MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Hindi sinasang-ayunan ni Pablo ang pahayag ni Jesus at Juan tungkol sa kautusan, bagkus ay kaniyang sinabi,
|
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 7 :
6 Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.
GAL 5 :
18 Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.
2. TUNGKOL SA PANANAMPALATAYA
SANT 2 :
8 Gayon man kung inyong GANAPIN ANG KAUTUSANG HARI, ayon sa kasulatan, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay NAGSISIGAWA KAYO NG MABUTI.
14 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA, nguni’t WALANG MGA GAWA? (kautusan) makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?
17 Gayon din naman ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA (kautusan), ay patay sa kaniyang sarili.
18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong mga GAWA: ipakita mo sa akin ang iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kauutusan), at ako sa pamamagitan ng aking mga GAWA ay ipakita sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.
20 Datapuwa’t ibig mo bagang maalaman, Oh TAONG WALANG KABULUHAN, na ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY BAOG?
22 Nakikita mo na ang PANANAMPALATAYA AY GUMAGAWANG KALAKIP ANG KANIYANG MGA GAWA, at sa pamamagitan ng mga GAWA, ay nagiging SAKDAL ANG PANANAMPALATAYA.
24 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga GAWA’Y INAARING GANAP ANG MGA TAO, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya LAMANG.
26 Sapagka’t kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY PATAY.
Ang matuwid na mga salita na nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus ay walang anomang niwawalang kabuluhan nitong si Pablo, ang matuwid pa kayang mula sa bibig ng kapatid nating si Santiago ang bigyan niya ng halaga, kaya sa gayong kalakaran ay kaniyang sinabi,
Ang matuwid na mga salita na nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus ay walang anomang niwawalang kabuluhan nitong si Pablo, ang matuwid pa kayang mula sa bibig ng kapatid nating si Santiago ang bigyan niya ng halaga, kaya sa gayong kalakaran ay kaniyang sinabi,
GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMAN.
GAWA 13 :
39 At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAUTUSAN NI MOISES.
GAL 3 :
11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaringganap sa KAUTUSAN sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA.
ROMA 4 :
5 Datapuwa’t sa kaniya na hindi GUMAGAWA, nguni’t sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa MASAMA, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katu- wiran.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
3. TUNGKOL SA BAUTISMO
MATEO 3 :
11 Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGHARIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBA- BAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.
MATEO 28 :
19 Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPU- SAN NG SANGLIBUTAN.
Sa kabila ng mga tiyak na katunayang nalalahad sa itaas ay hindi pa rin yaon naging makatotohanan sa paningin nitong si Pablo, bagkus ay hidwa dito ang iniaral niya sa mga tao, na sinasabi,
ROMA 6 :
Sa kabila ng mga tiyak na katunayang nalalahad sa itaas ay hindi pa rin yaon naging makatotohanan sa paningin nitong si Pablo, bagkus ay hidwa dito ang iniaral niya sa mga tao, na sinasabi,
ROMA 6 :
3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?
4 Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.
GAWA 19 :
5 At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa PANGALAN ng Panginoong Jesus.
6 At nang MAIPATONG NA NI PABLO, sa kanila ang kaniyang mga KAMAY, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.
4. ANG NAGTATAG AT ULO NG KOMUNIDAD (iglesia)
JUAN 5 :
30 HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
JUAN 12 :
29 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.
MATEO 16 :
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Napakaliwanag na itong si Jesus ayon na rin sa sarili niyang mga salita ay hindi makagagawa, ni makapagsasalita man ng mga bagay alinsunod sa sarili niyang pagmamatuwid. Sa kawalan niya ng gayong kakayahan ay nararapat tanggapin ng lahat na wala siyang anomang bagay na naitatag sa nasasakupan ng natatangi niyang kapanahunan.
Nang sabihin niyang siya’y magtatayo ng iglesia (kumunidad ng Dios) ay maliwanag na yao’y utos lamang nitong Espiritu ng Dios na nasa kaniyang kalooban. Kaya lalabas na isang napakalaking kahangalan na isiping si Jesus sa kaniyang sarili ang nagtayo ng nabanggit na iglesia.
Napakaliwanag na itong si Jesus ayon na rin sa sarili niyang mga salita ay hindi makagagawa, ni makapagsasalita man ng mga bagay alinsunod sa sarili niyang pagmamatuwid. Sa kawalan niya ng gayong kakayahan ay nararapat tanggapin ng lahat na wala siyang anomang bagay na naitatag sa nasasakupan ng natatangi niyang kapanahunan.
Nang sabihin niyang siya’y magtatayo ng iglesia (kumunidad ng Dios) ay maliwanag na yao’y utos lamang nitong Espiritu ng Dios na nasa kaniyang kalooban. Kaya lalabas na isang napakalaking kahangalan na isiping si Jesus sa kaniyang sarili ang nagtayo ng nabanggit na iglesia.
Dahil dito ay katotohanan na aming inilalahad sa inyo, na ang taong si Jesus ay hindi kailan man maaaring umari sa anomang samahang pangrelihiyon, partikular ang samahang tinatawag na iglesia ni Cristo. Yao’y huwad na samahang pangrelihiyon, dahil sa tiyak na katunayang katatapos lamang naming ihayag sa inyo.
Datapuwa’t sa kabila ng katotohanang ito’y ipinilit pa rin ni Pablo ang pilipit niyang unawa hinggil sa usaping ito. Bagkus ay mariin niyang itinanyag ang mga sumusunod na hidwang katuruan.
EFE 5 :
23 Sapagka’t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni CRISTO NA PANGULO NG IGLESIA, na siya rin ang TAGAPAGLIGTAS NG KATAWAN.
24 Datapuwa’t kung paanong ang IGLESIA AY NASASAKOP NI CRITO, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kanikaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
7 Na nangauunat at NANGATATAYO SA KANIYA, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.
ROMA 16 :
16 Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng IGLESIA NI CRISTO.
5. LIKAS NA KALAGAYAN NI JESUS
JUAN 8 :
40 Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.
MATEO 26 :
38 Nang magkagayo’y sinabi niya sa kanila, NAMAMANGLAW NA LUBHA ANG KALULUWA KO. Hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
JUAN 20 :
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKAAKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
Naliwanag ang mga salitang mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus tungkol sa likas niyang kalagayan bilang isang tao na totoo. Ito’y hindi sabi-sabi, ni haka-haka ng mga tao, kundi tunay na mga salitang binigyan ng diin ni Jesus, upang mapag-unawa ng lahat ang kalikasan niyang tinitindigan sa kaniyang kapanahunan.
Magkagayon ma’y pilipit pa rin sa katotohanan ng pagkatao ni Jesus ang bagay na minatuwid ni Pablo, at tungkol dito ay mariin niyang sinabi,
Naliwanag ang mga salitang mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus tungkol sa likas niyang kalagayan bilang isang tao na totoo. Ito’y hindi sabi-sabi, ni haka-haka ng mga tao, kundi tunay na mga salitang binigyan ng diin ni Jesus, upang mapag-unawa ng lahat ang kalikasan niyang tinitindigan sa kaniyang kapanahunan.
Magkagayon ma’y pilipit pa rin sa katotohanan ng pagkatao ni Jesus ang bagay na minatuwid ni Pablo, at tungkol dito ay mariin niyang sinabi,
FIL 2 :
6 Na siya (Cristo), bagama’t nasa ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat na panangnan ang PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS.
ROMA 9:
5 Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, SIYA NAWA.
9 Sapagka’t sa kaniya’y (Cristo) nananahan ang BOONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman.
10 At sa kaniya kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN at KAPANGYARIHAN.
HEB 1 :
3 Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, ...
Kaugnay ng usaping may kinalaman dito, malliwanag na ang sinomang naninindigan sa mga salita na nangagsilabas mula sa bibig ni Jeucristo ay umaayon sa kaniya at ang taong yao'y hindi isang kalaban, kundi kaisa niya sa layunin. Datapuwa't ang mga salitang matibay na pinaninidiganan ni Pablo sa ilang usapin sa itaas ay hindi salita ng isang ka-alyado ni Jesus, kundi pahayag ng isang mahigpit na kaaway. Ang sinoman sa makatuwid, na inilapat ang kaniyang sarili sa gayong karumaldumal na kalagayan ay hindi maikakaila na isang anti-Cristo na totoo.
|
Anticristo talaga yung tao na kinokontra ang salita ni Cristo. Ganon lang kasimple yun. Si
TumugonBurahinSan Pablo pala ay totoong anticristo, at ngayon ko lang nalaman ito.
Napakaselan? Itoy usapin ng hindi lang indibidual kundi buong ka cristiyanuhan.Mistulang bomba na sumambulat?Yayanigin nito ang puso ng mapaghanap sa katotohanan Ang kinikilala sa kasaysayan na mas maraming mailimbag na si St Paul ay kumakatawan sa paghihimagsik sa kautusan Anticristo ngang matatawag.
TumugonBurahinMabuti naman at lumitaw na ang tunay na kulay ni Pablo. Anticrist nga siya na matatawag, dahil sa laban siya sa mga aral ng Dios na sinalita ni Jesus.
TumugonBurahinSa una lang siya antiCristo. binago siya ng Diyos
TumugonBurahinHindi namin layunin na sirain ang paninindigan ng marami, kundi ilahad lamang ang mga katotohanan na binibigyang diin ng Biblia. Mula sa masusing pagsasaliksik ay ayon sa mga sumusunod ang nahayag na katotohanan.
BurahinSa una nga'y maliwanag na pinag-usig ni Pablo ang mga Cristiano ng Dios, at dahil dito ay nalahad ang pagiging anti-Cristo niya. Datapuwa't kung iyong napansin sa artikulo ay mga salita ng bibig ni Pablo ang mababasang sulat sa mga taga Roma, Galacia, Efeso, Colosas. Sa kasagsagan ng kaniyang likhang ministerio ay pinangatawanan niya ng lubos ang pagiging anti-cristo sa pamamagitan ng paglalahad nitong mga salita (evangelio ng di pagtutuli) na malabis ang paghihimagsik sa mga aral (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo. Ang mga ito'y maliwanag naming inilahad sa artikulo.
Kung mga katunayang biblikal ang pagkukunan ng kaukulang husga ay hindi mahirap makita, na itong si Pablo ay naging anti-Cristo sa simula at nanatili sa pagiging gayon hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay. Ito'y batay na rin sa mga salita at pahayag na binigyan niya ng diin sa 13 niyang sulat.
Paumanhin kapatid na Bulacan Sorcerer kung hindi naging malinaw sa iyo ang nilalaman ng aming artikulo. Sa uulitin ay higit pa naming palilinawin ang aming mga sulat, nang sa gayo'y hindi ito maging mitsa ng pagkalito at di-pagkaunawa. Hanggang sa muli, at kapayapaan sa lahat.
Karagdagan pa napakatalino talaga at tusu itong si Pablo . Sino nga naman ba mahihikayat niya kung sa simula ng mababasa eh tagausig siya (evangelio ng kaharian)siyempre papasok siya sa loob panggap siya na tinawag para apostol para sa nga hentil .Take note sino nagpakilala sa kanya si Marcos at lucas eh mga huwad din disipulo he he he mahal kong nag sasaliksik basahin po natin kasaysayan silang tatlo ay hindi kabilang sa last supper .patay na ang Cristo ng lumitaw sila ni hindi nga nila nakita mukha ng Cristo.Mas dakila pa ba sila 12disipulo tapos si Pablo pa ang mas maraming nailimbag sa kasulatan ....nag mamasid lang po naway sa blog na pong ito marami ang makabasa ka Yohvshva ang pag sisiwalat po ninyo ay lagi kong inaantabayanan .
TumugonBurahin