
Nariyang idahilan, na sila’y nabibigkis sa seryosong pagtulong sa mga maralita,
at dahil dito ay kailangan nilang mangalap ng halagang panustos sa banal na
gawain nilang ito. Kaya naman lumilikha ang marami ng umano’y mga bagay na
pangkabanalan, gaya ng mga aklat, mahikling babasahin,
medalyon, larawan at rebulto ng mga dios at santo, at marami pang iba.
Anila’y gugugulin ang maiipong halaga mula sa pinagbentahan ng mga bagay na
nabanggit sa umano’y banal na layunin nilang yaon.