Martes, Nobyembre 22, 2011

PADRON NG KATOTOHANAN (2 of 2)


Maliwanag pa nga sa sikat ng araw na inayunan ng sariling bibig ni Jesus ang paglangkap, o paglukob nitong Espiritu ng Dios sa mga totoong banal. Sapagka’t katotohanan na ang kaniyang kabuoan sa natatangi niyang kapanahunan ay gayon din naman na pinamahayan at pinagharian ng nabanggit na Espiritu.

Hinggil sa pangatlong (3) padron na ito’y mapapag-unawa ng sinoman, na ang Espiritu ng Dios ang siyang gumawa at nagsasalita, kapag siya’y namamahay at naghahari sa kabuoan ng isang totoong banal. Sukat upang mapag-alaman ng lubos, na ang mga sumusunod na salita ay hindi mula sa sariling pagmamatuwid ni Jesus, kundi ang lahat ng yao’y mga salita nitong Espiritu ng Dios na isinatinig lamang ng kaniyang bibig. Na sinasabi,

 MATEO 16 :
18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Mateo 28 :
18  At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.

19  Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Juan 10 :
30  Ako at ang Ama ay iisa.

JUAN 14 :
6  Sinabi sa kanila ni Jesus, AKO ANG DAAN, at ang KATOTOHANAN, at ang BUHAY; SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.

Juan 11:
25  Sinabi sa kaniya ni Jesus, AKO ANG PAGKABUHAY NA MAGULI, AT ANG KABUHAYAN: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya;

JUAN 15 :
5 AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA;  Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.

JUAN 15 :
20  Kung tinutupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.

Juan 17 :
24  ...Ako’y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.

JUAN 10 :
Ako ang PINTUAN; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.

JUAN 10 :
14  Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako.

MATEO 24 :
35  Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ANG AKING MGA SALITA AY HINDI LILIPAS.


Katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat na maluwag sa kanilang kalooban, na ang lahat ng inilahad naming mga tanyag na salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus ay hindi niya sinalita sa kaniyang sariling pagmamatuwid, kundi ang lahat ng yao’y salita nitong Espiritu ng Dios na sa kapanahunang yao’y masiglang namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan.

Sa mariing pagpapatotoo ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ay katotohanang HINDI SI JESUS,

    1.      Ang nagtayo ng iglesia.
    2.      Ang binigyan ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa.
    3.      Ang nag-utos na bautsimuhan ang lahat ng mga bansa sa ngalan ng Ama,ng Anak at ng Espiritu Santo.
    4.      Ang sasakalooban ng mga tunay na apostol, hanggang sa katapusan ng mga kapanahunan.
    5.      Ang nagsalita na, “AKO AT ANG AMA AY IISA.”
   6.   Ang nagsalita na,, “AKO ANG DAAN, at ang KATOTOHANAN, at ang BUHAY; SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.”
    7.      Ang nagsalita na, “AKO ANG PAGKABUHAY NA MAGULI, AT ANG KABUHAYAN:”
    8.      Ang nagsalita na, “AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA;”
   9.      Ang nagsalita na, “  Kung tinutupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.”
   10.  Ang nagsalita na, “Ako’y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.”
   11.  Ang nagsalita na, “HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.”
   12.  Ang nagsalita na, “Ako ang PINTUAN.”
   13.  Ang nagsalita na, “Ako ang mabuting pastor;”
   14.  Ang nagsalita na, “ANG AKING MGA SALITA AY HINDI LILIPAS.”

Ang tinig nga ay katotohanang kay Jesus, datapuwa’t ang salita na lumabas mula sa kaniyang bibig ay hindi sa kaniya, kundi ang mga salita sa labing-apat (14) na bilang na mababasa sa itaas ay pawang sa Espiritu ng Dios, na sa kapanahunang yao’y kasalukuyang namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan.

Sa pangatlong (3) padron na ito’y maliwan na mauunawaan, na itong si Jesus gaya ng mga totoong banal (propeta) na nabuhay sa kalupaan sa iba’t ibang kapanahunan ay pinamahayan at pinagharian nitong Espiritu ng Dios. Ang sinoman sa makatuwid na kasusumpungan ng kasiglahan at kasipagan sa larangan ng tunay na kabanalan ay ginagawang kasangkapan ng banal na Espiritu sa ikagaganap ng dakila Niyang layunin sa mga panahon na Kaniyang pinagdadaanan.

Sa pang-apat na padron ay kilalanin naman natin, kung sino ang tinatawag na bato, ang manunubos ng sala, at ang tagapagligtas ng kaluluwa. Gaya ng nasusulat ay ganito ang katotohanang mababasa,


Ang kaisaisang Bato

DEUT 32 :
3 Sapagka’t aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios
4 Siya ang BATO, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang DIOS na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.

AWIT 18 :
2 Ang Panginoon ay aking MALAKING BATO, at aking KUTA, at aking TAGAPAGLIGTAS; Aking DIOS, aking MALAKING BATO na sa kaniya’y MANGANGANLONG AKO; Aking KALASAG, at siyang SUNGAY ng aking KALIGTASAN, aking MATAYOG NA MOOG.

AWIT 18 :
31  Sapagka’t sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang MALAKING BATO maliban sa ating Dios?


Ang kaisaisang manunubos
ISA 43 :
14  Ganito ang sabi ng Panginoon (YHVH), na inyong MANUNUBOS, na Banal ng Israel,…

ISA 44 :
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng HARI NG ISRAEL, at ng kaniyang MANUNUBOS na Panginoon (YHVH) ng mga hukbo. AKO ANG UNA, at AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

ISA 44 :
24  Ganito ang sabi ng Panginoon (YHVH), ng iyong MANUNUBOS, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata,…

ISA 48 :
17  Ganito ang sabi ng Panginoon (YHVH), ng iyong MANUNUBOS, ng Banal ng Israel, AKO ang Panginoon mong DIOS, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.


Ang kaisaisang Tagapagligtas

ISA 49 :
25  At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman: at sila’y mangalalango ng kanilang sariling dugo, na gaya ng matamis na alak: at makikilala ng lahat ng tao, na akong Panginoon ay iyong TAGAPAGLIGTAS, at iyong MANUNUBOS, na makapangyarihan ng jacob.

JUDAS 1 :
17 SA IISANG DIOS NA ATING TAGAPAGLIGTAS, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay suma kaniya nawa ang kaluwalhatian, ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man, siya nawa.

Katotohanang hindi maaaring itanggi ninoman, na ang kaisaisang Dios na nasa langit ang siyang tumutukoy sa BATO, ang KAISAISANG MANUNUBOS NG SALA, at KAISAISANG TAGAPAGLIGTAS NG KALULUWA, at maliban nga sa kaniya’y wala ng iba.

Sa apat (4) na padron ng katotohanan na aming tinanglawan ng ilaw ay sapat upang supilin at pasinungalingan ang kasalukuyang imiiral na likhang doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) ng mga kasuklamsuklam na Gentil.

Ano pa’t kung katotohanan ang inyong hanap ay matuwid lamang na isabuhay ang mga padron nito. Ito’y upang matamo ang kaukulang kaganapan na kinahantungan ng mga naunang nagsipagtagumpay (banal) sa larangan ng tunay na kabanalan.

Hindi sa artikulong ito nagtatapos ang usapin na tumutukoy sa katotohanan. Ilang nga lamang sa hindi kakaunting padron nito ang inilahad namin, gayon ma’y magbubunga ng lubhang matatag na paninindigan sa sinomang magsasabuhay ng apat (4) na padrong binigyan namin ng kaukulang pansin.

BALIKAN ANG PART 1 OF 2 (Click here)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento