Ang “ANTI,” at "VICAR" ay mga katagang Griego na ang pangunahing kahulugan ay “sa halip na” (instead of), o, “kahalili
ng” (in place of). Kadalasan, ang ANTI ay ikinakabit sa titulo (Anticristo) nitong si Jesus. Karaniwan tawag sa sinoman na kinakikitaan ng mga huwad na katuruang pangkabanalan, VICAR naman ang gamit na salita ng mga tao na nagsasabing sila'y kahalili ni Jesus (vicar of Christ) dito sa lupa. Gayon ma'y maaari din naman silang lumapat sa ilang sumusunod na pagkakakilanlan.
1. Maaaring siya yaong nagtataglay ng pangalang “Anticristo.” (666)
2. Maaaring siya yaong tao na inaari ang pagiging Cristo (false Christ).
3. Maaaring huwad na Cristo, na itinatanyag ng marami, bilang kapalit, o kahalili ng tunay na Jesus (vicar of Christ).
4. Maaaring siya yaong nagsasabing angkin niya ang kapangyarihan (awtoridad) na mangaral at isagawa ang gawain ng tunay na Cristo.
5. Maaaring siya yaong pinasisinungalingan at pinipilipit ang mga salita ng Dios na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus.
6. Maaari ding tumukoy sa isang relihiyon na may pilipit na anyo ng katuruang pangkabanalan. Gumagamit ng Biblia at pangalan ni Jesus sa layuning ipakilala ang mga aral na laban sa mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa sariling bibig ni Jesus.
Ang lahat ng
iyan ay anyo ng mga tao na lumalapat sa karumaldumal na kalagayan ng mga “Anticristo.” Sila’y hindi maikakaila na mga tagapangaral ng
pilipit na “Cristianismo.”Ang ibig sabihin ng Cristianismo ay mga aral pangkabanalan (evangelio ng kaharian) na may katapangang ipinangaral ng sariling
bibig ni Jesus. Anomang aral, sa makatuwid, o katuruang pangkabanalan na
kakikitaan ng pagpilipit at paghihimagsik sa mga salita ng bibig ni Jesus ay maipasisiyang huwad na katuruan, at ang sinoman na
nagtuturo ng gayo’y walang alinlangan na lumalapat sa kalagayan ng isang huwad na mangangaral, at dahil doo'y maaari siyang tawaging Anticrito na totoo.
Ang isang Cristiano sa tunay na kahulugan ay ang
sinoman na nagsasabuhay ng mga aral ng
Dios (evangelio ng kaharian) na mismo ay iniaaral ng dila at labi ni Jesus mula sa natatangi niyang
kapanahunan. Kaugnay nito, ang sinoman na nagsasabuhay ng mga aral (evangelio ng di pagtutuli) na nilikha ni Pablo (Saul ng Tarsus), ay hindi maaaring tawaging Cristiano, dahil sa ang ipinangaral
niyang katuruan ay hayagang may paghihimagsik sa evangelio ng kaharian (aral ng bibig ni Jesus). Dahil dito ay nasumpungan
na siya ay ganap na lumalapat sa karumaldumal na kalagayan ng isang Pauliniano, at dahil din doo'y maaari siyang tawaging Anticristo na totoo.
FIL 1 :
20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma’y hindi ako mapapahiya, kundi sa boong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay DADAKILAIN SI CRISTO SA PAMAMAGITAN NG AKING KATAWAN, maging sa pamamagitan ng kamatayan.
FIL 1 :
20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma’y hindi ako mapapahiya, kundi sa boong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay DADAKILAIN SI CRISTO SA PAMAMAGITAN NG AKING KATAWAN, maging sa pamamagitan ng kamatayan.
Narito, at sa Fil 1:20 na nalalahad sa itaas ay maliwanag na ipinahihiwatig nitong si Pablo, na ang kaniyang katawan ang kahalili ng katawan ni Jesus (vicar of Christ), sa layuning ipahayag ang mga likha niyang aral pangkabanalan (evangelio ng di pagtutuli) na umano'y nauukol sa mga Gentil.
Sa pagpapatuloy
ay hindi lingid sa ating kabatiran, na ang evangelio
ng kaharian ay ang kaisaisang katuruang pangkabanalan na masigla at may katapangang ipinangaral nitong si Jesus mula sa
natatangi niyang kapanahunan. Sa gayo’y maliwanag na winika ang mga sumusunod,
23 At nilibot ni
Jesus ang boong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga (Juan 18:20 )
nila, at ipinangangaral ang evangelio ng
kaharian, at
nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa
mga tao. (Mat 9:35)
Ipinangaral mismo ng bibig ni Jesus ang evangelio ng kaharian, sa buong Galilea, at gayon din naman na ito ay ipinangaral ng labingdalawang (12) alagad (apostol) sa sambayanan ni Israel, nang sila'y unang suguin nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kalooban ni Jesus. Ano pa't hindi lamang pala sa Israel nauukol ang evangelio ng kaharian, dahil sa ito'y ipangangaral din naman sa sanglibutan ng labingdalawang (12) apostol, sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa. Gaya ng nasusulat ay winika,
MATEO 10 :
5 Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:
6 Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.
7 At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, ANG KAHARIAN NG LANGIT AY MALAPIT NA.
Mateo 24 :
14 At ipangangaral ang evangeliong ito ng
kaharian sa boong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
Narito at totoo ngang ipangangaral ang evangelio ng kaharian sa buong sanglibutan, at kung magkagayo'y darating ang wakas. (Ang ibig sabihin ay wakas ng kasinungalingan, kadiliman, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, at kamatayan.) Kaugnay nito'y maliwanag na ang aral lamang na ito ng tunay na kabanalan ang aariing katotohanan at isasabuhay ng lahat. Sapagka't mula sa mga aral na nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus ay may mariing winika itong si Juan, na sinasabi,
2 JUAN 1 :
9 ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY
HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at
gayon din ng Anak.
Maliwanag pa nga sa sikat ng araw na tahasang ipinangusap ng totoong Jesus,
na ang evangelio ng kaharian lamang ang ipangangaral na katuruang pangkabanalan sa lahat ng mga bansa. Maliban
dito ay hindi kailan man niya iniaral na may ibang evangelio (evangelio ng di
pagtutuli) pa na magbibigay kaganapan sa layunin ng una (evangelio ng
kaharian). Karugtong nito’y isang malaking kasinungalingan at kahambugan na sabihing,
evangelio ng di pagtutuli ang sagradong katuruan na nagpapaging banal sa
sinoman. Mangyari'y laban (kontra) ang ibang evangeliong ito sa mga sagradong aral (evangelio ng kaharian) na winika nitong sariling bibig ng tunay na Jesucristo.
Ngayon nga’y subukan nating kilalanin ang salita ng tunay na Cristo,
at sa katuwiran ng mga salita ng bibig niya'y mapagkilala ang mga pilipit
na pagmamatuwid ng isang nagpapakilalang kahalili ng Cristo (Anticristo or vicar of Christ).
Tungkol sa kautusan ay katotohanan na hindi maaaring ikaila ng
sinoman, na tahasang winika ng bibig nitong Jesus na tunay.
17 Huwag
ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta:
ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18
Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang
langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI
MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
MATEO
19 :
17 At
sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May
isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN
MO ANG MGA UTOS.
JUAN
12 :
50 At
nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga
bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO
SINASALITA.
Ito ngang totoong Jesus ay naparoon sa iba’t ibang nayon
at bayan ng kalakhang Israel, hindi
upang sirain ang kautusan, ni ang mga
propeta man, kundi upang ito’y ganapin. Paalaala niya sa marami ay hindi kailan
man nabago ang kautusan ng Ama nating nasa langit. Kahi man tuldok, ni
kudlit ay hindi mawawala sa kautusan.
Na ang ibig sabihin ay nanatili sa nakaraan, nangyayari sa kasalukuyan at patuloy na iiral
hanggang sa mga darating pang kapanahunan.
Matuwid ang
pagkawika, na ang sinomang nagnanais na pumasok sa buhay ay mag-ingat at
tumalima sa kautusan. Sapagka’t
kaniyang narinig na sinalita ng Ama
nating nasa langit, na ang utos ay buhay na walang hanggan. Na kung lilinawin ay magbubunga sa kaluluwa ng
walang katapusang buhay sa kaluwalhatian ng langit ang masigla at may galak sa
puso na pagsunod sa mga kautusan ng Dios.
Ang aral, o
katuruan na katatapos lamang na ilahad ay isa sa kapanapanabik na bahagi nitong evangelio ng kaharian, na walang
alinlangang nagpapaging banal sa sinoman. Palibhasa’y may ganap na pagpapaunawa
sa kahalahagan at kasagraduhan ng kautusan. Katuruan
na hindi maikakailang salita ng Dios
na mismo ay iniluwal ng sariling bibig ng totoong Jesus.
Kaya magiging isang kahustuhan sa panig ninoman na ito’y ariing katotohanan bilang matuwid
na daan tungo sa buhay na walang hanggan.
Kung gayong may
kakayanan ang kautusan na maghatid ng
kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan ay napakaliwanag ngang munti
man ay walang itong kakulangan sa kaniyang kabuoan. Sapat sa kaniyang sarili,
upang kung maganap ng sinoma’y tamuhin niya ang buhay na kailan man ay hindi
lalapatan ng anomang uri ng katapusan.
Labag sa
dakilang katuruang ito ng buhay na walang hanggan ay may ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli) na itinanyag ang isa sa
masugid na kalaban ng Dios, at gaya
ng nasusulat ay walang anoman niyang nilapastangan, niyurakan at ibinasura ang matuwid ng Ama nating nasa langit na may kinalaman sa
usapin ng kautusan. Na sinasabi,
HEB 6 :
1 Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL
NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na
muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA (kautusan), at
ng pananampalataya sa Dios. (2 Juan 1:9)
HEB 7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa
kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN. (Mat 19:17)
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG
PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya),
na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios. (Juan 12:50)
Narito, at ang sulat sa mga Hebreo
ay kasulatan na walang umaaring sinoman bilang may akda (awtor). Sapagka’t ang
sumulat nito’y pinaniniwalaang sinagilahan ng matinding pangamba sa kaniyang sarili, na mausisa ng
mga pantas at mga dalubhasa sa kasulatan ang mga di kapanipaniwala niyang mga salita
sa kaniyang sulat. Ito’y dahil sa ang halos lahat ng pagmamatuwid niya rito ay
walang anomang kasulatan sa balumbon ng mga banal na aklat na makapagkakaloob
ng awtentikasyon. Sa madaling salita, ang nilalaman nito ay hindi kailan man
sinang-ayunan ng katotohanan na masusumpungan sa mga banal na aklat ng sangbahayan
ni Israel. Kinakitaan din ito ng mga dagdag at bawas sa mga salita ng
Dios na isinatinig at isinatitik ng mga propeta.
Gaya halimbawa nitong sa Heb 6:1
at sa Heb 7:18-19, na nagpapawalang kabuluhan sa mga kautusan ng Ama
nating nasa langit. Saan naman kayang aklat ng mga anak ni Israel
maaaring mabasa ang gayong kasuklamsuklam na pagpapawalang kabuluhan sa kautusan?
Hindi ka ba kikilabutan, ni mananayo man lang ang iyong balahibo, kung
sasabihin mo na ang kautusan ng sarili mong Ama na nasa langit ay
walang silbi (inutil) sa natatangi nitong layunin. Na ang ibig ipahiwatig ay
mahina, at walang kakayanan na ihatid ang kaluluwa sa buhay na walang hanggan.
Sa gayo’y para na ring sinabi, na ang ating Ama ay mahina rin,
pamalimali, at inutil sa kaniyang sarili.
Hangal at hibang ang tawag sa sinomang may taglay na gayong uri ng kasuklamsuklam na pangangatuwiran. Palibhasa'y hindi inaring katotohanan ang mga salita ng Dios na masiglang isinatinig at isinatitik ng mga tunay na banal, bagkus ay tinangkilik at isinabuhay ang mga di kapanipaniwalang pahayag sa isang panulat na kinatakutang lagdaan ng may akda.
Sa pagpapatuloy ng karumaldumal na pahayag laban sa kautusan ay mariing iginiit ang mga sumusunod na salita,
Hangal at hibang ang tawag sa sinomang may taglay na gayong uri ng kasuklamsuklam na pangangatuwiran. Palibhasa'y hindi inaring katotohanan ang mga salita ng Dios na masiglang isinatinig at isinatitik ng mga tunay na banal, bagkus ay tinangkilik at isinabuhay ang mga di kapanipaniwalang pahayag sa isang panulat na kinatakutang lagdaan ng may akda.
Sa pagpapatuloy ng karumaldumal na pahayag laban sa kautusan ay mariing iginiit ang mga sumusunod na salita,
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan
ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN
AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
1 COR 15 :
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG
SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 5 :
13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa
dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG
KAUTUSAN.
ROMA 7 :
21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang KAUTUSAN na,
kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang MASAMA ay nasa akin.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang
tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG
KAUTUSAN.
Hindi kailan man naging mahirap unawain ang ilang
talatang inilahad namin sa itaas. Gaya nga ng hayagang pangangatuwiran ng mga
kalaban ng Dios ay minabuti nila na itigil ang mga aral pangkabanalan
(evangelio ng kaharian) na sinalita ng bibig ni Jesus. Partikular sa
kautusan, ang hangal na manunulat ay may kasinungalingang binigyan ng diin, na
ang kautusan ay lumalaos, o, lumilipas dahil sa kawalang kabuluhan
(inutil) nito. Dahil sa umano'y lumabas na walang kakayanan ang kautusan
na pasakdalin ang sinoman. Mangyari’y wala itong laman (basyo) na
sukat ikaligtas ng kaninomang kaluluwa sa kamatayan.
Ani Pablo, ang tibo, o pangil ng kamatayan
ay ang kasalanan, at totoong nagkakasala ang mga tao, dahil sa pinaiiral ng Dios
na mga utos. Sapagka’t ito aniya’y lumilikha ng galit sa sinoman, kaya
mabuti pa ngang wala na ang kautusan, at dahil sa kawalan nito ay wala na
ring mangyayaring pagsalangsang pa ang mga tao. Ano pa’t maliwanag ang mapanirang salita, na hindi
kikilalaning kasalanan ang anomang gawa, kung wala nito (kautusan) na
batayan ng mabuti at masama.
Sa umano’y kasamaan ng kautusan, ay
nasumpungan ni Pablo ang kaniyang sarili na kahi man nais niyang gumawa
ng mabuti ay nasa kaniya pa rin ang masama. Bilang tuldok sa usapin ng kautusan
ay ipinasiya ng kapulungan nitong mga Pauliniano, na sila’y
inaaring-ganap ng Dios hindi sa mga gawa ng inutil at walang
kabuluhang mga kautusan ng Dios, kundi sa pananampalataya na lamang kay Jesus.
Ang kalipunan ngang ito ang noon at hanggang sa
ating panahon ang siyang nagpapakilalang mga Cristiano, nguni’t sa
katotohanan ay kinasumpungan sila ng mga huwad na katuruang pangkabanalan
(evangelio ng di pagtutuli), na sukat ikapahamak ng kanino mang kaluluwa sa
kalupaan. Sa madaling salita ay huwad na mga Cristiano ang hindi
kakaunting mga tao na nabibilang sa kalipunang nabanggit. Dahil sa ang
tinitindigan nilang katuruan, o aral ay laban na lahat sa mga salita
(evangelio ng kaharian), na ipinangaral ng bibig ni Jesus. Nangalinlang silang laht nitong nagpapakilalang vicar of Christ.
Huwad na mangangaral, sa makatuwid ang mga tao na nagtuturo ng ibang evangelio (evangelio ng di pagutuli). Sapagka’t ito’y laban
sa mga salita (evangelio ng kaharian) ng
Dios na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus. Huwad na propeta ang isa pang maaaring itawag sa kaniya. Ang ilan sa mga ito ay nagpapakilalang kahalili ni Jesucristo sa lupa, kaya naman anticristo (vicar of Christ) ang maliwanag na maaaring itawag sa kanila.
Kaawa-awa kung gayon ang mga kaluluwa ng lubhang maraming tao na nagsipaniwala sa matatamis na dila, at mabubulaklak na pananalita ng mga huwad na propeta. Sapagka’t sa kawalang malay sa masaklap na kinahinatnan ng kanilang kalagayan ay nakakaladkad na pala ang kanilang kaluluwa sa tiyak na kapahamakan nito.
Kaawa-awa kung gayon ang mga kaluluwa ng lubhang maraming tao na nagsipaniwala sa matatamis na dila, at mabubulaklak na pananalita ng mga huwad na propeta. Sapagka’t sa kawalang malay sa masaklap na kinahinatnan ng kanilang kalagayan ay nakakaladkad na pala ang kanilang kaluluwa sa tiyak na kapahamakan nito.
Ang tunay na Jesus ay siya na maluwalhating nagpapangaral nitong evangelio ng kaharian. Samantalang ang umano'y kaniyang kahalili, o yaong huwad na Jesus (vicar of Christ), mula sa talim ng tabak at tulis ng sibat ay sapilitang ipinakilala at ipinangaral noong una ang evangelio ng di pagtutuli. Lahat ng hindi sumang-ayon ay pinaslang sa iba't ibang karumaldumal na paraan.
Sa pagtatapos ay matuwid sa panig ninoman na ariing katotohanan at masiglang isabuhay ang mga salita ng Dios (evangelio ng kaharian) na mismo ay ipinangaral ni Jesus sa kaniyang kapanahunan. Gayon ma'y marami pa rin ang higit na tumitiwala sa nakaugalian ng karumaldumal na tradisyong pangrelihiyon ng mga paganong Romano. Katotohanang nasa dako ng tiyak na kapahamakan ang kaluluwa nilang lahat.
Sa pagtatapos ay matuwid sa panig ninoman na ariing katotohanan at masiglang isabuhay ang mga salita ng Dios (evangelio ng kaharian) na mismo ay ipinangaral ni Jesus sa kaniyang kapanahunan. Gayon ma'y marami pa rin ang higit na tumitiwala sa nakaugalian ng karumaldumal na tradisyong pangrelihiyon ng mga paganong Romano. Katotohanang nasa dako ng tiyak na kapahamakan ang kaluluwa nilang lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento