(Pagsamba sa mga larawang inanyuan ng mga kamay, at karumaldumal na tinatangkilik ng marami dahil sa kawalan nila ng malay sa larangan ng tunay na kabanalan)
Sa kabila ng mga kautusan hinggil dito ay gayon pa ring nananatili ang marami sa pagsamba sa mga larawang inanyuan ng mga kamay ng tao. Palibhasa ang gayong karumaldumal na gawain sa paningin ng kaisaisang Dios ay inari na ng tradisyon nitong iba’t ibang kultura ng mga tao sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Nakagisnan ang kalakarang ito ng lubhang malaking bilang ng mga tao at sa kaisipan nila ay katotohanan na nga itong maituturing. Kaya naman gaya sila ng mga alipin na mahigpit na nagagapos ng tanikala, at tila ba imposible na ang sinoman ay matakasan pa ang gayong kaawa-awang kalagayan.
Datapuwa’t kung uunawain nga lamang na mabuti ang kautusan ng kaisaisang Dios hinggil dito ay makikitang hindi mahirap kumawala sa mahigpit na pagkakagapos nitong pagsamba sa mga larawan ng mga diosdiosan na inanyuan ng mga kamay ng tao.
Gaya ng mababasa sa ibaba ay mahigpit ngang tinututulan ng kaisaisang Dios ang karumaldumal na gawaing yaon ng mga anak ng pagsuway (kambing).
DUET 5 :
7 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko.
8 HUWAG KANG GAGAWA PARA SA IYO NG LARAWANG INANYUAN O NG KAWANGIS MAN NG ANOMANG ANYONG NASA ITAAS NG LANGIT, O NG NASA IBABA NG LUPA, O NG NASA TUBIG SA ILALIM NG LUPA.
9 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran sila, sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin.
10 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Ano pa’t sa iba’t ibang kapanahunang nakaraan ay hindi nagsawa ang kaisaisang Dios na magpadala ng mga propeta, sa layuning sawayin ang mga tao sa karumaldumal na pagsambang yaon sa mga rebulto at larawan ng mga diosdiosan.
Hinggil dito ay ayon sa mga sumusunod ang mababasa,
23 Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.
Hab 2:
18 Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao’y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na TAGAPAGTURO NG MGA KASINUNGALINGAN, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?
19 Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.
Jer 2 :
27 Na nangagsasabi sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka’t kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha; nguni’t sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami,
27 Nguni’t saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila’y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka’t ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.
Jer 10 :
3 Sapagka’t ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan; sapagka’t may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol.
4 Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos.
5 Sila’y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka’t hindi makalakad. HUWAG NINYONG KATAKUTAN ANG MGA YAON, sapagka’t hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.
Kaugalian (tradisyon) na ngang maituturing ang pagsamba ng marami sa gayong karumaldumal na mga bagay. Walang ipinagka-iba kung paano ginagayakan ng mga kasapi nitong relihiyong Romano ang mga sinasamba nilang rebulto ng mga diosdiosan. Sa kabila noo’y mariing tinututulan nitong katuwirang biblikal ang gayong uri ng kasamaan. Sapagka’t ang mga yao’y walang magagawang buti sa sinoman, palibhasa’y mga walang kabuluhan at inutil sa banal na kalagayang inilalapat sa kanila ng mga hangal. Dahil dito ay katotohanan ngang hindi nararapat katakutan ang rebulto ng mga diosdiosan, na ni alikabok sa kanilang katawan ay hindi nila kayang pagpagin.
4 ANG KANILANG MGA DIOSDIOSAN AY PILAK at GINTO, Yari ng mga kamay ng mga tao.
5 Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; Mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;
6 Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig, Mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi nangakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakakatangan; Mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakalakad; Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8 ANG NAGSISIGAWA SA KANILA AY MAGIGING GAYA NILA; OO, BAWA’T TUMITIWALA SA KANILA.
deut 29 :
17 At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal, at ang kanilang mga IDOLO, na kahoy at bato, pilak at ginto na nasa gitna nila:
JER 10 :
9 May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; AZUL at KULAY UBE ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.
Sinasabing ang nagsisigawa ng mga diosdiosang larawan ay magagaya sa kanila na mga bulag, pipi, at bingi palibhasa’y mga walang hininga, at gayon din naman na mawawalan ng hininga silang nagsisisamba sa mga walang kabuluhang larawan ng mga diosdiosan na gawa ng kamay ng mga tao.
Pinanday man sila ng mga dalubhasa mula sa pinakamahal na kahoy, metal, at bato. Nasusuotan man sila ng azul at kulay ube na mga primera klaseng kayo (tela), at nagagayakan man ng mamahaling palamuti ay wala pa rin itong kabuluhan, palibhasa’y larawang inanyuan lamang. Bagaman may bibig, tainga, ilong, kamay, paa ay hindi kailan man nagamit sa natatanging layunin ng mga yaon. Sapagka’t sila’y walang buhay na taglay, at gaya lamang ng taong binawian ng buhay na kailan ma’y hindi na maaaring gumalaw sa kaniyang sarili.
Eze 20 :
16 Sapagka’t kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan, at NILAPASTANGAN ANG AKING MGA SABBATH: sapagka’t ang kanilang puso ay nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan.
Ang mga tao ngang nagsisigawa ng mga gayong karumaldumal na bagay ay napakaliwanag na nagsitakuwil sa kahatulan at mga palatuntunan, at yao’y maliwanag na tanda ng paglabag at paghihimagsik ng sinoman sa kautusan. Gayon nga rin na walang anomang nilapastangan ng mga tampalasan ang kabanalbanalang araw ng Sabbath. Sapagka’t ang Sabbath, o ang lingguhang pamamahinga ay pumapatak sa ika-pitong araw (Sabado) ng sanglinggo, at bilang paglapastangan ng mga masasamang tao sa araw na nabanggit ay niwalan ito ng kabuluhan at sila’y nagtalaga ng ibang araw at yao’y itinaon nila sa unang araw (Linggo) ng sanglinggo.
Naging isang kaugalian na ng lubhang maraming bilang ng mga tao sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo ang gayon. Bagay na kailan ma’y hindi naging kalugodlugod sa paningin ng kaisaisang Dios na nasa langit. Ano pa’t hayag sa ating lahat na pagdating sa usaping ito’y mabibilang lamang sa inyong mga daliri ang ganap na nagpapahalaga sa kabanalang taglay ng nabanggit na araw ng Sabado. Sa madaling salita ay Linggo at hindi Sabado ang kinikilalang araw ng halos hindi mabilang na denominasyon ng Cristiano ni Pablo. Sa gayo’y nilalapastangan ng marami ang araw (Sabado) na kumakatawan sa Sabbath, at yao’y karumaldumal na gawa ng mga tampalasan upang ang kaisaisang Dios ay mungkahiin nila sa galit.
3 Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakikilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man.
4 Gayon ma’y sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan.
5 Nguni’t hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios.
Libolibong taon na nga ang nakakaraan nang sabihin ng kaisaisang Dios ang mga salitang nasasaad sa itaas sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga propeta sa iba’t ibang kapanahunan. Nguni’t Siya’y hindi nila pinakinggan at hanggang sa umabot na nga sa panahon nating ito’y patuloy pa ring ginagawa ang gayon ng marami, at yao’y sukat upang ang Dios ay manatili sa kagalitan niyang nadarama sa kanila.
Ano nga? Sa lubhang napakalayong panahong nagsilipas ay maituturing na ang pangkalahatang kamalayan ng mga tao noon ay nabibilang sa pinakamababang antas. Na kung liliwanagin ay gaya lamang ng isang musmos na napakalaki ang kakulangan ng kaisipan upang umunawa ng mga payak na bagay sa kaniyang paligid. Sila nga ang mga tao na hindi kailan man inunawa ang kapayakan ng mga bagay ng Dios. Palibhasa’y mayroon silang mga nilikhang higit na magaling na paraan sa pagpapatakbo ng kanikanilang buhay.
Ang nakakalungkot dito ay maliwanag na ang lubhang malaking kakulangan ng marami noong una sa kanilang pang-unawa ay nanatili sa gayong kaawa-awang kalagayan. Sapagka’t kung papaano sila noon sumasamba sa mga diosdiosang gawa ng mga kamay ng mga tao ay masahol pa sila sa ngayon. Sapagka’t natutunan nila na hindi lamang sa mga materiyal na bagay nararapat pandayin ang larawan ng mga diosdiosan, kundi pati na rin sa loob ng kanikanilang kasipan. Sa gayo’y nai-ukit nila ng pagkalinawlinaw sa kanilang isipan ang larawan ng mga nabanggit na diosdiosan.
Ang nangyari kung susumahin ay hindi naging pasulong, na tanda ng pag-unlad ang ginawang pagpupunyagi ng mga Cristiano ni Pablo, kundi paatras na siyang tanda ng pagkalugi upang ang lahat ay mauwi sa wala. Ano pa’t kung sinasabing nagsi-unlad ang pangkalahatang kamalayan ng marami, disin sana’y kay tagal na nilang naunawaan, na ang idolatriya ay hindi kailan man sinang-ayunan ng kaisaisang Dios. Sana’y kay laon ng natigil ang gawang pagsamba sa mga diosdiosan, at naunawaan na nga ng lubos ang kapayakan ng mga bagay ng Dios. Sukat upang masigla at may galak sa pusong tumalima sa kautusan, na masunod lamang ng mga tao ay sadyang pinagaan ng Ama (kaisaisang Dios) nating nasa langit..
Jer 8 :
19 Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba?
Sana, kung sinasabing umunlad na nga ang pangkalahatang kamalayan na may kinalaman sa larangan ng tunay na kabanalan ay naunawaan na ng marami, na ikinagagalit ng Dios ang pagsamba sa larawan ng mga diosdiosan. Mana pa’y maging masigla sa pagtalima nitong mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng ating Ama na nasa langit. Kaya masakit ma’y nararapat tanggapin ng lahat, na walang anomang iniunlad ang pangkalahatang kamalayan ng mga tao sa kalupaan. Gayon ma’y katotohanang may ilan na nagsipagtagumpay na mapag-unawa ng lubos ang mga payak na bagay ng Dios, at sa munti nilang bilang ay maitutruring nyo kayang kasama ang inyong sarili sa kanila?
Eze 6 :
4 At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga LARAWANG ARAW AY MABABASAG; at AKING IBUBULAGTA ANG INYONG MGA PATAY NA TAO SA HARAP NG INYONG DIOSDIOSAN.
The coffin containing the remains of Copernicus is placed in front of the alter. |
Hindi rin lingid sa lahat na ang patay na kasapi (parokiyano) ng simbahan ay ibinuburol sa may malapit sa altar, (na kung saa'y kinalalagyan nitong pangunahing imahen ng diosdiosan) at doo’y nahihimlay sa loob ng isang kabaong. Sa gayo’y hindi sumala ang winika ng Dios na ibubulagta niya ang kanilang mga patay na tao sa harap ng kanilang mga diosdiosan.
Jer 51 :
52 Kaya’t narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y maglalapat ng kahatulan sa kaniyang mga larawang inanyuan: at sa boong lupain niya ay dadaing ang nasugatan.
Kaugnay nito, ano mang uri ng kahirapan ang dumating sa marami ay itinuturing lamang nilang pagsubok ng Dios. Datapuwa’t kailan sinubok ang sinomang may galak sa pusong tumatalima sa natatanging kalooban ng lumikha? Anong bagay ang nais Niyang patunayan sa iyong sarili, gayong hindi lingid sa Kaniyang kaalaman ang nilalaman ng isipan at puso ng sinoman. Ngunit ikaw marahil na nagsasaad ng higit na mabuti kay sa matuwid na ipinapayo ng sarili mong Ama ang karapatdapat sa pagsubok. Ito’y upang maalaman mong walang hihigit na matuwid sa katuwiran ng mga salita ng Dios.
Halimbawa’y sa utos na huwag magdadasal sa larawan ng mga diosdiosan, datapuwa’t iginiit ng pamunuan nitong Iglesiang Romano, na kailangan ang larawan upang mabilis na maka-konekta sa Dios. Kaya tila naging matuwid sa hindi kakaunting mga kasapi nito, na kailangan sa pananalangin ang larawan, upang sa harap nito’y lumuhod at magdasal ang sinoman.
Kaugnay nito’y may katiyakan na hindi ang tunay na Dios ang dumirinig sa mga panalangin ng mga taong hayagang naghihimagsik sa kaniyang mga kautusan. Na sinasabi,
Awit 104 :
17 Nguni’t ang kagandahang loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya. At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak;
EXO 20 :
6 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.
Kung ang sinoman nga’y lumalabag sa mga kautusan ay napakaliwanag na sa kaniyang kalooban munti ma’y walang takot siyang nadarama sa kaisaisang Dios. Dahil dito ay wala siyang anomang maaaring asahang kagandahang loob na magmumula sa Kaniya. Kaya naman sa mga umiibig at tumutupad lamang ng kautusan nauukol ang Kaniyang awa.
Ano pa’t sa mga katunayang biblikal na nauna na naming inilahad sa inyo at sa talata na mababasa sa ibaba ay mariin sinalita ng kaisaisang Dios na, hangal at ulol ang sinomang gumagawa ng gayong karumaldumal. Sukat upang sa kaniya’y ipagkait ang kagandahang loob at awa ng Dios.
Jer 50 :
38 Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka’t lupain ng mga larawang inanyuan, at SILA’Y MGA ULOL DAHIL SA MGA DIOSDIOSAN.
Ang sinoman sa makatuwid na nagsasabing hindi pa-atras ang kaniyang kamalayan, kundi masiglang sumusulong sa pag-unlad ay sasang-ayunan at masiglang isasabuhay ang katuwiran ng Dios na inilahad namin sa artikulong ito.
Datapuwa’t sa kapayakan ng mga bagay ng Dios na inihatid namin sa iyo’y pangangatuwiranan na walang masama sa mga larawang inanyuan ng mga kamay mula sa iba’t ibang pinaglubidlubid na kadahilanan. Ang tao ngang yaon ang siyang ganap na lumalapat sa kalagayan ng lubhang mababang antas ng kamalayan. Sapagka’t ang usapin na may kinalaman dito ay ipinatungkol na ng kaisaisang Dios sa mga tao na may gayong kababang antas ng kamalayan, sa layuning linangin at paunlarin ang kanilang kaisipan. Gayon man, sa bawa’t kapanahunan ay lagi ng may paghihimagsik ang marami sa kautusang nabanggit. Kaya naman, patuloy na may mga nangagsisisamba sa mga larawan ng mga diosdiosan. Sila sa makatuwid ang tinatawag na mga hangal at ulol sa kasagsagan ng moderno nating kapanahunan.
Sa pagbibigay diin at pagpapatibay sa katuwirang biblikal na sa inyo’y nahayag ngayon ay narito at inyong tutulan, kung hindi totoong ininatayo sa mga dambana (altar), niluluhuran, dinadasalan, hinahandugan ng mga alay, kinakausap na tila baga may buhay, niyayapos at hinahagkan, at ipinuprusisyon, ang mga larawan ng mga diosdiosan na ginawa ng kamay ng mga tao. Kung totoo nga ay napakaliwanag na ang sinomang gumagawa ng gayong karumaldumal ay may hayagang paghihimagsik sa una (1) at ikalawang (2) uto ng kaisaisang Dios. Hindi sila sa makatuwid inaari nitong maliit na bilang ng mga anak ng pagsunod (tupa), kundi ang pag-aangkin sa kanila ay sinasagutan nitong malaking kalipunan ng mga anak ng pagsuway (kambing). At tungkol sa kanila ay sinabi,
Datapuwa’t sa kapayakan ng mga bagay ng Dios na inihatid namin sa iyo’y pangangatuwiranan na walang masama sa mga larawang inanyuan ng mga kamay mula sa iba’t ibang pinaglubidlubid na kadahilanan. Ang tao ngang yaon ang siyang ganap na lumalapat sa kalagayan ng lubhang mababang antas ng kamalayan. Sapagka’t ang usapin na may kinalaman dito ay ipinatungkol na ng kaisaisang Dios sa mga tao na may gayong kababang antas ng kamalayan, sa layuning linangin at paunlarin ang kanilang kaisipan. Gayon man, sa bawa’t kapanahunan ay lagi ng may paghihimagsik ang marami sa kautusang nabanggit. Kaya naman, patuloy na may mga nangagsisisamba sa mga larawan ng mga diosdiosan. Sila sa makatuwid ang tinatawag na mga hangal at ulol sa kasagsagan ng moderno nating kapanahunan.
Sa pagbibigay diin at pagpapatibay sa katuwirang biblikal na sa inyo’y nahayag ngayon ay narito at inyong tutulan, kung hindi totoong ininatayo sa mga dambana (altar), niluluhuran, dinadasalan, hinahandugan ng mga alay, kinakausap na tila baga may buhay, niyayapos at hinahagkan, at ipinuprusisyon, ang mga larawan ng mga diosdiosan na ginawa ng kamay ng mga tao. Kung totoo nga ay napakaliwanag na ang sinomang gumagawa ng gayong karumaldumal ay may hayagang paghihimagsik sa una (1) at ikalawang (2) uto ng kaisaisang Dios. Hindi sila sa makatuwid inaari nitong maliit na bilang ng mga anak ng pagsunod (tupa), kundi ang pag-aangkin sa kanila ay sinasagutan nitong malaking kalipunan ng mga anak ng pagsuway (kambing). At tungkol sa kanila ay sinabi,
MATEO 25:
32 At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila’y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng PASTOR sa mga TUPA at sa mga KAMBING;
33 At ilalagay niya ang mga TUPA sa kaniyang KANAN, datapuwa’t sa KALIWA ang mga KAMBING.
34 Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.
MATEO 25 :
41 Kung magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga nasa KALIWA, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:
Mula sa kasalukuyan kalagayan ng inyong sarili pagdating sa larangan ng tunay na kabanalan. Kayo ang makapagsasabi, kung sa mga sandali bagang ito’y sa kanan o sa kaliwa ng Dios dumadako ang inyong kaluluwa. Tupa baga o kambing ang simbolismo na sumasalamin sa inyong pagkatao?
Tungkol dito ay una (1) at pangalawa (2) pa lamang na kautusan ang pinagtuonan namin ng pansin, at kung sa mga ito’y magiging makasalanan ang sinoma’y paano pa nga siya magiging matuwid sa nalalabi pang walong (8) kautusan?
Mula sa kasalukuyan kalagayan ng inyong sarili pagdating sa larangan ng tunay na kabanalan. Kayo ang makapagsasabi, kung sa mga sandali bagang ito’y sa kanan o sa kaliwa ng Dios dumadako ang inyong kaluluwa. Tupa baga o kambing ang simbolismo na sumasalamin sa inyong pagkatao?
Tungkol dito ay una (1) at pangalawa (2) pa lamang na kautusan ang pinagtuonan namin ng pansin, at kung sa mga ito’y magiging makasalanan ang sinoma’y paano pa nga siya magiging matuwid sa nalalabi pang walong (8) kautusan?
Sa pagtatapos ng usaping ito’y narito, at tungkol sa kautusan ay masiglang winika nitong espiritu ng Dios mula sa bibig ng kaniyang mga banal ang mga sumusunod,
ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS at, SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
MAL 3 :
6 Sapagka’t AKO, ANG PANGINOON AY HINDI NABABAGO, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob (Israel ), ay hindi nangauubos.
AWIT 89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
AWIT 111:
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay KATOTOHANAN at KAHATULAN. Lahat niyang mga tuntunin (kautusan) ay tunay.
8 NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga yari sa KATOTOHANAN at KATUWIRAN.
Sukat, upang mapag-unawa ng ganap, na sa una (1) at pangalawang (2) kautusan ay lubhang makasalanan ang malaking bilang ng mga taong kasapi nitong Cristiano ni Pablo. Sapagka’t ngayo’y buhay tayong mga saksi sa karumaldumal na kalakarang yaon sa lahat ng simbahan sa buong kapuluan. Ang idolatriya sa buong kapuluan ay hindi kailan man maaaring itanggi, ni pasinungalingan man, palibhasa’y aktuwal na kaganapan at maliwanag na nasasaksihan nating lahat sa kasagsagan ng kasalukuyang kapanahunan.
Agree ako sayo Yohvshva, ito (Pinas) ang lupain na hitik na hitik sa rebulto at litrato ng mga huwad na dios.
TumugonBurahinSobrang totoo ang laman ng sulat na ito. Wala na akong iba pang sasabihin, baka makasakit pa ako ng damdamin nung mga sumasamba sa rebulto.
TumugonBurahinPayak ngang maituturing ang nakasaad sa Daniel 5 verse 23.Bakit ang lubhang karamihan ay pilit na pagpapahirap sa kaisipan.Ang Diyos na kanlang hinahanap ay sa labas nila ibinaling sa pamamagitan kahusayan paglilok ng kamay ng makalupang tao.Dibat ang Diyos ay nasa loob mo sa kabuoan ng iyong pagkatao bahagi nya tayo kaya nga sinabi sa verse at ang Diyos na kinaroroonan ng iyong hininga at kinaroroonan ng lahat ng iyong lakad ay hindi mo niluwalhati .
TumugonBurahinAMEN na lang ang comment ko.
TumugonBurahinayon sa aking pangmalas. malaki ang kaibahan ng panahon ng Lumang Tipan. kumpara sa modernong panahon natin ngayon. lalo na sa sinasabi mong Idolatriya na tulad ng makikita mo sa mga simbahan. unang-unang pinagkaiba nila sa lumang tipan kasi aktual na nakakaugnayan ng tao ang Diyos na si Yahwe. kumpara sa panahon natin ngayon.
TumugonBurahinkaya nga yung ginagawa ng mga Katoliko sa panahon natin ngayon ay hindi mo puwedeng matawag na Idolatriya kasi nga hindi naman aktual na nakakaugnayan ng Tao ang Diyos sa panahon ngayo. ang masasabi ko lang ay mas mabigat ang kaparasuhan ng tao sa lumang tipan kaysa sa panahon natin ngayon. at mas mapalad ang nanampalataya gayunman hindi niya aktual na nakita ang Panginoong JesuKristo
ang masasabi ko lang... tama si Goldroger sa kanyang sinabi... dahil hindi nila makita (sa lumang tipan) ang Dios kaya nga gumawa sila ng diosdios.
TumugonBurahinSa pagdating ni Kristo, he fulfilled and make into completion all the laws of the old testament. Sa sinabi ninyo, o paratang ninyong sumasamba kami sa rebolto, eh anupang silbi ni kristo ng maging Tao siya kawangis natin, Isaiah 7:14 at John 1:14, "And the Word was made flesh, and dwelled among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth." Sinasabi ninyong isang pagkakasala ang pagsamba sa isang rebolto. Nagkasala ba kami na sinasamba namin ang rebolto ni Kristo. Di ba't tao rin si HesuKristo?
Kung pagbabasihan natin ang diktionaryo, google, wikipedia atbp... MALAKI ANG KAIBAHAN SA salitang "HONOR" at "VENERATION" sa "WORSHIP". FOR US CATHOLICS WE WORSHIP ONLY GOD (FATHER, SON, HOLY SPIRIT) but we VENERATE and HONOR THE SAINTS. WE NEVER CLAIM THAT WE WORSHIP THE SAINTS... kayo mismo ang nagsalita na sinasamba namin ang rebolto. kung titingnan pa nga eh, you accuse us of the things we never do. basahin mo nalang ang link nato: http://www.catholic-convert.com/documents/MaryAndWorship.doc
sa ganitong usapin ito lang talaga ang pangkontra ko:
TumugonBurahinAfter the strict command of GOD to make no idols [graven images] in the form of things in heaven or on earth, God turns around five chapters later and commands that the Israelites hammer graven images of cherubim out of gold—for the Tabernacle no less!
“You shall make a mercy seat of pure gold, two and a half cubits long and one and a half cubits wide. You shall make two cherubim of gold, make them of hammered work at the two ends of the mercy seat. Make one cherub at one end and one cherub at the other end; you shall make the cherubim of one piece with the mercy seat at its two ends. The cherubim shall have their wings spread upward, covering the mercy seat with their wings and facing one another; the faces of the cherubim are to be turned toward the mercy seat. You shall put the mercy seat on top of the ark, and in the ark you shall put the testimony which I will give to you. There I will meet with you; and from above the mercy seat, from between the two cherubim which are upon the ark of the testimony, I will speak to you about all that I will give you in commandment for the sons of Israel (Ex 25:17–21).
So, God commands them to make graven images out of gold, replicating His description of a heavenly angelic creature—cherubim.
Next he commands them to make another graven image, this one of bronze. It was to be looked upon for healing. Not only was it made of hammered bronze but it was placed on a pole and had to be gazed upon by the Israelites to gain healing. You can read this story in Numbers 21. The bronze serpent was a good thing, commanded by God, to be looked upon by the Israelites, to serve a God-given purpose in their midst.
Graven images are obviously not synonymous with idols; statues are obviously not necessarily the objects of worship. In Numbers 21 the Jews did not worship the statue of the bronze serpent, but when they had a change in heart and did begin to worship and offer it sacrifices due only to God alone (2 Kings 18:4), it was torn down and destroyed. It is the worship of images that is forbidden. God hates the making of living or inanimate objects which serve as gods.
Ngayon paano nyo yan, ma-reconcile?, nag-utos ang Dios na huwag gumawa at sumamba sa mga diosdios. Tapos iniutos naman niya na gumawa...