The Seven Spirits |
APO 5:
6 At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang CORDERO na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang PITONG ESPIRITU NG DIOS, NA SINUGO SA BOONG LUPA.
7 At siya’y lumapit, at kinuha ang AKLAT sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.
8 At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa’t isa’y may alpa, at ang mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
9 At sila’y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka’t ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa’t angkan, at wika, at bayan, at bansa.
The Seven Horns |
EZE 36 :
27 At AKING ILALAGAY ANG AKING ESPIRITU (Cordero) SA LOOB NINYO, at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN, at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.
Mula sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nakayahag sa itaas ay maliwanag na ang Cordero ay ganap na tumutukoy sa pitong (7) Espiritu ng Dios na isinugo niya sa buong kalupaan. Ayon pa rin sa mga nabanggit na talata ay inilalagay ng kaisaisang Dios ang kaniyang Espiritu (pitong Espiritu) sa loob ng mga taong ganap na lumalapat sa kalagayan ng mga tunay na banal.
Ayon dito ay napakaliwanag na sinasabing ang mga nabanggit na Espiritu ang kumakatawan sa kalagayan ng Cordero. Sa gayo’y maling sabihin na yao’y tumutukoy sa taong si Jesus, na isa lamang sa hindi kakaunting sisidlang hirang ng kabanalan (saro ng kabanalan) sa kalupaan.
Sa makatuwid baga’y yaong Espiritu ng katotohanan, Espiritu ng ilaw, Espiritu ng pag-ibig, Espiritu ng kapangyarihan (lakas), Espiritu ng paglikha (paggawa), Espiritu ng karunungan, at Espiritu ng buhay.
Kaugnay nito, kung inyong napansin ang lubhang mahalagang nilalaman nitong Eze 36:27 ay sinasabi, na sa sandaling ang Espiritu ng Dios ay mamahay sa sinoman ay alipin na nga lamang nito ang kaniyang kaluluwa at kabuoan.
Tulad nga niyaon ay mariing sinabi,
Holy Grail and the Seven Spirit of God |
DEUT 18 :
18 Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)
EXO 4 :
12 Ngayon nga’y yumaon ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.
JER 1 :
9 Nang magkagayo’y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, INILALAGAY KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.
EZE 2 :
1 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako’y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu ay sumaakin nang siya’y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
Gaya nga rin ng katotohanan na pinatotohanan mismo ng mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus, na sinasabi,
JUAN 5 :
Jesus |
30 HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
31 Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.
JUAN 14 :
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglubutan.
JUAN 12 :
49 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.
JUAN 7 :
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.
JUAN 14 :
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
JUAN 14 :
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at siya’y gagawin naming aming tahanan.
Alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na inilahad namin sa ilang nakaraang pahina ay mariin din naman naming sinasabi sa inyo ngayon, na ang pitong (7) Espiritu ng Dios ang tinutukoy ni Jesus na Espiritu ng Ama na namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan.
AntiChrist |
Sa makatuwid baga’y yaong sa tingin ng Amang nasa langit ay mga hangal at hibang, na ang nalalaman ay pilipitin ang matuwid ng Dios, at sa gayo’y sabihing matuwid ang mga bagay na sadyang sa simula pa ay may taglay ng kibal sa kanilang kabuoan.
Kung lilinawin ay pinaghihimagsikan ng mga hangal ang katuwiran ng mga salita ng kaisaisang Dios na nasa langit. Upang igiit nila na matuwid ang mga bagay na binalangkas gamit ang matatalas na kasinungalingan. Sila sa makatuwid ang malaking kalipunan ng mga tao sa daigdig na umaari ng ganap sa kalagayan ng mga anti-Cristo.
Nakakagulat ang rebelasyon sa sulat na ito. Okay sakin ang dating nito, at pakiramdam ko ay totoo, kasi suported ng scriptures.
TumugonBurahinHindi naging popular na usapan ang tungkol sa pitong Espiritu ng Dios. Kaya ang laman ng sulat na ito ay ikinagulat ko, dahil sa binulaga ako ng mga katunayang biblikal na ipinang-suporta sa topic. Tanggap ko sa aking sarili ang katotohanan na ipinakikita dito.
TumugonBurahinsino po ba yong 24 matatanda na nakapalibot sa Cordero
TumugonBurahinSa tanong, na kung sino ang 24 na matatanda na nakapalibot sa CORDERO (pitong Espiritu ng Dios) ay napakaliwanag na ipinakilala sa Apo 5:8-9, na sinasabi,
TumugonBurahinAPO 5 :
8 At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa’t isa’y may ALPA, at ang mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
9 At sila’y NANGAGAAWITAN ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka’t ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa’t angkan, at wika, at bayan, at bansa.
Sa Apocalipsis ni Juan (Apoc 5:8-9) ay maliwanag na tinukoy kung ano ang kalagayan at layunin ng 24 apat na matatanda. Samantalang kung ano ang pangalan ng bawa't isa sa kanila ay hindi nabanggit ni Juan. Kaya ito'y hindi namin maaaring masagot, palibhasa'y bumabatay lamang kami sa mga nasusulat sa biblia, at kung hinihingi ng pagkakataon ay bumabatay din naman kami sa historical fact. Unawain mo na lang mabuti ang katiwatiwalang katunayang biblikal na inilahad namin sa iyo, at sana sa uulitin ay magpakilala ka naman sa amin. Ang anonymous comment ay minsan lang namin ipa-publish at ang kasunod nito ay hindi na. Gayon ma'y malaya na mag-comment ang sinomang nagpapakilala sa amin, at gaya ng sa iba ay daraan pa rin ang lahat ng comment sa proseso ng moderation. Hanggang sa muli, paalam.