Narito, at kung nais ng sinoman na pumalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay matuwid sa kaniya bilang unang hakban, na ariing katotohanan ang mga salita ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula mismo sa bibig nitong si Jesus. Gaya ng mga aral (evangelio ng kaharian) ng tunay na kabanalan na masiglang sinalita ng kaniyang dila sa buong sangbahayan ni Israel. Ano pa’t kung ang sinoma’y nagsasabing siya’y kay Jesus, gayon ma’y aral ng iba (evangelio ng di pagtutuli) ang isinasabuhay ay maipasisiyang sinungaling at magdaraya ang taong iyon. Siya sa makatuwid ay hindi kinaroroonan ng Dios, sapagka’t tungkol sa bagay na ito’y mariing winika,
2 JUAN 1 :
9 ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
Gayon ngang napakaliwanag na siyang hindi nananahan sa aral (evangelio ng kaharian) na mismong iniluwal ng sariling bibig ni Jesus ay walang alinlangan na hindi kinaroroonan ng Dios. Siya rin naman na nagsasabing nakikilala niya ang Dios, nguni’t hindi tumutupad sa mga kautusan (sampung utos), ayon sa kasulatan ay isang sinungaling at ang katotohanan ay wala sa taong iyon. Na sinasabi,
1 JUAN 2:
4 Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING, at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.
Dahil dito ay katotohanan na nararapat tindigan ng lahat, na ang katotohanan ay gaya nga ng nasusulat,
2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa inyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS SA AMA.
Ang sinoman nga’y maliwanag na lumalakad sa tunay na landas ng katotohanan, kung siya’y masigla at may galak sa pusong tumatalima sa mga kautusan ng kaisaisang Dios na nasa langit. Sapagka’t may pagdidiin ang kasulatan, na ang kautusan palibhasa’y salita ng Dios ay lumalapat sa katotohanan. Sa madaling salita ay katotohanan ang kautusan at ang kautusan ay katotohanan. Kaya nga, maituturing na matuwid at gawang maka Dios ang lumakad sa katotohanan, na ito’y ang pagtalima sa kautusan.
Samantala, matapos na itong si Jesus ay gawaran ni Juan ng bautismo ng pagsisisi sa kasalanan ay nilukuban nitong Espiritu ng Dios ang kaniyang kabuoan. Mula noo’y nagsimulang bumuka at naglahad ng magandang balita ng kaharian (evangelio ng kaharian) ang sarili niyang bibig. Sa pangyayaring iyon ay maliwanag na siya’y lumapat at napabilang sa banal na kalagayan ng mga sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo nitong Espiritu ng Dios). At gaya ng nasusulat ay mariing winika ng Ama nating nasa langit,
DEUT 18 :
18 Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)
EXO 4 :
12 Ngayon nga’y yumaon ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.
Ang gayon ngang natatanging kalagayan ni Jesus ay nilinaw mismo ng sarili niyang bibig, upang ang katotohanan sa kaniyang pagkatao ay makilala na totoo ng lahat. Na sinasabi,
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglubitan. (Juan 15:15, 17:8)
JUAN 12:
49 Sapagka't AKO'Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN (Juan 15:15, 17:8)
JUAN 12:
49 Sapagka't AKO'Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN (Juan 15:15, 17:8)
JUAN 7 :
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. (Juan 1:15)
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. (Juan 1:15)
JUAN 14 :
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin. (Juan 15:15)
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin. (Juan 15:15)
Kaugnay nito’y lubhang napakaliwanag na ang buong nilalaman nitong Evangelio ng kaharian na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus sa yugto ng panahong iyon ay hindi mula sa sarili niyang pagmamatuwid, kundi ang lahat ay sinalita nitong Espiritu ng Dios, na sa panahong yaon ay makapangyarihang namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan. Sa makatuwid ay tinig lamang ang kay Jesus, samantalang ang salita (evangelio ng kaharian) ay walang iba kundi mula sa nabanggit na Espiritu ng Dios.
Dahil dito, ang mga sumusunod na katuruan ay mga aral ng tunay na kabanalan, na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus. Ang sinoman kung gayon, na nagsasabing siya’y nagpapatuloy sa mga gawa ng kabanalan, datapuwa’t di nananahan at di inaaaring katotohanan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na sinambitla ng sariling bibig ni Jesus ay isang nuno ng sinungaling at siya ayon sa kasulatan ay napakaliwanag na hindi kinaroroonan ng Dios.
Kaya naman simulan na nating pumalaot sa kalawakan nitong evangelio ng kaharian, na ayon na rin sa mga salita na masiglang binigkas ng sariling bibig ni Jesus ay gaya ng mababasa,
MATEO 24 :
14 At IPANGANGARAL ANG EVANGELIONG ITO NG KAHARIAN SA BOONG SANGLIBUTAN sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
Dito ay hindi mahirap maunawaan na ang ipangangaral na katuruang pangkabanalan sa buong sanglibutan ay hindi ang evangelio ng di pagtutuli, kundi ang napakaliwanag na binigyang diin ng bibig ni Jesus ay ang kabuoan ng mga aral pangkabanalan na nilalaman nitong evangelio ng kaharian (magandang balita ng kaharian).
Ang evangelio na may kinalaman sa kautusan ng kaisaisang Dios
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
19 Kaya’t ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga UTOS na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit; datapuwa’t ang sinomang GUMANAP at ituro, ito’y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
SANT 2 :
8 Gayon man kung inyong ganapin ang KAUTUSANG HARI, ayon sa kasulatan. IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG SA IYONG SARILI, ay nagsisigawa kayo ng MABUTI.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
SANT 2 :
1 JUAN 2 :
3 At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang UTOS.
1 JUAN 3 :
22 At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya, sapagka’t TINUTUPAD NATIN ANG KANIYANG MGA UTOS, At ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
JUAN 5 :
2 Dito’y ating nakikilala na tayo’y nagsisiibig sa mga ANAK NG DIOS, pagka tayo’y nagsisiibig sa DIOS at TINUTUPAD NATIN ANG KANIYANG MGA UTOS.
3 Sapagka’t ito ang PAGIBIG SA DIOS, na ating TUPARIN ANG KANIYANG MGA UTOS: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.
5 At ngayo’y ipinamamanhik ko sa iyo, Ginang, na hindi waring sinulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo’y mangagibigan sa isa’t isa.
6 At ito ang pagibig, na tayo’y mangagsilakad ayon sa KANIYANG MGA UTOS, Ito ang UTOS, na tayo’y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
Gayon ngang ayon sa evangelio ng kaharian ay hindi kailan man lumipas ang kautusan ng Ama nating nasa langit. Ito pa rin ang nag-iisang pag-asa ng lahat sa kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala ninoman sa kalupaan. Paniniwalaan pa baga ninyo ang ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli) ng mga karumaldumal na Gentil kay sa evangelio ng kaharian na mga aral pangkabanalan, na mismo ay sinalita ng sariling bibig ni Jesus. Huwag nga kayong padala at padaya sa matatamis at mabubulaklak na pananalita ng mga huwad na mangangaral (pari at pastor) sa panahon nating ito.
SUNDAN ANG KASUNOD SA PART 2 of 2 (Click here)
Sa lahat ng mga nagpadala ng anonymous comment. Ang ipina-publish lamang po namin sa ngayon ay yung naglalahad ng kanilang NAME/URL, gayon ma'y pinadadaan pa rin po namin ang lahat ng comment sa moderation process. Paumanhin po.
TumugonBurahinYohvshva bar Yusuf
Patnugot
Rayos ng Liwanag