Sa kagsagsagan ng masigla at tila ba walang kapagurang pagsasagawa
nitong si Juan ng bautismo ng pagsisisi sa ilog Jordan ay
isang lalaki ang lumapit sa kaniyang harapan, at nagsabing siya’y bautismuhan
niya. Ang tao ngang ito ay walang iba kundi si Jesus ng Nazaret na anak ni Maria. Sa gayo’y nanaig ang ibig ng
lalaki at siya’y ginawaran niya ng bautismo,
at pag-ahon ng kaniyang ulo sa tubig ay nangyari,
MATEO 3 :
16 At nang mabautismuhan si Jesus,
pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita
niya ang ESPIRITU NG DIOS na bumababang tulad sa isang kalapati, at
lumalapag sa kaniya;
Ang nabanggit na Espiritu ng Dios ay gayon ngang lumukob,
namahay, at naghari sa kabuoan nitong si Jesus simula sa araw na iyon.
At gaya ng nasusulat ay nagsimulang isatinig ni Jesus ang salitang ng Espiritu
ng Dios na nasa kaniyang kalooban sa buong sangbahayan ni Israel, na
sinasabi,
MATEO 4 :
17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi
kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.
MATEO 9:
35 At nililibot ni Jesus ang lahat
ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral
ang evangelio ng kaharian,
at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman. (Mat 4:23)
Isang katotohanan na nararapat tindigan ng lahat, na si Jesus ay
patuloy na pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios sa
natatanging kapanahunang yaon. Kaya naman gaya ng nasusulat ay mariin niyang
sinalita ang mga sumusunod na katuwirang pangkabanalan.
JUAN 20 :
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong
hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa
aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG
AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
Maliwanag pa nga sa sikat ng araw na ang winika ng bibig ni Jesus
na Ama niya ay siya rin namang Ama nating nasa langit, at ang Dios
niya’y siya nga rin nating Dios. Kaya kung gayon ang umiiral na
katotohanan ay maliwanag din naman na ang lahat ng tao sa kalupaan ay anak
ng Dios, kabilang na itong si Jesus at hindi maaaring ikaila ninoman
na siya’y kapatid natin na totoo.
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas
na ninyo ang ANAK NG TAO, saka ninyo makikilala na ako
ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI
SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.
JUAN 12 :
49 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA
SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo,
ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO
ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG
SALITAIN.
Ito ngang si Jesus na isang anak ng tao na taong
totoo ay walang ginagawa, ni sinasalitang anuman sa kaniyang sarili.
Sapagka’t ang Espiritu ng Dios, o
yaong Espiritu Santo na namamahay at
naghahari sa kaniyang kabuoan ang siyang naguutos sa kaniya kung anong mga
salita ang kaniyang isasatinig.
Gaya ng
nasusulat,
JUAN
14 :
24 ANG HINDI UMIIBIG SA AKIN AY HINDI TUMUTUPAD
NG AKING MGA SALITA: at ANG SALITANG INYONG NARINIG AY HINDI AKIN, kundi sa Amang nagsugo sa
akin.
Ang salita nitong Espiritu ng Dios na nasa
kaniya ay ito, “ANG HINDI UMIIBIG SA
AKIN AY HINDI TUMUTUPAD NG AKING MGA SALITA:” Aniya’y hindi sa sarili niyang
pagmamatuwid ang mga salitang ito na nangagsilabas mula sa kaniyang bibig,
kundi sa Amang nagsugo sa kaniya.
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at
hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ANG MGA BAGAY NA SA KANIYA’Y AKING NARINIG, ANG MGA ITO ANG SINASALITA KO SA
SANGLUBUTAN.
JUAN 14 :
10 Hindi ka baga
nananampalataya na ako’y nasa ama, at ang ama ay nasa akin? ANG
MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI:
KUNDI ANG AMA NA TUMATAHAN SA AKIN AY GUMAGAWA NG KANIYANG MGA GAWA.
JUAN 7 :
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ANG TURO KO AY HINDI AKIN, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN.
Malinaw nga rin ang pahayag nitong si Jesus, na ang mga bagay na
kaniyang narinig sa Espiritu ng Dios na nasa kaniyang kalooban ay yaon
nga lamang ang isinasatinig niya sa sanglibutan. Gayon nga rin na ang turo, o
mga aral (evangelio ng kaharian) na isinasatinig niya sa mga anak ni Israel
ay hindi sa kaniya, kundi doon aniya sa Ama na nagsugo sa kaniya.
Dahil dito ay katotohanang nagtutumibay na si Jesus ay isang “saro
ng kabanalan,” o yaong tinatawag na “sisidlang hirang ng Dios,” (buhay
na templo ng Dios). Totoong tao sa likas niyang kalagayan, at kailan ma’y
hindi pumasok sa kalagayan ng Dios. Ano
pa’t hanggang ang Espiritu ng Dios ay sumasa kaniya’y hindi siya
makakagawa, ni makapagsasalita ng ayon sa sarili niyang pagmamatuwid.
Dahil dito, nang isatinig ng kaniyang bibig ang mga sumusunod na
salita,
MATEO 16 :
18 At
sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito
ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at
ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Mula sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na
katatapos lamang naming ilahad sa inyo.
Katotohanang katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat, na kailan ma’y hindi
nagtatag ng iglesia itong si Jesus. Hindi nga siya ang nagtayo nito,
kundi yaong Espiritu ng Dios na sa
natatanging kapanahunang yao’y namamahay at naghahari sa kabuoan ng kaniyang
pagkatao. Komunidad o bayan ng Dios ang binigyang eksistensiya
ng nabanggit na Espiritu sa panahong
yaon. Na kung lilinawin ay yaong kalipunan
ng mga anak ng pagsunod sa kalooban (kautusan) ng Ama nating nasa langit.
Masakit mang tanggapin ay kailangan naming bigyang diin sa mga sandaling ito, na ang Iglesia ni Cristo na sinimulan at
itinatag ni Saulo ng Tarsus (Pablo) ay
hindi inaari ng katotohanan. Ito’y dahil sa hindi maaaring ipangalan kay Jesus ang iglesia, dahil sa hindi naman
siya ang may kinalaman sa pagkakatayo nito, kundi ang Espiritu ng Dios na noo’y masiglang namamahay at naghahari sa
kaniyang kabuoan.
Ang matuwid na itawag sa
iglesiang tatag mismo nitong Espiritu ng
Dios ay “IGLESIA NG DIOS,”
Samantalang ang iglesia na tatag nitong si Pablo
ay hindi matuwid na tawaging “IGLESIA NI
CRISTO,” kundi IGLESIA NI PABLO,
palibhasa’y sariling tatag niya ang iglesiang nabanggit.
PAULINIANO sa makatuwid ang
nararapat na itawag sa marami na may paninindigan sa katuruan (evengelio ng di pagtutuli) na pinaiiral ng taong ito sa
kaniyang likhang relihiyon. CRISTIANO kung gayon ang maliwanag
na maaaring itawag sa mga tao na nananatili sa mga katuruan (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa
bibig ni Jesus. Palibhasa, ang EVANGELIO NG DI PAGTUTULI nitong si Pablo ay hindi kailan man sinang-ayunan
ang hindi kakaunting aral pangkabanalan na nilalaman ng EVANGELIO NG KAHARIAN nitong si Jesus.
Katotohanan pa rin na ang
sinomang nagsasabing siya’y isang Cristiano,
datapuwa’t hindi tumutupad ng mga aral
(evangelo ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus; Ang tao ngang ito ay
maipasisiyang isang sinungaling na totoo. Siya nama’y isang anti-Cristo, kung
ang ginaganap niyang aral pangkabanalan ay may paghihimagsik sa mga salita ng Dios (evangelio ng kaharian) na
isinatinig ng bibig ni Jesus. Kaugnay nito ay may nakahanda ng ngang mga katiwatiwalang
katunayang biblikal, na masigla naming ilalahad tungkol sa usaping
kinakaharap namin mula sa nilalaman ng istansang ito.
Ngayon nga’y huwag naman
kaming paratangan, na mga taong nabibilang sa mga bumbaluktot at pumipilipit ng
katotohanan. Ang mga inilahad naming katiwatiwalang
katunayang biblikal sa usaping ito ay mga patotoo na mismo ay nangagsilabas
mula sa bibig nitong si Jesus, at isa
man sa mga yao’y walang napilipit, ni bumaluktot man mula sa aming paglalahad.
Ano pa’t kung lalalawakan lamang ng sinoman ang kaniyang pang-unawa ay hindi mahirap makita, na katotohanan nga ang mga bagay na tinanglawan namin ng
ilaw hinggil sa usaping ito.
Napakaliwanag naman ang pagbanggit po ninyo ng katiwatiwalang katunayang biblikal ay kahustuhan na sa mga gaya naming sumusubaybay sa blog na ito.
TumugonBurahinAyun, lumitaw na nga ang totoo. Sabi ko na eh, duda ako sa aral ng pari tungkol dito. Kaya pala kapag napaguusapan ito ay parang mabigat sa kalooban ko na tanggapin. Yun pala'y mali ang turo ng simbahan, at dios talaga ang nagtayo ng iglesia, at maling sabihing si jesus. Bakit hindi ko paniniwalaan ang nabasa ko ngayon, eh si jesus na ang nagsabi nito. ano ang say nyo.
TumugonBurahin