Ang evangelio na may kinalaman sa pananampataya kay Jesus
JUAN 14 :
10 HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
11 MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYANG ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.
Maliwanag ngang sinasabi ng talata (Juan14:10), na si Jesus ay nasa Ama at ang Espiritu ng Ama ay nasa kaniya. Niliwanag din naman niya, na ang mga salita na kaniyang binibigkas sa mga alagad ay hindi niya sinasalita sa kaniyang sarili. Kundi ang Espiritu ng Dios na nananahan at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang siyang gumagawa ng kaniyang mga gawa at nagsasalita ng kaniyang mga salita.
Sa kasunod na talata (Juan 14:11) ay ipinamamanhikan nitong si Jesus sa lahat, na siya ay sampalatayanan bilang isang sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo ng Dios). Palibhasa’y napakaliwanag na siya sa kapanahunang iyon ay pinamamahayan at pinaghaharian ng nabanggit na Espiritu. Ano pa’t kaniyang sinabi sa Juan 14:12, na ang sinomang sa kaniya ay sumasampalataya sa gayong kabanal na kalagayan ay gagawin din naman niya ang mga gawa ni Jesus, at lalong mga dakilang mga gawa kay sa doon ang gagawin niya. Dagdag pa niya’y paroroon siya sa Ama (Juan 20:17).
Kaugnay ng mga pahayag na nangagsilabas mula sa sarili niyang bibig ay siyasating natin, kung anu-ano ang kaniyang mga gawa. Gaya ng nasusulat,
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
JUAN 14 :
31 Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA. Magsitindig kayo, magsialis tayo rito.
JUAN 18 :
37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upang BIGYANG PATOTO ANG KATOTOHANAN. Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.
Maliwanag kung gayon, na ang pangunahing gawa nitong si Jesus ay tumalima sa mga kautusan, at ayon sa mga kautusan ng Ama batay sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal ay gayon nga ang maliwanag niyang ginagawa. Layunin niya’y ganapin ang kautusan, at bigyang patotoo ang katotohanan. Sa gayo’y ano baga ang katotohanan?
1 JUAN 2 :
4 Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING, at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.
2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.
Maliwanag ngang sinasabi ng kasulatan na ang katotohanan ay ganap na tumutukoy sa kautusan. Ang sinomang dito ay hindi tumutupad ay maituturing na isang sinungaling, at pakatandaan natin na ang katotohanan ay wala sa kaniya. Nguni’t tunay namang lumalakad sa katotohanan ang isa na isinasabuhay ang tinanggap niyang utos mula sa Ama nating nasa langit. Buhay na walang hanggan sa makatuwid ang tanging ibinubunga ng masigla at may galak sa pusong pagtalima sa mga kautusan. Na sinasabi,
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Walang alinlangan na sa pagtalima sa kautusan ay kakamtin ninoman ang buhay na walang hanggan, palibhasa’y ginagarantihayan nitong mga salita na mismo ay iniluwal ng sariling bibig ni Jesus. Dahil dito ay maipasisiya at maaaring bigyan ng diin, na ang pananampalataya sa Dios lakip ang mga gawa ng kautusan ay kaisaisang paraan sa ikaliligtas ng kaluluwa at ikatutubos ng sala sa kalupaan. Ang pananampalataya sa Dios sa makatuwid ay itutuon lamang sa Ama nating nasa langit, at tungkol sa usaping ito ay mariing winika ng bibig ni Jesus ang mga sumusunod,
JUAN 12 :
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi ANG SUMASAMPALATAYA SA AKIN, AY HINDI SA AKIN SUMASAMPALATAYA, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN.
JUAN 5 :
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at SUMASAMPALATAYA SA KANIYA NA NAGSUGO SA AKIN, ay may buhay na walang hanggan, at HINDI PAPASOK SA PAGHATOL, KUNDI LUMIPAT NA SA KABUHAYAN MULA SA KAMATAYAN.
Narito, at napakaliwanag ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal, na sinasabing ang sumasampalataya kay Jesus bilang sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo ng Dios) ay hindi sa kaniya sumampalataya, kundi sa Espiritu ng Dios na nagsugo sa kaniya sa mga ligaw na tupa sa buong sangbahayan ni Israel. Totoo din naman na ang dumidinig ng mga salita (evangelio ng kaharian) na nangagsilabas mula sa sarili niyang bibig at sumasampalataya sa Espiritu ng Dios na nagsugo sa kaniya ay walang pagsalang kakamtin ang buhay na walang hanggan. Mula sa gayong kabanal na kalagayan ng sinoma’y tiniyak ng salita na hindi siya hahatulan ng Dios ng kasamaan, at bunga nito’y inilipat ang kaniyang estado mula kamatayan tungo sa dako ng buhay na walang hanggan.
Ilan lamang ang tungkol sa kautusan at pananampalataya sa hindi kakunting nilalaman nitong evangelio ng kaharian na noong panahon ni Jesus ay siya niyang ipinangaral sa buong sangbahayan ni Israel, at ang evangelio ng kaharian din naman na nabanggit ang ipinangangaral namin sa ating kapanahunan. Gayon man ay may umiiral na ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli) na walang awang kumakaladkad ng mga kaawaawang kaluluwa sa tiyak na kapahamakan. Ano pa’t maipasisiyang ibang evangelio ang anomang katuruan na lilihis at maghihimagsik sa mga salita nitong Espiritu ng Dios na ginawang patibayang aral sa artikulong ito.
Lalo at higit sa lahat, pagdating sa larangan ng tunay na aral ng kabanalan, ay mga salita (evangelio ng kaharian) nga lamang na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus at ng mga nanga-unang propeta sa kaniya ang nararapat paglagakan ng ating tiwala. Pag-ingatan nyo ngang kayo’y huwag mahikayat ng mga matatamis at mabubulaklak na dila ng mga mangangaral, na gaya ng isang malaking hukbo ay sandatahan ng mga nilubidlubid na kasinungalingan, at matatalas na kabulaanan.
Sa ibang dako, ang pananampalataya ay matuwid na samahan nitong mga gawa ng kautusan. Ang ibig sabihin baga’y kalugodlugod sa paningin ng Ama nating nasa langit, na ang sinoma’y sampalatayanan Siya bilang kaisaisang Dios na nasa langit. Kasabay nito’y ang masigla at may galak sa puso na pagtalima sa mga kautusan. Gaya ng nasusulat,
Ang evangelio na may kinalaman sa pananampataya alinsunod sa mga kautusan ng Dios
MATEO 23 :
23 At inyong pinababayaang di ginagawa ang LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t ang Katarungan, at ang Pagkahabag, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong iba.
APO 14 :
12 Narito ang pagtitiyaga ng mga BANAL, ng mga NAGSISITUPAD NG MGA UTOS NG DIOS, at ng PANANAMPALATAYA kay JESUS. (Juan 14:10-11)
Sa talatang nasa itaas ay maliwanag na sinasabing ang kautusan ay may tatlong (3) mahahalagang bagay, at ang mga yaon ay ang katarungan, pagkahabag, at ang pananampalataya. Sa makatuwid ay katotohanang nagtutumibay, na ang pananampalataya ay bahagi lamang ng kautusan, at ito’y bahagi na kailan ma’y hindi maaaring iwalay, o alisin man sa kabuoan (kautusan) niyang kinabibilangan.
Sa makatuwid kung gayo’y isang kabuoan ang kautusan, na kasusumpungan ng tatlong (3) bahagi, na tumutukoy ng lubos sa katarungan, pagkahabag, at pananampalataya.
Gaya ng katawang pisikal na isang kabuoan ay nagtataglay ng mga bahagi, at ang lahat ng yaon ay hindi maaaring ihiwalay sa kinabibilangan niyang kabuoan. Tulad ng kamay na isa sa mahahalagang bahagi ng katawan, kung puputulin ay katotohanang hindi mabubuhay sa kaniyang sarili. Kaya anoman ang bahagi na mawalay sa kaniyang kabuoan ay mamamatay. Sapagka’t ang buhay ay nasa kabuoan at wala sa bahagi, na ang ibig sabihin ay patuloy na mabubuhay ang katawan, kahi man alisin ang ilang bahagi ng kaniyang kabuoan.
Gayon din naman ang pananampalataya na isa lamang sa bahagi ng kautusan na siyang kabuoan. Yamang ang buhay ay nasa kabuoan ay patay sa makatuwid ang pananampalataya kung ito aalisin sa kautusan bilang bahagi nito. Kaya nga napakaliwanag na tinatanglawan ng katotohanan, na ang pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan ay patay. Gaya ng nasusulat,
SANT 2 :
14 Anong pakikinabangin mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na SIYA'Y MAY PANANAMPALATAYA NGUNI'T WALANG MGA GAWA? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iya?
SANT 2 :
17 Gayon din naman ANG PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY PATAY SA KANIYANG SARILI.
SANT 2 :
22 Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWA AY NAGING SAKDAL ANG PANANAMPALATAYA.
SANT 2 :
24 Nakikita ninyo na SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWA'Y INAARING GANAP ANG TAO, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
SANT 2 :
26 Sapagka't kung paaanong ANG KATAWAN NA WALANG ESPIRITU AY PATAY, AY GAYON DIN ANG PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY PATAY.
Maliwanag ngang isinasaad nitong evangelio ng kaharian, na ang "pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan," na siya nitong kabuoan ay patay sa kaniyang sarili. Kung lilinawin ay walang anomang magagawang buti kanino man ang uri ng pananampalatayang iyon. Dahil sa yao'y kabaligtaran sa katuwiran na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan. Na sinasabi,
JUAN
12 :
50 At nalalaman ko na ANG
KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON
KO SINASALITA.
Isang katuwiran na hindi mahirap maunawaan, na ang pagtalima sa utos ng Dios ay buhay na walang hanggang ang kaisaisang maaaring ibunga sa kanino mang kaluluwa. Ano pa't binibigyang diin ng sariling bibig ni Jesus sa talata, na ang katotohanang iyon na binigkas niya'y sinalita niya ayon sa sinabi sa kaniya nitong Espiritu ng Dios na namamahay naghahari sa kaniyang kabuoan sa kasagsagan ng kapanahunan niyang iyon.
Bilang kongklusyon sa usaping ito ay maipasisiyang isang lubhang malaking pagkakamali, at isang hayagang kasinungalingan na iaral sa sinoman ang mga sumusunod na pagmamatuwid, gaya ng nasusulat,
HEB 7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS
dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG
KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa
pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa
pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG
LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya;
sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG
PAGKILALA NG KASALANAN.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang
tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG
KAUTUSAN.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t
ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN
WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 5 :
13 Sapagka’t
ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.
Ilan nga lamang iyan sa hindi kakaunting aral pangrelihiyon na nilalaman nitong evangelio ng di pagtutuli. Ano pa't hindi mahirap makita at mapag-unawa, na ang mga ito'y lubos at ganap ang paghihimagsik sa mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa sariling bibig ni Jesucristo.
Kung ang mga kautusan ng Dios ay sinasabi ni Pablo na "walang kapakinabangan (inutil), walang kakayanang magpasakdal sa sinoman, at walang anomang laman." Bakit nga ang sinasabi ni Jesus ay buhay na walang hanggan ang katumbas ng pagsunod sa kautusan?
Hayagang ipinapahiwatig ng taong ito, na kailangang mawala ang kautusan, upang mawala na rin ang pagsalangsang. Kaya nga aniya'y walang magkakasalang sinoman kung walang paiiralin na kautusan. Kung aalisin ang kautusan ay ano pa kaya ang maaaring pagbatayan ng mabuti at masama? Kung ang ihahalili dito ay ang pananampalataya ay hindi ba mamamatay ang ano mang bahagi na mahihiwalay sa kaniyang kabuoan? Kung mamamatay, ay ano nga ang magiging kabuluhan sa kaluluwa nitong patay na pananampalataya?
Sa lahat ng mga nagpadala ng anonymous comment. Ang ipina-publish lamang po namin sa ngayon ay yung naglalahad ng kanilang NAME/URL, gayon ma'y pinadadaan pa rin po namin ang lahat ng comment sa moderation process. Paumanhin po.
TumugonBurahinYohvshva bar Yusuf
Patnugot
Rayos ng Liwanag