Giit ng marami ay hindi natin kailangang matakot sa Dios, nang dahil sa Siya'y puspos ng pag-ibig at kaawaan sa kaniyang kabuoan. Ang dapat katakutan anila ay ang masasamang nilalang, sapagka't sila ay mga walang awa at nahahandang ilagay sa kalunoslunos na kalagayan ang sinoman anomang sandali nila ibigin.
Ang Dios ay pag-ibig at dahil dito ay taglay Niya ang kaamuan, na hindi katatakutan ng sinoman. Samantalang itong si Satanas ay taglay umano ang may kabagsikang mukha at kalupitan sa mga kaluluwa na nasisilo ng matatamis at bubulaklak niyang kasinungalingan. Kaya matuwid sa hindi kakaunting mga tao, na lalo't higit sa lahat ay ang nabanggit na entidad ng kasamaan ang karapatdapat na katakutan, at hindi kailan man ang maamo at maawaing Dios.
Gayon ma'y sinasang-ayunan kaya ng katotohanan ang minamatuwid ng marami hinggil sa usaping ito? O, ito'y lihis sa katuwiran na binibigyang diin nitong mga salita ng Dios na masusumpungan sa balumbon ng mga matatandang kasulatan (Torah) na iniingatan at tinatangkilik ng mga anak ni Israel at ng mga Masyano ng Dios. Sa pagpapatuloy ay paka-unawain nga nating mabuti ang ilang talata ng Biblia na nagsasaad ng katunayang nagbibigay diin sa hindi maitatangging katotohanan hinggil sa usaping ito. Na sinasabi,
AWIT 3 :
AWIT 3 :
11 Kayo’y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, At mangagalak na may panginginig.
AWIT 36 :
1 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata.
AWIT 104 :
17 Nguni’t ang kagandahang loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya. At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak;
18 SA GAYONG NAGIINGAT NG KANIYANG TIPAN, AT SA NAGSISIALAALA NG KANIYANG MGA UTOS UPANG GAWIN.
DEUT 4 :
10 Yaong araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila’y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.
DEUT 10 :
12 At ngayon, Israel, Ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo ang Panginoon mong Dios, ng boong puso mo at ng boong kaluluwa mo.
13 Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti?
DEUT 13 :
4 Kayo’y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios, at matakot sa kaniya, at gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod sa kaniya at lalakip sa kaniya.
DEUT 14 :
23 At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasampung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak, at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.
ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
14 Sapagka’t dadalhin ng Dios ang bawa’t GAWA SA KAHATULAN, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y MABUTI o maging ito’y MASAMA.
Ang tinatawag na pagkatakot sa Dios ay napakalinaw na sinasabi sa mga talatang aming inilahad, na yao’y sa pamamagitan ng mga sumusunod,
1. Pagtalima sa Kaniyang mga kautusan ng pagibig.
2. Susunod sa Kaniyang tinig na nagsilabas mula sa bibig ng mga tunay na banal, at
3. Paglilingkod at paglakip sa Kaniya bilang Ama ng iyong kaluluwa.
Sa gayo’y walang anomang bagay na maaaring pagsimulan ng pagtatalo hinggil sa kaliwanagan ng ilaw na sa inyo ay naglahad ng mga nabanggit na tanawin.
Ano pa’t sa isang tunay na lingkod ng Dios, o yaong kinikilala niyang totoong banal ay yaon nga lamang ang tanging ipangangaral na gawin ng mga tao, upang mapagaralan nila na matakot sa Dios. Nguni’t sa kaniya na nagsusulong ng katuruang hidwa sa katuwiran ng mga bagay na sa inyo’y nalahad ngayon. Ang tao ngang yaon ay isang huwad na mangangaral - layunin niya'y pilipitin ang katuwiran ng mga salita ng Dios na isinatinig at isinatitik ng mga tunay na banal.
Ang matuwid nga kung gayo’y pag-aralang matakot sa Dios sa pamamagitan ng tatlong (3) bagay na aming inilahad sa itaas. Ano kaya kung gayon ang itatawag sa sinoman na minamatuwid sa marami ang mga sumusunod na karumaldumal sa paningin ng kaisaisang Dios na nasa langit.
1 COR 15 :
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 5 :
13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.
ROMA 6 :
14 Sapagka’t ang KASALANAN ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN, kundi sa ilalim ng biyaya.
GAL 3 :
21 ANG KAUTUSAN NGA BA AY LABAN SA MGA PANGAKO NG DIOS? Huwag nawang mangyari: sapagka’t kung ibinigay sana ang isang KAUTUSANG MAY KAPANGYARIHANG MAGBIGAY BUHAY, tunay ngang ang katuwiran ay naging dahil sa KAUTUSAN. (Juan 12:50)
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
HEB 7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
Ngayon nga’y sabihin nyo sa amin, kung ang mga ipinalad naming salita na isinatitik ni Pablo ay paglalahad ng pagkatakot sa Dios, o paghahayag ng paghihimagsik sa kalooban ng Dios. Sa gayo’y napakaliwanag na kabaligtaran sa ginagawa ng taong ito ang lumalabas sa kaniyang bibig, na sinabi, “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.”
Magdarayang Mangangaral |
Kaya’t isang babala na sa mga sinasabi ng taong ito’y marapat na hanapan muna ng kaukulang awtentisidad mula sa aklat ng mga tunay na banal ng Dios. Sapagka’t kung hindi ay may katiyakang sinasabi namin sa inyo, na kayo’y mapaglalalangan ng matamis na dila at mabubulaklak na pananalita ng taong ito.
Siya sa gayon ang magdarayang mangangaral na walang awang kumakaladkad sa hindi kakaunting kaluluwa sa malawak na lansangan ng kahangalan at kaululan. Sinoman sa makatuwid na nangangaral ng pagtalikod sa kautusan, gaya ng mababasa sa itaas ay nabibilang sa malaking kalipunan ng mga tao na walang anomang takot sa Dios. Mga anak ng pagsuway ang maaaring itawag sa marami na dumadako sa gayong karumaldumal na kalagayan.
Sa pagtatapos ay katotohanan na ang sinoma'y sinusunod ang kalooban (kautusan) ng kinatatakutan niyang panginoon. Ang kaisaisang Dios na nasa langit palibhasa'y hindi kinikilala ng lubhang marami bilang Panginoong Dios (YEHOVAH ELOHIYM) ay hindi nga nila sinusunod ang kaniyang mga kautusan. Datapuwa't itong si Satanas ay panginoon ng lubhang maraming tao sa kalupaan, sapagka't ang mga kautusan niya ang binibigyan nila ng halaga at masiglang isinasabuhay ang lahat ng karumaldumal niyang doktrinang pangrelihiyon. Ang karamihan nga'y walang anomang takot sa Dios, bagkus ay nanganginginig sa pagkatakot kay Satanas.
Kung ang sinoman ay nagsasabing siya'y may taglay na takot sa Dios - nararapat sa taong iyon na kakitaan ng masigla at may galak sa puso na pagtalima sa mga kautusan. Iyan ang kaisaisang tanda sa sinoman na siya'y sumasa Dios at ang Dios ay sumasa kaniya.
Kapahingahan ng kaluluwa ang hangad namin sa lahat. Hanggang sa muli, paalam.
Sa pagtatapos ay katotohanan na ang sinoma'y sinusunod ang kalooban (kautusan) ng kinatatakutan niyang panginoon. Ang kaisaisang Dios na nasa langit palibhasa'y hindi kinikilala ng lubhang marami bilang Panginoong Dios (YEHOVAH ELOHIYM) ay hindi nga nila sinusunod ang kaniyang mga kautusan. Datapuwa't itong si Satanas ay panginoon ng lubhang maraming tao sa kalupaan, sapagka't ang mga kautusan niya ang binibigyan nila ng halaga at masiglang isinasabuhay ang lahat ng karumaldumal niyang doktrinang pangrelihiyon. Ang karamihan nga'y walang anomang takot sa Dios, bagkus ay nanganginginig sa pagkatakot kay Satanas.
Kung ang sinoman ay nagsasabing siya'y may taglay na takot sa Dios - nararapat sa taong iyon na kakitaan ng masigla at may galak sa puso na pagtalima sa mga kautusan. Iyan ang kaisaisang tanda sa sinoman na siya'y sumasa Dios at ang Dios ay sumasa kaniya.
Kapahingahan ng kaluluwa ang hangad namin sa lahat. Hanggang sa muli, paalam.
Sa lahat ng mga nagpadala ng anonymous comment. Ang ipina-publish lamang po namin sa ngayon ay yung naglalahad ng kanilang NAME/URL, gayon ma'y pinadadaan pa rin po namin ang lahat ng comment sa moderation process. Paumanhin po.
TumugonBurahinYohvshva bar Yusuf
Patnugot
Rayos ng Liwanag
Kung sila hindi takot sa Dios, ako takot.
TumugonBurahin