Bagay na kung uunawaing mabuti ay nagpapahiwatig ng paghihimagsik sa mga salita ng Dios. Ito’y sa layuning bigyang daan ang bagong simulain na umano’y kasusumpungan ng bagong pagasa, tungo sa tunay na kahulugan ng buhay na puspos ng kabanalan sa kalupaan.
Kaugnay nito’y nalalaman natin na ang mga anak ni Israel na hinirang ng Dios na pamahayan at pagharian ng kaniyang Espiritu ay nagsaad sa iba’t ibang panahon (henerasyon) ng mga bagay na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pagibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay. Dahil dito ay hindi nga nararapat pag-alinlanganan ng sinoman sa atin ang kadalisayan at kabanalan ng mga salita na nangagsilabas mula sa kanilang bibig.
Palibhasa nga’y mga kasangkapan lamang sila ng nabanggit na Espiritu sa dakila Niyang layuning ginaganap sa kalupaan, na ang kaukulan ay sa lahat ng kaluluwang sumasa katawan. Ano pa’t kung liliwanagin ay tayong mula sa kaniyang pag-anyo at paglikha na may mga bahagi ng Kaniyang kabuoan.

Kung ang lahat ng tao ay nilikha ng Dios mula sa anyo na lumalarawan sa Kaniyang sarili ay gaya nga tayo ng mga anak, at sa kalagayang yaon ay maliwanag na siya’y ating Ama. Dahil dito ay nagsalita mula sa bibig ng mga propeta ang Kaniyang Espiritu at nagsaysay ng mga bagay na ikapapanuto nitong buhay ng Kaniyang mga anak. Yaon ay tumutukoy sa mga kautusan, mga palatuntunan, at mga kahatulan bilang gabay sa atin, upang tamuhin ng lahat sa kalupaan ang kahustuhan ng mga bagay at pumasok sa kaniyang kaluguran.
Datapuwa’t katotohanan na nasaksihan ng ating Ama noong una at hanggang sa ating panahon, na sa sanglibutan ay may mga anak ng pagsunod (tupa), at gayon din na may mga naghihimagsik sa Kaniyang mga salita na natanyag sa katawagang "anak ng pagsuway" (kambing). Ito ang malaking kalipunan na hindi sumasang-ayon sa katuwirang isinaysay nitong Espiritu ng Dios na isinatinig at isinatitik ng mga tunay na banal. Sila’y nangagsigawa ng taliwas, o hidwa sa mga bagay na kalugodlugod (kautusan, palatuntunan) sa paningin ng sarili nilang Ama na nasa langit.
Kahi man ang katuwiran na namutawi sa bibig ng mga tunay Niyang propeta ay ipinagkaloob sa pinakamagaan na kalagayan ay higit pa ring marami ang nasumpungan sa pagiging anak ng pagsuway, at gaya ng nasusulat ay madiing sinabi ng ating Ama ang mga sumusunod na katuwiran,
ISA 43 :
11 Ako, sa makatuwid baga’y ako, ang Panginoon; at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
ISA 44 :
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
ISA 45 :
22 Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
AWIT 89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
MAL 3 :
6 Sapagka’t AKO, ANG PANGINOON AY HINDI NABABAGO, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob, ay hindi nangauubos.
1 Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, At impukin mo sa iyo ang aking mga utos,
2 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; At ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
3 Itali mo sa iyong mga daliri; Ikintal mo sa iyong puso.
DEUT 30 :
11 Sapagka’t ang UTOS na ito na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, ay HINDI TOTOONG MABIGAT sa iyo, ni MALAYO. (1 Juan 5:3)
12 Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, SINONG SASAMPA SA LANGIT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.
13 Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, SINO ANG DARAAN SA DAGAT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPAPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.
14 KUNDI ANG SALITA AY TOTOONG MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, at sa iyong PUSO, upang iyong MAGAWA.
EXO 20 :
6 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.
1 JUAN 5 :
3 Sapagka’t ito ang PAGIBIG SA DIOS, na ating TUPARIN ANG KANIYANG MGA UTOS: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)
Ang ating Ama kung gayo’y kaisaisang Dios na nananatili sa kalagayang walang hanggan, na kung lilinawin ay nagiisang Dios na walang kamatayan. Siya nga kailan ma’y hindi nabago sa likas na kalagayan Niyang yaon, at gaya Niya’y lumalagi sa lahat ng kaluwalhatian ang Kaniyang salita.
Dahil doo’y hindi niya maaaring baguhin ang Kaniyang mga salita na pinailanglang sa kalawakan ng daigdig na ating tinatahanan, na ito’y iiral sa ayaw at sa ibig ng Kaniyang mga anak (bahagi). Kaya katotohananan na wala Siyang sinira sa alin mang tipan, na ipinakipagtipan sa sinoman na kinilala Niya ng lubos sa tanghalan ng tunay na kabanalan sa kalupaan.
Ang Kaniya ngang salita na tumutukoy sa mga kautusan at mga palatuntunan ay sinadya Niyang gawing magaan at malapit, na may kasapatan, upang ang sinoman sa mga anak Niya sa kalupaan ay tamuhin ang kaginhawahan sa pagganap nito. Gayon ngang mismo ay madiing pinatototohanan ng mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ng taong si Jesus, na itong pagtalima sa kautusan ng ating Ama ang siyang tanging daan ng sinoman sa buhay na walang hanggan.
Ano nga? Tungkol sa kautusan ng pagibig patungkol sa Dios at sa kapuwa ay sumasakop sa buong kautusan. Gayon din naman ang tungkol sa mga palatuntunan hinggil sa pagtutuli sa balat ng masama at sa puso, mga handog at hain na susunugin, dugo ng hayop na iwiwisik sa ikatutubos ng taunang sala, ang ikapu, mga lamang kati at lamang dagat na itinalaga ng Dios na kanin, at marami pang iba.
Ang lahat ng ito kung gayo’y bahagi sa mga tipan na ipinakipagtipan ng ating Ama kay Moises, at sa iba pang inari Niyang banal na totoo. Na mga tipan na hindi maaaring masira sa pagbibigay ng karagdagang mga palatuntunan, at may mga kaukulang kautusan na nangangailangan ng malugod sa pusong pagtalima mula sa atin na Kaniyang mga anak.
Nguni’t gaya ng kalakaran noon at ngayo’y may masunurin at suwail sa kapayakan ng mga bagay ng Dios, na nararapat harapin at isabuhay ng sinomang tao sa kalupaan. Kaya’t ang matuwid Niya’y nilalapatan nila ng sulimpat na pananaw, upang ito’y pumilipit gaya ng mga bagay na aming tinanglawan sa mga nakaraang talakayin.
Binibigyan nila ng madiing pagmamatuwid na walang nagtamo isa man ng kaligtasan at katubusan ng sala mula ng ito’y ibaba sa lupa hanggang sa panahong ipahayag ng mga tampalasan, na ang eksistidong kausutan ay nangangailangan na ng pangalawa bilang kahalili.
Sapagka’t mula sa sulimpat nilang pananaw ay nakita nila ang unang kautusan, na gaya ng mga bagay na naluluma at tumatanda. Kaya’t mula sa may kibal (pilipit) na takbo ng kaisipan ng mga hangal ay nangyaring nahayag, na ang mga nabanggit na kautusan, sa katandaan nito’y lipas na at sa lalong madaling panahon ay kailangan ng palitan ng bago.
Sa gayo’y sinisisi baga nila ang Dios, nang dahil sa ang mga kautusan niya’y hindi naging makabuluhan sa kanila na mga anak ng pagsuway (kambing)? Gayon ma’y hindi nila nakita silang mga anak ng pagsunod (tupa) na tinamo ang kaganapan ng mga pangakong kakambal ng kautusan.
Kaya nga kinailangan nilang mga hibang na lumikha sa kanilang sarili ng mga bagong kautusan at mga palatuntunan. Na sa pamamagitan ng mga yaon anila’y may lalong magaling na pagasa sa kaligtasan, na kung saa’y daang ginawa nila sa paglapit sa kanilang mga diosdiosan.
Dahil dito ay maliwanag pa sa sikat ng araw na sa paglikha ng ibang daan ay niwalan nila ng kabuluhan ang mga kautusan, mga palatuntunan, at mga kahatulan ng sarili nilang Ama na nasa langit. Sila sa makatuwid ang tinatawag na mga anak ng pagsuway, na siyang sumisimbulo sa kalagayan ng mga karumaldumal at kasuklamsuklam na mga kambing.
Bilang paghihimagsik ng mga anak ng pagsuway sa mga salita ng kaisaisang Dios na inilahad namin sa itaas ay tahasang winika nitong si Pablo (kambing) ang mga sumusunod.
Bilang paghihimagsik ng mga anak ng pagsuway sa mga salita ng kaisaisang Dios na inilahad namin sa itaas ay tahasang winika nitong si Pablo (kambing) ang mga sumusunod.
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
HEB 8 :
7 Sapagka’t kung ang UNANG TIPANG YAON ay naging WALANG KAKULANGAN, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ng PANGALAWA.
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
1 COR 15 :
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 5 :
13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
Dahil sa katampalasanang mababasa sa itaas ay minagaling ng Dios na wikain ang mga sumusunod na katuwiran ng kaniyang sarili.
Dahil sa katampalasanang mababasa sa itaas ay minagaling ng Dios na wikain ang mga sumusunod na katuwiran ng kaniyang sarili.
ISA 24 :
5 Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka’t kanilang
SINALANGSANG ANG KAUTUSAN, BINAGO ANG ALITUNTUNIN, SINIRA ANG WALANG HANGGANG TIPAN.
JER 6 :
19 Iyong pakinggan, Oh lupa, narito, ako’y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka’t sila’y HINDI NANGAKINIG NG AKING MGA SALITA; AT TUNGKOL SA AKING KAUTUSAN AY KANILANG ITINAKWIL.
Ang katuwiran ngang lubos na sinasang-ayunan ng katotohanan ay ang pagtalima sa mga kautusan ng pag-ibig sa Dios (Deut 6:5) at sa mga kautusan ng pag-ibig sa kapuwa (Lev 19:18). Ang mga yaon sa makatuwid ay ganap na tumutukoy sa sampung (10) utos na natamo ni Moises mula sa bundok ng Sinai (Mat 22:36-40).
Kalugodlugod sa Kaniya, kung yao’y maluwalhating maisasabuhay ninoman. Datapuwa’t kasuklamsuklam sa pananaw ng ating Ama ang pananamapataya kay Jesus na hiwalay sa mga gawa ng mga nabanggit na kautusan (Roma 3:28). Na ang ibig sabihi’y tatalikod sa umano’y mga inutil na kautusan (10 utos) ang sinomang nagnanais na sumampalataya kay Jesus bilang Dios na totoo (Roma 7:6, 2Cor 3:17).
Samantala, sa dinamidami ng mga totoong banal (propeta) na kinilala ng ating Ama sa iba’t ibang kapanahunan ay karaniwan ng iniluluwal ng kanilang bibig ang usapin na lumalayong paigtingin ang maluwalhating pagganap sa kautusan. Maging ito ngang si Jesus sa natatangi niyang kapanahunan ay hindi nagdalawang isip na ipagtanggol at bigyang diin sa mga anak ni Israel ang lubhang kahalagahan ng pagsunod sa kautusan (Mat 5:17, Juan 14:31, 12:50).
Ano pa’t hayag na patotoo sa mga balumbon ng kasulatan nitong sangbahayan ni Israel, na ang kasukdulan sa katuwiran ng Dios ay walang ibang kinauuwian, kundi ang pagtalima sa Kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Sa likas na kalagayan ay ang kaisahan ng Kaniyang persona bilang kaisaisang Dios ang siyang laging tampok na usaping isinasatinig ng Kaniyang mga banal sa iba’t ibang kapanahunang nagsipagdaan.
Sa pagtatapos ay nararapat tanggapin ng lahat, na ang katuwiran ng kaisaisang Dios alinsunod sa isinaysay ng kaisaisa Niyang persona, ay ang pagtalima sa kautusan, na siyang natatanging tungkulin ng lahat sa kalupaan.

ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
Una nga’y ilalagak ng lahat ang kanilang tiwala sa kaisaisang Dios, bilang kaisaisang tagapagligtas at kaisaisang manunubos ng kaluluwa, at yaon ang tinatawag na PANANAMPALATAYA. Pangalawa’y masiglang tatalima ng may galak sa puso sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan at sa gayo’y ilalawit ng kaisaisang Dios sa sinoman ang Kaniyang awa, gaya ng nasusulat,

ISA 49 :
25 .... at MAKIKILALA NG LAHAT NG TAO, na akong Panginoon ay iyong TAGAPAGLIGTAS, at iyong MANUNUBOS, ....
EXO 20 :
6 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong imiibig sa akin at tumutupad ng aking mag UTOS.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Napakaliwanag ayon sa katuwiran na ilihad namin sa itaas, na ang kaisaisang Dios lamang ang tanging tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala ninoman sa kalupaan. Ang mga ito ang biyayang natatamo ng sinoman Niyang kinaawaan. Ano pa’t sa natatanging kapanahunan ni Jesus ay ipinahayag niyang buhay na walang hanggan ang ibubunga nitong pagtalima sa kautusan. Ito nga at wala ng iba pa ang natatanging katuwiran ng Ama nating nasa langit.
Anomang aral kung gayon na lilihis dito ay maipasisiyang ikaliligaw ng kaluluwa ninoman. Magsipag-ingat nga kayo sa matatamis at mabubulaklak na dila ng mga sugong mangangaral ng mga anak ng pagsuway (kambing). Huwag ninyong pabayaan na ang inyong kaluluwa ay masilo ng naka-akmang mapanganib na bitag (evangelio ng di pagtutuli) ng mga tampalasan.
Ito ang Katuruang Cristo.
Suma bawa't isa ang natatanging pagpapala ng kaisaisang Dios ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan.
Hanggang sa muli, paalam.

Ang katumpakan ng inyong isinulat ay tatagos sa puso ng sinumang babasa(TUPA)marahil ito na ang hula na meron lalabas ngayong taon ng 2011 ang magpapabago sa pangkalahatang sekta ng organisasyon pangrelihiyon...
TumugonBurahinAng pagsisiwalat sa blog naito ay makikilala kung sino talaga ang anak ng pag sunod(TUPA)Ang pag talima sa kautusan ang siyang pag diriin ng mga propeta at ni Jesus na dapat lakaran ng mga tao.
TumugonBurahinHalleluyah
TumugonBurahinHalleluyah, mabuhay ka yohvshva.
TumugonBurahinMakinig lamang sa katuwiran ng Dios, at huwag paniwalaan ang mabubulaklak na pananalita ng mga pari at pastor. Tagapagligaw silang lahat ng kaluluwa. Simple lang ang pagpapakabanal sa mundo, at kung ano ang utos ay siyang sunod. Ganon lang kasimple. Sundin lang na maluwalhati ang mga kautusan (10 utos) ng kaisaisang Dios ng lumang tipan ng bibliya. Yun na yun.
TumugonBurahinHalimbawa, alam mong namamalo ang tatay mo. Sundin mo lahat ang kaniyang utos para hindi ka mapalo. Ganon din sa Ama natin na nasa langit. Simple lang, diba?
Amen !!!
TumugonBurahin