Biyernes, Abril 13, 2012

BAGONG ANYO NG PAGSAMBA KAY JESUS


Sister Faustina

Sa anunsiyo ng Vatican, si Sister Mary Faustina daw ay apostol nitong Sagradong Awa (Divine Mercy), na sa kasalukuyan ay nabibilang sa kalipunan ng tanyag at kilalang santo ng simbahang Katoliko. Sa pamamagitan niya ay naihahayag ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang kaawaan ng Dios (God’s mercy), at gayon ding ipakita ang padron nitong kaganapan ng Cristiano (Christian perfection) batay sa masiglang pagtitiwala sa Dios, at sa pagpapadama ng biyaya sa kapuwa.

Diin ng Vatican, ang Panginoong Jesus ay hinirang si Sister Mary Faustina bilang apostol at kalihim ng kaniyang biyaya, nang sa gayo’y mailahad niya sa sangkatauhan ang tungkol sa dakila Niyang mensahe. 

Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.

“In the old covenant I sent prophets wielding thunderbolts to My people. Today I am sending you with My mercy to the people of the whole world. I do not want to punish aching mankind, but I desire to heal it, pressing it to My Merciful Heart….(Diary 1588)
Paint an image according to the pattern you see, with the signature: Jesus, I trust in You. I desire that this image be venerated, first in your chapel, and [then] throughout the world (Diary  47).

….Tell the confessor that the Image is to be on view in the church and not within the enclosure in that convent. By means of this Image I shall be granting many graces to souls; so let every soul have access to it (Diary entry (a portion of), 570.

Divine Grace
Sa aklat tala-arawan ay maliwanag na nasusulat ang umano’y mensahe mundial ni Jesucristo kay Sr. Faustina. Na siya ay ginawang sugo ni Jesus sa pagpapalaganap sa mundo nitong dakilang biyaya ng maawain niyang puso. Dahil dito’y inutusan Niya siyang gumuhit ng imahe alinsunod sa larawan na kaniyang nasaksihan sa kaniyang pangitanin. Na sa dakong ibaba ng larawan ay nasusulat ang mga salitang Polako, na sinasabi,  "Jezu Ufam Tobie" (“JESUS, I TRUST IN YOU.”)

Ang nabanggit na larawan ay iniutos umano ni Jesus na kailangang sambahin ng sangkatauhan. Ito aniya’y nararapat na ilagay sa loob ng lahat ng simbahan upang masilayan ng madla. Sa pamamagitan ng pagsamba sa imahe ng Divine Grace ay magkakaloob aniya Siya ng mga biyaya sa mga kaluluwa, kaya bayaang ang lahat ay malayang makita at sambahin ang Kaniyang larawan.

Sa kabila ng mga patotoo ni Santa Faustina at sa anunsiyo ng Vatican hinggil dito ay nananatiling matibay ang katotohanang binibigyang diin, na masusumpungan sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Dahil dito ay makikitang ang panig ng simbahang katoliko ay may hayagang pagsalungat sa mga sumusunod na patibayang aral ng luma at bagong tipan ng Biblia, na sinasabi,

The Ten commandments
EXO 20 :
4   HUWAG KANG GAGAWA PARA SA IYO NG LARAWANG INANYUAN o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas ng langit, o ng nasa ibaba ng lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa. HUWAG MONG YUYUKURAN SILA, o PAGLINGKURAN SILA, ….
(Paalala: Ang pangalawang utos (Exo 20:4) na nasasaad sa itaas ay inalis ng simbahang Katoliko sa Sampun Utos ng Dios. Ito'y upang malayang maipatupad sa mga kasapi ang karumaldumal na idolatriya, o yaong pagsamba at paglilingkod sa larawan at rebulto ng lalake at babae bilang mga Dios.)


DEUT 4:
16  Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng LALAKE o BABAE,

DEUT 4:
23  Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at kayo'y GUMAWA NG LARAWANG INANYUAN NA KAHAWIG NG ANOMANG BAGAY NA IPINAGBAWAL SA IYO NG PANGINOON MONG DIOS.

EXO 34 :
13 Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi, at inyong ibubuwal ang kanilang mga asera.

Katotohanan na nararapat nating tanggapin na lahat ng tao sa sanglibutan ay pawang mga anak ng Dios, at dahil dito ay napakaliwanag na ang mga kautusan Niya’y walang ibang pinatutungkulan, kundi tayong lahat na Kaniyang mga anak. Pangkalahatang utos sa madaling salita ang mga nabanggit na kautusan (Exo 20:4, Deut 4:16, 23, 34:13) na nalalahad sa itaas, at ang ibig sabihi’y mga utos ng Dios na nararapat sundin ng lahat ng taong nabubuhay sa kalupaan.

Sa ibang dako, itong si Jesus sa natatangi niyang kapanahunan ay matibay din namang ipinagtanggol ang kautusan, na sinasabi,

The Ten commandments
MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

MATEO 22 :
36  Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN?
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38  Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.
39  At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19)
40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.

In the Temple
MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.


JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

MATEO 24 :
35  Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ANG AKING MGA SALITA AY HINDI LILIPAS.

Idolatrous practice of the Roman
Catholic Church
Chaplet of the Divine Mercy
Napakaliwanag ngang sa dalawang utos sa itaas (Mat 22:36-40) ay nauuwi ang boong kautusan at ang mga propeta. Na kung lilinawin ay sinasakop nito ang sampung (10) utos, at iba pang mga minor na kautusan ng Dios. Kaugnay nito’y walang alinlangan na gaya ng buong kautusan, ang Pangalawa (2) sa sampung utos ay mahigpit ngang ipinatutupad. Gayon nga ring kailangang sumunod din naman ang lahat sa kabawalan hinggil sa paggawa ng mga larawan, o rebulto na kawangis ng lalake at babae (Deut4:16).

Ang mga katuwiran na binibigyang diin ng kasulatan, alinsunod sa mga salita ng Dios na nangagsilabas mula sa bibig ng mga propeta ng Israel ay gayon ngang walang anomang pagsang-ayon sa di umano’y mga mensahe ni Jesucristo kay Sister Faustina. Katunayan laman na ang anunsiyo ng simbahang katoliko hinggil dito ay panghihikayat sa marami, upang tangkilikin ang idolatriya, o yaong pagsamba sa mga larawan ng babae at lalake bilang Dios, na gawa lamang ng mga kamay ng tao.

Ang garantiya, o katiyakan sa kawalang hanggan ng salita ng Dios na nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus ay malinaw na nasusulat sa Mat 24:35, gaya ng mababasa sa itaas. Sanhi nito, kailan ma’y walang maaaring ipagbago ang mga salita (evangelio ng kaharian) na iniluwal ng sarili niyang bibig. Sukat upang ang umano’y mensahe ni Jesus kay Sister Faustina ay masumpungang pinaglubidlubid na kasinungalingan lamang.

Alinsunod sa katiwatiwalang katunayang biblikal ay napakaliwanag na hindi si Jesus ang siyang nagpakita kay Sister Faustina. Sapagka’t sinasalungat nito ang mga walang kupas na salita ng Dios na may kasiglahan  naming inilahad sa itaas. Kaugnay nito, kung hindi Espiritu ng Dios ang nagwika ng gayong mga salita, ay wala ngang ibang dapat na tukuying nagsalita niyaon kundi ang diyablo (Satanas). Nang dahil sa ang entidad lamang na ito ang tanging naglalahad ng mga pagsalungat sa katuwiran na inihahayag ng kaisaisang Dios sa sangkatauhan.

Divine Grace
Ayon pa sa mensahe kay Sister Faustina ay nararapat na ang lahat ng tao sa kalupaan ay matutunang sumamba at maglingkod sa umano’y bagong larawan nitong si Jesus, na kung tawagin ay, “Divine Grace.” Ito sa makatuwid ang bagong larawan at anyo ni Satanas na nagkakanlong sa banal na kalagayan nitong si Jesus upang madaya ang higit pang maraming tao sa buong kalupaan. Ano pa’t sa balumbon ng mga banal na kasulatan (biblia) ay walang anomang nasusulat o pahiwatig man, na kailangang sambahin at paglingkuran itong si Jesus bilang Dios, ni ang likhang larawan man niya’y walang nasasaad sa alin mang katunayang biblikal, na ito’y kailangang pag-ukulan ng gayong uri ng pagtatangi.

Sa talinghaga ng banal na kasulatan, ang mga lobo ay nagsisidating sa kaanyuan ng mga tupa, nang sa gayo’y malayang makalapit sa kawan upang sakmalin at lapain ang unang tupa na malalapit sa kaniya. Gayon nga rin si Satanas na nag-aanyong banal, upang sila na taglay ang musmos na kamalayan ay paglagakan siya ng lubos na pagtitiwala. Kaya sa sandali ng kaniyang pagdating ay sa larawang itinatak sa isip ng marami siya kikilalanin. Na ito ay walang iba, kundi ang anyo sa larawan na kung tawagin ay “DIVINE GRACE.”

Sa umano’y bago at maamong larawang ito na ipinatutungkol sa anyo ni Jesus (Divine Grace) ay maliwanag na may nagkukubling isang entidad ng kasamaan, na walang awa at nagdudumaling kumakaladkad sa kaluluwa ng sinoman sa apoy ng lumalagablab na impierno. Sapagka’t iniuutos niya sa lahat na siya at ang kaniyang larawan ay paglingkuran at sambahin, na kailan ma’y hindi naging bukang bibig ng sinomang kinilala ng Dios sa larangan ng tunay na kabanalan sa kalupaan. Tanging si Satanas nga lamang ang kaisaisang nagtatanyag na sambahin at paglingkuran ang kaniyang larawan, palibhasa'y siya ang kasuklamsuklam na ama ng idolatriya.

Kaya nga ang Ama nating nasa langit ay hindi kailan man nagkaloob ng anomang anyong materiya, dahil sa ayaw niyang siya’y gawan ng anomang larawan upang paglingkuran at sambahin ng mga hangal. Sapat na ang pagganap, pagsunod sa kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan, upang maipadama at maipaunawa sa kaniyang mga anak ang presensiya ng kaniyang kabuoan bilang maawain at mapag-arugang Ama ng lahat ng kaluluwa.

Sa pamamagitan nga lamang ng pagtalima sa mga nabanggit na natatanging katuwiran ng Ama nating nasa langit maipakikita ng lahat ang kaukulang pagsamba, at paglilingkod sa kaniya, bilang kaisaisang Dios na umiiral sa lahat ng kaluwalhatian.  Siya nga lamang ang kaisaisang karapatdapat sa pagsamba at paglilingkod, at bukod sa kaniya ay wala ng iba , gaya ng nasusulat.


ISA 44 :
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, at AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

22  Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

Ang sa ngayo'y panibagong anyo ng pagsamba kay Jesus na itinuturo ng simbahang Katoliko ay hindi kailan  man sinang-ayunan ng alin mang katiwatiwalang katunayang biblikal. Sa gayo'y maliwanag na ang bagong katuruang ito ay hindi maaaring ariin ng katotohanan, saan man at kailan man. 

Anomang bagay na pinamimitiwanan ng katotohanan ay ganap na lumalapat sa karumaldumal na kalagayan ng kasinungalingan. Gayon ma'y malugod itong inaangkin at tinatangkilik ni Satanas, na siyang kaisaisang Ama ng kasinungalingan

Ralated Topics:
1. Kautusan Laban sa Paganismo (Idolatriya at iba pa).
2. Paano Nalalabag ang Pangalawang Utos?
3. Paano Nauuwi sa Idolatriya ang Pagsamba sa Dios?





2 komento:

  1. Napakaliwanag po na ang pagdidiin sa kautusan ang pag kaunawa ko sa katatapos ko lang basahin at ang kautusan ang siyang namamagitan sa Dios at sa tao Ito ang ipinakita at isinabuhay ni Jesus ang kataas taasang kautusan ng dakilang AMA ang arketekto ng buhay.

    TumugonBurahin
  2. Ayan lumalabas na ang totoo. Para sa akin iisa lang ang Dios kaya iisa din ang kailangan sambahin ng tao. Maling turo ang maraming dios.

    TumugonBurahin