Sa nilalamang katuruan nitong evangelio ng kaharian ay binibigyang diin, na sa kalooban ni Jesus ay may namahay at nagharing Espiritu ng Dios. Sa gayo’y ang Espiritung yaon ang nag-uutos, kung ano ang mga salitang marapat wikain ni Jesus sa mga kinauukulan sa kapanahunang yaon, gaya ng nasusulat.
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.
JUAN 12 :
49 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.
JUAN 5 :
30 HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
31 Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.
JUAN 7 :
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.
Narito, at gayon ngang hindi maitatanggi ninoman na ang lahat ng mga sitas na inilahad namin sa itaas ay napakaliwanag na mula mismo sa bibig ni Jesucristo. Kaya naman ang mga salitang yao’y nararapat at matuwid na tindigan ng lahat bilang isang katuruan na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan.
Ito ngang si Jesus bilang isang sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo ng Dios) sa kapanahunang yao’y pinamamahayan at pinaghaharian ng nabanggit na Espiritu. Dahil dito ay gaya niya ang isang alipin na naghihintay lamang ng anomang utos mula sa kanikilala niyang panginoon. Tungkol dito ay mariin ang kaniyang mga salita, na siya’y walang ginagawa, ni sinasalita man mula sa sarili niyang pagmamatuwid. Sapagka’t ang mga ginagawa at sinasalita niya’y mula sa utos nitong Espiritu ng Dios na nasa kaniyang kalooban. Kaya nga napakaliwanag na ang mga banal na katuruang iniluwal ng sarili niyang bibig ay tunay na hindi sa kaniya, kundi doon sa Espiritu ng Dios na nabanggit.
Ayon sa salita ng Espiritu ng Dios na na kay Jesus ay muling bumuka ang sarili niyang bibig at nagwika sa labingdalawang (12) apostol, na sinasabi,
9 Ako ang PINTUAN; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.
JUAN 10 :
7 Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.
Maliwanag pa nga sa tirik na araw ang bagay na pinatototohanan ng nabanggit na Espiritu sa kalooban ni Jesus. Na Siya (Epiritu ng Dios) ang kaisaisang pintuan ng mga tupa (anak ng pagsunod). Gayon ma’y hindi kailan man winika na ang nabanggit na Espiritu ay pintuan ng mga kambing (anak ng pagsuway). Dahil dito ay tupa nga lamang ang pinahihintulutang pumasok sa pintuan, at sila ay pinamamahayan din naman Niya (Espiritu ng Dios) sa kanikanilang kalooban.
Gaya ng katotohanang nasusulat,
JUAN 20 :
21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: KUNG PAANONG PAGKASUGO SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN NAMAN SINUSUGO KO KAYO.
22 At nang masabi niya ito, sila’y HININGAHAN niya, at sa kanila’y sinabi, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO. (Apoc 5 :6)
MATEO 28 :
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.
Ngayon nga’y sinikatan ng liwanag ang dati ay malabong usaping ito, at napag-unawa na ang Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) ay namahay sa bawa’t kalooban at kabuoan ng labingdalawang (12) apostol. Sukat upang tiyakin na ang bawa’t isa sa mga nabanggit na (12) apostol ay kumakatawan sa labingdalawang (12) pintuan ng langit.
Ang Espiritu ng Dios sa makatuwid ay mamamahay at maghahari sa kalooban ng labingdalawang (12) apostol hanggang sa katapusan ng mga panahon (ages). Ito’y sa pamamagitan ng tinatawag na apostolic succession kada henerasyong biblikal, gaya ng halinhan si Judas ni Matias sa kaniyang luklukan. Sila ang mananatiling mga pintuan ng langit, at liban sa kanila ay wala na ngang iba pa na maaaring tawaging gayon, sapagka’t tanging ang bilang lamang na labingdalawa (12) ang eksaktong bilang ng mga pintuang masusumpungan sa kaluwalhatian ng langit. (Apoc 21:12)
Lalagi sa kalupaan ang labingdalawang (12) apostol hanggang sa katapusan ng mga panahon (ages). Na ang ibig sabihin ay may gayong bilang ng mga apostol na tuwina'y nagsisibangon sa bawa't henerasyong biblikal na binubuo ng apatnapung (40) taon. Ang kalakarang iyan ay patuloy na umiiral sa pamamagitan ng tinatawag na "apostolic succession." Kung lilinawin pa'y may lakip na labingdalawang (12) apostol ang bawa't apatnapung (40) taon na dumarating at lumilipas. Na ang kalakarang iyan ay patuloy na iiral hanggan sa katapusan ng mga panahon (ages).
Lalagi sa kalupaan ang labingdalawang (12) apostol hanggang sa katapusan ng mga panahon (ages). Na ang ibig sabihin ay may gayong bilang ng mga apostol na tuwina'y nagsisibangon sa bawa't henerasyong biblikal na binubuo ng apatnapung (40) taon. Ang kalakarang iyan ay patuloy na umiiral sa pamamagitan ng tinatawag na "apostolic succession." Kung lilinawin pa'y may lakip na labingdalawang (12) apostol ang bawa't apatnapung (40) taon na dumarating at lumilipas. Na ang kalakarang iyan ay patuloy na iiral hanggan sa katapusan ng mga panahon (ages).
Dahil sa katotohanang ito’y walang alinlangan, na isang nuno ng sinungaling at magdaraya ang sinomang magsasabing siya’y isang apostol ni Jesucristo. Lalo na’t ang itinatanyag niyang aral ay mga katuruan (evangelio ng di pagtutuli) na laban, o may paghihimagsik sa mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa sariling bibig nitong si Jesus.
Patuloy nawang tamuhin ng bawa't isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Patuloy nawang tamuhin ng bawa't isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Ayon po sa aking pagkakaintndi sa apat na bahagi ng mundo north east west at south ay may tig tatatlo kinatawan pintuan ng langit. Ito po ba?ang binanggit ninyong apotolic succession?Salamat po Yohvshva bar Yusuf.
TumugonBurahinNapaka bago sa akin ng info na ito, and it seems true to me. Agree ako, kasi supported ng scriptures.
TumugonBurahin