng nabanggit na kasulatan.

Bunga nito’y laganap sa kalupaan ang kamangmangan at kawalang malay ng marami sa katuwiran ng Dios na binibigyang diin sa iba’t ibang aklat pangkabanalan na nilalaman nito. Ito’y isa sa pangunahing dahilan, kung bakit hindi kakaunti ang mga tao na lihis sa matuwid na landas ng buhay sa kalupaan.
Winikang matuwid na landas ng buhay, sapagka’t sa kasulatang ito’y maliwanag na nasasaad ang bahabahagdan at banayad na hakbangin - tungo sa ikaliligtas ng kaluluwa at ikapagpapatawad ng sala ninoman. Ang daang matuwid, kung liliwanagin ay anyo at wangis ng kasulatan na pagkakakilanlan sa mga gawa - na sinasangayunang lubos ng katotohanang ipinakikilala sa larangan ng tunay na kabanalan.

Bilang tugon sa mahigpit na pangangailangang ito ng kaluluwa ay gayon ngang unti-unti sa banayad na paglalahad ng mga kaukulang kaalaman pangkabanalan, ay magliliwanag ang hindi kakaunting dako na may ganap na kinalaman sa usaping ito. Isa rito ang Messias, o ang Cristo na naging masigla din namang bahagi, at sa totoo ay isa sa mga pangunahing tauhan nitong tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya.


MASHIYACH (Messiah, Christ)
Ang titulong מָשִׁיחַ (mashiyach) ay salitang Hebreo, na ang ibig sabihin ay “pinahiran (anointed).” Ito’y 39 na ulit binanggit sa 38 talata ng Masoretic Text (the authoritative Hebrew text of the Jewish Bible), alinsunod sa pagkakalathala ng Hebrew concordance. Higit sa lahat ay “mashiyach” ang pinakatama at eksaktong transliterasyon nito kay sa ginamit na taguri (Messias/Christ) ng King James Version (KJV) ng Bibliya sa panganay ni Maria.  Khristos (Griego), Christus (Latino), Christ, o kaya nama’y Messiah (Ingles) ang katawagan nito sa mga wikang nabanggit. H4899 ang katumbas na bilang nito (מָשִׁיחַ) sa Strong’s concordance.

מָשַׁח (mashach) ang salitang ugat ng מָשִׁיחַ (mashiyach) na magkatulad ang kahulugan (pinahiran). Ito nama’y 69 na ulit binanggit sa 66 na talata ng Masoretic Texts, na kung saan ay ibinatay ang Hebrew concordance. H4886 ang nakatalagang numero nito (מָשַׁח) sa Strong’s concordance.

Fragment of the Septuagint
Ang Septuagint ng mga Griego na bersiyon nila ng Lumang Tipan (OT) ay naglahad ng 39 na pagbanggit sa titulong Khristos (Χριστός) at ito’y tumutugma ng lubos sa salitang  Hebreo na מָשִׁיחַ (mashiyach), na ang ibig sabihin ay pinahiran” (anointed). Kaugnay nito, sa karamihan ng salitang “Khristos” na natatala sa Lumang Tipan ng bibliyang Griego (Septuagint) ay maituturing na isang katotohanan  ang kasabihang “Mayroong Maraming Cristo,” (There were many Christ).

Samantala, mababasa naman ng 6 na ulit ang salitang “Christus” sa Lumang Tipan (OT) ng Latin Vulgate,  at sa 109 na talata ng Bagong Tipan (NT) nito ay binigkas ang gayong bansag sa bilang na 111.  Sa bersiyon na ito (OT/NT Latin Vulgate) ng mga Latino nitong Septuagint ng mga Griego - kung gayo’y muli at muling mababasa ang bansag na iyon (Christus) sa bilang na 117.

Ang lahat ng mga talata nitong Masoretic Texts ng mga Hebreo, ang Septuagint (LXX) ng mga Griego, at ang Latin Vulgate (OT) ng Italia (Roman Empire) ay nagkaisang isalarawan ang anyo ng mga piling tao at mga bagay sa larangan ng tunay na kabanalan. Isa man sa mga naisulat na salita sa orihinal na teksto (Masoretic Texts) at sa dalawang saling nabanggit (Septuagint, Latin Vulgate) ay katotohanang hindi tumukoy - ni umugnay man kahit minsan sa likas na kalagayan ng Dios. 

Bagkus sa  nauna at dalawang sumunod na kasulatan ay masigla at madiing tinukoy, na ang salitang מָשִׁיחַ (mashiyach) at מָשַׁח (mashach) ay titulo ng isang TAO - na kinilalang lubos ng Dios sa larangan ng tunay na kabanalan. Saan man at kalian man, ang salitang iyon ay hindi naging kalagayan na tumutukoy sa Dios. Ito rin ay maliwanag na taguri sa anomang bagay na lumalapat sa banal na kalagayan.

Masoretic Texts 
(the authoritative Hebrew text
of the Jewish Bible)
Ang orihinal na salita mula sa Masoretic Text ay מָשִׁיחַ (mashiyach), na ang salitang ugat ay מָשַׁח (mashach). Ang nagtutumibay na kahulugan nito ay “pinahiran (anointed),” na nang lumaon ay nagpasalinsalin sa iba’t ibang katawagan (Christus, Khristos, Cristo, Messiah, Christ etc).
Sa kabila ng hindi kakaunting salin ay kailangang manatili sa orihinal na anyo ang salitang nabanggit - gaya ng hustong kahulugan na binibigyang diin sa istansang ito. Ano pa’t kung ang tunay na ibig sabihin nito ay papalitan ng ibang kahulugan ay hindi na nga magiging makatotohanan pa ang paglalahad ng salita. Dahil dito ay lalabas na ngang totoong magdaraya ang sinomang gagawa ng gayong kabigat na kasinungalingan.





PANGINOON (Lord)
Ang salitang Hebreo na  יְהֹוָה (YHVH) ay tumutukoy sa walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios na natatala sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng bansang Israel. Tetragramaton ang tanyag na bansag nito at kilala sa transliterasyong Yehovah, Y’hovah, o,  Yohvah.
  
Ang יְהֹוָה (YHVH) ay 6519 na ulit binanggit sa 5521 talata nitong Hebrew concordance ng King James Version (KJV) ng bibliya. IEUS ang transliterasyon niyan sa wikang Griego. YHVH ang baybay sa alpabeto ng Inglatiera at America. H3068 ang nakatalagang numero nito (יְהֹוָה) sa Strong’s concordance.

Bilang tugon ng mga iskolar ng bibliya sa pangatlong (3) utos, na sinasabi,

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exd 20:7)”
(“Thou shalt not take the name of the LORD thy God in vain; for the LORD will not hold him guiltless that taketh his name in vain (Exd 20:7).”

Ang pangalang nabanggit ay minabuti nilang palitan ng salitang “LORD,” na may malalaking letra. “KURIOS” ang itinapat na salita ng mga Griego sa salitang iyan. “Panginoon” na may malaking letrang “P” sa unahan ang naging katumbas na salita sa ating wika. Ang kinalabasan na anyo sa makatuwid nitong יְהֹוָה (YHVH) sa saling ingles ng Masoretic Texts sa KJV ay walang iba, kundi ang salitang, “LORD.” Ito nama”y mababasa sa Hebrew concordance sa hindi kakaunting bilang na nalalahad sa itaas.

Ano pa’t kung isusulat sa may kahustuhang anyo ang pangalan ng kaisaisang Dios sa nabanggit na saling talata ay gaya nga ng mababasa sa ibaba.

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Dios mong si YEHOVAH sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ni YEHOVAH na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exd 20:7)”
(“Thou shalt not take the name of YEHOVAH thy God in vain; for YEHOVAH will not hold him guiltless that taketh his name in vain (Exd 20:7).”

Narito, at sa kabutihang palad ay nagkaroon kami ng mabuting pagkakataon, na mailakip na muli ang pangalan ng kaisaisang Dios sa mga saling ito ng biblia. Sapat upang ang sinoma’y lubos na maliwanagan at mapag-unawa ang katotohanan na binibigyang diin ng kahayagang ito.


panginoon (lord, master)
The one who speaks for God
Sa wikang Hebreo pa rin, ang salitang אָדוֹן (adon) sa saling ingles ay tumutukoy sa titulong lord (lowercase), o kaya naman ay sa katagang “master” (lowercase). H113 ang numero nito sa Strong's concordance.  Gayon ma’y lubhang marami ang nalalabuan at hindi nakaka-unawa sa gamit at kahalagahan ng salitang ito. Ano pa’t sa kawalang malay ng mga tao sa bagay na iyan ay may ilang doktrinang pangrelihiyon na hindi naiwasang humidwa sa katotohanan. Dahil dito ay maipasisiyang sa dami nila'y nagsisiksikan sa ating daigdig ang nangalihis sa matuwid na landas ng buhay pangkabanalan sa kalupaan.

Kaya sa mabuting pagkakataong ito ay mangyaring tunghayan sa ibaba, kung paano ang kasiglahan ng salitang אָדוֹן (adon) ay naging isa sa napakahalagang sangkap ng mga matatandang banal na kasulatan (Masoretic Texts). Gaya ng sinasabi,

Ang mga anghel ay tinatawag na panginoon (lord)
GEN 19 :
1  At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa;
2  At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.
(And he said, Behold now, my lords, turn in, I pray you, into your servant's house, and tarry all night, and wash your feet, and ye shall rise up early, and go on your ways. And they said, Nay; but we will abide in the street all night.)


Si Abraham ay tinawag na panginoon (lord, master)
GEN 18 :
12  At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng panginoon ko?
(Therefore Sarah laughed within herself, saying, After I am waxed old shall I have pleasure, my lord being old also?)

GEN 23 :
6  Dinggin mo kami, panginoon ko: ikaw ay prinsipe ng Dios sa gitna namin: sa pinakahirang sa aming mga libingan ay ilibing mo ang iyong patay; wala sa amin na magkakait sa iyo ng kaniyang libingan, upang paglibingan ng iyong patay.
(Hear us, my lord: thou [art] a mighty prince among us: in the choice of our sepulchres bury thy dead; none of us shall withhold from thee his sepulchre, but that thou mayest bury thy dead.)

GEN 23 :
11  Hindi, panginoon ko, dinggin mo ako: ang parang ay ibinibigay ko sa iyo, at ang yungib na naroroon ay ibinibigay ko sa iyo; sa harap ng mga anak ng aking bayan, ay ibinigay ko sa iyo: ilibing mo ang iyong patay.
(Nay, my lord, hear me: the field give I thee, and the cave that [is] therein, I give it thee; in the presence of the sons of my people give I it thee: bury thy dead.)

GEN 23 :
15  panginoon ko, dinggin mo ako: isang putol ng lupa na ang halaga'y apat na raang siklong pilak: gaano sa akin at sa iyo? ilibing mo nga ang iyong patay.
(My lord, hearken unto me: the land [is worth] four hundred shekels of silver; what [is] that betwixt me and thee? bury therefore thy dead.)

GEN 24 :
9  At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito.
(And the servant put his hand under the thigh of Abraham his master, and sware to him concerning that matter.)

Ang mga hari ay tinawag na panginoon (lord, master)

King Solomon
GEN 40 :
1  At nangyari, na pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto.
(And it came to pass after these things, [that] the butler of the king of Egypt and [his] baker had offended their lord the king of Egypt.)

GEN 45 :
8  Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.
(So now [it was] not you [that] sent me hither, but God: and he hath made me a father to Pharaoh, and lord of all his house, and a ruler throughout all the land of Egypt.)

1SA 24 :
8  Si David naman ay tumindig pagkatapos, at lumabas sa yungib, at hiniyawan si Saul, na sinasabi, panginoon ko na hari. At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang.
(David also arose afterward, and went out of the cave, and cried after Saul, saying, My lord the king. And when Saul looked behind him, David stooped with his face to the earth, and bowed himself.)

1SA 26 :
17  At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? At sinabi ni David, Aking tinig nga, panginoon ko, Oh hari.
(And Saul knew David's voice, and said, [Is] this thy voice, my son David? And David said, [It is] my voice, my lord, O king.)

1SA 29 :
8  At sinabi ni David kay Achis, Nguni't anong aking ginawa? at anong iyong nasumpungan sa iyong lingkod habang ako'y nasa sa harap mo hanggang sa araw na ito, upang ako'y huwag yumaon at lumaban sa mga kaaway ng aking panginoon na hari?
(And David said unto Achish, But what have I done? and what hast thou found in thy servant so long as I have been with thee unto this day, that I may not go fight against the enemies of my lord the king?)

2SA 2 :
7  Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila.
(Therefore now let your hands be strengthened, and be ye valiant: for your master Saul is dead, and also the house of Judah have anointed me king over them.)

2SA 3 :
21  At sinabi ni Abner kay David, Ako'y babangon at yayaon, at aking pipisanin ang buong Israel sa aking panginoon na hari, upang sila'y makipagtipan sa iyo, at upang iyong pagharian ng buong ninanasa ng iyong kaluluwa. At pinayaon ni David si Abner; at siya'y yumaong payapa.
(And Abner said unto David, I will arise and go, and will gather all Israel unto my lord the king, that they may make a league with thee, and that thou mayest reign over all that thine heart desireth. And David sent Abner away; and he went in peace.)

1KI 1 :
11  Nang magkagayo'y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon, na nagsasabi, Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith, at hindi nalalaman ni David na ating panginoon?
(Wherefore Nathan spake unto Bathsheba the mother of Solomon, saying, Hast thou not heard that Adonijah the son of Haggith doth reign, and David our lord knoweth [it] not?)

Ang propetang si Moses ay tinawag na panginoon (lord)

NUM 11 :
28  At si Josue na anak ni Nun, na tagapangasiwa ni Moises, na isa sa kaniyang mga piling lalake, ay sumagot at nagsabi, panginoon kong Moises, pagbawalan mo sila.
(And Joshua the son of Nun, the servant of Moses, [one] of his young men, answered and said, My lord Moses, forbid them.)

NUM 12 :
11  At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala.
(And Aaron said unto Moses, Alas, my lord, I beseech thee, lay not the sin upon us, wherein we have done foolishly, and wherein we have sinned.)

Narito, at napakaliwanag ang pagkakalahad sa anyo ng panginoon (lord), na kung mauunawaang mabuti ay malaki ang magiging tulong sa sinoman, upang maituwid ang ilang katuruang pangkabanalan na lumihis sa katotohanan. Alinsunod sa orihinal na mga salita ng nagtutumibay na Masoretic Texts ay gayon ngang sa akdang ito ay natanglawan ng kaukulang liwanag ang komprehensibong usapin na may kinalaman sa Messiah (Cristo), Panginoon (LORD), at panginoon (lord).

Sa pagpapatuloy ay nalalaman natin na itong si David ay nabuhay sa lubhang napakalayong nakaraang kapanahunan, na kung lilinawin ay libong taon bago pa isilang sa maliwanag itong si Jesus. Kaugnay nito ay siyasatin nga nating mabuti ang isang munting bahagi sa aklat ng mga Awit, na ayon sa doktrinang pangrelihiyon ng ilang kilusang pangkabanalan ay napatunayan di umano na yao’y propesiya patungkol sa likas na kalagayan ni Jesus ng Nazaret bilang Dios.

Gaya ng nasusulat ay sinabi,

PSA 110 :
1  Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
(A Psalm of David.1732 The LORD3068 said unto my lord,113 Sit thou at my right hand, until I make thine enemies thy footstool.)

Narito, at ang pangalang Hebreo na יְהֹוָה (YHVH) ay nilapatan sa saling ingles ng salitang “LORD” sa malalaking letra. Na ang ibig sabihin sa hustong anyo ay “YEHOVAH,” na siyang pangalang walang hanggan ng kaisaisang Dios na nasa langit. Malinaw na makikita sa tabi nito ang H3068, na siya namang kaukulang numero niyan (יְהֹוָה)  sa Strong’s concordance.

Gayon din naman ang titulong Hebreo na אָדוֹן (adon) ay nai-translate sa ingles na “lord”, o “master” sa maliliit na letra, at H113 ang Strong's concordance nito. Sa ating wika ay “panginoon” ang lumalapat na kahulugan niyan. Ang tinutukoy nito ayon sa mga balumbon ng mga banal na kasulatan ay TAO, at kailan ma’y hindi naging titulo o katawagan patungkol sa Dios. Maaaring Hari, messias (pinahiran). principe, propeta, asawang lalake, anghel, Hudiong pari, biological father, o kaya nama’y kapitan ng hukbo ang mga kalagayan na nilalapatan nito (יְהֹוָה).

Sa Awit (Psalm) 110:1 ay maliwanag na makikitang si David ang nagsalita ng mga katagang, 

Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon.” 

Tumatayo siya dito na 1st person, ang "Panginoon" ay 2nd person, at ang "panginoon" ay 3rd person. Ang sinabi nga ng "Panginoon" na siyang 2nd person ay, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.”

Kung gayon ay sino ang tinutukoy na "panginoon" - na siyang 3rd person sa bahaging iyan ng awit ni David? Sino ang pinauupo ng Dios sa kaniyang kanan, upang gawing tungtungan niya ang kaniyang mga kaaway?

Sa kapanahunan ngang iyon nitong si David ay ipinababatid ng kasulatan, na si Haring Saul ang kasalukuyang Hari ng Israel. Bagay na hindi maikakaila ng sinoman gaya ng nasusulat, na sinasabi,

1SA 24 :
8  Si David naman ay tumindig pagkatapos, at lumabas sa yungib, at hiniyawan si Saul, na sinasabi, panginoon ko na hari. At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang.
(David also arose afterward, and went out of the cave, and cried after Saul, saying, My lord the king. And when Saul looked behind him, David stooped with his face to the earth, and bowed himself.)

1SA 26 :
17  At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? At sinabi ni David, Aking tinig nga, panginoon ko, Oh hari.
(And Saul knew David's voice, and said, [Is] this thy voice, my son David? And David said, [It is] my voice, my lord, O king.)

Sa kasagsagan nga ng kapanahunang iyon ni David ay natala sa kasulatan, na walang sinoman siyang tinawag na panginoon, maliban sa panginoon lamang niyang hari na si Saul. Ano pa’t sa maliwanag na paglalahad ay hindi maitatanggi ninoman, na ang 3rd person sa Awit 110:1 ay walang iba kundi si Haring Saul

Kaya kung ilalagay sa hustong anyo ang nabanggit na talata ay gaya lamang ng mababasa sa ibaba.

PSA 110 :
1  Sinabi ni Yehovah sa aking haring si Saul, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
(A Psalm of David.1732 Yehovah3068 said unto my king Saul,113 Sit thou at my right hand, until I make thine enemies thy footstool.)

Wala din namang ipinagkaiba sa pahayag nitong si Rechab at si Baana, na mga anak ni Rimmon na Beerothita, na sinasabi,

2SAM 4 :
8  At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway na umuusig ng iyong buhay; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay saul, at sa kaniyang binhi.
(2Sa 4:8  And they brought935 (853) the head7218 of Ish-bosheth378 unto413 David1732 to Hebron,2275 and said559 to413 the king,4428 Behold2009 the head7218 of Ish-bosheth378 the son1121 of Saul7586 thine enemy,341 which834 sought1245 (853) thy life;5315 and the LORD3068 hath avenged5414, 5360 my lord113 the king4428 this2088 day3117 of Saul,4480, 7586 and of his seed.4480, 2233 .) 

Gayon din naman sa sumusunod na madiing pahayag,

Bilang 36 :
2  At sinabi nila, Ang Panginoon ay nagutos sa aking panginoon na ibigay sa sapalaran ang lupain na pinakamana sa mga anak ni Israel: at inutusan din naman ng Panginoon ang aking panginoon na ibigay ang mana ni Salphaad na aming kapatid sa kaniyang mga anak na babae. 
(And they said,559 The LORD3068 commanded6680 (853) my lord113 to give5414 (853) the land776 for an inheritance5159 by lot1486 to the children1121 of Israel:3478 and my lord113 was commanded6680 by the LORD3068 to give5414 (853) the inheritance5159 of Zelophehad6765 our brother251 unto his daughters.1323) 

Ang katotohanan na hindi maaaring pasinungalingan sa Awit 110:1, 2Sam 4:8 at sa Bilang 36:2 ay ang magkatulad na Strong's Concordance number ng Panginoon, o LORD ay 3068. Ibig sabihin niyan ay si YEHOVAH (YHVH) ang ganap na tinutukoy sa nabanggit na tatlong (3) talata.

Isinasaad naman ng unang dalawang (2) na talata sa Strong's Concordance number ng  panginoon, lord ay 113. Diyan ay napakaliwanag na ang tinutukoy ay ang dalawang magkasunod na hari ng Israel. Ang una sa Awit 110:1 ay si Haring Saul ang ganap na tinutukoy ng 1st person na si David. Ang pangalawa sa 2Sam 4:8 ay si Haring David ang ganap na tinutukoy ng 1st person na sila Rechab at si Baana.  Ang pangatlong (3rd) talata naman ay tumutukoy sa  mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Galaad,

Si Rechab at si Baana, na mga anak ni Rimmon na Beerothita ay magkatulong na pinaslang ang anak ni Saul na si Is-boseth. Sa panahong iyon ay si David na ang naka-upong hari ng Israel. Ang magkapatid ay nangusap sa kaniya, na sinasabi,

 “ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay saul, at sa kaniyang binhi.”

Kung ilalagay sa wasto at hustong hanay ang mga orihinal na salita ng teksto ay gaya nga ng mababasa sa ibaba, na sinasabi, 

 ipinanghiganti ni YEHOVAH si David na aking hari sa araw na ito kay saul, at sa kaniyang binhi.”


Diyan ay sinasabi ng magkapatid (Rechab at si Baana), na ipinaghiganti ni YEHOVAH ang panginoon nilang si David na kasalukuyang hari kay Saul na dating hari ng Israel, at sa kaniyang mga anak. Ang first(1st) person sa talata ay ang magkapatid na Rechab at Baana, at ang second(2nd) person ay si YEHOVAH, at ang third(3rd) person ay si David na hari ng Israel

Ang Masoretic Texts (the authoritative Hebrew text of the Jewish Bible) na kinabibilangan nitong aklat ng mga Awit at ang dalawang (2) aklat ni Samuel ay hindi maaaring magkamali pagdating sa usaping ito ng mga pangalan at titulo na siyang naging napakahalagang bahagi nito. Kaya ang akdang ito ay maaaring maging isang matatag na patibayang aral, pagdating sa ilang usapin na may kinalaman sa mga paksa na nilalaman nito.

Noong una, ang marami ay hindi nagkaroon ng hustong kamalayan sa dakong ito ng larangang pangkabanalan. Kaya ang ilan mula sa lubhang malayong kapanahunan, sa kakulangan nila ng mga katiwatiwalang referensiyang pang biblikal ay nakalikha ng hindi kakaunting doktrinang pangrelihiyon na totoong hidwa sa katotohanan na binibigyang diin ng Masoretic Texts. Gaya ng huli nating paksa ay inakala ng marami na ang nilalaman nitong Awit 110:1 ay isang propesiya ni David patungkol sa likas na kalagayan ni Jesus bilang Dios. Sapagka’t ipinalagay nilang ang tinutukoy na 3rd person sa tekstong iyon ni David ay si Jesucristo.

Kaya upang maging kapanipaniwala ang hakahaka nilang iyon, nang ang mga tagapagsalin noong una ay i-quote ang talatang nabanggit sa Mat 22:44 - binago ang titulo na kumakatawan sa 3rd person na nagtataglay ng maliit na letra “l,” sa gawing unahan ay pinalitan ng malaking letrang “L”. Bakit? Sa dahilang pinalalabas na ang 3rd person sa talata (Awit 110:1) ay Dios din na gaya ng 2nd person. Ito’y napakaliwanag na isang daya ng kasinungalingan ng ilan na nagsipagsalin nitong sulat ni Mateo sa mga wika.

Gaya ng nasusulat,

MAT 22 :
44  Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
(The LORD 2962 said unto my Lord, 2962 Sit thou on my right hand, till I make  thine enemies thy footstool?)

Kung inyong napansin, sa Greek concordance ay iisa ang grupo na kumakatawang numero (2962) sa pangalang “LORD” at sa titulong Lord.” Na ang kahulugan sa wikang Griego ay KURIOS - na salitang and kahulugan ay Dios. Kung gayo’y maliwanag na pinalalabas sa quotation na ito, na ang 2nd at 3rd person ay magkatulad na Dios at iisa lamang sa likas nilang kalagayan.
Ano pa’t kung pagsusunurin ang teksto ni David (Awit 110:1) at ang nilalaman ng Mat 22:44 ay hindi mahirap makita ang sinadyang daya ng kasinungalingan, nang ang titulo ng 3rd person bilang panginoon” ay pinalitan ng Panginoon.” Gaya ng nasusulat ay suriing maigi ang dalawang (2) magkasunod na talata sa ibaba.

PSA 110 :
1  Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

MAT 22 :
44  Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?

Marahil nama’y sapat na ang liwanag na itinanglaw namin sa malamlam na dakong iyan ng kamalayan. Upang mapag-unawa ang ilang bagay na naging dahilan, kung bakit ang marami sa ngayon ay patuloy na nagsasabuhay ng mga hidwang doktrinang pangrelihiyon. Yaon ngang mga aral na kailan ma'y hindi sinang-ayunan ng mga salita ng Dios na isinatinig ng mga tunay na banal.

Hinggil sa partikular na usaping ito, ang kongklusyon bilang isang katotohanan na nararapat tindigang matibay ng lahat ay ayon sa mga sumusunod;


1.      Ang titulong מָשִׁיחַ (mashiyach) ay hindi kailan man tumukoy sa Dios, Bagkus ay sa tao, o sa mga bagay na kinilala ng Dios sa larangan ng tunay na kabanalan. Messiah, Christ, Christus, Khristo, Cristo, Masyak at iba pa na mga salin nito sa iba’t ibang wika. Katotohanan na marami ang Cristo na ipinakilala ng Masoretic Texts.

2.   Ang pangalang יְהֹוָה (YEHOVAH) ay tumutukoy lamang sa walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios na nasa langit. Mula sa saling Griego na KURIOS, Ito ay hinalinhan lamang ng salitang “LORD” ng mga nagsipagsalin nito sa wikang ingles.

3.    Ang titulong אָדוֹן (adon) sa saling ingles ay tumutukoy sa “lord”, o kaya naman ay sa “master.” Sa ating wika ay “panginoon” na nasa maliliit na letra lamang. Hinding hindi kailan man ito naging katawagan na tumukoy sa Dios.

4.    Ang Awit 110:1 ay hindi kailan man naging isang propesiya patungkol kay Jesucristo. Bagkus ay paghahayag lamang ni David nitong sinalita ng Dios na nauukol sa Hari ng Israel na si Saul. 

5.  Ang nilalaman ng Mat 22:44 ay isang biblical quotation, na kinakitaan ng daya ng kasinungalingan, nang ito’y ihambing sa orihinal na teksto ni David (Awit 110:1).

6. Sa Awit 110:1 ay napakaliwanag na si יְהֹוָה (YEHOVAH) ang tinutukoy na "Panginoon" (LORD), at walang iba, kundi si haring Saul ang pinapatungkulan ng titulong "panginoon" (lord).


7.   Ang nilalaman ng Awit 110:1 ay inawit ni David, bilang pag-aala-ala sa mga pangyayari nang siya ay hindi pa itinatalaga ng kaisaisang Dios (YEHOVAH) bilang hari. Sa panahon ngang iyon ay si Saul pa ang Hari ng Israel, at ang pagpapahid ng langis (anointing of oil) kay David ay hindi pa nagaganap. Ibig sabihin niyan ay hindi pa lumulukob sa kaniya ang Espiritu ng Dios. Sa gayo'y isang kasinungalingang sabihin, na sa karaniwan niyang kalagayan iyon ay may kakayanan siyang maglahad ng anomang propesiya, lalo na't iyon ay patungkol sa isang tao (Jesus) na ipanganganak libong taon pa sa hinaharap. 


   Gaya nga ng pangungusap na mababasa sa ibaba ang kalalabasan, kung ang Awit 110:1 ay lalapatan ng hustong unawa at katuwiran ng Tanakh ay gaya nga ng napakaliwanag na mababasa sa ibaba.

Sinabi ni YEHOVAH sa aking haring si Saul, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

Patuloy nawang tamuhin ng bawa't isa ang masaganang daloy ng kamalayang ganap na tumutukoy sa tunay na kabanalan (evangelio ng kaharian).

Hanggang sa muli, paalam.
  

3 komento:

  1. Sa lahat ng mga nagpadala ng anonymous comment. Ang ipina-publish lamang po namin sa ngayon ay yung naglalahad ng kanilang NAME/URL, gayon ma'y pinadadaan pa rin po namin ang lahat ng comment sa moderation process. Paumanhin po.

    Yohvshva bar Yusuf
    Patnugot
    Rayos ng Liwanag

    TumugonBurahin
  2. Magaling ang knowledge sharing, nanakabilib ang support na galing sa bible. Direct at exact ang basis.

    TumugonBurahin
  3. well said!!!!precious info!...

    TumugonBurahin