Sa
1 Cor 16:9
ay may pagmamapuring inihayag ni Pablo na siya’y nakasumpong ng pintuang
malaki, na nabuksan sa kaniya at yao’y pakikinabangan niya, dangan nga lamang
doon aniya ay marami ang kaaway. Kung lilinawin ay ang malaking
pintuan ng pananampalataya kay Jesucristo na walang gawa ng kautusan
ang tinitukoy ng taong ito.
Ano
pa’t kung noong una’y may tungkulin ang lahat na gumanap sa mga kautusan
ng pagibig. Dahil sa maluwang na pintuang yao’y hindi na kailangan pang
gumanap ang sinoman sa mga nabanggit na kautusan, kundi imbis na gayon
ay pananampalataya na nga lamang kay Jesus
ang gagawin ng mga tao.
Alinsunod sa evangelio ng di pagutuli
na isinusulong ni Pablo ay malaki at maluwang na pintuan ang
kailangang pasukin ng mga Gentil. Samantalang sa evangelio ng
kaharian na nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesucristo ay
sa makipot na pintuan ang lahat ay nararapat na pumasok.
Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.
Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.
Evagelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
27 ..., at kung
paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng
pananampalataya.
1 Cor 16 :
9 Sapagka’t
sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway.
evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesuscristo)
13 Kayo’y magsipasok sa
makipot na pintuan:
sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami
ang doo’y nagsisipasok.
14 Sapagka’t
makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.
Kung nais ninoman na pumasok sa buhay ay pasukin nga ani Jesucristo ang makipot na pintuan, na kung lilinawin ay gaya ng mga sumusunod,
36 Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa
KAUTUSAN?
37 At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG
PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG
BOONG PAGIISIP MO.
38 Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.
39 At ang PANGALAWANG
KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI.
40 SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG
KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa
kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang
mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko
na ANG
KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa
akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)
Sa
gayo’y napakaliwanag na ang makipot na pintuan ay yaong mga kautusan ng
pagibig, at yaong kautusan ng pagibig ay ang makipot na pintuan. Sa makatuwid baga'y ang evangelio ng kaharian, na siyang mga aral na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus. Dito ay hindi maikakaila na kaunti nga lamang ang nagsisipasok, na kung
lilinawin pa’y iilan nga lamang ang gumaganap sa mga kautusan ng pagibig
na kalakip ang kanilang pananampalataya sa Dios, at makatarungang pagkaawa sa kanilang kapuwa.
Datapuwa’t
ang maluwang at malaking pintuan ay ang pananampalataya
kay Jesus na hiwalay sa mga gawa ng kautusan ng pagibig, gaya ng
sumusunod na mga pilipit na pangangatuwiran.
16 Bagama’t naaalaman na ang
tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na
sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay
nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa
pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG
AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI
AARIING GANAP ANG SINOMANG LAMAN.
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan
ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN
AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang
tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG
KAUTUSAN.
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit;
datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
Ano
nga? Sila na nagsisipasok sa maluwang na pintuan ay maliwanag na nagsisitakuwil
sa mga kautusan ng pagibig ng ating Ama na nasa langit.
Kaya’t kung kami kayo’y ilalagak namin ang aming tiwala sa mga salita ng
kabanalan na nangagsilabs mula sa bibig ni Jesucristo, at isasawala
ang anomang salita na sa mga yaon ay hihidwa.
Sa
gayo’y napapakinabangan ng mga tampalasan ang maluwang na pintuan
sa maraming makalupang bagay, gaya ng sa
kayamanan, katanyagan, at kapangyarihan.
Sapagka’t lahat ng nagsisipasok sa nabanggit na pintuan ay pinapaging hangal
at hibang ng boong nilalaman nitong evangelio ng di pagutuli, na
doktrinang pangrelihiyong kailan ma’y hindi sinangayunan ng katotohanan.
Sa makatuwid baga’y ang balumbon ng mga likhang aral at tradisyon (kaugalian), na idinisenyo at hinabi mula sa mga pinaglubidlubid na kasinungalingan ng taong si Pablo. Gayon ma’y mariin itong tinutulan ng katuwirang naghahari sa kalooban ng kapatid nating Santiago, na sinasabi,
Sa makatuwid baga’y ang balumbon ng mga likhang aral at tradisyon (kaugalian), na idinisenyo at hinabi mula sa mga pinaglubidlubid na kasinungalingan ng taong si Pablo. Gayon ma’y mariin itong tinutulan ng katuwirang naghahari sa kalooban ng kapatid nating Santiago, na sinasabi,
14 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung
sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA, nguni’t WALANG MGA GAWA? makapagliligtas baga sa kaniya
ang pananampalatayang iyan?
17 Gayon din naman ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA
GAWA, ay patay sa kaniyang sarili.
18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong
PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong mga GAWA: ipakita mo sa akin ang
iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kautusan), at ako sa pamamagitan
ng aking mga GAWA ay ipakita sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.
20 Datapuwa’t ibig mo bagang maalaman, Oh TAONG
WALANG KABULUHAN, na ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY BAOG?
22 Nakikita mo na ang PANANAMPALATAYA AY GUMAGAWANG
KALAKIP ANG KANIYANG MGA GAWA, at sa pamamagitan ng mga GAWA, ay nagiging
SAKDAL ANG PANANAMPALATAYA.
24 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga GAWA’Y
INAARING GANAP ANG MGA TAO, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya LAMANG.
26 Sapagka’t kung paanong ang katawan na walang
espiritu ay patay, ay gayon din ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY
PATAY.
Napakaliwanag ang katuwiran na binibigyang diin nitong si Santiago, na siya namang katotohanan na
nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.
Ang sinoman nga sa madaling salita ay mabubuhay sa pananampalataya alinsunod sa mga gawa ng kautusan, at yaon ang buhay at malakas na uri ng pananampalataya na
nararapat isabuhay ng sinoman sa kalupaan.
May tatlong (3) mahahalagang bagay ang kautusan at tungkol dito ay
winika ni Jesus,
23 At
inyong pinababayaang di ginagawa ang LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN,
Na dili iba’t ang Katarungan, at ang Pagkahabag, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t
dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong
iba.
Ang KATARUNGAN,
ang PAGKAHABAG, at ang PANANAMPALATAYA ay napakaliwanag na tatlong (3) mahahalagang bagay ng kautusan.
Sa kabuoan (kautusan) ngang ito ay
taglay ang tatlong (3) nabanggit
na bahagi, na kailan ma’y hindi maaaring
papaghiwalayin sa isa’t isa.
Ang kamay ay isang bahagi na nakasugpong sa
katawan, at ito’y walang maituturing na kasarinlan. Kaya kapag ito’y pinutol sa
kabuoan ng katawan ay wala ngang kakayahang mabuhay sa kaniyang sarili. Nasa
kabuoan nga ang buhay at dahil doo’y mamamatay ang anomang bahagi na mahihiwalay
sa kaniya.
Gayon nga rin ang pananampalataya na isa sa mahahalagang bahagi o bagay na umaasa ng
buhay sa kabuoan (kautusan) niyang
kinabibilangan. Ano pa’t kung ang pananampalataya ay ihihiwalay sa kautusan ay patay nga itong maituturing.
Sa madaling salita ay patay ang pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
Magkagayon ma’y itinuturo nitong evangelio ng di pagtutuli, na ang pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng
kautusan ang siyang malaking pintuan,
na kung saan ay nagsisipasok ang mga Cristiano
ni Pablo (Paulinian).
Ang taong ito kung gayo’y tama sa kaniyang sinasabi na sa larangang ito’y marami ang kaaway, sapagka’t mahirap bilangin sila na noon at hanggang sa ngayon ay gaya ng mga mababangis na hayop sa parang na nagsasakmalan sa isa’ isa araw at gabi.
Ang taong ito kung gayo’y tama sa kaniyang sinasabi na sa larangang ito’y marami ang kaaway, sapagka’t mahirap bilangin sila na noon at hanggang sa ngayon ay gaya ng mga mababangis na hayop sa parang na nagsasakmalan sa isa’ isa araw at gabi.
Isa nga
lamang ang usaping ito sa hindi kakaunting aral sa evangelio ng di pagtutuli nitong si Pablo, na masusumpungang lubos ang paghihimagsik sa mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo
ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.
Ano pa’t katotohanan na nararapat isa-isip at isapuso ninoman, na ang pintuang maluwang at malapad na daan tungo
sa kapahamakan ng kaluluwa ay walang iba, kundi ang evangelio ng di pagtutuli. Sapagka’t ang laman na mga aral nito ay
kabaligtaran sa mga salita ng kabanalan na masusumpungan sa evangelio ng kaharian, na ito'y wala rin namang iba, kundi ang pintuang makipot.
Napakarami ang nalinlang nitong evangelio ni Pablo.Sino ang mag aakala na ito pala may pag hihimagsik mismo na lumabas sa bibig ng cristo walang pinag iba sa makakaliwa oposisyon .Gaya ng organisasyong pang militar.tiwala ka dahil ito ay kabaro mo yun pala ito ay ispiya panig sa makakaliwang grupo yan ang pagkatao ni Pablo akala mo kakampi mo yun pala kaaway mo mistulang pag mamatuwid sa kautusan sa pag sasabing pananampalataya na lang wala na sa ilalim ng kautusan.
TumugonBurahin